Chapter 30 Shany Kinabukasan alas-otso na ako ng umaga nagising. Pinaliguaan ko si Piglets sa sarili kong banyo at pagkatapos kong patuyuin ang kaniyang katawan pinakain ko na siya ng kaniyang pagkain. Pagkatapos kong asikasuhin si Piglets ako naman ang naligo. Nagbabad ako ng isang oras sa bath tub bago ako nag-shower. Pagkatapos kong maligo at mag-ayos ng aking sarili kinuha ko ang aking skitch pad saka nagtungo sa terrace ng aking silid. Maganda ang simoy ng hangin malamig at dagdagan pa ang magandang view ng mga bulaklak ni Lola Isabelle. Tanaw ko rito si Lola, abala siya sa pagdidilig ng kaniyang mga bulaklak. Kahit matanda na si Lola, likas pa rin sa kaniya ang maliksi ang katawan. Palagi kasi siyang nag-exercise tuwing umaga o ‘di kaya pupunta siya sa mga kaibigan niya at mag-ba

