Warning!
Not your ordinary Man x Man story.
Sizzling hot! Controversial! Tear jecker! Love-Filled!
ALL Emotions in One Gay Love Story
Chapter 9: Whisper: Please Stay
"Oh my Goooood!" Sigaw ni Monique nang makita ang nangyaring sukahan. Kaagad itong lumapit kina Stefan at Andrei.
"Monique!" Sinigawan na niya ito hindi lang dahil maingay pero dahil sa pagkairita. Nawawala ang pagka-closet niya. "Alisin mo nga itong kaibigan mo! Kadiri oh! For sure sinadya niya akong sukahan!"
"No! No! No! I'm so sorry Stefan! Ganyan talaga yang si Andrei kapag sobrang lasing! Knockout na talaga! Sorry pero hindi niya yan sinasadya!"
Muntik na niya itong irapan. "I hate him Monique! I really hate him! Ihihiga ko na siya sa couch! Aalis na ako!"
"No! Help me naman to bring him home!" Napakunot ang noo niya. Heto na naman ang babae sa ganoong pakiusap. Hindi na siya magpapauto rito. Wala pa siyang tama sa nainom para muling magpauto sa babae.
"Dalawa kayo ni Donna na kasama niya! Konting effort lang for sure maiuuwi niyo siya!" Pagtanggi niya. Saka naman nito tinuro si Donna na natutulog na sa couch.
"Paano?! Yang si Donna may susundo dyan! Dito kay Andrei ako na naman! Maaatim mo bang pahirapan ang isang babaeng katulad ko?" Saka pa ito nag-beautiful eyes.
Wala ring nagawa si Stefan. Same old reasons ang hinain ng babae. Sabado iyon, peak night ng bar walang available bouncer. Hindi sila ihahatid ng grab driver. Wala ibang kaibigan malapit sa place.
"Last na ito Monique. Grabeng perwisyo na ang ginagawa sa akin niyang si Andrei. Babalikan ko na naman ang kotse niyan doon sa parking lot ng bar." Mahinahon na silang nag-uusap ni Monique habang minamaneho niya ang sasakyan ng lalaki. Pero wala pa rin siyang tigil sa kanyang mga himutok. "Napakabaho ko na rin. So gross."
"Oo Stefan last na ito! Kahit naman ako binabalikan ko pa ang car ko eh. And for sure wala ka ng ibang reason para bumalik pa sa bar sa mga susunod na araw. Nagkataon lang talaga ngayon na may pinagdadaanan yang si Andrei. Alam mo naman na di ba? Tsaka isipin mo nalang may mga bago kang taong nakilala ngayong weekend na ito. Nakilala mo ako!" Tugon nito. Masama ang kutob niya sa babae. Tila bet siya nito. Lagi ang pag-push sa sarili eh. Tumahimik nalang tuloy siya.
Ilang saglit pa ay tumunog ang phone ni Monique. Agad naman nito iyong sinagot. "What? Oh my God! Paano nakapagpasok ng baril yan sa bar? You're not doing your job right!" Saka nito binaling ang atensyon sa kanya. "Stefan sa tabi nalang ako. May emergency sa bar. Ikaw na ang bahala kay Andrei ah. Nakasabit sa belt niya ang mga susi niya."
"P-pero..." aayaw pa sana siya pero narinig niya ang sinabi nito sa kausap. Hindi na siya makakatanggi pa dahil talagang emergency iyon. Hininto niya ang sasakyan.
"Sorry talaga Stefan! Ikaw na ang bahala ah?! Sana kahit tayong dalawa hindi ito ang last nating pagkikita. Bye!" Saka ito bumaba.
"Kadiri! Bet mo ako? Hindi tayo talo." Komento niya ng siya nalang at ang walang malay na si Andrei.
Pagka-park sa condominium building ni Andrei ay agad niya itong inalalayan. Hindi niya ma-appreciate ang closeness nila sa mga sandaling iyon. Hindi niya ito maamoy dahil sa nangangalingasaw ang suka sa kanyang katawan. Diniretso niya itong hiniga sa kama nito.
"Hindi kita boyfriend. Hindi kita lilinisan. Bahala ka na sa buhay mo pagkagising mo. Ito na ang huli nating pagkikita." He said while talking to the sleeping hunk. Pinagmasdan niya pa ito ng mabuti. "Sayang ka. Pasok sana ang looks mo sa standard ko kaso lang hindi ang ugali mo. Bye Andrei." Akmang aalis na siya nang higitin siya nito. Sa sobrang lakas ng pagkakahigit nito ay natumba siya at napapatong rito. Hindi lang basta patong ng katawan. Kahit ang kanilang mga labi ay naglapat. Nanlaki ang mga mata niya sa nangyari. Saglit na tumigil ang oras. Halos lumundag ang kanyang puso mula sa kanyang dibdib. Aalis sana siya sa posisyong iyon ngunit mahigpit ang pagkakakapit nito sa kanyang mga kamay. Gayunpaman ay nagawa pa rin niyang mailayo ng ilang pulgada ang mga labi rito.
"Please stay. Wag ka munang umalis." Bulong nito.
"Hindi ako si Donna o kung sinumang babae mo. Aalis na ako." Tugon niya.
"Please stay Stefan." Sumunod na nasambit nito. Alam nitong siya iyon. Lalo pang nagkandaloko-loko ang kanyang vitals. His heart was racing. He felt so hot.
"Andrei..."