Warning!
Not your ordinary Man x Man story.
Sizzling hot! Controversial! Tear jecker! Love-Filled!
ALL Emotions in One Gay Love Story
Chapter 10: Fever: Sudden Care
"Andrei ano ba?!" Pilit na pumalag si Stefan. Nagtagumpay naman siyang makawala sa mga bisig nito. Napaupo siya sa sahig sa ibaba ng kama. Tila bumalik sa pagkakatulog si Andrei ngunit umuungol ito. Agad niyang tiningnan ang lagay nito. Pagkahawak niya sa noo nito ay halos mapaso siya. Napakainit nito. Mataas ang lagnat ng lalaki. "Jusmiyo marimar naman oh."
Nakokonsensya siya. Ayaw naman niya itong iwan sa ganong lagay. Bumuntong hininga siya ng malakas. "Okay fine! Hindi ako masamang tao. Kahit bwisit ako sayo ay hindi naman kita pababayaan." Luminga siya sa paligid hanggang sa nakuha ng kanyang atensyon ang walk in closet nito. Dahil wala namang malay ang lalaki kaya hindi na siya nagpaalam pa at pinasok na niya iyon.
Napalunok siya sa nakita. "Halaaa naman ang lalaking 'to. Feeling niya ba si Christian Grey siya?" Komento niya sa mga nakasabit na b**m toys nito. Mabilis niyang inalis ang atensyon sa mga iyon. Naghanap siya ng bimpo o kahit tuwalya. Nakakita naman siya sa isang drawer. Pumunta siya sa kusina upang kumuha ng palanggana. Nilagyan niya iyon ng tubig saka binuhusan ng mainit na tubig mula sa thermos. Bumalik siya sa kwarto saka matagal na pinagmasdan ang lalaki.
"What now Stefan? Huhubaran mo siya? Baka mapagkamalan pa niyang pinagsamantalahan mo siya." He shooked his head. "Bahala na nga!" He started to unbutton his polo. Tumambad na naman sa kanya ang magandang pangangatawan ng lalaki. Sa pagkakataong iyon ay wala siyang naramdamang init o kahit konting malisya. Malinis ang kanyang intensyon. Nais niyang matulungang bumaba ang lagnat nito. Sinunod niya ang sapatos at pantalon nito. Wala siyang pakialam kahit brief nalang ang suot nito. Iniiwas niya ang tingin sa bahaging iyon. Pinunasan niya mula ulo hanggang paa ang lalaki saka ibinalot sa kumot.
"Success! Makakauwi na ako!" Lumabas siya ng kwarto saka nilinis ang kanyang mga ginamit. Muli naman niyang naamoy ang sarili. "Ang baho ko na talaga. Sa dami ng tulong ko sa kanya ngayon hindi na siguro masama kung manghihiram ako ng isang t-shirt. Kahit yung pinakaluma at pinakapangit na t-shirt. Makikiligo na rin ako. Mapapanis na itong suka sa suot ko eh." Muli siyang pumasok sa closet nito saka naghanap ng t-shirt. Mabilisan din siyang naligo. Nang matapos siya ay binalikan niya si Andrei.
"Nangingig pa rin siya." Hinawakan niya ang noo nito. Mataas pa rin ang lagnat nito. Tinaasan niya ang aircon para bahagyang uminit. "Ayoko namang umalis na. Baka mamatay 'to ako pa ang mapagbintangan. Ganito nalang Stefan, bantayan mo muna siya. Kapag bumaba na ang lagnat niya saka ka umalis." Sabi niya sa sarili.
Umupo siya sa kabilang bahagi ng kama habang pinagmamasdan ang mukha ng lalaki. "Wala ka man lang pamilyang nag-aalaga sa iyo. Ipapakasal ka pa ng daddy mo sa babaeng hindi mo naman mahal. May babae nga sa buhay mo ayun tulog din at f**k buddy mo lang. Tapos ang sura pa ng ugali. Gwapo ka lang. Macho. Daks. Pero ang lungkot ng buhay mo. Kawawa ka naman." Sambit niya rito. Ilang saglit pa ay nahiga na siya sa kama. "Yayakapin kita ah. Walang malisya 'to promise. Effective daw ang yakap na source ng heat eh. Gusto ko na rin kasing makauwi." Saka niya ito niyakap ng mahigpit. Hindi niya maipaliwanag ang nadama nang gawin niya iyon. Bumilis ang t***k ng kanyang dibdib. Hindi na niya iyon inintindi pa. Naging palagay siya habang yapos ito. Hanggang sa tuluyan siyang nakatulog at hindi namalayan ang oras.
"Hmmmmm..." nag-inat si Stefan pagkagising. Nanatili pa rin siyang nakapikit. Sarap na sarap siya sa naging tulog. Hanggang sa napagtanto niyang nakatulog siya ng matagal. "F*ck!" Bulalas niya.
Wala na si Andrei sa kama. Nauna pa itong magising sa kanya. Sumisilip na rin ang araw mula sa blinds ng bintana ng kwarto. Pagtingin niya sa kanyang relo ay alas-nuwebe na ng umaga. "F*ck talaga! Shet naman oh!" Nagmamadali siyang bumangon sa kama. Pagkabukas niya sa pinto ng silid ay nagkasalubong naman sila ni Andrei. Muntik nang magdikit ang kanilang mga labi. Sobrang dikit ng kanilang mga katawan. Saglit na tumigil ang oras. Hanggang sa pareho silang lumayo sa isa't-isa.
"Where are you going?" Tanong nito.
"Huh? Uuwi na ako! Sorry nakatulog ako ah. Nilalagnat ka kasi kagabi kaya binantayan na muna kita eh nakatulog ako at tinanghaling magising! Tapos sinukahan mo ako noong nasa bar palang tayo, remember? Kaya heto nakiligo rin ako at nanghiram ng damit! Don't worry babayaran ko ito sayo para hindi na tayo magkita! Nakita ko nga rin pala ang mga gamit sa walk-in closet mo! Don't worry wala akong pakialam sa kanila kahit b**m ang peg mo! Ako lang ang naghatid sa iyo dahil nagka-emergency si Monique! Hmmm ... ano pa ba? Alis na ako!" Dire-diretso niyang magsalita upang ipaliwanag ang lahat. Akmang lalabas na siya nang iharang nito ang braso sa pinto. "W-what?"
"Dito ka na kumain. I prepared breakfast for us." Saad nito. Hindi niya iyon inaasahan. May kung ano na naman siyang naramdaman sa kanyang dibdib.