***Jeixz Montero is calling you***
Accept | Decline
“Maui..” tawag sa akin ni Jeixz. “Are you okay?” Nag aalalang tanong n’ya.
Pagkatanong n’ya palang kung okay ako, naiiyak na naman ako eh.
“I’m not...” hindi ko na napigilang lumuha.
“Anong nangyari? Ikwento mo makikinig ako.” Sabi n’ya.
“Niloko n’ya ako.” Sniff. “Ang laki ng tiwala ko sa kanya Jeixz.” Naiiyak na sabi ko.
“Go on... andito lang ako makikinig ako para kahit papano gumaan pakiramdam mo.”
Huminga ako ng malalim.
“Naalala mo last time? N-nung nagkita tayo sa bench?.” Tanong ko sa kanya.
“Oumm.” Sagot n’ya.
“Pagkauwi ko nun, nagpaalam s’ya na pupunta s’ya sa birthday ng tropa n’ya, at iinom daw s’ya. M-malaki yung tiwala ko sa kanya kaya pumayag ako...” Pinunasan ko luha ko. “Tapos kanina, may nalaman si Sandara, bespren ko, nalaman n’ya na may babaeng nakahalikan si Nico, at worst, may nangyari sa kanila.” Tumulo na naman yung luha ko.
“Ano?! Gago pala s’ya eh.” Halatang galit yung boses n’ya.
“May p-picture pa na nakaakbay s’ya sa babae at nakayakap yung babae sa kanya. Pagkauwi ko kanina, nakipagkita ako sa kanya, kunompronta ko s’ya in a nice way, hindi ako nag eskandalo. Mahinahon lang ako.” Kwento ko pa. “Sabi ko na ayoko na, hindi ko kasi ineexpect na magagawa n’ya sa akin ‘to. Minahal ko s’ya kahit mag 3 months palang kami...” Dagdag ko pa habang naluha.
“Sana anjan ako para mayakap ka.” Sabi n’ya, ramdam ko yung pag aalala n’ya para sakin.
“Inamin n’ya na totoo yun at nagsorry s’ya. Pinatawad ko s’ya, pero ayoko na. Hinayaan n’ya lang ako...” nasasaktan ako. “Nagparaya ako.” Kwento ko pa.
“Hindi mo deserve yung ganoong klaseng tao Maui. You deserve someone better.” ani Jeixz.
“Alam mo..” Humiga ako patagilid. “Hindi ko alam kung bakit n’ya nagawa sa akin ‘to, siguro hindi talaga kami yung para sa isa’t isa.” Malungkot na sabi ko.
“Tapos kana ba umiyak?” Tanong n’ya.
“Hmmm opo kanina pa. Gumaan kahit papaano yung loob ko kasi may nakausap ako.” Napangiti ako. “Salamat anjan ka.”
“Wala yun, palagi akong andito Maui kapag may problema ka, wag ka mahiya magsabi.” Sabi n’ya.
“Sige na inaantok na ako, salamat sa oras, goodnight Jeixz.” Paalam ko, humikab ako.
“Halata ngang antok kana hahaha, sige matulog kana kailangan mong magpahinga. Goodnight Maui.” Nagpaalam na rin s’ya.
Pinatay ko na yung tawag, at huminga ng malalim, itutulog ko nalang ‘to.
“Be, papasok ka ba? Anong oras na.” Ginising ako ni lola, hindi pala ako nakapag alarm kagabi.
Bumangon ako at nag almusal bago naligo. Parang nakakawalang gana kumilos ngayon, pero kailangan ko gumawa, kailangan kong pumasok, walang mangyayari kung dadamdamin ko yung nangyari.
“Pasok na po ako ‘la.” Paalam ko kay lola.
Sumakay na ako sa jeep, at sakto nakasabay ko si Sandara.
“Ano girl, kamusta ka?” May bahid ng pag aalala yung tono ng boses n’ya.
“Okay naman I guess?.” And I shrugged my shoulders.
“Ano nangyari sa pag-uusap n’yo?” Tanong n’ya.
Medyo nalungkot na naman ako.
“If you don’t wanna talk about it, it’s okay naman.” She said. I smiled.
“No, baliw ka.” Kinuwento ko sa kanya lahat.
Pagkababa namin ng jeep nagchichikahan pa rin kami, buti nalang wala kaming teacher sa first subject, nagchat si Sir sa group chat na hindi s’ya makakaattend today.
“Nakakainis din yang si Nico eh, sa ganda mong yan nagawa ka pang lokohin.” Inis na sabi ni Sandara.
“Oo nga eh.” Pag sang-ayon ni Franzelle. “At saka baka kating kati din talaga yung babae.” Dagdag pa n’ya.
“Alam ba nung babae na may boyfriend si Nico?” Tanong ni Kierra.
“I don’t know.” Sagot ko. “Ayoko ng isipin yon. Baka mastress lang ako. Change topic na.” Sabi ko, ayokong malungkot lang ako buong araw, nakakasira ng beauty.
“Nagkakausap pa kayo ni Jeixz?” Tanong ni Sandara. Tumango naman ako bilang sagot.
“Yieeeeeee ayan ahh.” Pang tutukso ni Franzelle.
“Comeback na ba itoooo?” Gatong pa ni Kierra.
“Che! Manahimik nga kayo, friends lang kami okay? Kaya nga childhood friends eh. Friends.” Diniin ko talaga yung word na friends para dama.
Dumating na yung second subject teacher namin kaya natigil kami sa pagkukwentuhan.
“Okay class, group yourself into two groups all boys and all girls, we will have a debate.”
Dali dali akong hinila ng mga kaibigan ko.
“Hindi tayo pwede maghiwa-hiwalay.” Sabi ni Sandara, nakapulupot pa yung braso n’ya sa akin. Tumawa lang kami.
“Okay, You’ll look so excited huh?” Our teacher said while her hands is on her pocket. “The topic na pagdedebatehan n’yo is all about cheating in a relationship.” Nabulong bulungan ang mga kaklase ko.
“Tignan mo nga naman, nananadya ang panahon.” Biro ko sa mga kaibigan ko. Kakagaling ko lang sa heartbreak. Tapos, cheating ang topic, patayin n’yo nalang ako hahahaha joke.
“Okay leader of the group come here on my table.” Tawag ni ma’am sa leader ng bawat group, lumapit naman sila. “Bunot kayo.” Nagbunutan sila. Inabot nila pareho kay ma’am ang nabunot na papel.
“Okay girls group kayo ay ang disagree sa cheating, at boys kayo naman ang agree.” Paliwanag sa amin ni ma’am.
Nagsama sama kaming mga babae at ganoon din ang ginawa ng mga lalaki.
“Okay.” Tumingin si ma’am sa aming lahat. “Pumili kayo ng unang representative ng group ninyo.”
Pinili namin yung group leader namin na si Anna. Sa boys naman ay ang leader din nila.
“Since you’re ready.” Tumingin si ma’am sa papel na hawak n’ya. “First question, Do you think, cheating on your partner is okay?.”
“No ma’am.” Sagot ni Anna
“Why?.” Tanong ni ma’am.
“Cheating is never okay. No matter the circumstances, cheating is never justified. Tapusin n’yo nalang yung relationship if you think you deserve better. Cheating on your partner is just like stabbing right through their heart. Would any person in their right mind inflict such harm to their loved ones?.” Mahabang explain ni Anna.
Tama, cheating is never okay. Bakit magchicheat diba? Kung ayaw mo na, hiwalayan mo na kaysa sa magcheat ka.
“No, cheating is okay.” Pagdedepensa ni Mark sa group nila. “Cheating is acceptable. Most of the greatest people in the world cheated at one point or another. It is only human nature to want to advance yourself as much as possible. While it is usually unacceptable, there are certainly situations when cheating is acceptable. If it is for self advancement or the greater good, why not?.” Paliwanag n’ya.
“Okay next question, next representative.” Tawag ni ma’am. Si Franzelle ang sunod. Si Derick naman sa kabilang group.
“Would you tell your friend that their partner is cheating.?” Tanong ni ma’am.
“Yes ofcourse.” Panimula ni Franzelle. “Bakit? Makakaya mo bang itago sa kaibigan mo if ever na malaman mo na their partner cheat on them.”
“Oo naman. It’s none of your business, hindi ka dapat nangingialam sa relasyon nila. Hayaan mo na malaman ng isa na nagchicheat yung partner n’ya.” Si Derick.
“Huh?!” Nakapamewang pa si Franzelle. “Talaga? Patutulugin ka ng konsensya mo? First off, this is a horrible and difficult position for you to be in, and unsurprisingly there’s no straightforward answer.” Panimula ni Franzelle. “Whatever you do, it’s likely to have consequences and you could cop the fallout. That’s true even if you say nothing. Suppose your friend finds out about the infidelity and then realizes that you knew all along? “You mean you knew and you didn’t tell me!”, they might say - “how could a friend do that?” You could start by trying to ask yourself as a guide how you think you’d feel in your friend’s situation, hindi ba mas gugustuhin mo din na malaman?” Dugtong n’ya.
“For me, I won't tell my friend that his or her partner cheating on them.” Panimula ni Derick. “Many consequences can happen kapag sinabi mo. You can ruin a relationship, Can you ruin the relationship that your friend has? You should not interfere with their relationship. When your friend finds out that his partner cheated, keep quiet and don't say you know so that you don't feel sorry for them.”
“Okay last question, If you find out that your partner is cheating on you, would you forgive on them?”
Ako na yung huling representative.
“It depends on a situation.” Panimula ko. “We have a different outlook in life. Some of you would forgive your partner and some of you would not, It depends on the pain that the person has caused you. Based on my experience, I can forgive but I can't forget the pain that people gave me. But many people cannot afford to forgive what their partner has done. Sabagay, can you really forgive the person who caused you pain? Can you forgive the person who ruined your mental health? The one who gave you pain and soreness in your heart? Can you forgive the person who ruined the confidence you have?” Parang naiiyak ako pero ayoko umiyak dito.
*Criiinggggg criiiinggggg criiingggg*
Nag bell na kaya hindi umabot ang kabilang grupo.
“Okay class, goodbye.” Paalam ni ma’am.
“Hoooo natapos din.” Tumingin sila sakin “Pero grabe ahh, about cheating pa.”
“Oo nga eh hahaha” tumawa ako pero deep inside nasasaktan pa rin ako sa nangyari.
After class, umuwi na ako, humiga ako at nag-isip isip. Naiisip ko si Nico, masaya kaya s’ya ngayon sa bago n’ya? Sana hindi n’ya gawin sa kanya ginawa n’ya sa akin.
Three weeks later...
Ang tagal naman magreply ni Jeixz, ano kayang ginagawa nito?
Jeixz: Maui, sorry may ginawa lang.
Maui: Ano ‘yun?
Jeixz: Inutusan kasi ako ni mama eh.
Maui: Ahhh okii
Sa loob ng three weeks, nagkakausap kami ni Jeixz palagi, dinidistract ko din yung sarili ko para hindi ko maisip yung nangyari. Ayoko na rin isipin yun, nangyari na eh. Ang mahalaga okay na ako ngayon. Napapatawa ako palagi ni Jeixz, minsan magkatawagan kami. Nakakatuwa s’ya puro s’ya joke.
Jeixz: Maui, busy kaba sa linggo?
Maui: Hmm hindi naman, bakit?
Jeixz: Yayain sana kita sa park. Gala gala tayo.
Maui: Hmmm pilitin moko ;3
Jeixz: Hahahaha ang cute mo, please Maui please please please :33
Maui: Hahahaha osige sabi mo eh.
Jeixz: Matulog kana may pasok ka pa bukas. P.E.n’yo bukas ah.
Maui: Ay oo nga pala muntik na mawala sa isip ko. Sige sleep nako, goodnight ;)
Jeixz: Goodnight, sleepwell ;)
Nakangiti akong natulog, kinikilig kasi ako, magkikita na naman kami ni Jeixz.
“Talaga? Magdedate kayo?!” Excited na tanong ni Sandara.
“Gaga, hindi kami magdedate. Magkikita lang kami, gagala ganon.” Paliwanag ko.
“Date yun baliw kaba!” Pinipilit n’ya talagang date yun.
“Ay ewan ko sayo bahala ka.” Sabi ko na lang.
“Kailangan mong bumili ng bagong damit.” Ngiting ngiting sabi n’ya.
“Ha? Bakit? Para saan?” Takang tanong ko.
“Magkikita kayo, dapat maganda ka ano ka ba.” Inirapan n’ya pa ako.
“May mga damit ako sa bahay saka maganda na ako no ba hahahaha.” Parehas kaming natawa.
“Ah basta, after class pupunta tayo sa mall,yieeeee excited na akooo.” Nagtatatalon pa s’ya sa tuwa, abnormal talaga.
After class, pumunta nga kami ng mall gaya ng sabi n’ya.
Pumasok kami sa isang boutique.
“Ito bagay sayo.” Inabot n’ya sa akin yung croptop na damit. Color brown ang kulay ng damit, off-shoulder na long sleeve at may dalawang tali sa gilid, naaadjust s’ya. “Sukatin mo dali na.”
Sinukat ko nga gaya ng sabi n’ya.
“Ayan ang ganda, kunin mo yan ha bagay sayo.” Sabi ni Sandara.
Hinubad ko na at naghanap pa ako ng damit.
Naghanap ako ng baggy jeans na babagay sa damit ko. May nakita naman ako at agad na sinukat yun. Sakto lang s’ya sa waist ko, buti naman. Ang liit kasi ng bewang ko 24-25 kaya minsan nahihirapan ako maghanap ng right size sa bewang ko.
Nang matapo kami mamili ng damit, bag at sapatos, napag pasyahan namin na kumain muna sa starbucks.
“So anong plano mo?” Tanong sakin ni Sandara.
“Plano saan?” I asked her back and I sip on my drink.
“Duh? Kay Jeixz? Halatang may feelings kapa sa kanya ‘te at ganon din s’ya sayo.” Umirap s’ya.
“Anong gusto mo? Ligawan ko s’ya? Baliw ‘to.” Inirapan ko din s’ya.
“Hindi masama mag first move.” Sabi n’ya.
“At ayokong magfirst move.” Sumubo ako ng bread.
“Pero seryoso, gusto mo s’ya?” Seryosong tanong n’ya.
“Hmm hindi ko alam, basta masaya ako kapag kausap s’ya, hindi s’ya nawawala sa isip ko, nalulungkot ako kapag hindi s’ya nakaonline, gusto ko s’ya palagi kausap.” Paliwanag ko.
“OMG! Hindi mo s’ya gusto, love mo s’ya.” Naubo ako sinabi n’ya.
“Love agad? Ganon kabilis?” Tanong ko.
“Kailangan ba mabagal? Nakikita ko sa mata mo sis, love mo na s’ya.” Ani nya. “OMG ang bestfriend ko talandi hahaha.” Tumawa s’ya.
“Ewan ko sayo ang dami mong alam.” Sabi ko nalang.
*cringgg cringgg*
Tumatawag si Jeixz. Sinagot ko naman.
“Mauiiii!” bungad n’ya sa akin.
“Oy Jeixz, bakit?” Tanong ko naman. Si Sandara kinikilig na sa gilid.
“Wala lang namiss ko lang boses mo hehe.” Sagot n’ya.
Napangiti ako “Che!”
“Nasaan ka Maui?” Tanong n’ya.
“Nasa mall ako.” Sagot ko naman, uminom ako ng drinks ko.
“Anong ginagawa mo d’yan?” Takang tanong n’ya.
“May binili lang, kasama ko si Sandara.” Sagot ko naman.
“Ay ganon ba, sige shopping well, mamaya nalang, take your time.” Paalam n’ya.
“Osige bye.”
“Ingat ka pauwi ha. Byee” Narinig ko pang nag “mwah” s’ya bago patayin ang tawag.
“Ang haba ng hair oh, sandali natatapakan ko na hair mo.” Biro ni Sandara, umarte pa s’yang hawak ang buhok ko.
“Che!” Tumawa nalang ako.
Pagkatapos namin kumain, umuwi na kami.
Chinat ko si Jeixz.
Maui: Nakauwi na ako .
Jeixz: buti safe kayong nakauwii.
Maui: Oo nga eh.
Jeixz: Kumain ka na?
Maui: Yup, kanina sa mall.
Jeixz: Yieee sana aill.
Maui: Kumain ka na ba?
Jeixz: Oo naman :) Send ka picture mo.
Maui: Okii.
I took a picture, nakasmile ako then peace sign, gumamit ako ng filter para cute ako hehehe.
~sent~
Jeixz: Haaay, busog na ako sa ngiti mo.
Maui: Che hahahaha bolero ka.
Jeixz: Totoo nga, ang ganda ganda mo kapag nakangiti ka.
Maui: Wag mo nga ako bolahin baka maniwala ako HAHAHAHA
Jeixz: Hindi ako nambobola, totoo yun ‘no.
Maui: Osige may dos ka sakin hahaahaha
Jeixz: Gawin mo ng lima hahahaha limang kiss, joke.
Kinilig naman ako, ang ganda ko daw yieeeeeee.
Maui: Kiss mo mukha mo hahahaha.
Jeixz: Maui hindi ka ba napapagod?
Huh? Nagtaka naman ako.
Maui: Napapagod saan?
Jeixz: Kanina ka pa kasi tumatakbo sa isip ko, baka gusto mo magpahinga sa puso ko.
Napangiti naman ako, lakas bumanat ahh. Teka bat ako nagbablush?
Maui: Ang corny mo hahahaha
Jeixz: Sus, aminin mo na, kinilig ka doon, okay dagdag pogi points.
Maui: lakas bumanat eh.
Jeixz: Ako lang to kalma HAHAHAHA.
Ilang oras pa kaming nagchat, nagbiruan, ilang beses n’ya akong pinakilig hahahaha
Gusto ko ba s’ya? Siguro oo. Basta isa lang ang alam ko, masaya ako pag nanjan s’ya.
Kinabukasan, Sabado..
Dahil aalis ako bukas, ngayon ako maglalaba. Nag-almusal muna ako bago naglaba.
Ting!
Jeixz: Goodmorning Kamahalan ;3
Maui: Goodmorning ;)
Kamahalan? Nakakakilig hihihihi
Jeixz: Kumain ka na?
Maui: Yup, maglalaba na ako.
Jeixz: Sige laba well, wag kang papakapagod ah.
Hindi na ako nagreply.
Linggo...
Magkikita na kami, excited ako na kabado. Kinikilig ako ano ka ba Maui.
It’s already 3pm kaya naligo na ako, 5pm kami magkikita para hindi mainit.
Nagcurl ako ng hair, yung dulo lang para maganda at mabilis lang. I put some blush on, mascarra and brow soap, hindi na ako nakikilay since makapal naman yun kilay ko. Nagliptint ako. Sinuot ko yung Off-shoulder croptop na binili namin at yung jeans. i wear white skechers para comfortable sa paa. I spray some cologne, ayoko ng perfume sumasakit ulo ko sa amoy kaya baby cologne ang ginagamit ko.
Ting!
Jeixz: Maui on the way na ako, see you, wag ka magmadali take your time.
Maui: okii take care ;)
Tumingin ako sa salamin at ngumiti, ang ganda ko hays hahaha.
Kinuha ko ang bag ko at umalis na. Nagpaalam ako kay Tito kasi wala si lola umalis.