CHAPTER 31 LORENZO "Hindi ka ba talaga papasok sa mansion ng Tita Amanda mo? Para naman makita mo ang napangasawa mo sana," mapanuksong tanong ni Mommy sa akin nang makarating kami sa labas ng mansion ng kaibigan ni Mommy na sina Tita Rosa at Tito Rafael. "Mom, next time na lang nagmamadali ako. Marami pa akong gagawin sa opisina," tanggi ko kay Mommy. "Mommy, let’s go. Hayaan mo si Kuya, kj ‘yan, eh!" yaya ni Patricia kay Mommy at inirapan pa ako. "I'm sorry baby Sis. Next time na lang," nakangiti kong sabi kay Patricia. Kumibot lang ang kaniyang labi saka bumaba na ng sasakyan. "Sige, Son. Pupunta na lang ako riyan sa opisina mo. Ingat ka sa pag-drive," bilin pa ni Mommy bago siya bumaba sa aking sasakyan. Tinulungan na rin sila ng security guard ng mansion na ipasok ang mga da

