Hindi ko mapigilang matawa pagtungtong ng mga paa ko sa parkeng puno ng mga ala ala. "Dito talaga sa Luneta?" bungisngis ko. "What's wrong? Don't you remember kung gaano ka ka-fascinated noong una kitang dinala dito?" nakangiting ani Ellie sa akin. Ninamnam ko ang hangin na nakapaligid sa amin. Hindi na kasing sariwa at 'sing lamig noon, gawa ng mas marami na ngayon ang mga sasakyang nagbubuga ng usok sa lungsod. Nakakalungkot isipin na para umangat ang transportasyon ay kailangan isakripisyo ang kalikasan. Tinungo namin ang Chinese garden, kay gaganda ng mga bonsai plants doon. Mula sa maliit na tulay ay pinanood namin ang mga naglalanguyang isda sa ilalim ng mga dahong kulay dilaw at puti na lotus flowers. Kinabig ni Ellie ang bewang ko at napatingin ako sa repleksyon naming dalawa
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


