Chapter 4

3370 Words
Chapter 4 I can feel his stares habang nasa sasakyan kami pauwi. Kanina pa sya nagsosorry but I can’t make myself forgive him this time. Nakatingin lang ako sa labas ng bintana at ni minsan ay hindi ko sya pinansin o tinapunan manlang ng tingin. Ilang minuto pa ang nagdaan at ipinarada na niya ang kanyang sasakyan sa tapat ng aming bahay. “Thank you for driving me home.” Hindi ko na inintay ang kanyang sagot at basta na lang ako lumabas ng sasakyan at pumasok sa bahay. Pagkasarang pagkasara ko ng pinto ay hinayaan ko ang sarili na tumulo ang luha. Ganito pala kasakit napagtripan much worse is that yung taong mahal mo pa ang gagawa noon sayo. Too much familiarity maybe. Dahil siguro kilalang kilala na niya ako at alam niyang hindi ko sya pagsasalitaan ng masakit at hindi ko sya gagantihan kaya ganito na lang kung ituring niya ako. I’m like a nobody to him, yung pwedeng paglaruan, utus-utusan.  Ako yung uto-u***g tao na pwede nyang pasunurin sa kahit anong gusto nya. Sabagay, ganito ang gusto nya hindi ba? Ang taong mapapasaya sya. Siguro naman sapat na ang pagiging tanga ko para sumaya sya. I made him laugh this morning anyway. I locked the door at dumiretso ng kwarto at doon ipinagpatuloy ang pagiyak. Hindi na ako nagabala pang magpalit ng damit at basta na lang ibinagsak ang katawan padapa sa kama. I can feel the tiredness all over my body, my heart and my soul.  ----- “Hello.”  “Baks, san ka? Nagyayaya si Angelo na lumabas with our college friends. Are you free?” “I don’t know baks. I need some things to do.” Pagtanggi ko. I have some work to do “Please baks. Sige na naman ngayon lang. Ayoko magisang pumunta don, tsaka hindi mo ba namimiss ang college friends natin?” “Lou, I am already behind my schedule. Kailangang matapos ko yung design ng office na pinapagawa ni Luis.” “Osige ganito na lang. Since mamayang gabi pa naman ‘yon. I’ll help you with the designs. Punta ka dito sa bahay then sabay na tayong pumunta don sa venue. Please don’t let me go there alone. I need you.” Nagpapaawa na ang boses na ginamit niya. Alam na alam ng babeng ito kung saan ako aatakihin. “Fine. Fine. Sige na. Pupunta na ko jan. Pero yung pangako mo, you’ll help me with the designs kundi patay ako kay Luis.” “Yes. I will. Magsisimula na ko para habang hinihintay kita may natatapos na ko.” Nagpaalam na siya at ako naman ay pumunta na ng banyo para maghanda papunta sa kanila. Mabuti na lang at wala si Nicolo sa kanilang bahay ng dumating ako. At least ay hindi ko siya makikita, he’s been constantly sending me messages apologizing. Wala ring patid ang pagpapadala niya ng bulaklak sa bahay araw araw with sorry notes. Kaunti na lang at bibigay na ko pero pinipigilan ko ang sarili ko, kailangang magpakatatag at huwag basta basta bibigay, mahirap na, pafall pa naman ang isang ‘yon. Baka kapag binigyan ko sya ng pagkakataon ay hindi na ko makaahon sa pagkabaliw ko sa kanya. Dumating si Angelo sa kanila para sunduin kami at dahil sa BGC dahil doon daw kami magkikita kita magkakaibigan. I am excited to see our old friends, kahit naman lamayo kami ni Louise ay hindi naman nawala ang communication ko sa kanila. Pagdating namin sa restaurant ay agad kaming sinalubong ng aming mga kaibigan.  “Carrie-loves dito ka umupo sa tabi ko namiss kita.” Mandrake will always be Mandrake, malambing sa mga babae. “Drakey, wala akong pasalubong wag ka na maglambing.” Pambabara ko sa kanya but of course nagbibiro lang din naman ako tsaka sumunod sa kanya. He pulled out the chair next to him para makaupo ako.  “Have you ordered?” Tanong ni Gelo sa kanila ng mapansing wala pang nakahain na pagkain sa lamesa. “We already did. Akala kasi naming ay mattraffic kayo.” Jared answered. “How’s New York?” Mike asked. “Kamusta naman kayo doon? Hindi manlang kayo nakaisip umuwi. Kayo talagang dalawa nagsolo na talaga kayo.” Nagtatampong himig ni Hannah. Sobrang close kasi namin noon, kami kami lang ang magkakasama lalo na sa paggawa ng mga plates at pagrereview. “We’re good. Hindi kami makauwi kasi ang daming trabaho eh.” Sagot ni Louise. “Nako wala ng inatupag yan kundi magtrabaho. We are traveling overseas pero kailangan pa naming pilitin ni Luis yan bago sumama.” That’s true, we are working our asses off para mapalaki ang firm not just for ourselves but also for our team. Kapag nagooverseas naman kami ay dahil lang din sa trabaho. Kapag may site lang na kailangang puntahan at icheck, napakadalang pa. Mabibilang sa kamay ang pagbabakasyon na ginawa namin sa nakalipas na limang taon. Matagal na ang dalawang araw na wala kami sa trabaho. Naging kaugalian lang naming magkakaibigan na kapag may natapos kaming project ay iinom kami pang unwind at pampalipas ng stress sa trabaho. “Luis who?” Takang tanong ni Joane. “A friend and our business partner.” Natawa ako sa sagot ni Lou, halatang defensive.  “A friend. More like boyfriend.” Makahulugan kong susog sa sagot niya. Para naman hindi nila akalain na walang ibang lalaking naging bahagi ng buhay ni Lou nung umalis sya. They have to think that Lou already get over with Angelo at least. Kung talagang mahal pa ni Angelo si Louise ay gagawa ito ng paraan to win her over again at isa lang ang naiisip kong paraan para matulungan ang aking mga kaibigan. They say jealousy can make you do things you can’t imagine you can do. Tingnan natin kung mahal pa nga talaga niya ang kaibigan ko. Sasagot pa sana si Louise kaya pinandilatan ko sya ng mata at sumulyap kay Sapphire at Angelo. Tumingin siya sa akin ng nakakaintindi. Good. For now, kailangan nya munang malaman ang feelings ni Angelo bago sya sumugal ulit. Ang nasa tabi naman niyang si Angelo ay tila nagiisip na tumingin sa kanya. “Wow! That’s a news. Ikaw Lou ahh, hindi ka nagsasabi may jowa ka na pala dapat sinama mo na pauwi.” There. There. That’s what I’m talking about. I smiled at them. “He’ll be here next week. Hindi naman non pinapabayaan mahiwalay si Louise ng matagal.” I smirked at Angelo.  “Nice. Mamamanhikan na ba?” Tanong ni Mandrake sa tabi ko. Nagkibit lang ako ng balikat at ngumiti. Bahala na silang magisip kung anong gusto nilang isipin. This is for Angelo and Louise, it’s for their happiness. “Wag nga kayong magpapaniwala jan kay Carrie niloloko lang kayo nyan.” Louise said. Hindi talaga niya kayang magsinungaling. It’s not on her nature. “Totoo man o hindi, pakilala mo pa rin samin tsaka abay kami ahh.” Sabat naman ni Zach. Good. For now, okay na na ganyan ang isipin nila. Nang sulyapan ko si Sapphire ay may ngisi sa kanyang labi kaya nagtaas ako ng kilay. Someone is happy that Louise has a boyfriend. Halatang gusto pa rin nito si Angelo kahit pa sinabi ng isa na wala namang namamagitan sa kanila at tanging pagkakaibigan lang ang ibinigay niya sa dalaga sa mga taong nagdaan. Minsan talaga nakakatanga ang pagibig. Yung kahit matagal willing kang magintay na mapasayo kahit walang pagasa? Then I realized that Sapphire is just like me, sya kay Angelo ako kay Nicolo. Kung tutuusin mas may pagasa sya kaysa sa akin. Nagiintay sya na mapansin ni Angelo while she’s on his side, samantalang ako ay sumusunod sa hiling ni Nicolo na samahan ang kanyang kapatid. Don’t get me wrong, gusto ko rin talagang samahan si Louise sa New York but it’s his request kaya napaaga ang pagalis ko. Kukuha pa sana muna ko ng experience dito pagkatapos kong makapasa ng board exam but since he insisted wala akong nagawa.  Nagpatuloy ang aming pagkukwentuhan habang kumakain. Binalikan ang mga kabulastugang pinaggagagawa namin sa mga subjects namin noon. Yung mga pagkakataong aabsent kami sabay sabay sa isang subject para gawin ang plates o di kaya any magreview sa susunod na quiz. Nakakamiss din magaral, yung wala kang ibang iisipin kundi quiz at plates lang. “Guys, up for a booze?” Tanong ni Zach. “Game. Eight pa lang naman. Two bottles!” Sagot ni Levi. We agreed at isa isa na kaming tumayo. “Come on, sakin ka na sumabay.” Drake said habang hawak na niya ang aking siko. Ngumiti naman ako at tumango. Inalalayan niya ako palabas ng restaurant at inintay ang iba pa sa labas. Hindi ako pamilyar sa lugar that’s why I have to stick with them, alam ko namang nasa mabuti akong mga kamay. “Guys, ihahatid na ni Gelo si Saph.” Levi announced pagka labas nila ng restaurant.  “Ha? Bakit? Magsisimula pa lang ang gabi oh!” Sabi ni Hannah na may bakas ng pagkainis sa boses. Agad kong nilingon si Louise na bakas sa mukha ang pagaalala. Si Angelo naman ay inaalalayan si Sapphire na mukhang may sakit. “Nilalagnat eh.” Sagot lang ni Gelo pagtutukoy sa kasama. “Sorry guys, ipapahinga ko lang muna ‘to. Enjoy the night. May next time pa naman. Una na kami.” I rolled my eyes inwardly. Akala mo naman sila talaga. Wag kang magilusyon girl. “Isabay na natin si Lou.” Hinawakan ko ang braso ni Mandrake para makuha ang kanyang atensyon. “Levi, si Louise. Babalik ako agad. Messasge nyo ko kung nasan kayo.” Bilin ni Angelo bago pumasok ng sasakyan. Yan ang sinasabi ko, malasakit. Minsan malasakit lang at kabaitan ang umiiral sa isang tao para manatili sya sa tabi mo. Sino ba naman ang hindi makakapansin na mahal pa ni Angelo si Louise? Kung ibilin ito akala mo may mangyayari kapag hindi sila ang magkasama. “Si Levi na pala ang magsasabay.” Tingin sa akin ni Drake. “Pre, san tayo?” Tanong pa niya sa mga kasama namin. May sinabi silang lugar kung saan kami iinom at dahil sa hidi ko alam yon ay pinabayaan ko na lang silang magusap usap. Inalalayan ako ni Drake na makasakay sa kanyang sasakyan bago umikot sa driver seat at nagsimulang magdrive. “So kamusta ka naman?” Drake asked. “Okay naman. Office, bahay at dance class lang naman umiikot ang buhay ko sa U.S. Minsan lalabas kaming tatlo nila Louise iinom to unwind ganon.”  “Boyfriend?” “Boyfriend? Wala no sus.” Nakangisi kong sagot. “What?! Seroso ka ba? Wala kang boyfriend? Wala naiwang someone sa US? Walang nanliligaw? Bulag ba mga tao don?” Kunot noo at sunod sunod ang tanong niya sa akin. “Baliw! Hindi ibig sabihin na wala akong boyfriend ay walang nanliligaw sakin no.” “Then why?” “May mga naging boyfriend naman ako don. Grabe sya. Hindi nga lang nagtatagal. Like two months, pinaka matagal?” Hindi siya umimik at tinitigan lang ako. “Don’t look at me like that. Hindi ako play girl, dalawa lang sila. Nung nanliligaw kasi okay eh tapos nung naging kami na ewan ko ba parang feeling ko kaibigan na lang yung turing ko sa kanila. Kaya I ended it up immediately. Alam mo na para hindi ko na masaktan.” Paliwanag ko. “Sus. Baka naman dito ka may iniwan nung umalis ka?” Natatawa nyang hula. “Wala no. Wala naman akong iiwan na boyfriend dito.” Hindi naman kasi kami at walang pagasang maging kami. Sa loob loob ko. “Are you going to stay here for good?” Seryoso niyang tanong. “Nope. I only have a month-long leave. I have to go back because I need to help Luis manage the firm while Lou will work here with their new hotel.” “Akala ko pa naman dito ka na ulit.” “Malay mo kapag may rason na magstay ako bakit hindi.” Natatawa kong sagot. “Talaga?” Parang hindi naman sya makapaniwala sa sinabi ko. “Bakit pagsstayin mo ba ko?” Biro ko. “Of course. Dito ka na lang. Ako na lang magaalaga sayo total naman matagal na tayong friends. Malay mo may pagasang maging more than friends.” Palipad hangin niya. I chuckled at him. “Babaero ka talaga.” “Oi hindi ahh. Hindi ako babaero sila yung lumalapit sakin kahit lumalayo ako. Wag ka nagpapaniwala sa mga kaibigan natin alam mo namang mga siraulo yung mga yon.” Pagtatanggol niya sa sarili. “Ewan ko sayo.”  “Seryoso nga. Pwede bang manligaw?” Tiningnan niya ako sa mata buti na lang at nasa parking lot na kami at nakahinto na. Hindi ko malaman kung totoo ba ang sinasabi niya o nagjojoke lang. Matagal na kaming magkaibigan ni Drake at totoo rin naman ang sinasabi nya, isa sya sa mga campus crush pero hindi naman niya pinapansin ang mga babaeng nagpapadala sa kanya ng kung ano ano. Maybe this is the sign God send me. Check on some other guys and feel the love that others can offer. “Ikaw ang bahala. But please, kung ano man ang mangyari maging tayo man o hindi we will stay as friends.” Ayokong masayang ang matagal na naming pagkakaibigan ng dahil lang sa hindi ko sya natutunang mahalin. I will try. I will try hard to love him at ibaling sa kanya ang atensyon ko, but I can’t promise anything. “Oo naman. I won’t expect a thing. I will just do my best for you to like me at kung papalarin ay to love me.” Nakangiti niyang sagot. “Whatever.” Iyon lang ang nasabi ko sa kanya dahil natatawa ako sa kacornyhan niya. Bumaba sya at umikot sa gawi ko para alalayan ako sa pagbaba. “Ikaw ngayon mo lang ulit ako nakita tapos kung makadeclare ka na manliligaw biglaan. Ano bang nakain mo?” tudyo ko sa kanya habang naglalakad kami papasok sa bar. “Syempre baka maunahan pa ng iba mahirap na.” Kinuha niya ang aking kamay para ikapit sa kanyang braso. Hinayaan ko na lang, mahirap na baka madapa pa ko dyahe naman sa nanliligaw sa akin baka sabihin pa lampa ako. The bar is cozy yung pang chill lang sakto sa mga empleyado na kakalabas lang ng opisina at gustong magunwind. Tulad din ito ng mga bar na pinupuntahan namin noon kapag gusto lang naming magrelax after work. Maya maya ay nagsidatingan na rin ang iba pa naming mga kaibigan. We are in a long table at pinagpatuloy ang kwentuhan ng kung ano anong bagay. Louise went out on the restroom at ilang minuto na ay hindi pa rin bumabalik hanggang sa dumating na si Angelo at umupo sa iniwang pwesto ni Louise. “Si Louise?” Tanong niya pagdating. “With Mike.” Simpleng sagot ni Tine, Mike’s fiancé. I wonder kung anong pinagusapan ng dalawa but I bet that it was because of the issue before, why she left. Hindi na rin umimik si Angelo at nakipag kwentuhan na lang rin. Tawa ako ng tawa sa kakulitan ng mga dati naming kaklase. I learned na may iba’t iba na rin pala silang pinapatakbong business at ang iba ay may mataas na posisyon na sa kompanyang pinagtatrabahuhan. Nang makabalik si Louise at Mike ay ilang oras pa ang binilang bago kami nagkayayaan na umuwi. At dahil manliligaw nga daw si Drake ay siya na ang nagprisintang ihatid ako sa bahay. “Ako na ang bahala kay Carrie. I’ll bring her home safe and sound.” He told our friends habang naglalakad kami papunta sa parking lot. “Ingat ka sa pagmamaneho Drake.” Bilin pa ni Louise bago nakipag beso sa amin at nagpaalam.  “Guys message na lang kapag nakauwi na ah.” Sabay taas ni Mike ng kanyang cellphone pertaining to online chatting application. “Sige.” We said in unison. Naglolokohan pa kami I Drake hanggang sa maipark niya ang kanyang sasakyan sa harap ng bahay namin. “Thank you for driving me home.” Pasasalamat ko sa kanya. “No problem basta ikaw.” Nakangiti niyang tugon. “Sige na bababa na ko. Mauna ka na malayo ka pa.” Mabilis siyang bumaba para alalayan ako. “Thanks.” Nakangiti akong nagangat ng tingin sa kanya. I put my arms around him giving him a hug. “I’m glad you’re back.” Bulong niya sa akin habang nakayakap. “Sus. Sige na. Gabi na Baka mapano ka pa sa daan.” Lumayo ako at itinaboy na siya. It’s late kahit hindi marami ang nainom nya ay nakainom pa rin siya. I could have invited him to sleep in our house but that would be inappropriate. “Sige na. Pumasok ka na.” “Later. Sige na. I-message mo ko kapag nakauwi ka na.” Bilin ko habang pinapanood syang papasok ng kanyang sasakyan. “Yes, ma’am.” Sumaludo pa siya sa akin bago tuluyang sumakay. Bumusina pa siya bago tuluyang umalis sa tapat ng aming bahay. Binubuksan ko na ang kandado ng aming gate ng biglang may narinig akong sasakyan na nagpark sa aking likuran. Paglingon ko ay sumalubong sa akin ang galit na mukha ni Nicolo na kakalabas pa lang ng sasakyan. “W-what are you doing h-here?” Nauutal kong tanong. Kinakabahan ako sa dilim ng kanyang mukha. Pinipigilan ang panggagalaiti sa galit. He stopped right in front of me. “Ikaw. Gabi na ah. What are you doing here outside your house? Where have you been?” Aba’t teka nga muna. He has no right to ask me questions likes this, sino ba sya sa akala nya? “Excuse me, dad? Is that you?” Sarkastiko kong tanong sa kanya. Nakita ko syang pumikit at halatang halatang malapit na siyang sumabog sa galit. “Ano ba talagang problema mo?!” if he is mad, I am too damn frustrated too because of his attitude. “Bakit ka nakikipag yakapan sa lalaking yon? Who is he? Napakadali mo naman magtiwala. Kakarating mo pa lang ng Manila. Tandaan mo matagal kang nawala, hindi na katulad ng mga tao noon ang mga tao ngayon! Mas marami na ang mapagsamantala!” Singhal niya sa akin. “Aba teka lang kuya, wag mo kong pagtataasan ng boses. Napaka judgemental mo naman! Yung lalaking yon na sinasabi mo ay matagal na naming kaibigan ni Louise. Bago pa kami umalis ay kaibigan ko na si Drake at lalong hindi sya mapagsamantala!” Hindi ako magpapatalo, nakakahiya lang sa kapitbahay na dito pa kami sa labas nagsisigawan ng ganitong disoras ng gabi. Itinulak ko ang gate at pumasok sa loob. Bahala siya kung susunod sya o hindi o kung ano mang gusto nyang gawin. Hindi ko na naiintindihan ang ugali nya. Palagi na lang syang galit. Ayaw nya kong bantayan pero nandito sya ngayon at nakasunod sa amin ni Drake. Hindi ba nya alam na kasama rin namin ang kapatid nya? Si Louise dapat ang binabantayan niya at hindi ako. “Carrie.” Tawag niya sa akin. Sinususian ko ang front door para makapasok na sa loob. “Carrie.” Tawag niya ulit. “What?” Iritado ko syang nilingon. “You know what Nicolo, I am so damn tired arguing with you. Nakakapagod makipag talo sayo alam mo yon?”  Itinulak ko ang pinto at pagkapasok ay inilapag ko ang aking bag sa center table. I sat down at the sofa to get off my stilettos. “I’m sorry. Akala ko lang kung sino. Malay ko bang kaibigan nyo yon.” He was looking at me apologetic. Kapagkuwan ay nagbaba ng tingin sa lapag. “You are so frustrating. Sabi mo ayaw mo kong bantayan, then what the hell are you doing here? Bakit ka nakasunod sa amin ni Drake? I am with Louise earlier dapat siya ang sinundan mo at hindi ako.” I leaned my back at the sofa, putting my tiredness onto it. I also started to massage my temples, sumasakit ang ulo ko sa lalaking ito. Pumikit ako habang iniintay siyang magsalita. “I’m sorry. I know magkasama kayo ni Louise kanina, I saw you both in the restaurant, may kameeting ako doon ng makita ko kayo.” So kanina pa siya nakasunod sa amin? Why? Hindi ako nagsalita kaya nagpatuloy siya. “I followed you dahil magkahiwalay kayo ni Louise ng sinakyan, I thought you would go somewhere else and I was right. Nakita ako ni Gelo nakaupo malapit lang sa inyo in that bar. I saw you and that guy are too close tawanan pa kayo ng tawanan.” Hindi ko na talaga naiintindihan ang sinasabi niya. “At ano naman kung nagtatawanan kami Nicolo? I am with my friends that I haven’t seen for ages anong mali don?” Kunot noo ko syang tiningnan. He is looking at me seriously, but his eyes are telling me something else. “Walang mali. Ako ang may mali.” Nahihirapan iyang sagot. “Ano?” Mas lalong lumalim ang gatla sa aking noo. “I hate seeing you with other guys, especially that close. I don’t want you to talk to them the way you are talking to me! These past few years tayo ang magkausap ng ganon bakit ngayon bumalik ka lang pati sila ganon na rin?” What the hell…is he?  “Nagseselos ka ba?” Mahina kong tanong. “Kung pagseselos yung feeling na ayaw kong malamangan nila tuwing kakausapin mo sila anything under the sun like we always do baka nga nagseselos ako.” Laglag ang panga kong napatanga sa kanya. “I don’t what to scare you pero ayokong nakikita kang may kasamang iba. Nung isang araw yung Jeremy ngayon Drake naman. Sino pa ang susunod?” Huminga siya ng malalim at lumuhod sa harap ko para magpantay ang mukha namin. “Can’t we be together instead para wala ng lumapit sayo?” Deretsyahan niyang tanong. Habang ako? Mukhag tangang nakatitig sa kanya pilit na iniintindi kung anong sinabi nya. Hindi pa nagsisink in sa utak ko ang meaning non eh. Sa pagkabigla ko. Nabigla rin ang utak ko at di na nagfunction ng maayos.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD