Chapter 7
I can feel someone is staring at me. Binuksan ko ang isa sa aking mga mata at nabungaran ang nakangiting si Niccolo kaya agad ko ring ipinikit ito. Masyadong nakakakilig ang mga ganitong pagkakataon, at sa nakalipas na isang linggo ay parating ganito kaganda ang mabubungaran ko.
“Good morning baby.” He said in a husky voice.
Good Lord, what did I do to deserve a man like him?
I felt some weight on my waist.
“Baby, luto mo ko breakfast.” Ungot niya. His nose is now touching mine. Simula noong dumating kami dito sa Batangas, he’s been clingier and attention seeker.
“Mon amour, ready ka na ba magpa renovate ng villa?” Nakangiti akong nagmulat ng mata sa kanya.
He does know that I cannot cook, I would burn the kitchen to fry an egg.
He had a hearty laugh, napaka sarap pakinggan.
“Ready ako baby, basta ipagluto mo lang ako.” Naglalambing siyang ikiniskis ang ilong niya sa akin, he is even pouting. Cutely enough, I give him a peck on his lips. I raised my hand to mess his hair bago nag-ambang tumayo.
“Where are you going?” Mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakahawak niya sa akin.
“Will pack our things, sabi mo diba ready ka naman magpa renovate ng villa. Ihahanda ko yung gamit natin ipapalipat ko sa kabila tsaka ako magluluto. Para safe yung gamit natin.”
“Silly.” He quickly kisses me. “I’ll cook for you at hinding hindi ako magsasawang gawin ‘yon para sayo.”
“Sorry that I can’t cook for you.” Malungkot kong tugon. I am sorry for myself dahil simpleng kahilingan lang niyang ipagluto ko sya ay hindi ko pa mapag bigyan.
“You don’t have to be sorry baby, naglalambing lang naman ako.” He pinched my cheeks at pinanggigilan pa iyon. “Halika na, let’s prepare our breakfast together.”
Nauna na si Niccolo na pumasok ng banyo para makapag hilamos. I reached my phone and check for my emails, Luis and PJ is already here in the country while Lou on the other hand is in Turkey. Kasama nito si Angelo at nagbabaksyon daw, mukhang makakabuti ito para kay Lou dahil na rin kay Warren. PJ said that he is already in the country at naghahanap lang ng pagkakataon para makausap si Lou. One more thing, mukhang nagkakaayos na sa wakas si Lou at Angelo. I am hearing bells already.
Nakaupo ako sa kama at nageemail ng updated schedules ng aming mga project ng lumabas si Niccolo sa banyo. Napansin kong lumapit siya sa akin kaya nagangat ako ng tingin.
“Ang aga aga cellphone ka na naman.” Akma siyang hahalik sa akin ng iniwas ko ang aking mukha at tumakbo sa banyo.
“Be fast baby.” Narinig ko pa niyang sigaw. Mabilis akong nagtoothbrush at naghilamos, paglabas ko ay nakita ko na siya sa kusina na naguumpisa ng maghanda ng kanyang mga gagamitin.
“What do you want me to do?”
“Can you mix the pancake batter?” Inilapag niya ang isang bowl sa aking harapan na naglalaman ng pancake mix, egg, milk at kung ano pang inihalo niya doon.
Bago ko ginawa ang inuutos niya ay pinatugtog ko ang aking cellphone na naka konekta sa bluetooth speaker. Some mood booster music is on at ako naman ay nagsimulang haluin ang batter para maluto na ang pancake.
The music is so good na kailangan kong sabayan iyon ng pagsayaw na naaayon sa beat. I miss dancing, pakiramdam ko tuloy ay bumibigat ako dahil hindi ako nakakapag exercise.
“My baby dance so well eh?” Nilingon ko sya at nakita ko ang paghanga sa kanyang mga mata.
“Huh, if you only knew mon amour.” Sagot ko naman ng may pagmamalaki.
I am good at dancing as they say. Pinipilit pa ako ni George na magtayo na daw kami ng sarili naming dance studio. Kung si Luis at Lou ang magkasundo sa pagkanta ako naman ay sa sayaw at wala akong mahatak ni isa man sa kanila dahil parehong kaliwa ang kanilang mga paa.
“Do you often dance?”
“Weekly. After work my way of stress relieving and para magpapawis na rin, hindi ako makapag gym eh kaya iyon ang ginagawa kong outlet.”
“I want to see you dance.”
“Soon mon amour.” I smiled at him. Would he be proud of me kapag nakita nya akong sumayaw? I hope so, wala naman kasi akong ibang maipagmamalaki kundi iyon lang at ang pagiging engineer at interior designer ko.
Hindi ako marunong magluto o magbake kagaya ng iba, sabi pa naman nila, a way to a man’s heart is through his stomach. Baka pwede na din don yung category ng alak sa tyan din naman ang diretso nun pagkatapos mainom, kaya ko naman siyang sabayan sa bagay na iyon. But other than that, ay wala na akong maipagmamalaki. I learned to do some chores because I had no one to it for me nang lumipat ako sa States.
“Why do you call me mon amour?” Taka niyang tanong. Dahil sa tanong niya ay natawa ako dahil sa rason kiung bakit iyon ang napagdesisyunan kong itawag sa kanya.
“Do you know Anne Curtis, the celebrity? It’s just so happened that she’s my idol, my crush.” Nakita kong sumama ang mukha niya pagkasabi ko ng huling katagang iyon. “Baliw! Hindi kasi nakakasawa tingnan yung mukha nya, ang ganda ganda nya. Sana lahat kasing ganda nya.” Nakapangalumbaba pa ako habang sinasabi iyon, daydreaming.
“And? Ano namang kinalaman non sa pagtawag mo sakin ng mon amour?” His eyebrows are in line now.
“Kasi ag tawag nya sa asawa nya, kay Erwan, which happened to be a really good cook is mon amour. See the similarity?” Napalahad pa ako ng kamay para maipunto sa kanya.
He seems so clouded at wala talagang kaide ideya sa sinasabi ko. I rolled my eyes bago magpaliwanag. Mga lalaki nga naman.
“Anne’s a Dyosa, I am a dyosa on my own way. Erwan is a cook, you are a chef. Pogi si Erwan, crush ko yun. Crush ko yung couple na yon actually.” I realized. Nang mapabaling ako sa kanya ay madilim pa sa signal number four na langit ang mukha niya.
“Gwapo ka din, crush din kita.” Bigla kong pahabol. “Kaya mon amour din tawag ko sayo.” Sabay ko sya kinindatan.
Siya naman ay umiling lang at ibinalik ang atensyon sa kanyang niluluto.
Goodness, muntik na naman iyon. Napapansin ko na lahat ng sinasabi ko ay nagttrigger sa kung anong magiging emosyon niya. Kapag may binabanggit ako na pangalan ng lalaki lalo na kapag nageemail ako regarding sa work ay sumasama kaagad ang mood niya.
As much as possible, kapag nagpaparinig na siya kung sino ang kausap ko ay binibitawan ko agad ang phone ko. I want him to feel that he is the only man in my life and the rest are just friends and colleagues.
To lighten his mood ay nilapitan ko sya at niyakap mula sa likuran. I love doing this kind of gesture to him, for him to know that no matter what happen I got his back and I am just right here for him.
“Mon amour, wag ka na magalit.” Ginamit ko ang pinaka malambing kong boses at sinilip ang kanyang mukha.
“Hindi naman ako galit.”
“Eh ano lang?”
“Ayoko lang na may naririnig akong crush mo. It feels like I’m not enough for you.” Habang binibiling niya ang dinaing nyang bangus.
Nagulat ako ng tumalsik ang mantika niyon at tinamaan ang kamay kong naka palupot sa kanyang bewang.
“Aw!” Inda ko sa sakit ng mainit na mantikang tumama sa aking kamay.
Niccolo was alarmed, agad niya akong hinarap at hinatak papalayo sa kalan.
“Are you okay baby?” Habang ineeksamin niya ang aking mga kamay.
“Wala yon mantika lang naman yon tsaka nagulat lang ako. Don’t worry.”
Pinunasan niya ang aking kamay ng kitchen napkin na kanyang naabot.
“There will always be something to worry about, lalo na kapag sayo.”
“Are we still talking about the oil or my crushes?” Taas kilay kong tanong. Nagbaba naman siya ng tingin. Sinasabi ko na nga ba, double meaning.
“Look Niccolo, my crushes are mostly celebrity or model. Sa tingin mo ba magkakaroon ako ng pagasa sa mga yon? Wala ni one percent. You are more than enough for me. Matagal na kitang crush naalala mo? High school pa lang crush na kita. Napaka swerte ko na na napansin mo ko. Choosy pa ba ko? Sasayangin ko pa ba?”
When I saw him pouted, gumaan ang pakiramdam ko, alam kong nawala na ang doubt na naiisip niya kanina tungkol sa akin at ngayon ay nagpapalambing na ito.
I clasp his cheeks on my hands tsaka iniangat iyon.
“Wag ka na magtampo. Ikaw lang okay? Tsaka crush lang yon. Crush na kita boyfriend pa kita. Oh, diba mas angat ka? Tsaka wag kang umarteng ganyan, feeling ko ang ganda ganda ko baka kakaganyan mo magka hydrocephalus ako mahirap na.”
Mahina siyang natawa sa sinabi ko at hinawakan ang magkabilang gilid ng aking bewang.
“You never fail to make me smile baby.” Ipinatong niya ang kanyang noo sa akin.
“Basta ikaw.” Tumingkayad ako para magawaran siya ng halik. “Pero mukhang masusunog na yung niluluto mo.” Naaamoy ko na ang tila tustadong isda na nasa kawali.
Mahina siyang napamura at dali daling kumalas sa akin. I love watching him cook, two to three dishes in a row, my God, napaka hirap ng ginagawa niyang ganoon. But he is doing it expertly samantalang ako, isang itlog na nga lang nasusunog pa. Because of him, kampante akong hindi na ako magugutom for a lifetime.
After naming mag-agahan ay nagpunta kami sa beach. I am wearing my favorite shirt and boyleg dahil nasa beach naman kami, though I am wearing a two-piece swimsuit inside. There is no big deal kung maikling damit lang ang aking suot dahil mas kakaunting tela lang ang nakatakip sa mga katawan ng nasa beach.
Inilapag ko ang towel naming dala sa may buhangin at naghubad na rin ng damit. I am so excited na magtampisaw at lumangoy sa dagat dahil ngayon pa lang ako makakalangoy ulit sa dagat. Inuna ko kasi ang kailangang trabahuhin dito sa resort at naglaan ng isang linggo para sulitin ang aking bakasyon.
On our first week ay nilibot ko ang buog resort and came up with different ideas regarding the design of the villas. My brother said that the renovation will start as soon as I am done with the designs. Halos wala naman kailangang baguhin only to enhance some things, papalitan din ang mga muebles na matatagal ng ginagamit at medyo nasisira na.
I also checked on the suppliers of the materials near the area para less cost on the transportation part. Sa lahat ng iyon ay kasama ko si Niccolo na laging nakaalalay. Minsan pa ay siya na rin ang kumakausap kung makakadiscount pa kami.
Mabilis akong nakalusong sa tubig at dinama ang lamig niyon. Sobrang gaan sa pakiramdam na makapag bakasyon ulit na walang iniininding trabaho may bonus pang boyfriend na sa hinuha ay hindi ko aakalain. I swim hanggang sa hindi na maabot ng paa ko ang buhangin sa lapag.
Di nagtagal pagkaahon ko ay may mga braso ng pumulupot sa aking katawan. No wonder it was Niccolo, mabilis siyang nakalangoy papalapit sa akin.
“I hate it when other guys are ogling over you, lalo pa at nakikita nila how beautiful and how sexy as hell you are.” Bulong niya pagkaahon ng kanyang ulo.
Umikot ako para maharap siya.
“Are you always this possessive?”
“Nope. I don’t remember I became like this only now. Only to you.” Sagot niya na titig na titig sa akin.
Naiiling naman ako sa kanyang sinabi. Hindi ko mapaniwalaan na hindi siya naging possessive noon, siguro sa mga fling niya hindi but how about Eli? Kahit ba kay Eli ay hindi siya naging ganito kaseloso?
“What are you thinking?”
“Wala naman.”
“Kapag wala that means meron, what is it? Spill.”
“I wonder kahit ba kay Eli hindi ka naging ganito kapossessive? I mean, sa mga flings mo understandable ‘yon but you know, Eli is different.”
As much as possible I want to be honest with him, sa lahat ng bagay. Naniniwala kasi ako that being honest in a relationship is a must. This way ay mas magiging open kayo sa isa’t isa at kung may hindi man pagkakaintindihan ay maayos agad, makakapagadjust agad both parties.
I heard him sigh.
“Baby, past is past. Please, let’s not talk about it?”
“Still not over her?” I asked again. Magkasalubong na ang kilay ko. Simple lang naman ang tanong ko. Oo o hindi lang ang sagot, mahirap bai yon? Mahirap bang balikan ang ala ala na iyon para sa kanya?
“Of course, I’m over her. Matagal na syang wala, matagal na kaming wala. Okay. If you really want to know then the answer is yes. I guess I am this possessive only to people who are important to me. To the people I cherish the most. But Eli is long gone, hindi na siya babalik. What’s important is us, now.” Mahaba niyang paliwanag.
Why am I feeling uneasiness inside me? Bakit parang may mali? Pinalis ko ang nararamdaman kong iyon. I choose to believe him, he’s right. Matagal na silang wala, kasal na rin si Eli sa iba kaya kahit anong gawin ni Niccolo ay hindi na magiging sila.
“Baby, let’s not ruin our vacation just because of the past.” Malambing niyang sabi at sinapo pa ang aking mukha para halikan.
Tumango na lang ako ng humiwalay siya at ngumiti.
Bago mananghalian ay bumalik kami ng aming villa para makapag luto siya ng pananghalian. He prepared sea food pasta and my ever-favorite avocado shake. Masaya naming pinagsaluhan ang tanghalian at ng matapos ay ako na ang hugas ng mga pinggan.
Ayaw pa niyang ipaligpit sa akin iyon but I insist, if he cooks, I’ll wash the dishes. Nitong mga nakaraang araw ay hindi lang nasususnod dahil masyado akong naging busy sa pagdidisenyo ng mga villa.
“Mon amour, what do you want to do?” I asked. Masyado pa kasing mainit sa labas, tirik na tirik ang araw at paniguradong masu-sun burn kami kung lulusong kami sa dagat o sa pool.
He is in the couch watching series in Netflix. Nilingon niya ako and extended his arms para abutin ang kamay ko. When I got near him ay hinatak niya ako paupo sa kanyang hita. Barefooted, inangat ko ang aking paa at ipinatong sa couch habang ang aking mga kamay ay nakaikot sa kanyang leeg.
“Let’s stay like this for a while. Masyadong mainit sa labas baka masun burn ka, you’re no longer used to this kind of weather.” Pagpupunto niya.
“Okay.” Pagsangayon ko naman at nilingon ang kanyang pinapanood.
His hands are encircling my waist at nagdaan din ang ilang minuto bago ako gumalaw papaalis sa kanyang hita. Umupo ako sa may kanang bahagi niya at sumandal sa arm rest ng couch. My feet are no longer stretched, he is already hugging my bended knees.
Nang matapos namin ang ilang episodes ay nagyaya muna siyang lumabas dahil papagabi na. Nagyaya siyang pumunta ng grocery para makabili kami ng chips dahil balak naming tapusin ang tatlong season.
Tulad ng nakagawian ay inisa isa ulit namin ang aisle ng grocery. Kumuha kami ng mga chips, apat na pint ng iba’t ibang flavor ng ice cream pati na rin ang paborito kong chocolate.
“Mommy? Mommy? Mommy?” Panay ang lingon ng batang lalaki kung saan. Papaiyak na rin ito, malamang ay nalingat ang nanay nito at dahil sa puro chocolate ay naiwan ang bata sa lane na ito dahil may dala pa itong iilang plastic ng chocolates at gummy worms.
Nilapitan ko ang bata at umupo para magpantay ang aming paningin.
He is such a cute boy, sa tingin ko ay three or four years old ito. Bagsak at straight ang buhok nito, matangos ang ilong, may pares ng magandang mata at maputi. Paniguradong paglaki nito ay maraming mahuhumaling na babae rito. Bata pa lang ay nakakahumaling na ang maamong mukha nito.
“Hello there baby boy. Where’s your mom?” Malumanay kong tanong.
“Where’s my mommy?” Namumuo na ang luha sa magkabilang gilid ng mga mata nito at Segundo na alng ang bibilangin ay papalahaw na ng iyak.
“Mommmmmy!!” Tuluyan ng umiyak ang bata.
“Hey. Don’t worry baby boy we’ll look for you mommy okay? Sya lang ba ang kasama mo?” Inaalo ko ang bata.
“Yes.” Umiiyak pa rin nitong tugon.
Umupo na rinse tabi ko si Niccolo at walang ano anong kinarga ang bata at tumayo.
“Hey. Don’t cry. Your mommy will get worried if she sees you cry. We will find her okay?” Alo rin nito sa bata.
Wow. I never thought Niccolo would be such a beautiful scene having a kid in his arms. Napangiti ako. He’s soft with kids he knows how to talk to kids siguro dahil na rin sa sanay na siya sa kambal ni kuya Art kaya ganito.
“Baby let’s check at the information?” Lingon niya sa akin. Tumango naman ako at itinulak ang cart na kung saan nakalagay ang aming mga pinamili.
“You’re good at kids.” Komento ko habnag kami ay naglalakad.
“Really?” He smirked at me.
“Yeah.”
“Then let’s have more kids.” Nakangisi niyang tugon.
Naiiling akong inirapan siya ng pabiro bago nilingon ang bata.
“What’s your name baby boy?”
“Miguel Kyler.” Humihikbi nitong tugon.
“What a nice name and you are so cute.”
“Thank you po. What’s your name tita pretty?”
“Ay ang bata pa bolero na. My name is tita Carrie.” Nakangiti kong pakilala.
“You really are pretty po. When I grow up can you be my girlfriend?” Sa sinabi ng bata ay kumunot ang noo ni Niccolo.
“Hoy! Wag mong papatulan yang bata.” Bulong ko kay Niccolo at pinanlakihan ng mata, tila gustong ibalibag si Kyler.
“How old are you baby Kyler?” Baling ko sa bata.
“Four po.”
“Patay tayo jan baby, kung iintayin kita uugod ugod na ko bago tayo ikasal.” Natatawa kongsabi.
“Tsaka baby I’m going to marry her, kaya hindi kayo pwede ni tita Carrie.” Sabat ni Niccolo.
Nalungot naman ang mukha ni Kyler dahil sa sinabi ni Niccolo. Baliw din talaga ang isang ‘to pati bata ay pinatulan.
“But I promise, we will make a baby as pretty as tita Carrie so you could court her.” Kumindat pa ito.
Siniko ko naman siya. “Baka maniwala yan baliw ka.”
“Bakit totoo naman ang sinasabi ko. Hindi ka na pwede, yung anak na lang natin.” Naiiling na lang ako sa mga patutsada niya sa akin. Deep inside ay kinikilig ako at umaasang sana nga ay kami ang magkatuluyan.
Nakarating kami sa may information at sakto naman na mayroong babae roon na kausap ang manager tila nagaalala ito. She has a jet-black long hair na tumatabing sa mukha kaya hindi kita kahit ang side ng mukha nito.
“Mommy!” Sigaw ni Kyler at nagpababa kay Niccolo tsaka tumakbo sa kanyang ina.
Lumingon ang babae ng marinig nito ang boses ni Kyler. Napa singhap ng makita ko kung sino ang ina ng batang nakita naming nawawala kani kanina lang. When I turned to Niccolo, he is stiffened beside me. Nakaawang bahagya ang bibig at halatang hindi makapaniwala sa nakikita.
How does it feel to see your first love with her child? I wanted to ask him but I can’t utter even a single word.