THE PRINCIPAL IS MY HUSBAND
Chapter 1
Mga Alas syete na kami nakarating dito sa mamahaling restaurant. Medyo kase elegante yung ka meet nila mommy.
"ma bakit kasama pa ako ? "
Ewan ko ba dito kay mama bakit kailangan pa akong isama dito sa ganitong lakad eh wala naman akong kinalaman sa mga business na yan. atsaka may homework pa akong tatapusin.
"Wag na maraming tanong azure ," napanguso nalang ako . "at ayusin mo nga Sarili mo dapat nakangiti ka para naman masabi ng ka meeting ko na mabait Kang bata . " daming pauso nito ni mama. huminga muna ako ng malalim at ngumiti ng pilit.
Nasa kalagitnaan na kami ng hallway ng restaurant na may napansin akong kumakaway sa dereksyon namin. at dun ko lang nalaman na siya Yung ka meeting ni mama nung kumaway pabalik si mama.
parang shunga lang...
Agad naman sila nagbeso-beso bago umupo. pinaghila ako ni papa ng upoan at ng makaupo ako siya naman ang pag upo niya bali na sa gitna Ako nila mama at papa .
"oh asan si Nathaniel? " tanong ni mama sa kaharap niya.
"Hindi na kasama may biglaan kaseng lakad . kaya kami lang dalawa ni Zayden " nakangiting sabi ng ginang ..
sinong Zayden ?
Maya't maya pa natigil ang pag-uusap nila mama ng may bigla dumating na isang matangkad at gwapong lalake.
"oh Zayden buti naman nakaabot ka ." nakangiti bungad nung ginang.
Umupo Yung lalake sa tabi nung ginang at halos malunok ko na ang mga pearl ng biglang napatingin siya sa gawi ko, pero agad naman niya ito binawe .
"Angela this is Zayden my SON" son? anak niya ito? eh parang hindi nakakalayo Yung edad nilang dalawa eh.
"oh Ikaw Pala si zayden. I'm Angela Fuentes and this is my husband ardy Fuentes. and azure pearl Fuentes my daughter". pagpapakilala ni mama sa Amin.
"Nice too meet you madam and sir and to you too azure " napatameme nalang ako dahil sa lamig ng boses niya pero may pag galang sa salita Niya.
"s-sayo d-din"
After that nagsimula na kaming kumain. nasa kalagitnaan na kami ng pagkain ng biglang nagsalita Yung mommy ni Zayden na ikinabigla ng buong pagkatao ko.
OA!
"When is Zay and Azure getting married?" kasal?
"kasal?" napatingin naman silang apat sa akin. huli na ng matuklasan ko na isinaboses ko na ang dapat sa isip ko lang.
"oo iha ,Hindi mo alam?"
" pasensya na kumare Hindi pa namin kase nasasabi sa kanya" napatakip bigla sa bibig Yung mommy ni zay.
" o my, I'm sorry I don't know "
"okay lang , Ngayon din naman namin balak sabihin sa kanya."
"ma, pa, ano po bang nangyayari ? Akala ko ba simpleng dinner lang ito , pero ano to? ipapakasal niyo Ako? ng di ko nalalaman?"
Tahimik lang sila habang nakatingin sa akin . pinipilit ko rin na Hindi maiyak sa harap nila. sino ba naman ang Hindi maiiyak ikakasal nga Ako sa gwapo pero gurang naman ,
"Sorry anak , we didn't tell you right away, but it was necessary-"
" ma naman kung ipapakasal niyo lang naman pala ako sana naman humanap kayo na akma sa edad ko ." napanganga nalang sila maliban sa isa na nakataas ang Isang kilay at matalim na nakatingin sa akin.
"what do you mean?" malalim ang kanyang boses pagkasabi niya non.
"Hindi tayo pwede ikasal dahil gurang kana ! " narinig ko naman ang hagikgikan ng mga magulang namin , kaya kita ko sa muka niya ang inis at pagkapahiya.
" For you information I'm 28 years old kaya hindi pa ako gurang. at sa tingin mo gusto ko rin magpakasal sa Isang tulad mong" Tiningnan niya ako ng mabuti ."Childish"
" childish man sa paningin maganda naman Ako "
"Who said you're beautiful? Yourself?"
"Hindi no ,Marami kaya nagkakagusto sa akin at nagsasabi ng maganda Ako!"
"pwes sinungaling Sila ."
aba pakayabang ng tao to kala mo subrang gwapo . tsk subrang Gago kamo . magsasalita na sana ako ng sumimgit Yung mama niya.
"oh siya mukang nagkakasundo naman Sila eh. kaya wala na tayong problema pa , mga first week ng march ang kasal nila."
"ano?"
"what?"