Baon ang magandang balita ay pumunta ako sa bahay ng aking matalik na kaibigan. Gusto kong ibalita sa kanya ang kasiyahang aking nadarama ngayon, gusto kong makihati siya sa aking kasiyahan. "Tao po, tao po, Cass!" sigaw ko mula sa labas ng gate nila. Ten minutes na akong nakatayo dito at paulit-ulit na tinatawag ang pangalan niya, ngunit ayaw pa rin niyang sumagot. Di-nial ko ang numero ni Lette at Lou pero pareho kong hindi makontak. Ano ba ang nangyari sa kanila? Bakit hindi nila ako kinakausap? Ilang sandali pa ay lumabas na rin sa wakas ang yaya niya, balitang hindi ko inaasahan. "Naku Suzy, kahapon pa umalis si Cass kasama ni Lette at Lou," tugon nito sa tanong ko. "Po? Saan po sila pupunta?" "Ang pagkakarinig ko mag-a-out of town sila, ang akala ko kasama ka, pero bakit h

