Chapter 2

3055 Words
Chapter 2 I received a call earlier from Louise inviting me to go out with them, sinabi nitong nagyaya daw si Nicolo na magbar hop ngayong gabi. We have been bar hopping in New York kaya hindi na bago sakin ang pagyayaya ni Louise. The only thing that is new to me now is Nicolo will be around. Nakarating ako sa venue na sinasabi ni Louise, hindi pa nagtatagal ay nakita ko na ang kaibigan kong papalapit sa akin. “Baks kanina ka pa?” She asked na kaagad ko namang sinagot ng iling. “Nope. Kakarating ko lang. Gosh! First time natin to magclub dito sa Pinas hahaha! Lezz go!” I am excited to go inside. Hindi ko pa kasi nararanasan na pumasok sa mga ganitong lugar dito sa Pilipinas. Hindi naman kasi kami nagka-club noong college. I know na wala namang pinagkaiba ito sa mga club sa US but still I am excited. I can see Nicolo just behind Lou, I can smell his manly scent, yung nakaka humaling? Simple lang naman ang kanyang suot pero iba pa rin ang dating sa akin. White long sleeves, perfectly fit pants, marami na rin naman akong nakitang ganito pero bakit mas malinis sa kanyang tingnan? Mas nakakaakit? I smiled at him and he nod at me urging us to go inside. Mukhang nakapagpareserve na sila because the waiter ushered us to our table. “I’ll just check out my friends, I’ll be back. Oder na kayo ng drinks nyo but I’m keeping my eye on you two.” Pagpapaalam nya at tinuro pa kaming dalawa. How sweet of this guy. Lumapit sa amin ang waiter so I ordered our drinks kagaya ng bilin ni Nicolo. Ngunit bago pa tuluyang makaalis ang waiter sa harap namin ay nahagip na ng mata ko si Nicolo na may kausap na babae. The girl is really hot like sexy kind of hot. Hapit na hapit ang damit nito, revealing her curves. Malapit ang dalawa and I can see Nicolo is smiling at the girl, flirting is the exact word. Nailing na lang ako, what would I expect? That he’ll change just because he asked me to stay? The bitterness or is this pain? Creeps on my chest.  “So kamusta naman kayo ni kuya? Kung maka tingin naman sayo yun kanina juskuday! Hindi ko alam kung galit sa suot mo o dahil gustong tanggalin ang suot mo eh.” Natatawang sigaw sa akin ni Lou medyo malakad ang tugtog sa loob kaya kailangan naming lakasan ang aming boses. If she only knew, sa lahat naman ata ng babae ay ganoon ang tingin ng kapatid niya. Kung nakita nya lang kung paano titigan at kausapin ng kapatid nya yung babae kanina baka matawa na lang sya sa pagiging manwhore ni Nicolo. “Baks napakapakipot ng kuya mo! Sabi ko kami na lang aba’t sabihan ba naman ako na hindi nya ko type! Ang walang hiya! Bahala sya maglaway ngayon jan! Who you sya sakin ngayon. Tara mag man hunt tayo dito mukhang madaming papabels!” Tumayo ako para hatakin sya sa dance floor pero pinigilan niya ako. Gusto ko lang makatakas sa kanya, I lied. Hindi naman talaga ako sinabihan ng kapatid nya ng ganoon but I am feeling the same thing kahit hindi niya sabihin. Sa tagal tagal kong nandyan para sa kapatid nya, kahit antok na antok pa ko kapag tumatawag sya noong nasa ibang bansa pa ko. Hanggang ngayon wala lang lahat ng yon and the only meaning of that is he doesn’t feel any romantic thing towards me. Kahit mukhang ang magkacrush sya sa akin ay hindi ko naachieve. “Mamaya na! Eto naman! Uminom muna tayo.” Nang dumating ang waiter na may dala ng order namin ay dumating na rin sa aming lamesa ang kanyang kapatid with his friends. “Princess, I’d like you to meet, Bronx, Henry, Ysh, Dana and of course Saph and Gelo.” Isa isa niyang ipinakilala ang kanyang kasama. “Guys this is my baby sister, Louise and her friend Carrie.” Pakilala naman niya sa amin. What a nice introduction, I’m Lou’s friend and not his. So this is what it is going to be we’re purely casuals? Then so be it. Isa isa silang nagabot ng kamay at nagpakilala hanggang sa nagsalita ulit si Nicolo. “I would like to propose a toast. For my sister, who’s already back and hoping and praying that it would be for good and lastly for her new project.” We offered our glasses and I drank my champagne like a water after. Nakita kong napangiwi si Nicolo ng lingunin ako habang ibinababa ko ang basong wala ng laman. When we sat down ay sunod sunod na ang tanong ng kanyang mga kaibigan. I don’t mind giving them answers, kung anong work namin kung saan kami naka base at kung ano ano pa, while smiling widely at them. Nararamdaman kong may nakatingin sa akin ngunit hindi ko iyon pinapansin. I know it’s Nicolo but I don’t care anymore, kung hindi nya ako gusto ay iba na lang, pipilitin kong iba na lang kasi alam ko ng wala akong mapapala. “Louise do you have a boyfriend?” Biglang tanong ni Bronx at ang katabi ko naman ay hindi kaagad nakasagot. “Dude off limits na yan. May asawa na yan. Tsaka hindi ka papasa, sa akin pa lang ligwak ka na pano pa kay kuya at dad.” A protective brother ever. “Eh ikaw Carrie, do you have a boyfriend?” Si Ysh naman ngayon ang nagtanong sa akin kaya binalingan ko sya na may matamis na ngiti. “Wala pa. Naghahanap nga ako eh gusto mo ikaw na lang?” I checked on Nicolo’s reaction pero mabilis lang iyon. I don’t want him to think na inaasahan kong magseselos siya. Dahil na rin siguro sa may kadiliman ang paligid ay hindi ko rin nakita ang reksyon nya kaya mabilis din akong nagiwas ng tingin. Isa pa kung gusto kong makapag move on agad ay ito ang pinaka mabilis na paraan, ang maghanap ng distraction, ang mapagbabalingan ng feelings. “Wow! That was fast bakit hindi, wala naman akong sabit. I mean, Sapphire and Gelo, Dana and Henry, pwede namang Ysh and Carrie diba?” Nakangisi niyang sabi. I can feel my bestfriend stiffened on my side. Mukhang si Angelo na nga at Sapphire pero bakit iba ang nababasa ko kay Angelo? Also, it seems like everyone in here has a partner here. Bakit nga ba hindi ko subukang magmahal ng iba. I sighed, baka panahon na. Bago ko masagot si Ysh ay may nagsalita na para sa akin. “Ehem, magaasawa na yan this year kaya tigilan mo Ysh.” Sabi niya sa nagbabantang boses. Nakataas naman ang kilay kong tumingin sa kanya. Irritation filled me, ano naman ang pinagsasasabi ng isang to?  “What?! Wala sang boyfriend pano magaasawa?” Lito ring tanong ni Ysh sa kanya. “Basta tigilan nyo tong dalawang to off limits na tong mga ‘to, may mga asawa na ‘to. Kung gusto nyong maghanap ng girlfriend the dance floor is full of people, go swim.” He looks pissed like really pissed. Naka simangot ko syang tiningnan. What is his problem at bakit kailangan nya akong idamay? If he is protective of her sister hindi na kailangang pati ako idamay nya. I am not his sister and I can do whatever I want and be whoever I want. Lalo pa ngayon, kung hindi sya naging masaya sa love life niya ay wag niya akong idamay sa kamiserablehan niya. “Wag kang maniwala jan kay Nicolo.” Naiiling kong baling kay Ysh tsaka uminom ulit ng champagne. On my peripheral vision I saw Nicolo glaring at me. Nagpatuloy ang kwentuhan sa aming lamesa at nakakailang baso na rin ako ng alak. Hindi pa rin natitinag si Nicolo sa pagtapon sa akin ng masamang tingin, hindi ko na lang pinapansin, kung ano man ang problema nya ay bahala na sya sa buhay niya. Nang humupa ang mga tanong nila sa akin ay niyaya ko si Louise na pumunta sa dance floor. “Baks lika na sayaw na tayo! Nakakabwisit lang ang kapatid mo.” “Sige tara. Kuya sayaw lang kami.” Paalam niya sa kanyang kapatid. I stood up not caring to look at anyone of them. Nang makataring sa dance floor ay agad akong gumalaw sa saliw ng musika. Hindi nagtagal ay may mga lumalapit na sa amin at nakikipag sayaw na madali ko namang pinaunlakan. Ang ilan pa ay nakikipag kaibigan at nagyayaya ng date, asking for my number. Papaano ko naman maibibigay ang number ko sa kanila kung hindi ko iyon kabisado since I just changed this morning, sayang mga may potential pa naman. Louise got my attention at bumulong na pupunta sya sa bar counter. Kaya nagpaalam ako sa aking kasayaw at sumunod sa kanya. Nahirapan akong makapunta sa bar counter dahil sa dami ng tao sa dance floor. When I reached Louise ay nakita kong sunod sunod na ang inom niya ng margarita.  “Huy! Broken hearted baks?” I asked. She’s still in pain. Kahit na matagal syang nawala alam kong ibinaon nya lang ang pagmamahal nya ay Angelo but she never forget him, never unlove him. Kaya masakit na nakikita nya si Gelo at Sapphire ngayon. Mukhang ganito rin ang mararamdaman ko kung si Nicolo naman ang makikita ko with Eli. Mas masakit pa dahil alam kong mahal na mahal nya si Eli kaya bago mangyari iyon ay kailangan ko ng dumistansya at kalimutan si Nicolo. “Nope. Well, I don’t know. I shouldn’t but look at them. Fvck! I am supposed to be happy for them, but I don’t know how.” She’s in so much pain. “One shot of the hardest drink you have please.” She said to the waiter at ng maiabot yon sa kanya ay agad niyang ininom. “Baks tama na. Sinasabi ko na nga ba mangyayari ‘to eh. I know you’re hurt and not moved on yet, but I’m here. Luis is gonna be here too remember? We’re here for you plus your family. Please don’t be like that, wag mo ipakita sa kanilang nasasaktan ka pa. Sapphire might use it against you. So please, pull yourself together.” I reached for her to hug her tight. Ipinaalala ko lang sa kanya that no matter what happens ay nandito kaming mga kaibigan at pamilya nya para sa kanya. Nakakatawa, these siblings love deeply. Si kuya Art kay ate Haze, Louise kay Angelo and Nicolo kay Eli, they only love once, and it is too deep na hindi nawawala. Maybe someday makakahanap din ako ng ganoong klaseng pagmamahal, I do hope so.  “Alright. Alright. I’m good. Thank you, Carrie. For always being there for me through these years.” “No problem. Basta ikaw, lika na balik na tayo dun sa upuan natin.” Inalalayan ko sya pabalik ng aming lamesa dahil siguradong may tama na sya. Ang mga kaibigan ni Nicolo ay wala na sa aming lamesa only with him is Angelo and Sapphire, ng makabalik kami. Then I saw his glares again at me lalo na ng muntik ng sumubsob si Louise dahil natisod siya kung saan, lasing na nga. Mabilis syang tumayo para tulungan ako sa pag alalay sa kanyang kapatid. Hindi nagtagal ay nagpaalam na rin sila Angelo at Sapphire na uuwi na.  “Stay here. I’ll just go there.” Nicolo in his irritated voice tinutukoy ang dance floor. “Don’t try to go to the dance floor again. Be with Louise she needs to rest. I’ll be back.” Paalam niya tsaka tumalikod na. I only nod. Ito naman ang papel ko sa buhay niya eh, taga sunod sa utos, taga bantay ng kapatid, no more no less. Napansin kong nakatulog na si Louise sa aking tabi habang naka sandal sa upuan. Inabala ko na lang ang aking sarili sa paginom at pag tingin sa aking social media accounts. I suddenly miss New York. Siguro kung hindi ako umuwi ay mas okay ako. Yung hindi ganito. Pakiramdam ko nanglilimos ako sa katiting na atensyon mula kay Nicolo. Pakiramdam ko ako yung taong itinatago at hindi maipagmamalaki kahit kaibigan lang. Our friendship is discreet, yung iilang tao lang ang nakakaalam, hindi pa bulgaran. Buti pa si Luis, buti pa ang mga kaibigan at katrabaho namin sa U.S. hindi naman sila ganito sakin, bakit kaya, kung sino pa yung gusto mo sya pa yung ganito yung trato sayo? Pero dahil baliw ako, ayos lang. Ayos na lang, kasi kahit papaano nakakausap ko naman sya. Nalalaman ko kung anong nararamdaman niya, kapag wala syang makausap ako lagi yung representative. Ako yung nandyan kapag wala syang makausap, sakin sya tumatakbo. And that feeling is great na kahit minsan lang kailangan nya ko. Ilang minuto pa ang nagdaan at nagising na si Louise na mukhang nahimasmasan na. Nagyaya siya sa restroom kaya sinahan ko na, I also need to freshen up.  When we came back ay patuloy ako sa paginom. Napansin kong tumatawag si Luis kay Lou kaya hinayaan ko ng lumabas siya para kausapin ito. Mayadong maingay dito sa loob kaya hindi sila magkakaintindihan. I want to accompany her outside pero nagpumilit siyang kaya nya ang sarili so I stayed in the couch. “Hi!” Someone approached me. I smiled. “Hi there too.” Bati ko sa lalaking nasa aking harapan. He’s cute, maganda rin ang kanyang katawan at mukhang mayaman. “Do you mind?” Turo nya sa bakanteng space sa aking tabi. “No. I don’t.”  “Jeremy.” Pakilala niya at nag abot ng kamay bago umupo sa aking tabi. “Carrie.”  “Are you alone?” He asked again. “Nope. My friends are in the floor dancing.” Sagot ko naman. “They shouldn’t leave you here alone. Dapat ang kagandahan mo hindi pinapabayaang magisa.” He is closely looking at me. “Bolero ka.” Natatawa kong sansala sa kanya. “I’m not. Nagsasabi lang ako ng totoo. Dapat hindi ka nila pinapabayaang magisa. Mabuti na lang at nakita kita.”  “How about you, are you alone?”  “My friends are in that corner.” Turo niya sa kanilang lamesa. He is with his guy friends. “I saw you alone and I feel the urge to accompany you.” I chuckled.  “Carrie?” Napaangat ako ng tingin at nakita si Angelo na nasa may tapat na ng lamesa namin. “Oh, akala ko umuwi ka na?” Taka kong tanong. “Hinatid ko lang si Sapphire sa condo nya.” Nagpalibot pa siya ng tingin bago bumalik sa akin ang kanyang mga mata. “Where’s Louise?”  “Lumabas, masyadong maingay dito eh tumawag si Luis.” “Sige. I’ll go after her. Ako na ang bahala sa kanya stay here.” Bago siya umalis ay may makahulugang tingin muna siyang itinapon sa akin pati na rin sa nakaupong si Jeremy. “Your friend?” Tanong ng katabi ko. “Yup. So, what do you do for a living?”  Our conversation started at marami akong nalaman kay Jeremy. He is a doctor a surgeon to be exact and so as his parents. His age is not far as mine. Dalawang taon lang ang tanda niya sa akin.  He is fun to talk to, walang boring moments at lagi siyang may kasunod na tanong. Our conversation is light not minding the time at patuloy pa rin kami sa pag inom ng alak. We are laughing ng ikwento nya ang unang experience nya pagpasok niya ng hospital ng biglang may tumawag sa akin. “Carrie.” His cold voice is echoing in my ears na kahit pa may kalakasan ang tugtog doon ay rinig na rinig ko ang galit sa kanyang boses. “Nicolo.” Banggit ko sa pangalan niya. I stood up, nataranta ako sa prisensya niya. He even looked at Jeremey na ngayon ay papatayo na. “Jeremy Francisco, pare.” Sabay abot niya ng kamay. Nicolo just looked at his hand, ni hindi manlang nagabalang abutin iyon. How rude he can be. Ako na ang nahiya para kay Jeremy. “I u-uhm accompanied Carrie, nakita ko kasing wala syang kasama.” Tila naiilang na paliwanag ng katabi ko. “It’s okay Jeremy. I love your company.” I assured him at tinapik ang kanyang likuran. “Salamat naman kung ganon.” He smiled at me. “See you around?” “Yeah, see you around.” I smiled widely. “I’ll go ahead.” Paalam niya at tumango kay Nicolo bago tuluyang tumalikod. Not bad Carrie! I cheered myself. Jeremy is a good catch. Gwapo, matalino, galing sa maayos na pamilya, may maayos na trabaho, pwede na.Hindi na ako magugutom kapag tinamad na kong magtrabaho. “What the hell was that?” Galit na anas ni Nicolo na tumayo sa harapan kong nakapamewang. “What?” Maang kong tanong. “Umalis lang ako sandali kung sino sino na ang kausap mo? You even let my sister go out without you. Pano kung may mangyaring masama sa kanya sa labas? Binilinan kita diba?” Galit at sunod sunod niyang tanong. Nagpanting ang tenga ko sa mga sinabi niya. I can’t let him talk to me like that, not anymore. “First of all, hindi ka sandali lang nawala Nicolo. I’ve been here in this couch for almost an hour now. Second, your sister can handle herself well. Third, may I remind you that I am not your maid nor your sister’s nanny, hindi mo ako utusan na handang sundin lahat ng gusto mo.” I poured champagne on my glass. Mabilis niyang naagaw ang boteng hawak ko. “What the hell is wrong with you?!” Singhal ko sa kanya. “Kanina ka pa ah! Look, I don’t need your saving or your protection. I am not your sister. I can handle myself. Hindi mo dapat ako pinagbabawalan sa kung anong ginagawa at kung sinong kinakausap ko!” I am so pissed at him. His actions are irritating me. I am so mad that he is like this. Ganito na ba talaga sya ngayon? Nasaan na ung Nicolo na kilala ko noon? “I know! I don’t want you to be my sister! I don’t want to look over you all the time either! But you’re my sister’s bestfriend kaya ko ginagawa to!” He is frustrated. I can see. “Yeah, I am just your sister’s bestfriend no need to look after me. You know what? Get lost! I don’t need you! Fvck you!” I emphasize the word ‘just’ because that would be my forever role in his life. “You’re wrong. You need me. You’ll need me.” He said with conviction. Tsaka niya ako hinila papatayo at kinaladkad palabas ng bar. Dahil sa dami ng nainom ko ay wala na akong lakas para makipagtalo pa at makipaghatakan ni hindi ko na nga rin naiintindihan kung anong pinagsasasabi nya. When we reached the dance floor ay agad niyang ipinalibot ang kanyang kamay sa aking katawan, protecting me from the people na masayang nagsasayawan. I smelled his intoxicating manly scent again. I wish I could be in his arms forever. Nang makalabas ay agad kaming dumiretso sa parking lot and stopped at his car’s passenger door. He opened it and deposited me inside. Wala na ko sa huwisyo para magisip kung anong balak niya at kung saan niya ko dadalhin. It’s up to him kung anong gusto nyang gawin sa akin because right now, I gave up. I gave up on everything about him. I do no longer give a damn.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD