Chapter 75 SHANY Napapangiti ako habang nahihiya sa mga katanungan na iyon ni Lorenzo. Paano ko ba sasabihin sa kaniya kung paano naging kami? "Gusto ko malaman kung paano nagsimula ang pagmamahalan natin," pamimilit niya pa rin na tanong sa akin. "Basta huwag mo akong tawanan, ha?" wika ko sa kaniya. "Bakit naman kita pagtatawanan? Sabihin mo na sa akin, sige na. Malay mo at unti-unti ko na maalala ang lahat." Nagbuntong-hininga muna ako ng malalim bago sinagot ang mga tanong niyang iyon. "Noong una natin pagkikita, nag-aaral pa lang ako noon nang matalsikan mo ako ng sasakyan mo. Tapos ang sungit-sungit mo pa noon. Simula noong nakita kita hindi ka na nawala sa isip ko, kaya iginuhit ko ang mukha mo. Ipang taon ang lumipas nag-graduate ako ng college at inereto tayo ng mga magu

