Pagkauwi ko sa bahay. Naghugas ako ng plato, nagwalis at gumawa ng homework, bago ako nagpahinga.
“Haaays tapos nadin sa wakas, makakapag online na ako hehehe.” Kinuha ko ang phone ko at nahiga na.
Ting!
Jeixz: Maui!
Jeixz: Buti nalang nag online kana, kanina pa kita hinihintay eh.
Napangiti ako. Hinihintay n’ya ako hehehe.
Maui: Kakauwi ko lang galing school at gumawa muna ako gawain bahay at homework bago nagpahinga.
Jeixz: Sipag naman talaga. Swerte ko.
Maui: Ako lang to ano ka ba hahaha. Swerte saan?
Jeixz: Wala, sakin na lang yun hahahaha ;)
Maui: Damot :3
Jeixz: Hahahaha cute mo Maui. Hmm, Maui gusto kita makita, punta ako jan sa inyo, gusto ko din makilala bf mo at mga kaibigan mo.
Maui: Talaga sure ka?
Jeixz: Opo, gusto kita makita sa personal Maui.
Maui: Osige sasabihin ko kay Nico.
Jeixz: Hmmm maui favor naman.
Maui: Ano yun?
Jeixz: Sana walang banatan na mangyari, ayoko ng away gusto ko peace lang tayo.
Maui: Hindi ka naman babanatan dito, pero sige sasabihin ko kay Nico.
Jeixz: Ayun salamat Maui.
Maui: Wait! Alam mo na papunta dito?
Jeixz: Oo naman 18 years old na ako no hahahaha maalam na ako sa byahe, dati kasi hindi eh, hindi ko nga alam na magkalapit lang pala tayo ng lugar edi sana dati pa lang napupuntahan na kita. Hindi sana ako naunahan hehehe
Maui: Oo nga eh, dati hindi talaga natin alam eh hahahaha, pero ako di ko alam papunta sa inyo. Di pako nakakagala jan eh.
Jeixz: Hayaan mo, madadala din kita dito. Sige na Maui lowbat na ako eh, pahinga kana, thanks sa time. Kita kits.
Maui: Okay byee
Bakit parang excited akong makita s’ya? After 2 years, ano na kayang itsura n’ya? Gwapo pa rin kaya s’ya? Nakikita ko naman picture n’ya sa f*******: pero iba pa rin pag sa personal diba?.
Ting!
Nico: Yanna andito ako sa court, punta ka.
Maui: okay
Pumunta nga ako gaya ng sabi n’ya. Sa court ng subdivision namin, doon kami madalas magkita, bawal kasi ako magdala ng lalaki sa bahay, baka palayasin ako ni lola HAHAHAHA.
“Yanna!” Tumakbo s’ya papalapit sakin. Niyakap n’ya ako.
Umupo kami sa bench.
“Namiss kita.” Malungkot na sabi n’ya.
“Andito lang naman ako eh.” Sabi ko.
“Palagi ka namang busy hehe.” Ani n’ya. “Pero okay lang, naiintindihan ko naman.” Nakangiting sabi n’ya.
“Ay, sabi ni Jeixz, gusto n’yang pumunta dito, gusto n’yang makilala kayo.” I smiled.
Nawala yung ngiti sa labi n’ya saglit saka ngumiti ulit s’ya “Okay sige.”
“Nagfavor s’ya na sana walang banatan. Peace lang, ayaw n’ya ng gulo.” Kwento ko pa.
“Hindi namin s’ya babanatan, kasi alam kong magagalit ka, at ayokong magalit ka, alam mo yan.” Sabay pisil sa pisngi ko.
“Sigee, sasabihin ko.” Ngumiti ako. Para akong naeexcite na makit s’ya.
A week passed. Palagi kami nagchachat ni Jeixz. Aminado akong masaya ako kapag kausap s’ya. Palagi n’ya akong napapatawa, at nawawala yung pagod ko kapag kausap ko s’ya.
Ting!!
Jeixz: Bukas ako pupunta jaan Maui.
Maui: Sige, susunduin ka namin sa gate ng village.
Jeixz: Sige sige, see youu, sleep na tayo. Goodnight ;3
Maui: Goodnight ;))
Kinabukasan, sabado ngayon, wala kaming pasok. Pumunta na ako sa court kasi sabi ni Nico magkita kami doon eh.
“Tara na sa gate, andoon na yata s’ya.” Sabi ko, at hinila s’ya papunta sa gate.
Pagkadating namin sa gate, naghintay kami.
“Antagal naman n’yan.” Naiinip na sabi ni Nico. “Chat mo nga.”
Maui: Jeixz san kana? Andito kami sa gate.
“Nakalog out s’ya eh.” Naghintay pa kami.
“Nakakainip naman, tara na sa court, hindi pupunta yun.” Inis na sabi n’ya. Sumunod nalang ako kahit gusto kong hintayin si Jeixz.
Hindi pa kami nakakarating sa court, biglang umambon, kaya sumilong muna kami.
“Umaambon na, baka wala silang dalang payong.” Nag aalala sabi ko. Medyo malayo pa kasi yung bahay nila kaya nag aalala ako baka magkasakit s’ya.
“May dala yun.” Inis n’yang sabi.
Maya maya pa...
“Maui!!” Sigaw n’ong isang lalaki na nakasumbrero. Lumapit s’ya sa pwesto namin.
“Oy Jeixz, akala namin hindi na kayo pupunta.” Ang gwapo n’ya pa rin. Tumangkad na s’ya konti, matangos yung ilong n’ya, yung mga mata n’ya ang ganda, yung labi n’ya ang pula pula. Yung buhok n’ya parang pang korean. Basta ang gwapo n’ya.
“Umambon kasi eh kaya natagalan kami, buti nga alam ko yung court dito eh napunta ako dito dati, di ko alam na taga dito ka.” Hindi n’ya inaalis yung tingin n’ya sakin. May kasama s’ya kaibigan n’ya siguro.
“P’re, Nico nga pala. BOYFRIEND ni Yanna” Pakilala ni Nico sa sarili n’ya.
“Oy p’re, Jeixz, kababata ni Maui.” Nagshake hands sila. “Ito naman si Kyle, kaibigan ko.”
“Tara sa bench, para makaupo tayo.” Yaya ko sa kanila.
Grabe bakit parang may tension dito? Natutuwa ako na kinakabahan.
Jeixz POV
Ang ganda pa rin ni Maui, lalo s’yang gumanda. Yung buhok n’ya ang haba, may pagkabrown. Mga mata n’ya ang laki pero bagay sa kanya, ang cute tignan, ilong n’yang matangos na bilog, at yung labi nyang pink na pink, ang liit lang n’ya. Ang cute n’ya. Ang ganda ganda n’ya.
Sayang lang kasi may boyfriend s’ya. Dapat ako yun eh, hays. Hayaan mo Maui, mapapasakin ka rin.
“Kumain na kayo Jeixz?” Tanong ni Maui sa akin.
“Ah oo, kanina pa, kayo?” Tanong ko din.
“Oo kumain na kami.” Si Nico yung sumagot.
Kanina ko pa napapansin na parang inis sa akin si Nico. Mukha s’yang gangster sa personal. Hindi sila bagay ni Maui, kami yung bagay ni Maui hehehe joke lang, pero totoo yun.
“Ilang months na kayo?” Tanong ko kay Nico.
“Mag 3 months na kami.” Sagot n’ya sabay hithit ng yosi.
“Ano ba? wag mo dito yan ibubuga ah” Lumayo si Maui kay Nico, sabay takip sa ilong, ayaw n’ya usok ng sigarilyo kasi may hika s’ya.
“Ikaw, may girlfriend ka ba?” Tanong ni Nico sa akin.
“Ah wala hehe.” Sabi ko, tinignan naman ako ni Kyle.
“Ahh.” Hinawakan ni Nico sa kamay si Maui.
Maui’s POV
Hawak ni Nico yung kamay ko, nakita kong tinignan yun ni Jeixz.
“Nico, ingatan mo yan si Maui ah.” Biglang sabi ni Jeixz. “Hindi ko kasi yan naingatan eh napabayaan ko hehe.” Sabay kamot sa ulo n’ya, nakita ko yung lungkot sa mga mata n’ya.
“Kahit hindi mo naman sabihin p’re, iingatan ko talaga ‘to, ayokong mapunta pa sa iba ‘to.” Napatingin ako kay Nico. Dama ko yung tension sa kanya.
Pero nalungkot ako n’ong nakita kong malungkot yung mga mata ni Jeixz. Parang kumirot yung puso ko.
“Sino ba jan? Babanatan naba?!” Biglang pumunta si Jayson sa pwesto namin. Nakahubad pa s’ya ng damit.
“Tumigil ka nga Jayson para kang gago.” Saway ni Nico sa kanya.
“Joke lang nagbibiro lang ako.” Sabay tawa “Jayson nga pala mga p’re, isa sa siga dito sa village na ‘to.” Maangas na pagpapakilala n’ya.
“Jeixz.” sabi ni Jeixz
“Kyle.” ganon din ni Kyle.
“Nagbibiro lang ako kanina ah, hindi namin kayo gagalawin, kinausap na kami ni Nico.” Sabi ni Jayson. “Pero alam n’yo dati may mga maangas na dumayo dito. Niyabangan kami, pinagpapalo ko sila ng dos por dos, ang aangas kasi eh dayo lang naman.” Kwento n’ya.
“Hindi namin tinatanong tss.” Sabi ko sabay irap. “Dun kana nga, ang epal epal mo talaga.” Pinapaalis ko s’ya. Ayoko kasing isipin ni Jeixz na baka banatan sila dito.
“Maui, okay lang, may tiwala naman ako kay Nico eh saka nagbibiro lang naman s’ya.” Ani Jeixz, nginitian n’ya ako, ngumiti din ako.
“Oo nga p’re, wag mo nalang pansinin yan si Jayson, nagbibiro lang yan.” Sabi ni Nico.
Nagkwentuhan pa kami, at maya maya ay napagpasyahan nila Jeixz na umuwi na.
“Anong oras na pala. Uwi na kami p’re, Maui, Jayson.” Paalam ni Jeixz sa’min.
“Sige p’re ingat kayo.” Nag fist bomb pa sila.
“Ingat kayo ah. Nexttime ulit, babye.” Kumaway ako sa kanila.
“Babye!” Hinawakan ni Jeixz yung kamay ko. Mabilis lang tinanggal din n’ya.
Nagulat ako. Napatingin ako kay Nico, nakasimangot s’ya.
“Dito na kami p’re.” Paalam ulit ni Jeixz. “Maui, bye .” Kumaway s’ya sakin. Ganon din ang ginawa ko.
Umalis na sila pati si Jayson umuwi na. Naiwan kami ni Nico sa bench. Tumingin ako kay Nico, tahimik lang s’ya parang malalim yung iniisip n’ya.
“Ano iniisip mo?” Tanong ko, para mabasag yung katahimikan sa pagitan namin.
“A-ah wala.” Ngumiti s’ya.
“Ano ngaa?” Pangungulit ko.
“Bakit Maui tawag n’ya sayo?” Takang tanong ah.
“Ah, s’ya nagbigay ng nickname na yon sakin. Pati sila mama Maui narin tawag sa akin.” Ngumiti ako.
“Ahhh.” Tumango s’ya.
“Bakit mo natanong?”
“Ah wala.” Ngumiti s’ya. “Umuwi ka na, baka hinahanap ka na ng Lola mo.”
“Sige. Babye.” Nagpaalam na ako at tumayo. Hinila n’ya ako at hinalikan sa noo.
“Bye.” Malungkot na sabi n’ya. Ngumiti ako, at umalis na.
Habang naglalakad ako pauwi, nakangiti ako, kasi finallg nakita ko na rin s’ya sa personal after two years. Ang gwapo n’ya.
Pagkadating ko sa bahay.
“San ka galing?” Tanong sakin ni Tito Hanz
“Jaan lang sa tabi tabi.” Pumasok na ako sa kwarto at nahiga. Favorite ko talagang humiga ano ba hahahaha.
Ting!
Kinuha ko ang phone ko at binuksan ang messenger.
Jeixz: Maui nakauwi na kami.
Buti naman at safe silang nakauwi.
Maui: Goods, kakauwi ko lang din.
Jeixz: Ay hindi na kayo magkasama ni Nico?
Maui: Saglit lang kami nag-usap tapos pinauwi na n’ya ako.
Jeixz: Ah, Maui salamat sa time ah? Ang saya saya saya ko kasi nakita na kita at nakasama.
Maui: Ako din happy.
Ting!
Nico: Mahal, pwede po ba akong pumunta sa birthday ng tropa ko?
Mauvianna: Opo pwede, enjoy ka ahh.
Nico: Mag-iinom ako mahal ah.
Mauvianna: Okay po, enjoy ka po ah. Ingat ka papunta.
Nico: Sige punta na ako mahal. Iloveyou.
Mauvianna: Iloveyou.
Sino naman kayang tropa n’ya yung may birthday?. Di man lang ako sinama amp. Sabagay di rin naman ako papayagan ni Lola lumabas pa, anong oras na.
Ting!
Jeixz: Oy Maui?
Maui: Po?
Jeixz: Ang ganda mo sa personal.
Hoooy! Wait! Ba’t ako kinikilig!!!
Maui: Bolero ka hahahahaha
Jeixz: Luh totoo nga.
Maui: Osige sabi mo eh hahahaha
Jeixz: Yun oh.
Maui: Si Nico nagpaalam sakin na mag iinom daw sya sa birthday-an
Jeixz: Pinayagan mo?
Maui: Oo naman, may tiwala naman ako doon eh.
Jeixz: Okay sabi mo eh, sana magkita pa tayo ulit.
Maui: Sana ngaa ;))
Lumipas ang tatlong araw, naging busy ako sa school works, may project kasing pinapagawa si ma’am eh.
Bihira na rin kami mag-usap ni Jeixz at magkita ni Nico, busy kasi talaga ako. Si Nico parang naging cold sa akin, hindi ko muna pinansin, baka may problema lang s’ya.
Habang naglalakad ako papasok ng school, nakasalubong ko si Sandara.
“Be! I have chika dalii!!” Hinila n’ya ako sa classroom at umupo kami.
“Ano yon? Ang aga aga eh.” Tanong ko.
“Okay class goodmorning.” Dumating na yung teacher namin.
“Anubayan, mamaya na nga lang uwian.” Inis na sabi n’ya.
Ano kaya yun? Nakucurious ako, kinakabahan ako.
Uwian na. Naglalakad na kami ni Sandara pauwi.
“Hoy babae, ano ba yung chichika mo kanina?” Tanong ko sa kanya.
“Ay oo nga pala” Pinulupot n’ya yung braso n’ya sa braso ko. “May nasagap ako balita, ikakagalit mo to pero deserve mong malaman.” Dirediretsong sabi n’ya.
Lalo akong nacurious, ako kaya yon? Kinakabahan ako lalo.
“Ano yun?” Curious na tanong ko.
“Naalala mo last time? Nung birthday ng tropa nila Jayson? Diba pumunta din si Nico doon?” Tanong n’ya.
“Oo, nagpaalam pa nga s’ya eh.” Sabi ko.
“May nakapagsabi sa akin na babae na kasama nila doon sa inuman. Nakita daw nila ni Nico at si Jean na naghahalikan sa kwarto, may nangyari daw sa kanila.”
“A-ano?!” Naiiyak ako shet. Totoo ba’to?
“Wag ka iiyak dito shemay ka.” Hinila n’ya ako, malapit na kami sa bahay. Pero hindi ako sa bahay dumiretso, sa bahay nila Sandara.
“Ito, tignan mo.” Hinarap n’ya sakin yung phone n’ya.
Mangiyak ngiyak akong kinuha yon. Lalo akong naiyak sa nakita ko, may picture pala sila na inupload nung time na yon. Group photo nilang magkakasama, at nakaakbay si Nico sa babae, nakayakap naman sa kanya yung babae.
Ang sakit. Hindi ko ineexpect na mangyayari sa akin ‘to, ang laki ng tiwala ko sa kanya eh.
“Shhh iyak mo lang.” niyakap ako ni Sandara.
Nang matapos ako umiyak. Nagpaalam na ako na uuwi na. Nagpalit ako ng damit at pumunta sa bench.
Mauvianna: Nico, andito ako sa bench puntahan moko ngayon na.
Pinigilan ko yung luha ko. Ayokong umiyak dito, ayokong ipahalata sa kanya na may alam ako.
Nico: Sige mahal, hintayin moko ;) Mahal kita.
Hindi ko na s’ya nireplyan, mahal? Tss kung mahal mo ako hindi mo ako lolokohin.
“Mahal!” Tumakbo s’ya palapit sakin, ngumiti ako, tumabi s’ya sa akin. “Hindi kana busy? Tapos kana sa project?” Tanong n’ya.
“Malapit na.” Maikling sagot ko. “Wala ka bang sasabihin sa akin?” Tanong ko.
Nabigla s’ya sa sinabi ko. Parang kinakabahan s’ya. “H-ha? A-ano naman yun?” Nauutal pa s’ya.
“Ano nga ba?” Tiningnan ko s’ya.
“Ano ba y-yon? Sabihin mo na.” Kinakabahan s’ya.
Inabot ko sa kanya yung phone ko. “Ano yan?” Tanong ko, pinipigilan kong maiyak.
Tinignan n’ya yung phone ko at nagulat s’ya. Pinakita ko kasi sa kanya yung picture nila.
“M-mahal. Wala akong alam dyan.” Tanggi n’ya.
“Tss.” Tumawa ako. “Wag mo nga ako gawing bata. Ano yan? Niloloko mo ba ko?” Inis na tanong ko.
“S-sorry...” yumuko s’ya. “Hindi ko sinasadya, lasing ako Yanna.”
“Hindi reason yung lasing ka.” Naiiyak na ako. “Bakit mo nagawa sa akin to? Nagkulang ba ako sa’yo?” Tuluyan na nga akong umiyak.
“Sorry. S-sorry.” Malungkot na sabi n’ya.
“M-may nangyari ba sa i-inyo?” Umiiyak na tanong ko. “Sagutin mo ng totoo please.”
Hindi s’ya sumagot.
“Bakit hindi mo sinabi sa akin agad? B-bakit sa iba mo pa malalaman?.” Tanong ko sa kanya.
Hindi s’ya sumasagot.
“Mahal kita eh.” Umiiyak na sabi ko. “Kung alam ko lang na mangyayari to sana hindi na kita pinayagan.”
“S-sorry...” Paghingi n’ya ng tawad. “S-sana mapatawad moko.”
“Hindi ko alam.” Pinunasan ko luha ko. “Mapapatawad kita” sniff “Pero hindi mo na maaalis sakin yung sakit.”
Tumulo yung luha n’ya. “S-sorry...” sniff “S-sorry Yanna, hindi kita deserve.” Umiiyak s’ya.
“Nico, a-ayoko na.” Nagulat s’ya sa sinabi ko.
“H-ha? Yanna ayusin natin to please.” Nagmamakaawang sabi n’ya.
“May nangyari na sa inyo, pano kung mabuntis s’ya? Ako nalang magpaparaya. Hindi ko din alam kung mababalik ko pa yung tiwala ko sayo.” Umiiyak na sabi ko.
Tumahimik s’ya, umiyak lang ako ng umiyak hanggang sa mapagod ako.
Pinunasan ko yung luha ko at tumayo. “Salamat sa lahat. Sana maging masaya ka sa kanya, alam ko na kung bakit ka naging cold lately, meron na palang s’ya.” Ngumiti ako. “Alis nako, bye.” Tumalikod ako, hinila n’ya yung kamay ko at niyakap ako,
“I’m sorry” hinigpitan n’ya yung yakap n’ya “Hindi ko sinasadya, alam kong mali ako kaya papayag ako sa gusto mong mangyari, hindi moko deserve, hindi ko napanindigan yung sinabi ko na iingatan kita, sorry Yanna.” Naramdaman kong tumulo luha n’ya sa balikat ko.
“Okay lang, nangyari na eh, wag mo lang sana gagawin sa kan’ya, sana maging masaya kayo.” Umalis s’ya sa pagkakayakap at hinalikan ako sa noo.
“Sorry.” Sabi n’ya. Tumalikod ako at naglakad na pauwi.
Pagpasok ka sa kwarto, umiyak ako, nasasaktan ako.
Ting!
Kinuha ko ang phone ko, nanlalabo mata ko dahil sa luha, pinunasan ko ito.
Jeixz: Hi Maui, kamusta?
Maui: Hindi okay ;(
Jeixz: Bakit?
Maui: Wala na kami.
Jeixz: Ha? Anong nangyari??
Maui: Niloko n’ya ako.
Jeixz: Call ako pwede?
Maui: Sigee