Chapter 1
After five long years ay makakabalik na rin kami ng Manila at last napilit na rin nila tito na umuwi si Louise at pagkakataon ko na rin para makauwi. Sumunod din sa akin sila kuya sa States makalipas ang dalawang taon ng umalis ako. Kuya Carlo opened a business pagdating nila but he is still traveling back and forth because of our business left in the Philippines while dad is backing him up.
Kung sila Lou ay chains of hotels at restaurants ang negosyo kami naman ay resort una sa Batangas lang iyon pero dahil sa sipag at tyaga ni dad at kuya ay lumago iyon hanggang nagkaroon na rin sa North Luzon.
Now that Louise is with her family alam kong wala na akong makakasama pabalik ng States. Sa totoo lang, I am weighing if I would go back or not. I am thinking to stay in the Philippines for good at tulungan na lang si kuya sa negosyo. Alam ko naman na napilitan lang sila dad na pumunta sa States dahil sakin but I am thinking about the firm. Kakailanganin nila Luis at Lou ang tulong ko lalo na ngayon na marami kaming paparating na projects at magsstay dito sa Pilipinas si Lou dahil sa request ng parents nya.
I can remotely work here kung gugustuhin ko, pupwede ko na ring pauwiin sila kuya dito dahil may trusted naman siyang maiiwan sa mga business nya doon. Isa rin sa mga dahilan ay si dad, I know that he is missing mom at iilang beses lang siya sa isang taon umuuwi para dalawin ang puntod ni mom, he’s old and I know he is wishing to be near where my mom is, but he is thinking about me.
I let out a sigh, I’ll figure everything out may isang buwan pa naman ako para makapag isip. The pilot then announced that we already arrived at ang kasama ako ay tulog pa rin hanggang ngayon.
“Louise, baks gumising ka na jan andito na tayo.” Niyugyog ko pa sya para magising sya. I started to get our bags para hindi na kami mahirapan pagbaba. Ang magaling kong kaibigan naman ay parang walang balak na bumaba ng eroplano.
“Huy baks ano ba?! Pagod na pagod lang? Hirap mo po gisingin.” I continued to wake her up hanggang sa pupungas pungas syang umayos ng upo para makapag ayos.
"Baks naman 17 hours ang byahe natin. Nakakapagod kaya 'yon." Inirapan ko na lang sya at nagpatuloy sa pagaayos ng gamit.
Nang makalabas kami ng airport ay nagiintay na sa amin ang kanilang driver. I missed Philippines kaya titig na titig ako sa mga nadadaanan namin pauwi sa kanila. Hindi man ito tulad ng sa States at puro traffic man ang abutin namin, it still feels good to be home.
Pagdating sa kanila ay hindi na ako nagabala pang tulungan sila na magbaba ng aming bagahe, alam ko naman kasi na aasikasuhin na iyon ng mga kasambahay nila. Dumiretso ako ng lakad papasok ng kanilang bahay ng marinig kong sumigaw sa si Lou sa likuran ko.
“Ay nakakaloka baks! Bahay nyo ata to hindi sa amin. Nauna ka pa ahh! Anak ka ba ng nanay at tatay ko?!”
“Ang bagal mo kasing kumilos gutom na ko! Hahaha!” Totoong nagugutom na talaga ko. Isa pa I excited na kong makita ang mga tao sa bahay nila, si tita, si tito, si Nicolo.
He didn’t know na kasama ako ni Lou na uuwi, sinadya kong hindi ipasabi kay Lou na kasama ako, I want to surprise him. Gusto kong makita ang reaksyon niya, we are still communicating paro hindi na madalas katulad noong dati. We have different time zones kaya naiintindihan ko. He would call every now and then para mangamusta, minsan skype kapag may problema sya at kailangan nya ng kausap o kung minsan naman ay mangungulit lang.
Noon akala ko makakalimutan ko na sya marami namang nagpapalipad hangin sa akin sa U.S. I went out with guys too but none of them can surpass my feelings for Nicolo. Ewan ko ba pero sya pa rin ang hinahanap ko, madalas kong pinagkakasya ang sarili ko sa mga pictures nya na posted sa social media na kung sino sino ang kasama, isama mo pa ang magazines na kung saan kadalasan siyang kasama lalo na kapag mga bachelors ang pinaguusapan.
Nakasalubong ko sila tita at tito pagpasok ko ng bahay at sinalubong naman ako ng dalawa ng yakap.
“Tita, tito. Kamusta po?” Bati ko sa kanila. They are like my second parents. Tita is already like a mother to me since namatay ang mommy sa panganganak sa akin.
“Carrie! Mabuti naman at nakasama ka pauwi. Akala ko wala ka na ring balak umuwi eh.” Tita said habang lumayo ako ng bahagya sa kanila. Lumingon sila sa likod ko halatang iniintay si Lou.
“Well, surprise!” Nakangisi ko lang na sagot.
“O hala pumasok ka na sa kusina at naka handa na ang pagkain.” Sabi naman ni tito.
“Sige po tito, hindi na po ako mahihiya kanina pa ako gutom eh, ginutom ako ng anak nyo. Papasok na rin po si Lou.” Natatawang tumango lang ang dalawa at mukhang excited na excited na makita ang kanilang anak. Ako naman ay dumiretso na rin ng kusina, gutom na talaga ako dahil sa tagal ng byahe namin kaya walang pakialaman. Isa pa I am excited to see Nicolo, alam nya na uuwi ngayon si Louise kaya siguradong nandito sya at dahil sya ang chef sa pamilya nila ay paniguradong nasa kusina siya.
To my surprise ay iba ang nadatnan ko sa kusina. Sumama agad ang mukha ko ng makita ko ang babaeng nakaupo na sa harap ng lamesa. Hanggang ngayon kumukulo pa rin ang dugo ko kapag nakikita ko ang isang to.
Kakarating pa lang namin, panira agad ang sasalubong sa amin. Hindi ko pa nga nakikita si Nicolo eto na agad. Napaisip naman ako kung anong ginagawa nila dito, as far as I know ay may construction firm si Angelo dito sa Manila and the reason kaya umuwi si Louise ay nakiusap ang parents nya na siya ang maghandle ng new hotel project nila, hindi kaya…
Nang mapansin nila ang prisensya ko ay naunang tumayo si Angelo, Louise ex.
“Hi Carrie, welcome back.” Nakangiti niyang salubong sa akin, lumapit pa siya para makipag beso.
“Thanks.” Simple kong sagot, hindi ko naman sila pwedeng tanungin kung bakit nandito sila dahil hindi ko naman ito bahay.
“Welcome back.” Sapphire offered a hand. Buti naman at hindi sya nakipag beso so I shake her hand too.
I wonder ano kaya ang magiging reaksyon ni Louise kapag nakita niya ang mga ito. The reason why she left the country years ago is the same people she will she when she came back.
Noon sobra ang galit ko kay Angelo because of what he did but I saw how devasted he was ng malaman niyang umalis si Lou. Minsan pa ay nadadatnan ko sya dito kapag dumadalaw ako. Palagi lang siyang nasa kwaro ni Louise ang alam ko nga ay halos doon na din ito tumira ng ilang buwan. Then I realized how he loves my bestfriend at ng dahil don napatawad ko sya.
Hindi ko na sinabi kay Louise kasi syempre that time she is trying hard to move on and have a new life, kahit papaano ay masaya na sya. Oo nga at napatawad ko si Angelo, he is still my friend, but Louise comes first, mas papanigan ko ang bestfriend ko.
Nang makapasok sila tita ay nakita ko ang pagkagulat sa mukha ng aking kaibigan. Nagbatian sila but I know better, alam kong may bumabagabag na naman kay Louise mabuti na lang bago kami magsimulang kumain ay nakita kong tumatawag si Luis sa kanya.
She started calling him ‘baby’ so I’m guessing na si Alexa ang kausap niya, Luis’ adorable niece. Lumingon ako sa gawi nila Angelo and I saw him looking at my bestfriend intently, palms closed at mukha ring galit. There it is, the jealousy dripping on his veins. Sabi ko na nga ba at mahal pa nila ang isa’t isa and I am happy. Mukhang Louise will finally be happy.
Lumingon naman ako sa paligid at nakaramdam ng lungkot. Nicolo is nowhere to be found, mukhang wala pa ito, ang malas ko naman ata sa paguwi. Lord, sign na ba to na dapat akong bumalik sa US?
Kahit ganoon ay magana pa rin akong nakisalo sa kanila sa pagkain. They talked about the plans for the new hotel at mukhang kami rin ang maghahandle ng interiors noon.
Asikasong asikaso naman ni Sapphire si Angelo na akala mo ay linta kung makadikit sa isa. Kulang na lang ay subuan nito si Gelo. Kung hindi ko pa alam na wala naman silang naging relasyon, ay meron pala, nung pinasagot lang sya ni Gelo para sa bet nilang magkakaibigan after non ay inamin ni Angelo that it was just a bet, mga gago diba?
Pagkatapos ay nagpaiwan si Louise sa kusina habang ako naman ay lumabas para tingnan ang paligid, umasang makikita si mylabs.
Nagulat pa ako ng biglang may nagsalita sa likuran ko.
“Oh Carrie, sino ang hinahanap mo? Nasa kusina pa si Louise.” Si tita.
“Sila kuya Art po wala ata sila? Didn’t they know that Louise will be home?” Taka kong tanong pero ang totoo palusot ko yon para malaman kung nasaan ang mga kapatid ni Lou.
“Sila Art ay mamayang hapon pa darating, since sa Baguio na sila naka base ngayon ay doon na rin pumapasok ang mga bata though every weekend ay narito ang mga yon. Si Nicolo naman ay pauwi na, nagkaroon lang ng emergency sa restaurant kaya hindi nyo nadatnan, maya maya lang ay nariyan na iyon.” Dire-diretsong paliwanag ni tita.
“Ahh.” Nakangiti kong tango. Hindi naman pala ako malas uuwi naman pala sya kaya bumalik ang excitement ko.
“Yung mga gamit nyo pala nasa kwarto ni Louise, dito ka ba muna tutuloy?”
“No tita, uuwi rin po ako mamayang hapon. Ipinahanda na po ni daddy ang bahay.” I want to visit our old house sabi ni kuya ay wala pa rin namang nagbago sa bahay.
“Akala ko pa naman ay dito ka magsstay.”
“Don’t worry tita palagi naman po ako dito sa inyo.”
“Sabi mo yan ahh. Namiss ko kayong dalawa ni Louise you know naman na parang anak na rin kita. And I want to thank you for always being there for my daughter.”
“Sus si tita nagdrama pa. Wala po iyon and now that she’s here makakasama nyo na sya ng matagal.”
“Sana ikaw rin.” Natawa naman ako sa reaksyon ng mukha ni tita.
“Sana po.”
“Hay nako umakyat ka na nga muna sa kwarto at magpahinga. Pinahanda ko na yung guest room akala ko naman kasi ay dito ka mamamalagi.” Tila nagtatampong untag niya.
“Tita naman. Sige po akyat muna po ako.” Paalam ko sa kanya at umakyat na sa kwarto ni Lou. Their house is the same as before, so I know my way around.
Nakahiga ako sa kama ni Lou habang nagmemessage kila dad na nakarating na kami ng Manila ng pumasok ang kaibigan ko. She started unpacking her clothes while my luggage is just around the corner.
“Alam mo baks, nakakabwisit si Sapphire no? Akala mo kung sinong makadikit dikit kay Angelo. Grabe talaga imagine, ilang taon na ako nakalayo sa kanila pero yung kulo ng dugo ko hindi pa rin nawawala sa isang yon.” Walang pagreact ang kaibigan ko sa sinasabi ko kaya sinipat ko kung anong ginagawa niya.
"Huy baks! Kanina pa naman ako kuda ng kuda anone tulaley ka jan!" Taas kilay kong tingin sa kanya, tumayo na rin ako sa harap niya dahil parang napaka lalim naman ng iniisip nya.
"Ano ba yun? Sorry, mejo nararamdaman ko na ngayon ang pagod sa byahe." Alam kong nagapalusot lang ang isang to. Sa ikinilos pa lang nya kanina alam kong may something na.
"Sabi ko po eh napaka landi naman talaga nyang si Sapphire kung makadikit naman kay Gelo, asikasong asikako yung mokong. Nakakairita!" Padabog bumalik sa kama.
"Ahh hayaan mo na. Ang tagal na din nila eh. I am happy for them. Specially to Gelo, successful na sya sa field nya."
"Hoy hoy ano yan?! Wag mong sabihing bumabalik na yang feelings mo ha?! Aba iha, wala ka pang isang araw sa Pilipinas!" That’s it! Sinasabi ko na nga ba. Para sa akin ay susuportahan ko sya sa lahat ng desisyon niya but I also want to be sure na hindi na sya masasaktan ulit. Ramdam ko naman na mahal pa nila ang isa’t isa, sana lang ay may pagasa pa, they’re my OTP anyway.
"Hindi no! I am just genuinely happy for him. It's takes a lot of courage para sundin mo yung passion mo habang sinusunod mo din ang parents mo. We all know na hinahandle din nya yung family business nila and I guess he's doing good." Pagrarason ni Lou.
"Well magaling nga sya. Pero hindi pa rin maaalis nun ang bwisit ko sa hitad na kasama nya." Pagmamaktol ko.
"Hayaan mo na nga ---" Naputol ang sasabihin nya ng may kumatok sa pinto ng kanyang kwarto.
"Pasok po!"
"Baby ko! Namiss ko ang prinsesa ko." Agad kong nakilala ang boses na iyon, that deep sexy baritone voice. Wala pa ring ipinagbabago kahit ang feeling ko noon kapag naririnig ko ang boses nya. My excitement heightened lalo na ng makita kong sinugod niya ng yakap si Lou.
I silently wished to be hugged like that too.
"Namiss din kita kuya! Sila kuya Art wala pa?" Masiglang tugon ni Louise tsaka tiningnan ang pinto na pinasukan ng kapatid.
"Wala pa baby baka mamaya pa yun mga hapon. It's Friday at baka hinihintay pa ang kambal matapos sa school. Ang daya mo naman, ako ang nandito iba hinahanap mo." Nagtatampo nyang sabi. He is still a big baby. I can baby you forever you know, sa loob loob ko. Hindi na ko nakatiis, namiss ko ang mokong na to at para namang hindi nila nararamdaman ang prisensya ko kaya nagsalita na ako.
"Hi babe!" Using my cheerful voice to surprise him.
"Babe ka jan! Andito ka na din? Tss." I thought na matutuwa rin sya kapag nakita ako. May kumirot sa puso ko ng marinig ko ang sinabi nya, he is hissing at me. Ayaw nya ba akong makita? On the other side of my head, maloko nga pala ang lalaking to. Malamang sa malamang ay nagloloko lang to kaya ipinag sawalang bahala ko ang kirot na naramdaman ko kanina.
"Alam mo grabe ka sakin, lagi mo na lang akong ginaganyan. Miss na miss pa naman kita love ko." Pinalambing ko ang boses ko at lumapit sa kanya. I was about to hug him ng bigla siyang lumayo.
"Ay Cassie tigil tigilan mo ko ahh! Love love ka jan baka mabigwasan pa kita. Baby ko, bababa muna ko ahh sumilip lang talaga muna ko pero ang totoo nagugutom na ko kakain muna ko, then I'll be back okay?" Nagpaalam siya at tuluyang lumabas ng pinto. Ako naman ay ngingisi ngisi ang saya talaga asarin ni Nicolo, alam kong nabubwisit ang isang yon at ayaw ng PDA, malamang ay nahihiya din dahil niloloko ko sya sa harap ni Louise.
"Ay talaga tong kapatid mo masyadong pakipot! Teka baks susundan ko lang." Dali dali naman akong lumabas ng kwarto para sundan siya.
Paglabas ko ay bumaba ako ng hagdan at nakita ko syang papasok ng kusina.
“Nicolo!” I called him.
Lumingon naman siya sa akin. He became more manly, his built became firmer his muscles are places on the right places, that girls can drool over.
“Kumain ka na?” He asked. Tumigil sya sa pinto ng kusina at inintay ako.
“Yup, Kanina pagdating namin.” We are more civilized kapag kaming dalawa lang. Ganito naman kami simula pa noon. Kapag may ibang tao parang wala lang pero ang hindi nila alam we are super close.
“Welcome back.” Stretching his lips into a timid smile.
“Thanks.” Simple kong sabi. “Kamusta?”
“Busy as usual, nagkaemergency pa sa restaurant kanina dahil nadelay yung mga deliveries kaya kailangan kong puntahan.” Paliwanag niya habang naglalakad papasok ng kusina at naghanda ng sariling pagkain.
“Mukha ngang busy ka.”
“Ikaw kamusta?”
“Okay lang naman, we will be busy for the coming months.” Pertaining to the projects in line.
“I see. Babalik ka ulit ng US?”
“Probably. Or pwede ding hindi.” Depende sayo. Gusto ko sanang isunod kaso nga lang baka barahin naman nya ako na bakit ko idedepende sa kanya ang desisyon ko eh hindi ko naman sya kaano ano.
Tumango tango siya. Natahimik naman ako at nagisip. Mukhang wala pa rin pala akong pagasa. Kulang pa rin pala yung efforts ko na mapasaya sya, yung palaging nandyan, one call away ika nga, hearing all his sentiments and problems, giving him advices.
Alam ko naman na mahal pa nya si Eli, alam ko naman na walang makakapantay sa kanya. Kahit ilang taon na silang hiwalay wala naman siyang naging girlfriend pagkatapos niyon kaya alam kong mahal nya pa din yung ex nya.
Lalo na noong tumawag sya sakin noon na lasing at umiiyak telling that ate Eli is already married. I want to go back to the Philippines as soon as possible and comfort him but that is also the peak of our carrier. Our firm is starting to expand getting bigger clients at hindi ko pupwedeng iwan na lang basta sila Luis.
Simula noon tanggap ko na, mahihirapan ang sino man na palitan sa puso nya si Eli, she is his first love and true love, no scratch that, Eli is his great love. Pero yung puso ko, mapilit eh, baka kasi, baka naman.
“Then why don’t you stay here for good na lang? Diba nandito yung mga businesses nyo?” I just stared at him habang kumakain sya. Ang sarap nya sigurong panuorin ng ganito araw araw.
“Let’s see kung anong mangyayari sa one-month vacation ko. Kapag may rason para magstay for good bakit hindi.”
“Baka naman kasi may naiwan kang boyfriend don kaya gusto mong bumalik.” Tudyo niya. Kung alam mo lang Nicolo. Alam kong alam nyang gusto ko sya noon, pero hindi na ngayon. Malamang aakalain nyang nawala na iyon dahil sa closeness naming ngayon.
Nawawala ang lakas ng loob kong sabihin sa kanya na gusto ko pa rin sya but I have to be strong diba? Para magkaalaman na.
“Wala no. Alam mo namang ikaw lang eh.” Sobra sobrang kabog ng puso ko dahil sa sinabi ko. Gusto ko na lang lumubog sa kinauupuan ko at kainin ng lupa para hindi ako mapahiya.
“Really?” Nakangisi niyang tingin sa akin. Habang ako naman ay nagkibit balikat lang.
“Then stay.” He said. Napamaang ako sa sinabi niya. He wants me to stay? Is this for real? Hindi yon joke? May pagasa na ba ko?