Chapter 5

3438 Words
Chapter 5 I laugh so hard ng mapagtanto ko ang sinabi niya, mangiyak ngiyak na ko katatawa at halos hindi na rin ako makahinga. “That was a good joke. I had a good laugh.” Sabi ko ng mahimasmasan ako. He’s still kneeling in front of me his face was stunned. “Grabe, hindi ko alam na magaling ka na pala magjoke ngayon.” I heard him sigh. Tsaka bahagyang umiling and looked straight into my eyes. “I. Am. NOT. Joking.” Binibigyang diin ang bawat salitang kanyang sinasabi. “Seryoso ka?” Napaupo ako ng tuwid. He nods. “Seryoso ka nga?” Inulit ko ulit. I am still not convinced.  “I am serious as hell, Carrie.” “Bakit?” “Anong bakit?” “Bakit ngayon? Kelan pa? Nababaliw ka na ba?” “Hindi ko alam kung kelan nagsimula basta nung nakita kita ulit tapos may kausap kang iba I just felt something like this, and I hate the feeling. Seeing you…seeing you talk to someone else. In a snap close mo agad sila.”  “Alam mo Nicolo, naninibago ka lang dahil ngayon mo lang ako nakitang may kausap na iba. Sanay ka na kapag kailangan mo ng kausap ako yung natatawagan mo. Ako yung nakakausap mo. Yun lang yon.” “No. This is different. Iba to Carrie okay? Hindi naman ako ganito sa ibang babae, okay lang naman kahit may kausap silang iba maliban sakin. Pero iba ka, iba ‘to.” “Okay.” Itinaas ko ang dalawang kamay ko tanda ng pagsuko. “Given a chance na totoo ang sinasabi mo at iba nga ‘to. Ano naman ang gusto mong gawin?” Nakataas ang isang kilay ko sa kanya. Ilang minuto ang lumipas bago sya magsalita. “Can you give us a chance? To be together?” Mahinahon niyang sabi. I look into his eyes and I can see hope in there. Kung ang puso ko ang paiiralin ko, walang tanong tanong ay oo agad ang isasagot ko. Kung utak naman ang uunahin ko hindi ang sasabihin ko. I am thinking of the right decision for me, for him, for both of us.  I am not sure kung tuluyan nya ng nakalimutan si Eli, kung talagang naka move on na sya. But what if this is all he needs para makalimutan ang first love nya, to have a real relationship at hindi lang puro fling? Carrie, you have to think thoroughly. Paalala ko sa aking sarili. This is my chance, my only chance. Kapag pinalampas ko ang pagkakataong ‘to wala ng kasunod. But what if I get hurt in the process? Paano kung maisip nyang mahal pa rin niya si Eli, papaano ako? I massaged my forehead, hindi alam ang sasabihin sa kaharap. Matiyaga siyang naghintay sa aking sagot, still not standing and leaving me out of his sight. I sigh. “Okay.”  “Okay? You mean? Tay- “ “Hep!” Awat ko sa kanya. “Let’s take this slow.” Pagkasabi ko noon ay bigla na lang siyang umuklo para yakapin ako. “Thank you! Thank you!” I patted his back and smile. “Okay na. Sige na. Go home. It’s getting late.” Lumayo siya sa akin nang nakangiti. “I’ll see you tomorrow.” He holds my hands and kissed my knuckles. “Thank you. Hindi ka magsisisi, I promise.” “Oi sumosobra ka na. Sige na uwi na. Gabing gabi na.” Mahina siyang natawa tsaka tumayo at inalalayan rin ako. “Oo na po, ito na. Uuwi na.” Naglakad siya papalapit sa pinto na hawak pa rin ang kanang kamay ko. “Pwede mo na kong bitiwan kuya.” Masama ang mukha niyang humarap sa akin. Natawa ako sa itsura nya. His hand feels good in mine. “Don’t call me that.” Turo niya sa akin. “I will never be your brother.” “But you’re old.” Natatawa kong sagot. “Excuse me?” “Bakit totoo naman ahh, you’re really old.” “I am only two years older than you.” “Matanda ka pa rin. Sige na uwi na, kuya.” Pagtataboy ko sa kanya. “Lock your door, baby.” Bilin pa niya bago tuluyang lumabas ng pintuan. “Yes, kuya.” Pangiinis ko pa rin sa kanya. He groaned. “Shut it. I’ll message you when I get home.” Itinulak ko na ang kanyang kamay at binitawan. “Go. Ingat.” He smiled at me bago tumalikod. I watched his back habang papalabas sya ng gate at kumaway pa sya bago tuluyang sumakay ng sasakyan. I closed and locked the door afterwards. I’m still in a cloud nine at iniisip ang mga nangyayari. Sana lang ay hindi ako lasing at bukas ay magising ako na hindi lang panaginip ang lahat. Umakyat ako sa kwarto at naghanda na sa pagtulog. Pagharap ko sa salamin sa banyo ay pinagkatitigan ko ang aking sarili. My lips are stretched, hindi mapuknat ang ngiti. Sana hindi ako nagkamali sa desisyon na ginawa ko, sana hindi ko pagsisihan na magsimula ng isang relasyon na walang kasiguraduhan.  Pero diba lahat naman ng relasyon walang kasiguraduhan? You don’t know when the road will be bumpy. All I know is that you have to give your best to protect the relationship. You have to give your all para wala kang pagsisihan sa huli. Paglabas ko ng banyo ay tumunog ang aking cellphone. I reached for it only to find out that Drake is calling. Bigla naman akong nanghina ng makita ang pangalan niya. What will I do? Pumayag akong magpaligaw kay Drake while taking it slow with Nicolo. This is not good. Tinapik ko ang aking noo, I have to fix this mess. “Drake.” Sagot ko sa tawag niya. “Carrie, buti naman at naabutan pa kitang gising. I just got home.”  “That’s good. Pahinga ka na. Thank you again for tonight.” “No. I should be the one thanking you. I mean you know for the chance to court you.” Nakikinikinita ko ang mukha ni Drake na nakangiti. “Actually, Drake about that, I u-uhm.” Hindi ko matuloy ang sasabihin ko. This is so bad. I am so bad. “Ano kasi, pwede bang wag mo na lang ituloy?” Kagat labi kong tanong. “Huh? Carrie, why? Did I do something wrong? Dahil ba niyakap kita kanina? I’m sorry.” His voice is panicky. “No Drake it’s not that. Naisip ko lang kasi I don’t want to lose a friend like you.” Palusot ko. Papaano ko ba lulusutan ‘to? “Diba, I told you no matter what happen, I will still be your friend.” “Drake please? Magiging busy na din kasi ako baka hindi ako makapaglaan ng oras para sayo. I will remotely work here because of the upcoming projects. Isa pa one-month lang ang bakasyon ko dito and I have to go back to States because of work.” Mahabang paliwanag ko. “Okay. Okay Carrie, relax. Dapat pala hindi muna ako umuwi para mas matagal kitang nakasama. Ang bilis naman magbago ng isip mo.” He is now sulking. Napaka tanga ko naman kasi. Why did I gave him a chance tapos wala pang isang araw babawiin ko din. Pero mas mabuti na ang ganito kesa umasa pa siya ng umasa tapos hindi ko rin naman siya magagawang mahalin. Because I know to myself that I already love someone and all I need is a chance to be with him at ito na yon. “I am really sorry Drakey. Please forgive me. I’m really really sorry.” Paghingi ko ng tawad. Narinig ko ang mahina niyang pagtawa. “Ano ka ba ayos lang para kang baliw. We’re still friends, right?” “Of course!” Agad kong sagot. “Osige na. Matulog ka na. Don’t worry about it. I’m good. We’re good.” “Thank you, Drake. Salamat talaga.” “Wala ‘yon. Sige na. Good night, Carrie-loves.” Natawa naman ako sa paglalambing nya. “Goodnight Drakey.” And thank God, nabunutan ako ng tinik sa dibdib ng maging maayos ang paguusap naming ni Drake. Mabuti na lang at tinanggap niya ang paliwanag ko. Ngayon wala ng hadlang sa amin ni Nicolo. Sana nga wala na. Pagbaba ko ng tawag ay sunod sunod naman ang message na dumating sa akin. Nicolo Tan I’m home. Why aren’t you answering? Already asleep? Hey! Why’s your line busy? Are you talking to your dad? Naiiling naman akong nagtipa ng reply sa kanya. Me Nope. Drake called. Good to know that you’re home. Rest well. I hit send at nagsimulang ayusin ang aking kama. Akmang hihiga na ako ng biglang tumunog na naman ang aking telepono. “Hello?”  “Bakit tumatawag pa sayo yon? Late na ahh.” Halata ang inis sa kanyang boses, I rolled my eyes. “He informed me na nakauwi na sya and he’s thanking me because I gave him a chance.” I smirked. “What? What chance?” Naalerto niyang sita. “Chance na manligaw.” Pangaasar ko. “No way in hell Carrie. Tell him to stop. He doesn’t have a chance. I will not give him a chance. That asshole!” Galit niyang tugon. “Ang alta presyon mo kuya, baka atakihin ka sa puso. Magrelax ka nga, makaka bulahaw ka pa jan sa inyo.” “Pano magrerelax? Why did you do that? Why did you give him a chance?” Natatawa ko sa kanya and because I’m a good kid, I’ll behave. Mahirap na, baka bigla pang magbago ang isip nya. “I told him not to court me anymore.” “Good.” Narinig ko pa ang kanyang paghinga, sensing his relief. “Sige na matulog ka na. It’s late.” “You too, sleep tight baby. Dream of me.” “Good night.” Pagkapatay ko ng kanyang tawag ay nagtakip ako ng unan sa mukha tsaka impit na tumili. Sobra pa ata sa kilig ang nararamdaman ko ngayon. My heart is pumping so loud na kulang na lang ay magsasayaw ako sa tuwa. ----- Naalimpungatan ako dahil sa lakas ng tunog na nagmumula sa aking telepono. Masakit ang ulo kong inabot iyon at sinagot ng hindi tinitingnan kung sino ang tumatawag. “Hello?” Antok na antok ko pang sagot. “Good morning baby.” Bati ng nasa kabilang linya. “Hmm.” Sagot ko. Antok na antok pa talaga ko at wala ako sa huwisyo para makipag kwentuhan ng ganito kaaga. “Get up. Open your door.” Rinig kong sabi ng kausap ko but I can feel that I am already entering the tunnel going to my deep slumber. “Baby, kapag hindi mo binuksan ang pinto I swear sisirain ko to.” Sabi nito ng nagbabanta. “Ano ba kasi yun?” Iritado kong sagot.  “Open your door now or else papagurin kita lalo.” Sa sobrang inis ko ay padabog akong tumayo at lumabas ng aking kwarto. Kahit sobrang antok ay mapalad akong naka baba ng hagdan na buo pa at hindi napilayan. Pikit pa ang aking mata na i-nunlock ang pinto tsaka dumiretso sa sala para mahiga sa couch na naroroon. Padapa akong ibinagsak ang sarili at narinig na may nagbukas at pumasok sa pinto. “Good morning!” Masaya nitong bati pero hindi ko iyon pinansin hanggang sa maramdaman ko ang yabag na papalapit sa akin. “Get up, baby. Let’s have breakfast.” Bulong niya. I can feel his face near mine at hinawi pa nito ang mga buhok kong nakaharang sa aking mukha. “Luis, have your own breakfast kaya mo na yan, you know the way around my apartment. Tsk! Ang aga aga.” Inis kong sagot, kinamot ko pa ang ulo ko sa bwisit. “As far as I can remember, my name is not Luis.” His deadly voice echoed in my ear, loud and clear dahil ibinulong niya iyon sa akin. Kung hindi si Luis ang nasa apartment ko, sino? Luis has a key to my apartment bakit nya pinabuksan ang pinto ko kanina? Nanlalaki ang mga matang dumilat ako. Hazelnut colored pair of eyes are closely looking at me. Perfect nose, pinkish thin lips, the jaw line that looks so sexy. Isa lang ang kilala kong pinagnanasaan ko ng ganon. He raised one of his eyebrows bago nagsalita. “Yep. It’s me, baby. Not Luis.” Hindi pa rin nawawala ang matalim na boses nito. Napaupo ako bigla dahil sa hiya tsaka sinapo ang ulo dahil nagpintig iyon. “Wha-what are you doing here? Ang aga pa ah.” Halos magkalebel lang kami kaya hindi ako masyadong nagangat ng mukha. “Bringing you breakfast. And here you thought that I am Luis? And he knows his way to your apartment huh?” He smirked. Sh!t. Malay ko ba? Akala ko nasa U.S pa ko! Tsk! “Sorry about that. Sobrang antok ko lang kanina and masakit din ang ulo ko. I thought I am still in U.S. at ang madalas lang naman na nang bubulahaw sa akin ng ganito kaaga ay ang kapatid mo at si Luis.” Paliwanag ko. “And you opened your door wearing only that.” Masama ang tingin niya sa suot kong damit. “What’s wrong with this? Dito ako sanay kapag natutulog ako. Walang ibang klase ng pambahay na damit ang meron ako.” Pagtatanggol ko pa sa sarili. I wear big thin kind of shirts, like boyfriend shirt. Mas komportable kasi akong nakakagalaw. Kapag nasa bahay lang ako ay ito lang ang suot ko pati boyleg. Si Lou at Luis lang naman ang laging dumadalaw sa akin sa apartment kaya sanay na sila na ganito ang ayos ko. “Really? And Luis also saw you dress like that.” Padilim ng padilim ang kanyang mukha. Ano bang problema ng taong ‘to at kapag nakiita ako ay palagi na lang galit? Laging magkasalubong ang kilay at akala mo ay palagi akong may ginagawang masama. “Oo, palagi namang ganito ang suot ko. Ano bang problema mo? Napaka init ng dugo mo sakin tuwing makikita mo ko. Wag mo na lang kaya akong puntahan o kaya umiwas na lang tayo sa isa’t isa para hindi na tayo magkita? Lahat na lang ng ginagawa ko mali, pati ba naman ang suot ko sa loob ng bahay ko mali pa rin?” Inis kong litanya. Sino ba naman kasi ang matutuwa, hindi pa nga ako nakakabawi sa jetlag pati sa byahe namin isama mo pa ang pagtatrabaho ko kahit pa sabihing naka bakasyon ako. I am sleepy, I have headache more so hangover tapos sasalubungin ka ng hudas na ‘to! May pa breakfast breakfast pang nalalaman manenermon lang pala! Lintek, sana hindi ko na pinagbuksan ng pintuan to kanina. “Hindi lang dugo ko ang nagiinit Carrie, believe me. What the hell are you thinking opening that door with only that shirt on with no underneath?!” Nagulantang ako sa taas ng boses niya pero isa lang iyon sa dahilan, no underneath…no underneath…holy hell! Pulang pula ang mukha kong tumayo at nagmamadaling tumakbo sa aking kwarto. Hindi ko na naintindihan ang iba pa niyang sinasabi dahil nagmamadali na akong umakyat. Agad akong dumiretso sa closet para maghanap ng b*a. Ang tanga tanga mo naman kasi Carrie. Bakit ka ba nagbubukas ng pintuan kaagad?  Nang makakuha at maisuot ang aking panloob ay naghilamos muna ako at nagtoothbrush. Mas nakakahiya kung haharapin ko na naman siyang walang ayos ang sarili, but of course my shirt and boyleg stays the same. Siguro naman hindi na sya magagalit dahil nasa loob naman ako ng bahay at hindi naman ako magbubukas ulit ng pintuan. Nang maayos ko ang aking sarili ay lumabas na ako ng kwarto at bumaba. Nadatnan ko sya sa kitchen na inihahanda ang almusal na dala. I got the chance to watch his sexy back, broad shoulders, biceps and a sexy butt, what a yummy combination. What more kung haharap pa? Baka kahit isang buwan akong walang ulam ay ayos na ang kanin basta nasa harap ko sya. Naiiling ako sa takbo ng aking utak. Umagang umaga, tinalo ko pa ang may libido. “Hey.” Kuha ko sa atensyon niya. Tiningnan niya ako over his shouder. “Sorry about earlier.” Mahinahon kong sabi habang papalapit sa kanya. Humarap naman siya at sumandal sa island counter na ang kamay ay nakatukod pa rin doon. “Come here.” He stretched out his left hand to reach me. Lumapit naman ako sa kanya na parang batang tinawag ng magulang dahil may kasalanan. Nahihiya pa rin ako dahil sa nangyari kanina. Kung bakit ba naman kasi. Inabot niya ang aking kanang kamay at ipinagsaklob iyon sa kanya bago ito ginamit para hapitin ako kaya naakapit ako sa kanyang dibdib. Magkadikit na ngayon ang aming katawan and to my surprise he used his other hand to lift my chin. It only took a millisecond for me to feel the softness of his lips to mine. It sends electricity in every bit of my being; the sensation is way too different from my experience from my exes. Hindi dahil sa matagal na ang panahon na nakalipas but I never felt like this before, I never felt the spark. He even bite my lower lip bago nito iyon pinakawalan. Sa gulat ko ay para lang akong nakatulos na kandila sa kanyang harapan.  “That’s how I wanted to be greeted in the morning.” Bulong niya tsaka ako niyakap at pinakawalan ang aking kamay. “Next time, don’t open your door kahit sino pa ag tao sa labas.” Him while placing his lips on my temple. “Huh?” “I’ll have your key duplicated instead.” Sabi niya bago ako hinatak at inalalayan paupo sa dining table. Totoo bang nangyayri ang lahat ng ito? Yung kagabi, hindi iyon panaginip tama? Hindi ako laing lang? Nakatingin lang ako sa kawalan habang si Nicolo naman ay inilalagay ang mga inihandang pagkain sa aking harap. Fried rice, hotdogs, eggs, bacons, creamy chicken soup, French toast, pancake orange juice and coffee. Takang taka ko syang tiningnan, last breakfast ko na ba ito? Napakami niyang inihandang pagkain. “You have hangover, you have to eat so you could take advil.” Hinatak niya ang upuan sa aking tabi at doon umupo. “Why are you here? Don’t you have work?” Tanong ko habang nagsasalin siya ng pagkain sa aking plato. “I have, gusto ko lang masiguro na makakain ka muna at makainom ng gamot para mawala yung hangover mo.” Paliwanag niya. “Go ahead and eat.” Wala akong nagawa kundi kumain dahil nakakahiya at nagabala pa siyang dalhan ako ng pagkain. He’s busy with his restaurants and yet he’s here this early, nauna pa nga siyang nagising sa akin samantalang mas late na siya nakauwi kagabi.  After we ate ay pinainom niya ako ng gamot at inihatid sa kwarto. “Sleep. Ililigpit ko lang ang pinagkainan natin aalis na rin ako. Where’s your front door key anyway?”  “Nasa baba, sa center table. I think the keys are already duplicated i-check mo na lang kung alin don.” He tucked me to bed and kissed my forehead. “Sige na matulog ka na, ako na ang bahala sa baba.” Tumango lang ako tsaka ipinikit ang aking mga mata. Naramdaman ko pa ang kanyang paghalik sa aking noo bago tuluyang lumabas ng kwarto. Dala marahil ng pagod at antok ay nakatulog naman ako kaagad. Ilang oras din ang lumipas ng magising ako sa tawag ni kuya Carlo. He is asking me to visit our beach resort and check its interiors dahil binabalak nilang unti unting irenovate ang mga cottages at villas. Dahil tapos ko na naman at naipasa na ang initial designs na kailagan ni Luis sa U.S ay pupwede na akong magbakasyon ng tuluyan. I told my brother that I will be staying at the resort for two weeks lalo pa at nakatanggap ako ng message from Lou that she is in Baguio right now. Balak ko sana siyang yayain but I think na kailangan niya ring makasama ang kanyang mga kapatid at pamangkin, alam kong miss na miss na niya ang kambal so I let her be. I packed my things and necessities at ng sa tingin ko ay wala na akong nakalimutan ay bumaba na ako bitbit ang aking mga gamit. Hinanap ko ang susi ng sasakyan ni kuya dahil iyon lang ang sure ako na maayos pa ang takbo dahil iyon ang palaging gamit niya kapag umuuwi siya sa Pilipinas. Isa-isa kong ipinasok ang aking mga gamit sa likod ng sasakyan at akmang bubuksan ang gate ng may sasakyang humarang doon. Kunot noo ko namang tiningnan ang sasakyan at ang taong bumaba mula roon. It’s Nicolo, again. Napatapik ako sa aking noo. Taking it slow my a*s, samantalang umaga, tanghali gabi nandito sa bahay. “Where are you going?” Maang niyang tanong ng makita ang ayos ko. I only wear maong shorts, my favorite boyfriend shirt and top sider shoes paired with sunglasses. “Tumawag si kuya pinapabisita yung resort sa Batangas.” Patuloy kong binuksan ang kandado ng malaking gate. Nang mabuksan iyon ay doon na rin siya pumasok. “Why didn’t you tell me?” “Because you’re working, and I need to be there?”  “Kung kailangan mo talagang pumunta then let’s go there together.” Napamaang naman ako sa sinabi niya. “Seriously?” “Yep. Seriously.” Sunod sunod pa siyang tumango. “Ui Nicolo you have work. You have businesses that you should run. Okay lang naman ako, I can drive myself there. Tsaka two weeks ako don.” Tananaranta kong awat sa kanya. Hindi nya pwede basta basta na lang iwan ang negosyo nya dito para lang sumama sa akin. “The more that I have to go with you. Baka mapano ka sa daan, wala kang kakilala ni isa don. Besides, I can take leave anytime, as much as I want and how long I want it. Kaya pwede akong sumama sayo, the restaurants can operate even without me.” His smile is reaching from ear to ear, showing his perfect white teeth. “Seryoso ka talaga?” Hindi ko pa rin makapaniwalang tanong. “Oo nga. Halika na. Let’s get your things, baka abutin pa tayo ng ilang oras sa daan.” Eto na naman po siya hatak hatak na naman ang aking kamay papunta sa sasakyan para kuhanin ang aking mga gamit. Kaba, excitement, kilig, teka natatae pa ata ako. Halo halo na ang nararamdaman ko. One-week vacation with him, pangarap ko nga lang na makasama siya noon kahit isang araw lang eh ngayon one-week pa. Iba talaga magbagsak ng biyaya si Lord. ----- I will update Private Love soon, for now ito muna.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD