Chapter 77 Shany "Shany, kunin ko na ang isa mong pato, ha?" sabi ni Ate Allysa. Dumalaw sila ngayon sa bahay dahil bumalik na kami ni Lorenzo sa bahay namin. Walong buwan na ang aking tiyan. Hindi ko alam kung ano ang mayroon at nag puntahan ang mga kapitbahay ko sa amin. "Sa akin 'yong isa diyan," sabat naman ni Ate Ruby Rose. "Kukunin ko na rin' yong sa akin, Sha. Baka mamaya maubos na 'yan," saad naman ni Ate Zoey. "Mayroon kaming alaga niyan sa San Agustin, pero kunin ko na rin ang isa para may alagaan ang mga bata," sabat naman ni Ate Shiena. "Oh, ikaw Hanna, ayaw mo?" tanong ni Ate Zoey kay Ate Hanna na asawa ni Kuya Dexter. "Saan ko naman ilalagay 'yan, sa resort ng damuhog kong asawa?" sagot ni Ate Hanna kay Ate Allysa. "Ibigay mo kay Dexter, para mabawasan rin ang pa

