Prologue

2055 Words
Prologue “Baks, kamusta ka naman jan?” I asked my bestfriend. She now moved in States because something happened between her and her boyfriend, ex-boyfriend to be exact.  Sayang, their love story is my ideal love story. They bicker but they always end up adjusting and settling down their differences. Pero kahit pala gaano na kayo katagal at gaano kayo click at fit sa isa’t isa hindi pa rin ligtas yon sa paghihiwalay. “I’m okay here Baks. Sana lang nandito ka.” Malungkot niyang saad sa akin. “Baks, alam mo naman na gusto rin kitang samahan jan diba? Kaso kasi sayang yung remaining semester ko dito.” Matatapos na rin naman kasi ang semester and one more year and we will be graduating engineering. Sayang lang at nagtransfer siya just because of her stupid ex, pati na rin ang mangaagaw na transferee. Nakakapanggigil talaga ang babaeng yon. Una friends namin ang inisa isang iclose sumunod pati na rin si Angelo ay inagaw na nya kay Louise, my poor bestfriend. The first time I saw her iba na talaga ang kulo ng dugo ko sa kanya, ewan ko ba. “I know. Pero after you graduate, baka naman mapakiusapan sila tito na dito ka na lang magwork with me. Sige na baks, kahit ako na ang sumagot ng pamasahe mo and we can share my apartment, sobrang laki nito at ako lang magisa. I feel so alone.” Her voice says the same thing.  “Don’t worry baks, I’ll ask daddy kung pwede. For now, wag mo munang alalahanin ang mga bagay bagay, focus on some other things, distractions, ganyan. Ako ng bahala dito. Igaganti kita don’t worry.” I winked at her. Hindi naman ako war freak pero kung bestfriend ko na ang pinaguusapan kaya kong maging war freak at ipagtanggol sya. She’s like a sister I never had, dalawa lang kasi kami ni kuya Carlo madalas pa kaming magaway. Ganon ata talaga kapag magkapatid laging nagaaway. In a good way naman yung samin, nagaaway lang naman kami kapag madami akong chix na nakikita na kausap nya at sya naman kapag nahuhuli akong tinitingnan ang picture ng mga crush ko.  Yes, “mga” dahil maraming gwapo sa school. Pero sa totoo lang isa lang naman ang gustong gusto ko. Niccolo Tan, my bestfriend’s brother. Ang saya diba? Dual purpose lagi ang pagpunta ko sa kanila para sa bestfriend ko at para sa crush ko. Kaso mukhang hindi na kami magkikita ngayon kasi wala na kong pupuntahan sa kanila. Nakakainis lang din dahil chickboy din ang isang yon simula ng nabroken hearted ng iniwan ng long-time girlfriend kaya ayon naglalaro na lang. Hay, tanga naman ni ate Eli, sinayang nya ang pagmamahal ng baby Niccolo ko. Pero ng dahil sa kanya may pagasa na ko, YES! “Baliw ka wag mo na silang awayin. I’ll be okay here. I will start a new life without them. Kakayanin ko baks. Kaya ko naman to diba?” Bagsak ang balikat niyang tanong.  “Oo naman baks, ikaw pa ba? Kayang kaya mo yan. Strong tayo no! Basta I promise, susunod din ako jan sayo para may kasama ka. Pipilitin ko sila daddy at kuya.” I used my cheering voice para mapagaan ang kanyang pakiramdam. “Araw araw din tayo magsskype para hindi mo ko mamiss.” I smiled widely at her. “Baks, I have a request, pwede ba?” “Sure, ano ba yon?” “Pwede bang, ikaw muna ang bahala kila mommy and daddy? Puntahan mo naman sila every now and then. I don’t want to talk to them yet. Ayokong magalala sila sakin. Please?” “Okay baks, no problem. Sayang din yung silay ko kay Niccolo mylabs kaya kahit everyday pa ko magpunta sa inyo okay lang.” Lord, ang bilis mo naman sagutin ang tanong ko kung pano ko makakasama si mylabs! “Sira ka talaga.” Natatawa niyang sagot. I am glad na kahit papaano ay napapatawa ko sya kahit malayo ako at sa ganitong paraan lang gumaan gaan ang pakiramdam nya. “Alam mo namang mahal na mahal ko yung kapatid mo, lampas na to sa infatuation stage kasi mahigit apat na taon ko na syang inaasam no!” Natatawa ko namang sabi. Totoo naman kasi, diba sabi nila kapag infatuation four months lang nagtatagal? After noon crush na ang susunod na stage, eh simula high school gusto ko na si Niccolo, edi love na ang tawag don. Sya pa rin naman ang gusto ko ngayon wala naman nagbago, kaya sure akong love na talaga to. “Oo na sige na, tame my brother para sayo na talaga sya.” “I will baks. I will. Lalo na at may basbas mo na.” Tawa ako ng tawa sa usapan namin.  Well, Niccolo and I are in good terms, alam din naman niyang may gusto ako sa kanya. Buti nga at kinakausap pa rin niya ako kahit nalaman niya, nang aksidente syang pumasok sa kwarto ni Louise noon habang kinukulit ko si Lou para sabihin sakin kung ano ang tipo nyang babae. Dyahe talaga, imagine yung hiya ko non. Gusto ko ng lumusot sa ilalim ng kama ni Lou, hindi ko pa rin makalimutan ang sinabi niya noon. “…mabait, yung kayang igive up ang lahat para sakin, yung handa akong pasayahin kahit anong mangyari, yung magsstay para sakin. Ganoon ang gusto ko.” Pagkatapos nyang sabihin yon natulala na lang ako. Kaya ko naman gawin yon for him. Sus, ang dali dali lang naman ng mga gusto nya. I can be his clown, magaling kaya akong magjoke sabi ng mga friends namin ni Lou kaya siguradong mapapasaya ko sya. Kaya ko namang igive up ang lahat, pero Dyos ko po wag naman muna ang hilingin niya ang bataan, wag muna ngayon. Pagkagraduate ko pwede na siguro. Kaya ko rin namang magstay sa tabi nya, actually kahit anong gusto nya willing ko namang gawin. Kung sya ba ang makukuha ko sa huli hindi na masama diba? Hindi na uso ngayon ang lalaki ang nauunang magsabi na gusto mo sya, kasi pano kung torpe yung lalaki ano ng nangyari sa inyo? Intayan hanggang maubos ang oras nyong dalawa kakaintay? We women can be aggressive too, in a good way of course. We can express our selves and ask for what we want, para hindi na rin nanghuhula ang mga lalaki kung ano ang gusto ng mga babae. Open communication mabilis ang usapan, gusto, adjust, ayaw, adjust, madali diba? As we bid our goodbyes, pumasok na ako ng banyo para maligo. It’s weekend at balak kong lumabas ngayon, iba na nga lang ang sitwasyon dahil wala na akong kasama maggala. I went to the mall at naglakad lakad, pumasok ako sa isang bookstore to check on engineering books but before I reached the racks kung nasaan ang mga libro ay napatigil ako sa mga interior books. Ang gaganda ng mga pictures ng bahay doon, modern, contemporary, minimalist ang gaganda. Silently, humiling din ako n asana magkaroon ako ng ganito kalaking bahay. May kaya naman kami pero syempre iba pa rin kapag may sarili kang bahay na naayon sa kung anong gusto mo diba? It will be your pride to have your own house na ikaw ang nagpundar at hindi galing sa magulang mo. I was so engrossed on the pictures na hindi ko manlang naramdaman na may lumapit na pala sa akin. “Carrie.” Nagulat pa ako ng magsalita sya sa tabi ko, catching my attention. Bahagya pa akong napaatras dahil hindi ko inaasahang lalapitan o babatiin manlang ako ni Niccolo. Yes, he is the one approached me, ang saya diba? “Oh hi, Niccolo!” Nakangiti kong bati at ibinalik ang interior book na hawak ko sa kinalalagyan nito. “How are you? Uhm, nagkakausap ba kayo ni Louise?” Akala ko naman kaya ko nilapitan kasi ako ang concern pero ayos lang nilapitan pa rin naman niya ako and we are both concern for Lou. “Yes. Okay naman daw sya, she’s settled.” “I see. Mabuti naman. Anyway, wala ka bang kasama?” Lumingon pa sya sa likod ko just to confirm kung may makikita syang kaibigan namin ni Lou. “Nope, ako lang. Wala na ang kapatid mo eh, kaya alone time ang peg ko ngayon.” Nakangiti kong sabi sa kanya. “I see. You want to come with me? Naglalakad lakad lang din naman ako wala ng nangungulit sakin eh.” I know he misses her sister too. Close kasi ang dalawang to. Ibang iba talaga kapag wala si Lou, hay. “Wala kang date?” “None that I know of. Pwede ka bang idate?” I saw smirk on his face. Shete naman oh! Kinikilig ako Lord! “Oi wag kang ganyan. Porque alam mong crush kita. Baka umasa ako sige ka ikaw rin.” Tudyo ko sa kanya. Syempre kahit aggressive tayo iexcercise din natin ang pagiging demure minsan. I heard him chuckled. “Well, okay lang naman. Wala naman akong girlfriend.” His eyebrows wiggled. Aba’t talaga naman kapag pinagbibigyan ka ni Lord!   “Wag ka ngang ganyan! Baka umoo ako!” Nauwi na sa tawa ang kanina’y pagngisi niya. “Sige na nga kung nahihiya ka pa, we can start as friends. Ako muna ang kapalit ni Lou para hindi mo sya mamiss. Okay lang ba?”  “Ayan, go ako jan sa friends.” Naka ngisi ko na ring tugon. “Come on let’s go.” Sabi lang niya at ipinatong na ang kanyang braso sa balikat ko. I was stunned on what he did. Tiningnan ko pa ang braso nya sa balikat ko at pinakiramdaman kung totoo ngang inakbayan nya ko. After that ay tiningnan ko sya, there is a smile plastered on his lips at prente akong iginigiya palabas ng bookstore. Wait. Akbay agad? Pero diba gawain naman to ng magkaibigan? Friends can hug each-other too right?  Putspa! Ang saya naman maging kaibigan nitong mokong na to, libre akbay! Kinikilig ako! As the days and months passed by ay naging close na rin kami ni Niccolo. As usual girls are flaunting over him at wala naman akong magawa dahil ang mokong napaka chickboy talaga, although puro flings lang naman ang mga babae nya. Pero kahit na! Minsan nakakabwisit na rin yung pagiging malandi ng ibang babae nya. Sino nga ba naman ako para magreklamo, I am just his friend, close friend na kapalit ni Lou sa buhay ko at sa buhay nya. But it is okay for me at least we are now really close. Yung kahit anong ipoen kong topic ay okay lang, makakapagusap kami ng kahit ano under the sun.  Madalas kaming magkausap sa telepono, he often talks to me lalo na kapag namimiss niya ang kapatid niya o yung ex nya. Yes, mahal pa rin ni Niccolo yung ex nya. Ate Eli is his first love, nawalan sya ng time kay ate because of his thesis and because of that they broke up. May umaaligid na rin pala kasi noong lalaki kay ate at nagkagustuhan na ang dalawa. I became his problem absorber and I am happy to help him ease every pain and loneliness he’s feeling. Napapatawa ko sya at nagsstay din ako para sa kanya, two down, baka may pagasa na ko. Akala ko noong una kapag naging close kami mawawala na ang feelings ko, ganoon naman kasi diba? Kapag nakilala nyo na ang isa’t isa, nawawala na yung pagkagusto but I think mine is different. Mas lalo ko syang nagustuhan, his attitude, his mood, mabilis kong nababasa at ngayon alam ko na agad ang gagawin kapag bad mood sya o di kaya wala sa mood. “Carrie, sige na please. Be with Louise, ikaw na lang ang pagasa namin. She’s drifting away, ikaw lang ang madalas niyang nakakausap. Sya lang magisa sa US. Please? For me?” He said with puppy eyes. Huminga ako ng malalim. I want to go to US too para masamahan si Lou and because I promised that to her. Nakausap ko na rin naman sila dad and kuya about it at pumayag na rin sila dahil na rin sa pangungulit ko. But I am hesitant to leave. Why? Because of this man right in front of me.  Paniguradong mamimiss ko ang isang to. Lalo na at ito palagi ang kasama ko. Halos mapagkamalan na ng lahat na kami dahil halos every weekend ay magkasama kami. Is this the part where I will prove to him na kaya kong igive up ang lahat sa kanya?  “Please?” I heard him plead and that’s it. Kung ito ang gusto nya, then fine. I will give him what he wants, I will be with Lou. “Fine.” That’s all I can say. Sa pagalis ko dalawa lang ang pwedeng mangyari. First, he will miss me because of my absence, that way baka maisip nyang gusto nya ko more than a friend o kung papalarin ay mahal na pala nya ko. Second, he will forget about me and we’ll have different lives apart. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD