Chapter 74 LORENZO “Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung may nangyaring masama sa mga anak natin. Kaya, naisin ko pa na mawala ako sa tabi mo kaysa mapapahamak kayo,’’ patuloy kong sabi kay Shany. “May kasalanan din naman ako kung bakit muntik na akong nakunan. Hinayaan ko ang sarili ko na ma-stress. Gusto ko lang naman kasi ang makaalala ka na. Para maalala mo rin ang pagmamahal mo sa akin,’’ malungkot niyang sabi sa akin. Pinalis ko ang mga luha sa kaniyang mga mata at hinawakan ang kaliwa niyang kamay. "Matagal kang nawalay sa akin. Gusto ko lang maramdaman ang pagmamahal mo. Hindi ko naman akalain na aabot tayo sa ganito. Hindi ko rin intensyon na saktan ka, pero bakit mo naman ginawa iyon kay Piglets? Alam mo ba kung gaano kasakit sa akin iyon? Simula ngayon ayaw ko na babang

