Chapter 6
Pagkasakay pa lang sa kanyang sasakyan ay agad niyang tinawagan ang kanyang sekretarya para ipaalam dito na hindi siya papasok ng dalawang linggo. True to his words, his secretary assured her that everything will be fine even when he’s away.
Bago kami tuluyang pumunta ng Batangas ay dumaan muna kami sa kanila para makakuha siya ng kanyang mga gamit at ilang damit. Hindi na ako bumaba ng sasakyan at inubos na lang ang oras sa aking cellphone.
I was busy checking my f*******: feed ng bigla na lang may nagpop up na notification from my email. Nagulantang ako sa email ni Luis informing me that he is on his way back to the Philippines together with PJ because Warren got out from the psych ward. Lou and everyone around her are in danger, he also informed me that I will have a bodyguard from now on para makasiguro. I will not see or know who they are, but they are just with in my range. One way of keeping me safe, he ordered me to open my GPS para daw madali para sa kanila ni PJ na matract ako.
PJ is one of our friend and he’s an agent. Good thing that he can help us with Warren and all the security. Kahit na ganoon ay kinakabahan ako sa mga pupwedeng mangyari. Warren is an obsessed man, na pati si Luis ay muntikan na nito mabaril buti na lang at naagapan kaagad. Pumayag din ang mga magulang nito na ipasok ito sa ward dahil sa takot na makasakit pa ito ng ibang tao sa pagka obsessed kay Lou. Ngayong naka labas ito ay walang kasiguraduhan kung magaling na nga ito dahil ilang buwan pa lang naman ang nakalipas.
Nagtitipa ako ng reply kay Luis ng biglang may nagbukas ng pintuan ng sasakyan ni Nicolo. Napasinghap ako sa gulat, muntikan pang dumulas ang aking telepono at malaglag.
“Scary cat.” Natatawa niyang puna sa naging reaksyon ko.
“Wag ka ngang nanggugulat ng ganon!” Sinamaan ko sya ng tingin.
“Dumaan na ko sa harap mo hindi mo pa ko nakita. Busying busy ka jan sa cellphone mo.”
Bigla ko na namang naalala ang email sa akin ng aking kaibigan.
“Nagemail lang si Luis.” Imporma ko habang mabilis na nagtitipa ng reply kay Luis.
“My sister?” Takang tanong niya habang inilalagay ang kanyang gamit sa likuran ng sasakyan.
“Nope. Luis, our friend, partner.” Tutok ang aking mata sa screen ng aking telepono, binasa ko ulit ang reply ko bago ko sinend iyon.
“Business partner you mean?” Ng nilingon ko sya ay nakataas na ang kanyang isang kilay sa akin.
“Ganun na din yon. Galit ka na naman. Tingnan mo nagsasalubong na naman to.” Tatawa tawa kong inabot ang kanyang kilay na magkadugtong para paghiwalayin.
Bahagya naman siyang umiling at nagsalita habang binubuhay ang makina ng sasakyan.
“Magkaiba yon Carrie. Maraming categories ang pagiging partner, business partner, dance partner, thesis partner, partner sa buhay, see? Maraming partner.”
“Oo na. Oo na panalo ka na.” Natatawa kong balik sa aking upuan. Nang makita kong hindi pa siya naka suot ng seat belt ay umuklo ako sa gawi niya para maabot iyon.
I felt him stiffened at pati ang paghugot ng kanyang hininga ay naramdaman ko pa. Inayos ko ang sanyang seat belt bago ako bumalik sa pagkakasandal at ang akin naman ang aking inabot at ikinabit.
“Thanks.” He said while smiling at me.
I felt that the awkwardness between us is now fading. Noong una kasi para pa kaming hindi magkakilala kahit na ang totoo ay close naman talaga kami.
He reached for my hand and entwined it with his. The electricity coming from his hand is spreading through my body. It is still the same intensity from then and now, ang pinagbago lang ay mas lumala yata gayon.
Para tuluyang mawala ang awkwardness namin ay hinubad ko ang aking sapatos tsaka ipinatong ang paa ko sa kanyang hita. Ngayon ko lang napansin na nagpalit na rin pala siya ng damit. He is only wearing plain white shirt, khaki short and rubber shoes. He looked so darn right handsome sa suot niya, boy next door material na malayong malayo sa intimidating owner of chains of restaurants na madalas kong nakikita. Para lang kaming bumalik sa dati kapag nagmamalling kami na kung naka tsinelas kami ay aakalaing inutusan lang kami at tumakas.
Nakita ko siyang nakangiting sumulyap sa akin at bahagyang umiling.
“Papatong lang eh.” I pouted.
“Bakit? Wala naman akong sinasabi ahh.”
“Wala nga pero yung mukha mo akala mo naman napakalaking sagabal ng paa ko.” I heard his hearty laugh. Our entwined hands are now on my lap resting.
“Hindi no, never kang magiging sagabal.”
“Heh! Wag kang pafall bwisit ka!”
We started our conversation from then. Nalaman kong may pinaplano pala siyang bilhin na lupa kung saan niya ipupwesto ang itatatyong bagong eat all you can na restaurant. Sa naaalala ko ay lampas sampu na ang branches ng Sibs, short for siblings dahil daw pare pareho silang magkakapatid na mahilig kumain.
Naalala ko pa noon na every weekend ay nasa bahay talaga ang mga ito to spend time with their family, cooking, baking, eating, movie at kung ano ano lang. Bilib talaga ako sa pamilya nila, they see to it na palagi silang may oras sa pamilya kahit gaano ka busy ay iiwan nila para makasama ang isa’t isa.
Minsan ko na ring hiniling ang kumpletong pamilya kagaya nila. Hindi ko naranasang makasama si mommy kaya naiinggit ako sa mga may nanay pa. I wish my mom is here with us. Nandyan naman si dad at kuya palagi for me, we have our time monthly na lalabas kami ng Manila para magunwind ans spend time together. Pero minsan ay hindi ko maiwasang humiling na makaramdam ako ng alaga ng isang ina. Kaya rin siguro naging close ako sa mommy nila Lou dahil halos ituring na rin niya akong anak, kahit papaano, kapag nasa kanila ko ay nakakaramdam ako kung papaano magasikaso ang isang ina.
Sa dami naming napag kwentuhan ay hindi ko namalayang nasa resort na pala kami. Dala dala na namin ang aming mga gamit ng bumaba kami. Sinalubong naman kami ng mga hospitable na crew ng resort.
“Good afternoon ma’am, how can we help you?” Tanong ng receptionist.
“Hi. Kukunin ko sana yung susi sa villa ni kuya Carlo? Tumawag kasi sya kanina asking me to visit the resort.” Mahinahon kong sabi.
“Ay hala, kayo po si ma’am Carrie?” Gulat niyang tanong.
Nakangiti lang akong tumango.
“Opo ma’am binilin na po yan ni sir Carlo, ayos na rin po ang villa at bagong palit na po ang lahat ng twalya at kobre kama doon.”
“Salamat po. Tsaka wag nyo na po akong tawaging ma’am, Carrie na lang po.” Nahihiya talaga ako kapag may tumatawag sa akin ng ma’am, hindi ako nasanay dahil sa U.S naman ay first name basis ang lahat ng tao.
“Ay kasi po – “
“Hindi. Carrie lang po talaga okay na po ako dun.” Awat ko sa kanya.
“S-sige po. Eto na po yung susi ng villa nyo.” Sabay abot sa akin ng susi. “Sandali lang po at tatawagin ko si Baste para po matulungan kayo sa mga gamit nyo.”
“Salamat po.” Tumalikod siya para tawagin ang sinasabi niyang Baste. Pagharap ko naman kay Nicolo ay nakatayo lang siya sa aking gilid at naka tingin.
Tinaasan ko sya ng isang kilay. “What?”
“Bakit kapag sa kanila ang bait mo, kapag sakin ang taray mo?” Maasim ang mukha niyang tanong.
“Hindi ako mataray, mabait ako. Hindi mo lang napapansin.”
Bigla namang sumingit sa amin ang kababalik lang na babae kasama ang isang binata.
“Baste, si ma’am Carrie. Kapatid ni sir Carlo. Ma’am si Baste po, isa sa tauhan dito sa resort.” Pakilala niya.
Ang binata naman ay bahagyang yumukod at ngumiti.
“Maganda pa po kayo sa hapon ma’am.” Bati niya.
“Ay bolero si kuya.” Natatawa kong puna. “Tsaka wag nyo na ko tawaging ma’am, Carrie na lang.”
Narinig ko namang tumikhim ang katabi ko, informing everyone that he is just behind me.
“By the way po si Nicolo.” Ngiti kong pakilala sa kanya.
“Hi, Nicolo. I’m Carrie’s boyfriend.” Pakilala nya sa mga ito at hindi pa nakuntento dahil ipinatong pa nito ang kanang kamay sa aking kanang balikat.
Aba te, territorial si kuya.
Nahihiya naman akong ngumiti sa kanila at pasimpleng siniko si Nicolo.
Nakita kong bahagyang nagkamot ng ulo si Baste sa aming harapan.
“Ay ako na po dyan sa mga dala nyo.” Sabay abot nito sa aming mga dalang gamit at nagumpisa maglakad papunta sa villa ni kuya.
The villa is so big, the materials used to build it is a combination of wood and glass. Pagbukas mo ay sasalubong sayo ang sala at kusina na kung titingnan mo ay kumpleto sa gamit.
Inilapag ni Baste ang aming mga gamit sa gilid ng sofa at nagpaalam ng aalis, nagbilin pa ito na kung may kakailanganin kami ay tumawag lang kami sa kanila.
Nang makatalikod ito ay nilibot ko ulit ng tingin ang villa. The kitchen has an extension outside ng puntahan ko iyon ay bumungad sa akin ang isang maliit na veranda na nagsisilbing open breakfast nook. Maaari kang lumabas roon patungong beach.
The room is so big with a huge four post wooden bed frame na pinapatungan ng makapal na kutson, may nakatali pang putting tela sa mga poste nito, giving it a complete beach vibe.
Nagulat ako ng bigla na lang na may yumakap mula sa aking likuran at isinisik ang kanyang mukha sa aking leeg.
“What do you want for dinner?” He asked.
“Anything. Let’s order na lang?” Pilit ko syang nililingon para makita ang kanyang mukha.
“No. I am a chef baby, habang kasama mo ko I will cook for you”
“I know you’re being sweet and all that, but you’re tired. Ilang oras ka ring nagdrive.” Umikot ako paharap sa kanya.
I am loving this feeling. Mukhang totoong totoo na nga eto na kami. Sabi nya boyfriend ko sya kahit sinabi kong we have to take it slow. Sino pa ba ako para tumanggi kung matagal ko na tong pinapangarap at pinapanalangin diba?
Kaya kung sinabi nyang boyfriend ko sya, then this is the time para ipakita at iparamdam sa kanya kung papaano ako maging girlfriend. Patas lang naman diba?
Umiling siya. “I’m not tired at all, para lang akong nagdrive Makati to Quezon city dahil traffic.”
Yeah. City traffic is a real killer. Kaya pala sinasabi nilang sa EDSA na lang ang may forever.
I placed my hands on his shoulders and slightly massaged his nape. While doing that, I saw him closed his eyes feeling my massage.
“Yan pala ang hindi pagod ah?” I kidded.
“I still can cook, so I will cook. Ibang tao nga naipagluluto ko sa restaurant kahit pagod na ko, baby ko pa kaya.” Ang lakas talaga makapag pakilig ni kuya.
“Kasi may bayad naman yon, negosyo mo yon eh.”
“Pwede mo naman akong bayaran kung gusto mo.” Tsaka makahulugang ngumiti sa akin bago ako hinapit papalapit sa kanyang katawan.
Natatawa kong pilit na inilalayo ang aking katawan sa kanya tsaka siya itunuro.
“Hoy Nicolo tigilan mo yan ahh.” Kahit anong pilit ko ay hindi pa rin niya ako pinapakawalan both of his arms are on my back holding me still.
“Halika samahan mo ko, may nakita ako kaninang palengke malapit dito. Bumili muna tayo ng mailuluto tapos tsaka na natin ayusin yung mga gamit natin.”
“Yan, tama yan. Tara na bumili na tayo.” Pinipilit kong itago ang kaba sa aking boses dahil sa pangloloko nya. Hindi pa ako handing isuko ang Bataan, masyado pang maaga.
Natatawa naman siyang pinakawalan ako para makuha ko ang aking wallet sa bag pero bago ko pa man mabuksan ang aking bag ay nahatak na niya ako papalabas ng villa.
“Huy teka wala tayong pambili.” Awat ko.
“You don’t need that baby; you only need me.” Bahagya siyang humarap sa akin para kumindat.
“Only need you ka jan. Huh! Kapal ng mukha.”
Hinatak niya ako hanggang sa parking tsaka inalalayan pasakay ng kanyang sasakyan. Ilang minuto lang ang nakalipas ng marating naming ang sinasabi niyang palengke.
Kapansin pansin na marami ang bumili sa palengeke na ito, marahil ay dahil papagabi na rin at halos lahat ay maghahanda na para sa hapunan.
Una naming pinuntahan ay ang mga sea food at dahil hindi ako marunong tumingin ng fresh sa hindi ay si Nicolo na ang hinayaan kong mamili.
“Manang magkano po sa tahong?” Magalang na tanong niya sa ale.
“120 kilo, sariwa yan iho. Kuha ka na ilang kilo ba?” Naghanda na ito ng plastic at sasalok na ng tahog kahit hindi pa sinasabi ng isa kung ilang kilo ang kanyang bibilhin.
“Sige ate dalawang kilo. Sigurado maganda yan ahh.” Paniniguro niya. Masaya ko lang siyang pinagmamasdan sa kanyang pakikisalamuha sa tao, hindi mo kasi aakalaing mayaman siya. He is not like the typical CEO or owner of a company, napaka down to earth.
“Oo naman fresh na fresh ang mga tinda ko. Ito lang ba ang kailangan mo? May isda pa dito, tilapia, bagngus.” Sabi nito habang nagtitimbang.
I saw Nicolo in my peripheral vision, lumingon siya sa akin tsaka hinapit ang aking bewang papalapit sa kanya. Sa gulat ko at sa takot na rin na madulas ako dahil basa ang sahig ay napakapit ako ng mahigpit sa kanya.
Tinapunan ko sya ng masamang tingin dahil sa bigla bigla na lang syang nanghahatak, Mabuti na lang din at hindi ako na out of balance kung hindi ay uuwi akong napakalansa.
“Ang layo mo kasi.” Nakangiti niyang saad. “What else do you want?”
“Bibili ka pa? Eh ang dami na nyan?” Tukoy ko sa tahong na kanyang binili.
“Mas mabuti ng madami kesa kulangin tayo, sarado na ang palengke mamaya.” Hindi natatanggal ang kamay nya sa aking bewang, holding me still. Ang aking dibdib ay patuloy pa rin sa malakas na kalabog kahit ilang beses na siyang ganito kalapit sa akin. It still has the same effect on me.
“Honestly, I don’t know. Basta ikaw ang magluluto at masarap that would be enough for me.” I snaked my arms at his waist. Clingy na kung clingy bakit ba, eh boyfriend ko naman daw sya. He smiled at me bago ako kinintalan ng halik sa ulo.
“Sige ate, tig dalawang kilo ng bangus at tilapia, yung malalaki tapos yung isang kilo ng bangus pang relyeno.”
“Sige pogi. Kakaliskisan ba lahat o pang ihaw?” Agad itong kumuha ng plastic at kumuha ng bangus.
“Sige ate magdagdag ka pa ng isang kilong tilapia pang ihaw. Pero yung iba palinis na.” Bilin niya sa tindera.
“O sige.”
“Saan banda ang grocery dito ate?” Tanong niya habang nagkikilo ito ng mga bibilhin ni Nicolo at ang kasama naman nito ay naguumpisa ng kaliskisan ang mga isda.
“Doon boss.” Turo ng kasama nito sa gawi papunta sa sinasabing grocery store. “Paglabas nyo jan diretsuhin nyo lang lalabas kayo ng highway don masisipat nyo yung grocery.” Pagbibigay nito ng direksyon.
“Sige brad salamat. Pupwede bang iwan muna namin ang mga yan? Dadaanan na lang namin mamaya magggrocery lang kami. Ito ang bayad.” Kinuha niya sa kanyang bulsa ag pitaka at naglabas ng isang libo at iniabot iyon sa tindera.
“Sige kuya. Balikan nyo na lang habang nililinis pa ay makapamalengke muna kayo.”
Pagkaabot ng sukli ay humiwalay na ako kay Nicolo. Nakaalalay siya habang tinatahak namin ang daang sinasabi ni kuya. He held my hand as he always does.
Kumuha siya ng cart pagkapasok namin ng grocery store na kaagad ko namang inagaw sa kanya.
“Ako na ang magtutulak, bayad ko na to sa pamamalengke mo.” Nakangisi kong sabi sa kanya.
I started pushing the cart on the first aisle. Sa U.S. kasi ay iniisa isa naming ni Lou ang bawat aisle ng grocery para siguradong wala kaming nakakalimutang bilhin, lalo pa noong magkasama pa kami sa apartment but it is still our routine to shop together.
Naramdaman ko ang kanyang prisensya sa aking likod at bago pa ako makalingon ay nakita ko na ang kanyang mga kamay sa magkabilang gilid ng cart. With that ay napangiti ako, possessive talaga.
Nawawala lamang siya sa aking likuran kapag may kukunin siyang kailangan niya, lalo na ng mapadpad kami sa condiments section.
“Seryoso ka ba? Dalawang linggo lang ako dito napaka dami mo namang binili. Puno na yung cart.” Naalarma kong baling sa kanya.
Akala ko ay puro condiments lang ang kanyang bibilhin pero ng madaan kami sa snacks kanina ay akala mo ay nagpapanic buying sya sa dami nyang biniling chips and cookies. Puro na rin cans of beer, soda and juices ang nakalagay sa cart. Nagsabi pa syang sa palengke na lang kami bibili ng prutas bukas dahil mas fresh daw ang mga iyon.
Napatapik ako sa noo dahil kulang pa ata ang isang cart sa mga bibilhin niya.
“Dalawang linggo tayo dito baby.” Emphasizing ‘tayo’, urgh! Oo nga pala, sasamahan nya daw ako sa dalawang linggo na gugugulin ko dito kahit sabihin kong magtatrabaho ako.
“At konti lang ang mga yan.” Hindi makapaniwala ko syang nilingon.
“What the…konti pa yan sayo? Para kang nagpanic buying!”
“That’s not panic buying halika na. Marami pang aisle oh.” Turo nya na natitirang aisle sa hindi pa naming napupuntahan.
Hinayaan ko na lang sya sa mga gusto pa niyang ilagay sa cart and mind you punong puno na talaga iyon.
Nang mapadaan kami sa mga chocolates ay agad kong nakita ang aking paborito. In an instant ay nagningning ang aking mga mata. Halos isang linggo na rin akong hindi nakakakain nito, kung nasa States kami ay paniguradong hindi ako mawawalan ng supply nito sa sobrang kaadikan ko.
Patuloy lang sa paglalakad si Nicolo at nilampasan ang paborito kong tsokolate habang ako ay tumigil para abutin ang pinaka malaking lalagyan noon. And because it is too high ay nahirapan akong abutin iyon. I pouted ng makailang tangka akong abot at hindi ko pa rin makuha kuha.
Naramdaman kong may kumuha noon mula sa aking gilid. Nang tiningnan ko ay walang iba kundi si Nicolo.
“Thanks.” Sabi ko ng makuha niya iyon, I have this wide smile on my face ng mahawakan ko ang lalagyan. Ito lang kasi ang guilty pleasure ko simula pa noon. I am burning it through dancing anyway kaya hindi ako tumataba.
I miss dancing too my partner George was sad noong nalaman niyag one month ang bakasyon ko dito sa Pilipinas, wala na daw ang dancing buddy nya every week.
“You should have called me, hindi yung nagpapaka hirap kang abutin yan.”
“Eh baka may mga kukunin ka pa eh.”
“Nonsense. What else do you want?”
“Wala na baby, ikaw lang sapat na.” Nakangiti kong sagot.
Nakita ko syang napayuko at namula. There. There. Ganyan ka pala kiligin ahh. I’m excited to see more of it baby.