Cahpter 51 Shany “Hon, pupunta muna ako sa condo unit. Kukunin ko lang ang iba kong gamit. Saka puwede ko bang bisitahin si Katrina sa hospital?’’ tanong ni Lorenzo habang abala naman ako sa paglipat ng mga gamit ko sa cabinet. Katatapos lang namin mag-meryenda. Si Patricia naman nasa kaniyang silid. Binalaan na siya ni Lorenzo kanina na huwag kami isturbuhin dahil matutulog kami. Mabuti at nakatulog din ang bruha nang makarating kami rito sa bahay namin ni Lorenzo. Lima ang silid ng bahay na ito at mayroon din swimming pool sa gilid ng bahay sa tabi ng hardin. Sinamaan ko ng tingin si Lorenzo nang banggitin niya ang pangalan ni Katrina. Kahit kasi alam ko na wala na sila, pero hindi pa rin maiwasan na hindi ako magselos. Syempre, una niyang minahal ‘yon, eh! Marahil napansin niya na h

