A week passed. Nakapasok na ako ulit sa school. Hanggang ngayon hindi pa rin nagsosorry si Nico sa ginawa n’yang paghabol kay Jeixz. Isang araw lang akong hindi nakapasok nung naadmit ako sa hospital. Sinabi naman sa akin ni Dara lahat ng gagawing assignments kaya pag pasok ko may naipasa ako. Ayokong walang gawin ‘no, sayang grades ko. Hindi sa pagmamayabang pero consistent na may honor ako. Grade 12 na pala ako by the way, and arts and design ang kinuha kong strand.
“Be, turuan mo ako mamaya ha. Sa drawing kineme na yan.” Sabi sa akin ni Dara.
“Oo be, mamaya after class sa bahay tayo.” Ngitian ko s’ya. Hindi kasi gaano marunong si Dara pagdating sa drawing kaya nagpapaturo s’ya sa akin kapag may drawing kaming gagawin.
“Nga pala, kamusta kayo ni Jeixz? Kayo na ba?.” Tanong ni Dara, hindi ko kasi nachika sa kanya yung nangyari sa hospital, pagpasok ko ang dami naming outputs na ginawa, assignments and projects, busy kaya hindi pa kami nakakapagchikahan. Ngayon na lang ulit kasi tapos na.
“Hindi pa kami.” Sagot ko naman.
“Why naman? Sagutin mo na kasi.” Tumawa s’ya.
“Wag kang magmadali.” Tumawa din ako.
“Alam mo, ang bait ng mama at lola mo sa kan’ya no?” Tugon n’ya. “Nung nasa hospital. Nashookt ako kasi hindi s’ya sinungitan.” Dagdag pa n’ya.
“Oo nga eh. Alam mo ba si Jeixz nagbantay sa akin nung gabi, umuwi sila lola at mama kasi mag aayos daw ng bahay.” Kwento ko.
Nanlaki ang mga mata n’ya. “OMG!!” Napatayo pa s’ya sa upuan n’ya. “Seriously?!” Umupo ulit s’ya. “Chika please!!”
Ikinuwento ko naman sa kan’ya lahat nung nangyari.
“Anubayan akala ko naman may nangyari sa inyo.” Dismayadong sabi n’ya pero alam kong biro n’ya lang yon.
“Baliw ka!” Natawa kami parehas.
After class nagpunta na kami sa bahay. Hindi ako sinundo ni Jeixz kasi sinabi ko na wag na baka maulit yung nangyari.
Sa kwarto ko kami ni Dara nag-aral.
Ting!!
Jeixz
Hindi ko na s’ya nireplyan at nagfocus na kami ni Dara sa ginagawa namin.
“Alam mo be. Boto ako jan kay Jeixz.” Out of nowhere nasabi ni Dara.
“Bakit?” I asked her.
“I can see sa mga mata n’ya na seryoso s’ya sayo.” Tumingin s’ya sa akin. “If ever man na maging kayo, ako ang number one supporter n’yo.” Nagtawanan kami.
“Thank you.” Pagpapasalamat ko sa kan’ya.
“For what?” She asked.
“For always here by my side, for always supporting me.” Sagot ko naman. She never leave my side kasi. Palagi lang s’yang anjan para sa akin. Even sa malungkot at masayang part ng buhay ko anjan s’ya. I am so lucky to have her, she is one call away.
“Ano ka ba, that’s what bestfriend do. Ganon ka din naman sa akin, so thank you so so so much.” Masayang sabi n’ya.
Nagyakapan kaming dalawa.
1 hour later.
“Uwi na ako be.” Paalam sa akin ni Dara. “Thank you sa pagturo.” Pagpapasalamat n’ya.
“Ingat ka, always welcome.” Tugon ko.
Nagpaalam na rin s’ya kay mama at lola, at hinatid ko s’ya sa gate namin.
“Byee!!” She smiled.
“Bye love youu.” At nag flying kiss naman s’ya bilang sagot.
Malapit lang yung bahay nila mga 3-4 houses lang mula dito kaya I’m sure makakauwi s’ya ng safe.
Naghalf bath at skin care na ako. At saka nag phone.
Maui: We’re done na. :))
Jeixz: Yown! Solo na kita hehehehe
Maui: Solo mo your face hahahahaha
Jeixz: Paganyan ganyan ka pa ikiss kita jan eh.
Maui: Kung suntukin kaya kita.
Jeixz: joke lang eh hahahahaha.
Nagbiruan lang kami ng nagbiruan hanggang sa antukin na ako.
Kinabuksan, It was just a normal day. Daming ginawang activities sa school. Quiz, and lesson.
Pauwi na ako sa bahay, nakita ko si Nico sa gate ng village namin.
Tinignan ko s’ya ng masama at hindi s’ya pinansin.
“Yanna.” Hinawakan n’ya ako sa braso.
Tinanggal ko ang pagkakahawak n’ya. “Ano ba? Don’t touch me!” Inis na sabi ko sa kan’ya.
“Sorry sa nagawa ko.” Paghingi n’ya ng tawad. “Nahihiya na ako sayo.” Dagdag pa n’ya.
“Ano bang ginawa sayo ni Jeixz? Bakit mo s’ya hinahabol?” Inis na tanong ko.
“Nagseselos ako.” He said.
“Jealous for what? Walang tayo.” Seryosong sabi ko.
“Feeling ko kasi inagawa ka n’ya sa akin, tinakot lang namin s’ya, hindi ko alam na ganon yung mangyayari sayo. Dapat hindi ka nalang nakisali.” Tugon n’ya.
Natawa ako ng sarcastic. “Ha! Ano sa tingin mo dapat kong gawin? Hayaan ko nalang na saktan n’yo s’ya?!” Inis na tanong ko. “Saka anong inagawa? Ikaw ang may kasalanan kung bakit tayo naghiwalay, you cheated on me, remember?.” Inis na inis na ako.
Yumuko s’ya. “Sorry. Pangako hindi na mauulit hindi na ako mangingialam sa inyo.” At saka umalis s’ya.
Umalis na rin ako at naglakad papunta sa bahay.
Pagpasok ko sa pinto, nakita ko si Jeixz, may dalang bouquet, may pizza, milktea.
“Hi Maui!” Masiglang bati n’ya, kinuha n’ya ang bag ko at inilagay sa sofa.
“What are you doing here?” Takang tanong ko. Hindi ko naman sinabi sa kan’ya yung exact address namin.
“I invited him for a dinner anak.” Si mama ang sumagot.
“Oh, para sayo miss masungit.” He handed me the bouquette of red roses. Ang ganda ganda ng bulaklak. This is the first time na may nagbigay sa akin ng ganitong klaseng bulaklak.
“Thank you.” Kinuha ko at inamoy. “Ah, magpapalit lang po ako ng damit.” Paalam ko kay mama.
Pagpasok ko sa kwarto ko inilabas ko ang kilig ko. OMG!! Ang saya saya ko. Tanggap na tanggap s’ya ng pamilya ko at itong bulaklak? Sheeeeems!! Para akong naliligo sa mga pusoooo!!. Dahil special ang gabing ito, dapat maganda ang suot ko. Binuksan ko ang closet ko.
“Hmmm ano kayang susuotin ko?.” Tanong ko sa sarili ko habang nakatingin sa mga damit ko. Napili ko yung simple short sleeve brown dress it has ruffles sa ilalim and on the sleeves, and may garter s’ya sa bandang waist, hindi s’ya fitted, hindi rin s’ya super bolga. Sakto lang.
Hindi na ako nag-ayos ng mukha, okay naman itsura ko, nag liptint lang ako dahil nabura na kanina pa.
Lumabas na ako at pumunta sa sala, andoon si Jeixz nagpophone. Tinabihan ko s’ya at sinilip ang ginagawa n’ya.
“Huy! Ano yaaaan?” Pang-aasar ko sa kan’ya.
Agad naman n’yang in-off ang phone at inilagay sa bulsa. “Wala yun tropa ko lang.” Ngumiti s’ya. “Ang ganda mo.” Then he pinched my nose.
Ang hilig nito kurutin ilong at pisngi ko. “Sus baka si Airine.” Inaasar ko s’ya.
Nawala saglit yung ngiti n’ya at saka ngumit ulit. “Hindi ‘no.” Maikling sabi n’ya.
Halatang ayaw n’ya pag usapan kaya I change the topic.
“Alam mo ba ikaw lang yung manliligaw ko na naka tungtong dito sa bahay namin.” Sabi ko sa kan’ya.
Nagtaas noo naman ang mokong at nagpogi sign. “Ako lang sakalam.” Aba! Ang yabang nito ah.
“Che!.” I rolled my eyes on him.
“Ito naman ang sungit.” Tumawa s’ya. “Seryoso. Ako pa lang?.” Tanong n’ya.
Tumango ako bilang sagot.
“Ang swerte ko pala.” Ngumiti s’ya.
“Iho iha tara na at kumain.” Tawag sa amin ni Lola.
Pumunta kami sa kusina. Hinila ni Jeixz yung upuan ko para makaupo ako, nice gentleman naman pala. Saka s’ya umupo sa tabi ko. Kasama din namin ang mga kapatid at yung pinsan ko na si lola din ang nag-alaga. Wala sila tito, nagwork.
Kumakain na kami.
“Iho, taga saan ka ba?” Tanong ni lola kay Jeixz.
“Ah d’yan lang po sa Bulihan lola.” Magalang na sagot n’ya.
Tumango si lola bilang tugon.
“Ikaw anak kelan mo balak sagutin itong si Jeixz.” Tanong ni mama at agad naman akong nabilaukan.
Inabutan ako ni Jeixz ng tubig, nakangiti ng pang-asar ang mokong.
“M-ma ano bang tanong yan.” Sabi ko kay mama at tumawa naman si Jeixz.
“So kailan nga?” Tanong n’ya ulit.
Hindi ko alam sasabihin ko. “E-ewan ko!” Sagot ko naman. At nagtawanan sila, as if may nakakatawa.
Natapos na kami sa pagkain at nagpahinga kami ni Jeixz sa garden sa likod ng bahay namin, garden ito ni lola, mahilig kasi s’ya sa halaman. Nakaupo kami sa mini table ni lola. Magkaharap kami.
“Maui.” Tawag sa akin ni Jeixz.
“Hmm?” Tugon ko.
“Thank you.” Ngumiti s’ya.
“For what?” Takang tanong ko.
“For making me feel welcome dito sa bahay n’yo.” Sagot n’ya.
“Kay lola ka mag thank you. Bihira lang yan mag papasok ng ibang tao dito sa bahay, lalo na pagdating sa akin.” Kwento ko.
“Nagpasalamat na ako sa kanya kanina pa bleh.” Nang-aasar pa ang mokong. “Maui, Can I ask you for a date?” Tanong n’ya sa akin.
Nagulat naman ako at saka tumango.
“Bukas wala kang pasok. Doon ulit tayo sa park.” Sabi n’ya.
“Okay.” Tugon ko.
Kinabukasan...
Maaga akong nagising dahil excited ako sa date namin. Maaga din kaming magdedate pinagpaalam n’ya pala ako kay lola at mama.
Nagbreakfast na ako. Ano bang date ngayon? October 3.
“Ate pahiram ng water color mo.” Yung kapatid kong sumunod sa akin, si Vale.
“Nasa kwarto ko lang sa desk kunin mo na lang.” Sabi ko naman.
“Okay.” Sagot n’ya.
After kong magbreak fast naligo na ako at nag-ayos. Nagshort lang ako, clean cut short na jeans, at baby tee croptop na may tatak na such cute. Color gray at black ang sleeve. Nag skechers lang din ako na white para comfortable. And I tie my hair in a messy bun.
Nang matapos ako ay nagpaalam na ako na aalis ako.
Maui: Andito na ako mokong.
After a few minutes nagreply s’ya.
JeixzNireplyan ko s’ya.
Maui: Oki ingats ;))
Hindi na s’ya nagreply, I’m sure papunta na yun.
Ilang minutes lang andito na s’ya. Nakasuot s’ya ng simple gray shirt at black jeans and skechers. Yung buhok n’ya nakaharang sa mga mata n’ya parang koreaboo. Ang pogi n’ya kahit simple lang.
“Hi Maui.” Bati n’ya sa akin at inakbayan ako.
“Hoy aakbay akbay ka jan ah!” Asar ko sa kan’ya.
“Bakit bawal ba?” Maangas n’yang tanong.
“Bakit tayo na ba?” Pang-aasar ko sa kan’ya.
“Hindi pa pero atleast may pag-asa ako.” Mayabang na tugon n’ya na may kasama pang ngisi.
“Saan mo naman ako dadalhin ngayon?” Tanong ko sa kanya.
“Hmmm.” Umakto pa s’yang nag-iisip. “Doon ulit.” Sabay tumawa s’ya, natawa din ako.
“Taraaa.” Hinila ko s’ya papunta doon sa paborito n’yang lugar.
Pagkarating namin doon naupo kami sa ilalim ng malaking puno.
“Kumain kama ba?” He asked.
“Yup, busog pa naman ako mamaya na tayo kumain.” Sagot ko naman. Totoong busog pa ako at ayoko pang kumain. “Ikaw ba?” Tanong ko pabalik sa kan’ya.
“Yup, kasi magagalit pa pag di ako kumain.” Kinurot nya pa ang ilong ko.
“Che!” Iniwas ko yung mukha ko sa kanya.
Tumahimik kaming dalawa at tinignan ang tanawin na napakaganda. Kung ganito makikita ko sa araw araw, ang ganda siguro palagi ng araw ko.
“Maui.” Tawag n’ya sa akin, lumingon naman ako. “Thank you for giving me a second chance.” Sincere na sabi n’ya.
Ngumiti ako. “Thank you for not giving up for me, kahit na wala kang kasiguraduhan kung sasagutin ba kita.” Biro ko sa kan’ya.
“Anu ba Maui wag mo nga ako saktan.” Biro n’ya pabalik.
“Jeixz, mark the day today.” I smiled at him.
“H-huh?” Naguguluhan n’yang tanong.
“I said mark the day today.” Inulit ko pa.
“Maui di kita magets.” Ang cute n’ya haha.
“Ay ang slow.” Asar ko sa kan’ya, hindi n’ya magets na sinasagot ko na s’ya hays nako Jeixz!!!
“Ano nga Maui?” Tanong n’ya.
“Don’t call me Maui, call me bubby.” I smiled at him.
“S-so you’re saying na sinasagot mo na ako?” Masayang tanong n’ya.
Tumango ako at ngumit.
“Yeeeeeeeeeesss!!” Sigaw n’ya. “Whoooooo! Sinagot na ako ni Maui!” Nagcelebrate ang mokong, pero ang cute n’ya. Di ko ineexpect na ganito magiging reaksyon n’ya.
“Bubby!” Pagtatama ko sa kan’ya.
“Bubby.” Tawag n’ya at niyakap ako. “Sobrang saya ko bubby, as in sobra sobra.” Naramdaman ko yung luha n’ya na tumulo sa damit ko.
“Umiiyak ka ba?” Tanong ko “Ayaw mo ba ng callsign na bubby?” Tanong ko ulit.
“Tears of joy ‘to bubby, no, gustong gusto ko kahit ano pang maging tawaga natin.” Hinigpitan n’ya yung yakap n’ya sa akin.
“Mark the day today huh? You slow mokong.” Biro ko sa kan’ya.
Tumawa s’ya. “Di ko agad na gets yun ah slow ko.”
Humiwalay s’ya sa pagkakayap sa akin. Tumingin s’ya sa mukha ko.
“Ang ganda mo bubby.” Sabi n’ya.
Kinikilig ako. Ngumiti lang ako bilang sagot.
“I love you bubby.” He said
“I love you too.” I kissed him sa cheeks.
Nagulat s’ya sa ginawa ko.
“Ayan ahh!” Asar n’ya.
“Edi wag di kita ikikiss!” Inis na sabi ko at tumalikod sa kan’ya.
Nahihiya ako, masyado ba akong malandi tignan kasi kiniss ko s’ya? Eh sa gusto ko yun gawin eh, gusto ko s’ya ikiss sa cheeks eh, boyfriend ko naman na s’ya ah kaya pwede yun, bakit ba nang-aasar s’ya.
“Ito biro lang eh.” Niyakap n’ya ako.
“Hmmp! Wag mo nga ako yakapin!” Nag-iinarteng sabi ko pero mas lalo n’yang hinigpitan yung yakap nya mula sa likod ko.
“Sobrang saya ko talaga.” Sabi n’ya. “I can’t express my feelings right now, sobra sobra yung saya ko, ngayon lang ako nakaramdam ng ganito.” Dugtong pa n’ya.
Hindi ako sumagot at nakinig na lang, pero napapangiti ako sa loob loob ko.
“May mga niligawan din naman ako noon pero hindi ako ganito kasaya pag sinasagot nila ako, pero ngayon, iba eh, ang lakas ng tama ko sayo bub.” Dagdag n’ya pa ulit.
Ngumiti ako, ramdam kong nagbablush ako. Kinikilig ako. Ngayon ko lang din naramdaman yung ganitong kilig.
“Kaya hindi ko sasayangin ‘tong chance na binigay mo sakin bubby, I love you, and I’ll always will.” Ramdam na ramdam ko yung sincerity mula sa kanya. Ang saya saya ko.
“Masaya din ako kasi hindi mo ko sinukuan, anjan ka nung time na down na down ako.” Panimula ko. “Hindi ka sumuko sa akin kahit na alam mo na may boyfriend ako, ramdam kong sincere ka, at salamat kasi pinaramdam mo sa akin yung ganitong saya.” Dagdag ko pa. Hinawakan n’ya yung kamay ko.
“Akala ko nga hindi na tayo magkikita pang muli eh, pero tignan mo ngayon nakayakap ka sakin.” Natawa kami parehas. “Siguro tayo talaga yung para sa isa’t isa.”
“Anong siguro? Walang siguro. Tayo talaga ang para sa isa’t isa.” Sabi n’ya. Napangiti naman kami parehas. “I will never forget this day bub.” Dagdag n’ya pa.
“Me too.” Tugon ko naman.
Napakasaya ng puso ko, hindi ko kasi ineexpect na magtatagpo ulit yung landas namin ni Jeixz. I am so happy kasi s’ya yung first love ko eh, sana s’ya na rin yung last. Thanks Lord kasi pinagtagpo n’ya pa rin kami kahit na pinaglayo kami ng tadhana.