Nag-aabang ako ng taxi nang aking maaninaw sa dilim ang sasakyan ni Kuya Van, nilapitan ko ito at hustong baba naman niya. "Suzy? Anong ginagawa mo dito?" nagtataka niyang tanong sa akin. "Lumalanghap ng sariwang hangin," wala sa sariling tugon ko. "Ikaw, anong ginagawa mo dito Kuya Van?" "Paano naging sariwa ang hangin dito?" medyo malakas na tanong niya, "Puro usok lang ang malalanghap mo sa lugar na ito," "Forget it," tugon kong iwinagayway pa ang kamay. "I have to go, bye." "At saan ka pupunta?" tanong niyang lumapit sa akin, "Gusto mo bang sa ibang lugar nalang tayo magtungo or ihahatid na kita pauwi sa inyo?" offer nito. "Uuwi na sana pero sige sa ibang lugar nalang tayo magtungo, ayoko pang umuwi dahil sa bahay mismo nagsimula ang problema ko." tugon ko. "Let's go then,"

