Jeixz POV:
I am here na sa park, simple lang yung damit ko, pogi naman ako eh hahaha. Nakasuot ako ng white T-shirt at black jacket, nagjeans at rubber shoes lang ako. Sapat na para maging pogi.
I texted her na andito na ako sa park. Nakaupo ako sa isa sa mga bench dito. Excited akong makita s’ya.
Ting!
Dali dali akong tumingin sa phone ko. Hindi naman pala si Maui yung nagtext. I just ignore it. Nagmuni muni muna ako sa paligid, ang ganda talaga dito sa park, ang daming mga puno.
Ringggg ringggg
Maui Sinagot ko naman agad.
“Maui?!” Excited kong sagot. “Where are you na?” I asked her. Sorry excited lang akong makasama s’ya.
“Andito na sa park, saan kaba banda?” She asked.
“Sa pangatlong bench.” I answered.
“Okay, I saw you na. Baba ko na ah.” Then she ended the call.
“Jeixz!” Lumingon ako doon sa tumawag
Wooow! Napakaganda n’ya... Parang nag slow motion yung paligid ko habang papalapit s’ya sa akin. Ang ganda ganda n’ya, yung buhok n’yang kinulot yung dulo, bagay sa kan’ya. Grabe hindi ko maalis tingin sa kan’ya. Inlove na ata akooo Maui’s POV:
Nakita ko na si Jeixz, kaya tinawag ko s’ya at lumapit sa kan’ya. Teka bakit ba ganito ‘to parang natutulala.
Nang nasa harap na n’ya ako. I snap my fingers on his face. “Huy, ano ba yan natutulala.” I laughed.
“H-ha? Sinong natutulala, hindi ako natutulala no!” Depensa n’ya sa sarili n’ya.
I laughed “Oo na hindi na, so saan tayo?” I asked him.
“Ahh, dito muna tayo, ang ganda ng tanawin dito eh.” Umupo s’ya at tumabi naman ako sa kan’ya.
“Kamusta ka?.” Tanong n’ya.
“Okay naman, ikaw ba?.” I asked him back.
“Okay na okay, kasama kita eh.” Ngumiti s’ya sa akin at ganon din naman ako sa kan’ya.
“Kumain kana na? Kain muna tayo.” Yaya n’ya sa akin.
Tumango na lang ako, pumunta kami sa malapit na restaurant dito.
“Anong sa’yo?.” Tanong n’ya, sinabi ko yung gusto konat umorder na s’ya.
“Kamusta kayo ni Nico?.” Tanong n’ya.
Ewan ko pero parang hindi na ako nasasaktan pag naririnig ko yung pangalan n’ya.
“Okay na ako, hindi na kami nag-uusap, nakamove-on na ako sa kan’ya.” Taas noong sagot ko sa kan’ya.
Ngumiti s’ya. “Good for you.”
“Kamusta ka pala nung naghiwalay tayo?” Tanong ko nagulat s’ya. “I mean nung naghiwalay tayo ng landas, nung umuwi ka dito.” Paglilinaw ko.
“Hinanap kita syempre, ayoko kayang umuwi nun, gusto ko doon lang ako, gusto kita kasama.” Panimula n’ya. “Nagsesearch ako araw araw sa sss ng Mauvianna Montilla, pero walang lumalabas na ikaw.” Halata sa boses n’yang malungkot s’ya.
“Ako din, nung unang araw na nagkaroon ako ng sss, ikaw una kong hinanap, pero sadly may girlfriend ka na pala agad.” Naalala ko yung time na yun.
“Akala ko kasi hindi na tayo magkikita eh.” Paliwanag n’ya. “I’m sorry.” Paghingi n’ya ng tawad.
“Dineny mo pa nga ako eh tss.” Kunwaring inis na sabi ko.
“Huh? Dineny?” Takang tanong n’ya.
“Wag kana mag maang-maangan pa.” Kinuha ko yung phone ko. “Here oh.” Pinakita ko sa kan’ya yung screenshot nung chat n’ya na yon.
“I don’t remember na sinabihan kita ng ganyan. At hindi kita sasabihin ng ganyan.” Paliwanag n’ya. “Ah, baka si Ellaine nagchat n’yan. Hawak n’ya kasi account ko eh.” Dugtong n’ya.
Nagulat naman ako. “Really? So s’ya yung nagsabi na break na tayo? Hindi ikaw?” I was shookt, all this time, hindi pala talaga kami officially naghiwalay, at hindi s’ya yung nagsabi non, nagalit pa ako sa kan’ya dati.
“Nope, I would never do that. Sa totoo lang kung alam kong may sss ka na, hihiwalayan ko si Ellaine eh. Para sayo.” Sabi n’ya.
I blushed. “Hindi mo naman kailangan gawin yon.” Sabi ko. “Saka hayaan na, past na eh, tapos na yun.” I smiled at him.
Dumating na yung order namin kaya nahinto kami sa pagkukwentuhan. We start eating.
“Maui.” Tawag n’ya sa akin. Tumingin ako sa kan’ya. “May dumi ka sa mukha.” Sabi n’ya.
“Huh? Saan?.” Pinunasan ko mukha ko.
“Here.” Pinunasan n’ya malapit sa lips ko. Nahihiya ako OMG!!
“A-ah hehe thankyou.” Sabi ko at tumuloy sa pagkain.
Tumawa s’ya ng mahina. “Ang cute mo talaga.” He pinched my cheeks, and tumuloy na rin s’ya sa pagkain.
After namin kumain, by the way, s’ya yung nagbayad sa pagkain namin, sabi ko KKB kami ayaw n’ya treat n’ya daw kasi s’ya daw nagyaya. Wala naman ako nagawa kaya pumayag na ako.
“San na tayo?.” I asked him.
“Halika, dadalhin kita sa lugar kung saan ako pumupunta para marelax.” Hinawakan n’ya ako sa wrist.
Kinikilig ako, ang saya saya ko ;))
“Wow, ang ganda naman dito.” Dinala n’ya ako sa isang punong malaki, at kitang kita mula dito yung mga ilaw na galing sa kalsada. Ang ganda ganda sobra.
“Dito ako nagpupunta kapag gusto ko mapag-isa, kapag gusto ko magrelax ganun.” Sabi n’ya. “Halika puno ka dito.” Naglagay s’ya ng panyo para hindi ako madumihan kapag umupu ako sa d**o.
“Thank you.” Nginitian ko s’ya.
Nakaupo lang kami at ninanamnam ang ganda ng tanawin, nakakarelax nga.
“Maui..” tawag n’ya sa akin.
“Hmmm?” Sagot ko naman habang nakatingin sa tanawin.
“Pwede ba kitang ligawan?.” Diretsong tanong n’ya.
Tumingin ako sa kan’ya, nagulat ako, totoo ba to?. Kurutin n’yo nga ako. Ayaw n’yo? Oh sige ako nalang gagawa. Kinurot ko sarili ko, ouch ang sakit, totoo nga to?. Anong sasabihin ko?.
“It’s okay Maui, kahit gaano mo pa ako katagal sagutin. Manliligaw pa rin ako kahit hindi ka pumayag.” Kinuha n’ya ang kamay ko at hinalikan n’ya. “Oh bat di ka na makapagsalita?” Tumawa s’ya ng mahina.
“A-ah E-eh.” Hindi ko alam sasabihin ko.
“I O U?” Tumawa na naman s’ya.
“Epal mo.” Binawa ko yung kamay ko sa kan’ya at sumimangot. Pero deep inside natutuwa yung puso ko, kinikilig ako. Ang saya saya ko.
“Eto naman hindi mabiro.” Ngumiti s’ya. “Sorry na.” Nagpout pa s’ya.
“Che!” Sumimangot ako lalo.
Sumeryoso s’ya. “Pero Maui, I am really sorry.” Panimula n’ya. “For everything, kung hindi ko hinintay na magkita tayo ulit, kung nawalan ako ng pag-asa na makakasama pa kita. I am really sorry kung nasaktan kita.” Ramdam na ramdam ko yung sincerity sa kan’ya.
I smiled at him. “It’s okay Jeixz, everything is happen for a reason. Past is past, ang mahalaga yung ngayon. Saka matagal na yun, wala na yun.”
He smiled at me back. “Thank you kasi naiintindihan mo ko. At thank you for giving me another chance.”
“Did I gave you?.” Inaasar ko s’ya.
“H-huh? Ayaw mo ba?” Nalungkot s’ya.
“Hmmm, sa pagkakaalam ko wala akong sinabi.” I act na nag-iisip kung may sinabi ba ako.
“Okay lang, di naman ako susuko eh, bleh.” At aba! Dinilaan pa ako.
“Hahahahaha joke lang inaasar lang kita.” Tumawa ako.
“I know. At totoo yung sinabi ko, hindi ako susuko.” Seryosong sabi n’ya.
Ngumiti lang ako bilang sagot.
We spend the rest of the time para magkwentuhan.
“Anong oras na Maui, you should go home na.” Sabi n’ya.
“Okay.” I smiled at him.
“Ihahatid kita hanggang sa inyo.” Sabi n’ya, hinawakan na naman n’ya ang wrist ko. Nakakadami na to ah.
“Sure ka? Baka makaabala ako sayo?” Tanong ko. Nakakahiya kasi eh.
“Hindi ka magiging abala sa akin. Tara na baka hanapin ka ni Lola mo.” At sumakay na nga kami sa jeep.
Nang makarating kami sa gate ng subdivision namin. Nagpaalam na ako.
“Thank you.” Pasasalamat ko. “Thank you for making me happy today, thank you sa treat and sa paghatid.” Dugtong ko pa.
Ngumiti s’ya. “Thank you din kasi pumayag kang idate kita hehe. Sige na, go na hihintayin kita makaalis bago ako sumakay ng jeep.” Sabi n’ya.
Tumalikod na ako. “Ay wait! Kiss ko?” Sabi n’ya napout pa. Nagulat naman ako. “Biro lang hehehe, sige na.” He smiled at me.
Lumapit ako sa kanya at niyakap sya halatang nagulat s’ya. “Bye!” Paalam ko at nagmamadaling lumakad papalayo.
Jeixz’s POV
Para akong natuod sa kinatatayuan ko, wait? Hindi pa nagsisink in sa akin. Waaaaait! Did she hugged me?! Pota! Ang saya saya ko.
Lumakad na ako papalayo ng may malawak na ngiti sa mga labi ko.
Pagkadating ko sa lugar namin, hindi pa rin nawawala yung ngiti ko.
“Hoy p’re kanina pa naghihintay sayo si Airine.” Bungad sa akin ng tropa ko na si Cholo.
Nawala yung ngiti sa labi ko. Panira ng araw.
Pumunta ako kung nasaan s’ya. Nakita ko s’yang nakaupo sa bench.
“Babe!” Tawag n’ya sa akin.
“Ano?” Walang ganang tanong ko.
“Kanina pa ako naghihintay sayo.” Malungkot na sabi n’ya. “Hindi ka nagrereply sa mga texts ko.” Dugtong pa n’ya.
“Para saan pa? Eh tapos na tayo diba?” Walang ganang sabi ko.
“B-babe, alam mo naman na hindi ako pumayag diba? Ayoko. Mahal na mahal kita.” Mangiyak ngiyak n’yang sabi.
“Alam mo sa sarili mo yung ginawa mo kung bakit kita inayawan.” Walang ganang sabi ko sa kan’ya.
Nanahimik s’ya. “I-im sorry.” Paulit ulit s’yang nagsosorry. Hindi ba s’ya nagsasawa?.
“Tapos na tayo. Sana ipasok mo yan sa kukute mo.” Umalis na ako at hindi na s’ya liningon pa. Ayokong may masabi akong mas masasakit na salita kaya umalis na ako.
*Flashback*
“Ang tagal naman magreply nito.” Sabi ko sa sarili ko habang nakatingin sa phone ko.
Hinihintay kong magreply sa akin si Airine, ilang beses ko na s’yang tinitext walang sagot eh, baka busy. Pero hindi naman s’ya ganito dati eh, kahit busy s’ya nagrereply s’ya.
Alam ko sa sarili ko na may nagbago sa kan’ya, pero hindi ko iniisip yon, iniintindi ko s’ya. Baka busy lang.
Ting!
Babe : Andito na ako sa court ng pili st. Hihintayin kita dito baby
Maui’s POV:
“Andito na akooo!” Masiglang bati ko kanila lola.
“Saan ka galing?” Tanong ni lola sa akin.
“D’yan lang po.” Ngumiti ako.
“Uuwi na sila mama mo dito sa, dito na sila titira.” Balita sa akin ni lola.
Natuwa ako. “Talaga po? Yeheeey!” Tuwang tuwang sabi ko.
“Naghiwalay na sila ng papa mo.” Which is stepfather ko. “Salamat naman at natauhan na ang mama mo.” Dagdag pa n’ya.
Nag-alala naman ako kay mama. Pero thankful ako kasi natauhan na si mama, at masaya ako kasi uuwi na sila dito.
Pumasok na ako sa kwarto ko at naghalfbath. Nagsuot lang ako ng pantulog, terno na longsleeve and pants. Nagskincare na ako, at saka nagphone.
Tinext ko si Jeixz.
Maui: Nakauwi ka na?
Hindi s’ya nagreply agad, siguro busy pa. Nag scroll muna ako sa newsfeed ko.
Tinggg!!
Excited akong binuksan ang message.
Jeixz: Nakauwi na ako ;)) wag ka mag alala safe ako hahaha.
Maui: Che!
Jeixz: Kumain ka na?
Maui: Hindi pa ako gutom busog pa ako sa kinain natin kanina.
Jeixz: Ang takaw mo nga eh hahahahaha ;D
Maui: Ano naman. Ang sarap kaya kumain.
Nagtext pa kami hanggang sa antukin na ako.
Maui: Inaantok na ako.
Jeixz: Sleep kana, goodnight, sleepwell and sweetdreams. Wag kana magreply sleep na.
At natulog na nga ako.
Monday. Pumasok ako sa school. At chinika kay Sandara ang lahata.
“OMGGGG!! Ang haba haba talaga ng hair mo!” Tumingin s’ya sa mga kaklase namin. “Hoy kayo! Mag ingat kayo baka maapakan n’yo ang buhok ni Yanna! Apakahaba!” Biro n’ya sa mga ito.
“Wag ka nga maingay, apakadaldal mo talaga!” Saway ko sa kan’ya.
“So anong feeling?” Tanong n’ya excited s’ya sa sagot ko.
“Masaya ako, masaya ako kasama s’ya, kausap.” Sagot ko.
“In short, masaya ka sa kan’ya.” Tuwang tuwang sabi n’ya.
Tumango ako. “I think, masaya nga ako sa kan’ya.” Ngumiti ako.
“I’m so happy for you. First love mo s’ya diba? I am happy kasi nagtagpo kayo ulit. Sana this time, hindi na kayo maghiwalay.” She smiled at me. Ramdam ko yung saya n’ya para sa akin.
“Thank you...” I hugged her. I am so lucky to have a bestfriend like Sandara in my life.
Uwian na. Sabay kami ni Sandara as always. Paglabas namin sa gate ng school nakita ko si Jeixz. Nagulat ako, hindi kasi s’ya nagsabi na susunduin n’ya ako.
“Hi!” Bati n’ya sa akin, kinuha n’ya ang bag at books na dala ko.
“Hello.” Bati ko din sa kan’ya. “Hindi ka nagsabi na susunduin mo ako?” I asked.
“Para surprise.” Kinindatan n’ya ako.
“Okay thirdwheel na naman ako.” Singit ni Sandara.
“Ah, Jeixz, si Sandara my very bestfriend, Sandara si Jeixz.” Pakilala ko sa kanila.
“Nice to meet you.” Sabi ni Jeixz.
“Nice to meet you too.” Sabi din ni Sandara. “Totoo nga ang sabi ni Yanna. Gwapo ka ng—“ Tinakpan ko ang bunganga ni Sandara. Ang daldal talaga kahit kailan.
Tumawa si Jeixz, at tumingin sa akin. “Ikaw ahh.” Pang-aasar n’ya.
Naglakad na kami pauwi. Pero maya maya pa nakita namin si Nico kasama ang tropa n’ya. Sinusundan nila kami.
Natakot ako kaya kinuha ko ang bag ko kay Jeixz.
“Jeixz, umuwi ka na bilisan mo.” Bulong ko sa kanya.
“Huh? Bakit?” Takang tanong n’ya.
“Oo Jeixz umuwi ka na now na. Sumakay ka na sa jeep na yan, baka habulin ka ni Nico baka may gawing masama sa’yo.” Sabi din ni Sandara.
“Huh? Hindi ko kayo iiwan dito baka sa inyo may gawin.” Nag-aalalang tanong n’ya.
“Walang gagawing masama yan samin, basta sumunod ka na lang please.” Pagpipilit ko sa kan’ya. Pero huli na ang lahat, tumatakbo na sila Nico papalapit sa amin.
“Takboo!” Sigaw ko at tumakbo kaming tatlo nila Jeixz.
“Bakit ba nila tayo hinahabol?” Tanong ni Jeixz.
“Baka may gagawing masama sayo!” Sagot ko. “Sumakay ka na sa jeep na yun.” Turo ko sa jeep na malayo sa amin. “Bilisan mo please!” Pilit ko sa kan’ya.
“Pero—“
“Wala ng pero pero sumunod ka nalang. Please!!” Sabi ko.
“O-oh sige sige.” Tumakbo kami at nakasakay na s’ya. Kumaway ako.
Hingal na hingal ako, bawal sa akin ‘to.
“Yannaaaa!!”
Hindi ko na alam ang sunod na nangyari.