Chapter Five

3197 Words
Pagkadilat ko ng mata ko, puro puti ang nakikita ko. “N-nasaan ako?” Tanong ko. Nakita ko si Sandara sa gilid ko. Si mama at lola. “Nasa hospital ka Yanna, nawalan ka ng malay kanina.” Paliwanag ni Sandara. “Alam mong may hika ka takbo ka ng takbo.” Nag-aalalang sabi sakin ni mama. “S-sorry.” Paghingi ko ng tawad. Kamusta kaya si Jeixz?. Nakauwi kaya s’ya? “Ah tita, lola, eto na po yung pagkain ni Maui.” Pumasok si Jeixz na may dalang pagkain. Tumango si lola at kinuha ni mama ang pagkain. Nagulat ako. Wait!? Andito s’ya? Hindi s’ya winarla ni lola? “B-bakit ka andito?” Takang tanong ko. “Bumaba ako sa jeep nung nakita kitang nawalan ng malay.” Kwento n’ya. “Bakit kaso hinahabol tayo ng Nico nayun eh!” Inis na sabi ni Sandara. “Sinong Nico?” Tanong ni mama. “E-ex ko po.” Nahihiyang sagot ko. “Ipapahanap ko yan at kakausapin ko.” Sabi ni lola. “Tama po lola, dapat managot sila sa ginawa nilang paghabol sa amin.” Ani Jeixz. “Oo iho tama ka.” Tugon sa kanya ni lola. Nagugulat ako sa mga nangyayari, hindi sila nagalit! OMG! So it means okay sa kanila? Tinawag ni mama ang doctor para icheck ako. “Okay na po ang pakiramdam n’ya, she should rest tonight here in the hospital for monitoring. But she is okay now. Excuse me.” Sabi ng doctor at umalis na, si mama at ang Doctor ay nag-usap sa labas. “Mabuti naman at okay ka.” Nag-aalalang sabi ni Nico. “A-ah Yanna, uuwi na ako ha? Anong oras na eh.” Paalam ni Sandara. “Okay Dara, thank you.” Nagbeso kami. “Halika iha ihahatid kita sa baba.” Sabi ni lola kay Dara. Kaming dalawa ni Jeixz ang naiwan dito sa loob. Hinawakan n’ya ang kamay ko. “Alalang alala ako sa’yo kanina.” Panimula n’ya. “Feeling ko kasalanan ko.” “Hindi mo kasalanan, wala kang kasalanan.” Pagpapagaan ko sa loob n’ya. “Kung mayron mang dapat sisihin, sila Nico yun, naghahabol sila eh, at balak kapang gawan ng masama.” Sabi ko pa. “Kanina nga. Nung tumumba ka, nilapitan ka n’ya. Tinulak s’ya ni Sandara at pinagsisigawan s’ya.” Kwento n’ya. “Ang sama pa nga ng tingin sa akin eh.” Tumawa s’ya. “Nakakainis nga eh, alam kong gusto ka nilang bugbugin. Ewan ko ba.” Sabi ko. Ang lakas kasi ng feeling ko na may gagawin silang masama kay Jeixz at ayokong mangyari yun. “Hayaan mo na, hindi na mauulit ‘to.” Sabi din n’ya sa akin. Kumain ako at nagpahinga. Umidlip muna ako dahil inaantok ako. Maya maya.. “Nako iho maraming salamat sa pagdala mo dito sa apo ko.” Narinig kong sabi ni lola. “Wala po yun lola hehe.” Narinig ko namang sabi ni Jeixz. “Mabait na bata talaga yan ma, kilala ko na yan kababat yan ni Yanna.” Si mama. “Ay nako tita baka lumaki ulo ko n’yan.” Biro naman ni Jeixz. Bumangon ako. “Oh Yanna gising ka na.” Sabi ni mama. “Kamusta pakiramdam mo?” Tanong n’ya. “Okay naman na po ako ma, gusto ko na umuwi.” Sagot ko. “Bukas pa tayo ng umaga uuwi apo, at hindi ka rin makakapasok, magpahinga ka muna.” Sabi naman ni lola. Bumaling ako kay Jeixz. “Anong oras na ah, hindi ka pa ba uuwi?.” Tanong ko sa kan’ya. “Ah, nagpaalam ako kay mama, alam n’yang binabantayan kita dito. Kung gusto mo ako pauwiin, uuwi naman ako.” Sabi n’ya. “Hindi hindi, nag-aalala lang ako baka hanapin ka.” Kinuha ko ang phone ko. Tinext si Dara na okay ako. “Ah, apo, si Jeixz muna ang magbabantay sayo buong gabi ha? Kami ng mama mo ay mag aasikaso pa sa bahay, naglilipat na ang mama mo inaayos namin ang mga gamit.” Paalam ni lola sa akin. Seriously? Pumayag silang si Jeixz ang kasama ko dito? Ano kayang ginawa nitong lalaking to sa lola at mama ko hmmmm. “Okay po lola.” Ngumiti ako. “Sige na at aalis na kami.” Humalik s’ya sa noo ko. “Iho ikaw na ang bahala sa kan’ya.” Baling ni lola kay Jeixz. “Opo lola, tita ingat po kayo.” Paalam ni Jeixz at nagbeso pa sila. Jeixz’s POV: Kasama ko ngayon ang lola at mama ni Maui. Natutulog s’ya. Ang ganda n’ya kahit natutulog s’ya. “Iho, ikaw ba ay boyfriend ng apo ko?” Diretsong tanong sakin ng lola n’ya. “A-ah hindi po lola, manliligaw pa lang po.” Nahihiyang sabi ko. “Itatanong ko po sana kung pwede ko s’ya ligawan?” Paalam ko sa lola at mama n’ya. S’ya mismo ang nagsabi na lola ang itawag ko sa kanya. “Payag naman ako Jeixz, alam kong safe sayo ang anak ko.” Nakangiting sabi ni tita. “T-talaga po?” Hindi makapaniwalang tanong ko at tumango s’ya bilang sagot. “Salamat po, makakaasa po kayo sa akin.” Sincere na sabi ko. “Ehem.” Singit ng lola ni Maui. “A-ah hehe.” Napakamot ako sa ulo ko. “Matanda na ang apo ko para pigilan pa s’ya sa mga gusto n’ya. Nakikita ko naman sa kanya na gusto ka n’ya.” Panimula ni lola Joan. “Makakaada ba ako sayo iho? Na iingatan mo itong apo ko?” Tanong sakin ni Lola. Tumango ako. “Opo lola, makakaasa po kayo sa akin.” Nakangiting sabi ko. “Iho pwede bang ikaw muna ang magbantay sa apo ko? Marami pa kasi kaming aasikasuhin ni Mira sa bahay.” Tanong sa akin ni lola. Nagulat ako, grabe yung trust na pinakita nila sa akin, natutuwa ako. “Opo lola, pwede po.” Ngumiti ako sa kanya at ganon din s’ya sa akin. “Hindi pa pala kami nagpapasalamat sa’yo sa pagdala mo dito sa anak ko.” Sabi ni tita. “Oo nga pala.” Ngumiti sa akin si lola.“Nako iho maraming salamat sa pagdala mo dito sa apo ko.” Dugtong ni lola. “Wala po yun lola hehe.” Humble na sabi ko, ehem dagdag points to. “Mabait na bata talaga yan ma, kilala ko na yan kababat yan ni Yanna.” Sabi naman ni tita. Tama s’ya since elementary magkaklase kami ni Maui. Nung highschool lang kami nagkahiwalay ng landas. “Ay nako tita baka lumaki ulo ko n’yan.” Biro ko naman kay tita. Bumangon si Maui. “Oh Yanna gising ka na.” Sabi ni tita. “Kamusta pakiramdam mo?” Tanong n’ya. “Okay naman na po ako ma, gusto ko na umuwi.” Sagot ni Maui. “Bukas pa tayo ng umaga uuwi apo, at hindi ka rin makakapasok, magpahinga ka muna.” Sabi naman ni lola. Tumingin sa akin si Maui. “Anong oras na ah, hindi ka pa ba uuwi?.” Tanong n’ya sa akin.. “Ah, nagpaalam ako kay mama, alam n’yang binabantayan kita dito. Kung gusto mo ako pauwiin, uuwi naman ako.” Sabi ko naman. Pati si mama nag-alala sa kan’ya. “Hindi hindi, nag-aalala lang ako baka hanapin ka.” Kinuha ko n’ya ang phone n’ya at mukhang nagtext. “Ah, apo, si Jeixz muna ang magbabantay sayo buong gabi ha? Kami ng mama mo ay mag aasikaso pa sa bahay, naglilipat na ang mama mo inaayos namin ang mga gamit.” Paalam ni lola kay Maui.. “Okay po lola.” Ngumiti si Maui. She’s so pretty kapag nagsmile s’ya. “Sige na at aalis na kami.” Humalik s’ya sa ni Maui. Bumaling naman sa akin si lola. “Iho ikaw na ang bahala sa kan’ya.” “Opo lola, tita ingat po kayo.” Paalam ko ag nagbeso kami. Hinatid ko sila hanggang sa pinto. Tumingin ako kay Maui pagkabalik ko sa pwesto ko. Nakaupo ako sa upuan sa gilid ng kama n’ya. “Hoy ikaw!” Tawag sa akin ni Maui. Nagtataka naman akong tumingin sa kanya. “Anong pinakain mo kay lola at mama? Bakit ang bait bait sayo?.” Tanong n’ya. Natawa naman ako. “HAHAHAHA!” Tawa ko. “Wala akong pinakain sa kanila, sadyang gwapo lang talaga ako kaya mabait sila sa akin.” Kinindatan ko pa s’ya. “Che! Akala ko pa naman mahihirapan kang makuha loob ni lola, strict kasi yun eh.” Nag pout s’ya. “Bakit? Gusto mo ba akong pahirapan?” Nang-aasar na tanong ko sa kanya. “Oo, kutusan kita jan eh!” Sagot n’ya. Natatawa ako kasi ang cute cute n’ya. Ting! Tinignan ko ang phone ko. Airine: Babe nasaan ka? Anong oras na ah andito ako sa bench ng court, kanina pa ako naghihintay sayo. Punta ka please. Hay nako. Hindi ba s’ya makaintindi na tapos na kami at ayoko na sa kan’ya? “Sino yan?.” Curious n’yang tanong. “Ah si Airine.” Sagot ko. Nawala yung saya sa mukha n’ya napalitan ng lungkot at pagtataka. “Hey.” Tawag ko sa kan’ya. “Don’t worry, she’s my ex. Wala na kami.” Kinuha n’ya ang phone n’ya at pinakita yung screenshot na bio n’ya ang pangalan ko. “Ano ‘to?” Tanong n’ya. “Nung nakaraan ko pa gusto itanong sayo eh, kaso nahihiya ako, natatakot ako.” Malungkot na sabi n’ya. I smiled at her. “She’s my ex, sabi ko sayo wala akong girlfriend, ayaw mong maniwala haha.” I started. “She cheated on me with my friend.” At kinuwento ko sa kan’ya lahat. “I-im sorry..” she said. “It’s okay. Saka wala na yun sa akin past na yun. Ayaw n’ya lang talaga akong tigilan.” Sabi ko. “Parehas pala tayong nakaranas ng cheat.” Ani n’ya. “Oo nga eh, kaya nga soulmate tayo eh.” Tumawa ako at natawa din s’ya. “Minsan naaawa ako sa kan’ya. Pero wala na kasi akong pagmamahal na nararamdaman para sa kan’ya eh.” Dagdag ko. “Kausapin mo s’ya ng maayos. Para malinawan s’ya na hindi na kayo.” She suggest. “Nagawa ko na yan.” I said. “Hayaan mo na yun magsasawa din yun.” Ting! Airine: Babe? Where are you? Airine: Are you gonna make me wait here again? Airine: I am sorry for what I did. I am so so sorry. Airine: Please comeback to me. I promise I will never do that again. “Ang dami n’yan ah.” Sinilip n’ya ang phone ko. Inabot ko sa kan’ya ang phone ko. “Oh replyan mo ng girlfriend n’ya ‘to para tumigil na.” Tumawa ako. “Ayoko nga, hindi pa naman kita sinasagot eh bleh.” Aba dumila pa. “Replyan mo na.” Utos n’ya sa akin. “Ano naman sasabihin ko dito?” Tanong ko. Wala kasi akong pakialam dito. “Ikaw bahala, ano ba dapat.” Sabi n’ya. Kinuha ko ang phone ko at nagtype. Jeixz: I’m with my girl. Stop texting me, wag kana umasa. Wala ng tayo magising ka naman. Maawa ka sa sarili mo. “Anong sabi mo?” Tanong n’ya. “Secreeeeeet.” Inaasar ko s’ya. “Che, lakompake.” Nagphone na lang s’ya. “Jeixz, Chinat ako ni Nico.” Sabi n’ya sa akin. Maui’s POV: Chinat ako ni Nico. Nico: Kamusta? Sorry. Ayoko s’yang replyan pero sabi ni Jeixz replyan ko daw. Mauvianna: -_- At hindi ko na s’ya nireplyan. Naiinis ako sa ginawa nyang paghabol kay Jeixz. “Hmm nagugutom ako.” Sabi ko kay Jeixz. “Ibibili kita ng pagkain sa baba. Dito ka lang muna. Wait me. Mabilis lang ‘to.” Lumabas na s’ya ng kwarto. *Ringgg ringgg* I check my phone, wala namang tumatawag. Nakita ko ang phone ni Jeixz, may tumatawag. Si Airine. Should I answer this? Ayoko mangialam pero curious ako. Ahhhh. “H-hello babe? Thanks God finally you answer my call. Please comeback. Hindi ako naniniwala na may girlfriend ka na, sinasabi mo lang yan para t-tumigil ako. Babe p-please give me another c-chance I promise I will never do that again. I-i promise!” Tuloy tuloy n’yang sabi habang naiiyak pa. “Babe? Magsalita ka please. Please puntahan mo ako dito, hinihintay kita.” I hear her sniff. “Ahh wala si Jeixz dito. Naiwan n’ya ang phone n’ya.” I said. Halatang nagulat s’ya. Tumigil sa pag-iyak. “Who the hell are you? Why are you with my babe?” Galit n’yang tanong. “I’m Mauvianna.” Pakilala ko. Rinig kong nagulat s’ya sa sinabi ko. Why? She know me?. “So you’re his first girlfriend? Huh? You know. He lied to you about our break up. Hindi kami hiwalay nag-away lang kami!.” Sabi n’ya. Natawa naman ako, at the same time nainis. “Do you think I’m dumb? Huh?” Maikling tanong ko then she ended the call. Sakto naman pasok ni Jeixz. “Maui eto na ang food.” Hinain na n’ya ito sa lamesa. “Bakit mo hawak phone ko?” He asked. “Ah, your ex called. Sinagot ko, Sorry I was just curious.” I explain. Tumawa s’ya. “No, it’s okay, maganda yun para tigilan na n’ya ako.” Sabi n’ya. “She said you lied about your break up kineme. Nag-away lang daw ako. Huh? Tingin n’ya sa akin bobo?” Reklamo ko. “Hahahahaha.” Tawa n’ya. “You’re so cute!” He pinched ng cheeks. “Hayaan mo na yun, hindi lang yun makamove on.” Sabi pa n’ya. “She knows me.” Sabi ko. “Ah oo, Nakwento kita sa kan’ya kahit kay Ellaine. I don’t know why.” He said. “Inlove na inlove sa akin eh.” Pang-aasar ko. “Talaga!!” Sabi n’ya. Kinilig naman ako. Kumain na kami ng sabay. After namin kumain uminom ako ng medicine ko. Nagpahinga na ako. Humiga ako at nanood ng videos sa youtube. “Ligo lang ako Maui.” He said. “‘May dala kang damit?.” Tanong ko sa kan’ya. “Yup. Dinalhan ako ni kuya kanina pa. Here oh.” Pinakita n’ya sa akin. “Okay.” Sabi ko at di na s’ya pinansin pa. Tapos na s’yang maligo paglabas n’ya ng CR nakadamit na s’ya. Hay salamat naman, akala dito pa s’ya sa harap ko magbibihis eh. Ano ba yang nasa utak mo Maui. Ew kaaa! I spent my time on watching videos, hanggang sa antukin ako. “Inaantok na ako.” I said. “Sleep kana, goodnight.” He said. Tinignan ko s’ya, saan s’ya matutulog? “Sa couch ako matutulog don’t worry.” He said. Parang nabasa n’ya utak ko. I close my eyes. “Goodnight.” I said. Naramdaman ko yung labi n’ya sa noo ko. “Goodnight Maui.” He said. At umalis na s’ya sa tabi ko. Dumilat ako at tinignan ko s’ya. Nakahiga s’ya sa couch. Nakakaawa naman s’ya siniksik n’ya yung sarili n’ya sa couch. Ang laki kasi ng katawan n’ya eh hahaha. Nagising ako ng may liwanag na tumama sa mukha ko. Liwanag na galing sa bintana. I check my phone kung may texts. 7:15am na pala. “Goodmorning kamahalan.” Bungad sa akin ni Jeixz. “Parating na sila tita at lola para sunduin ka.” He said. “May number ka nila?” Tanong ko. “Ako lang ‘to.” At nag pogi sign pa ang mokong. Uminom ako ng chocolate drink na tinimpla n’ya sa akin at pandesal with mayonaise. “Kain ka lang ng kain.” He smiled at me. Pagkatapos kong mag-almusal ay naligo na ako. Since andito na sila lola, I know may dala silang damit ko. Natapos akong maligo at tama nga ako, may damit ako na dala nila. “Makakauwi na tayo apo.” Sabi ni lola. “Sa susunod wag mo ng gawin ang mga bawal sayo para hindi ka naaadmit dito sa Hospital.” Pagsermon n’ya sa akin. “Opo.” Sagot ko naman. Inayos na namin ang gamit namin. Ganon din si Jeixz. Sabay sabay kaming lumabas ng Hospital. “Ah tita, lola uwi na po ako.” Paalam ni Jeixz kay lola at mama. “Sige mag-iingat ka iho.” Si lola. “Ingat ka Jeixz, salamat ha.” Pagpapasalamat ni mama. “Opo. Thank you din po.” Ngumiti s’ya kanila lola at saka bumaling sa akin. “Uwi na ako Maui. See you next time. Mag-ingat ka palagi ha. Just call me pag may problema.” Sabi n’ya sa akin. “Okay okay. Thank you. Mag-iingat ka.” I hug him. Nagulat naman s’ya sa ginawa ko. At saka ngumiti ng malawak. “Dito na po ako. Salamaaat.” Paalam na naman n’ya. “Maui. Byeeeeeeee!” Dugtong pa n’ya. Sumakay na kami sa kotse at saka umuwi. Nagkulong lang ako sa kwarto dahil ayaw naman nila ako patulungin sa pag-aayos pa nila ng gamit. Hindi pa kasi sila tapos eh. Ting!! Jeixz: I’m home na. I smiled. Thanks God he’s safe. Maui: Goooood ;)) Jeixz: Goodboy akooo? Maui: Medyo I think? Jeixz: Cheeeeee! ;3 Maui: Bleeeeeeh ;>> Jeixz: Maui I miss you already. Maui. Magkasama na nga tayo buong gabi eh hahahahahaha ;D Jeixz: Gusto kita palagi kasamaaaa ;Pero deep inside kinikilig ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD