Chapter 11

1090 Words
Warning! Not your ordinary Man x Man story. Sizzling hot! Controversial! Tear jecker! Love-Filled! ALL Emotions in One Gay Love Story   Chapter 11: Breakfast: Start of Something New   Alam ni Andrei na si Stefan ang kanyang kasama. His vision was blurred maybe because of the alcohol. Ngunit masama rin ang kanyang pakiramdam. He felt very weak. Tila magkakasakit siya. Masyado niyang dinibdib ang bagong kaganapan sa kanyang pamilya. Sobra-sobra na rin ang paglalaan niya ng oras sa bar nitong mga nakaraang linggo.   "Please stay Stefan." Saad niya nang maramdamang aalis na ang lalaki. Pakiusap niya rito. He needs someone on his side sa mga sandaling iyon.   Sobrang init niya pero malamig ang kanyang pakiramdam. He was chilling. Nawawala na siya sa sarili. Hindi na niya matandaan pa ang mga sumunod na nangyari. Madaling araw na nang bumuti ang kanyang pakiramdam. Mainit pa rin siya at nilalamig pero nakakaramdam siya ng isang nakakaginhawang init. Dahan-dahan niyang binuksan ang mga ito. Mahimbing na natutulog habang yakap siya ni Stefan. He felt awkward. Pero hindi niya tinanggal ang mga bisig nito.  He don't want to compromise the comfort from his arms. Ipinikit nalang niya muli ang kanyang mga mata.   Makalipas ang ilang oras ay muling nagising si Andrei. Masakit ang kanyang ulo marahil dahil sa hangover. Pero wala na siyang lagnat. Sinat na lamang. Mas maayos na ang kanyang pakiramdam. Paggising niya ay nakayakap pa rin sa kanya si Stefan. Naiihi at nagugutom na siya.   "Masyado namang nag-enjoy 'to sa pagkayap sa akin. Hindi ba siya gumagalaw kapag natutulog?" Komento niya habang dahan-dahang umaalis sa mga bisig nito.   Pagtingin niya sa kanyang katawan ay wala pala siyang saplot kundi ang kanyang brief. Naibalik niya ang mga mata rito. "Hinubaran niya ako? Sabi na bakla 'to eh." Saka umiling.   Paglabas niya ng silid matapos maligo at mag-ayos ng sarili ay naisip niyang magluto ng almusal. Almusal para sa kanilang dalawa. Almusal ng pasasalamat. He can't help but smile for no reason. Naiisip niya ang pag-aalaga ni Stefan sa kanya. Pilit niya iyong winawaksi sa kanyang isipan ngunit pabalik-balik iyon.   ..........   "Dito ka na kumain. I prepared breakfast for us." Talagang ikinabigla ni Stefan ang sinabing iyon ni Andrei. Tumibok ng mabilis ang kanyang puso. Hindi niya maintindihan ang nararamdaman.   "S-sunday na kasi. Kailangan ko pang magpahinga sa bahay dahil may work na naman bukas." Palusot niya.   "Kapag ba kumain ka rito hindi ka na makakapagpahinga mamaya? Isa pa mas masarap pa nga ang tulog mo sa akin eh... habang yakap mo ako." Saka ito umiba ng direksyon ng tingin.   Nakaramdam siya ng pag-init ng kanyang pisngi. Shet alam niyang niyakap ko siya?! Baka nagdududa na itong bakla ako ah? Hindi rin siya makatingin ng diretso rito.   "Niyakap kita dahil sobrang init mo. Effective daw yun eh na pampababa ng lagnat. Siguro naman hindi ka na-bading dahil sa ginawa ko ah?" Reverse psychology gaming. Inunahan na niya ito sa usapin ng pagiging bakla.   "Just wow?!" Binalik nito ang atensyon sa kanya. "Ako pa ngayon ang bakla ah? Alam mo namang may f*ck buddy ako. Nakita mo na rin ang b**m toys ko. Isa pa, alam ko naman na ginawa mo yun parang gumaling ako kaagad. Kaya tara na kain na tayo." Saka siya nito tinalikuran at pumunta na sa labas.   Lalo pang naramdaman ni Stefan ang pag-iinit ng kanyang pisngi. "Kinilig ba ako? Sh*t kinilig yata ako sa kanya. Hindi pwede 'to. Cool lang dapat Stefan. Wag kang magpapaapekto. Magte-take advantage ang mayabang na yan kapag nalamang bading ka." He took a deep breath. Inhaled. Exhaled. Then he went out of his room.   "Maupo ka na. For sure gutom ka rin at may konting hangover. I cooked tocilog and corn soup. Siguradong magugustuhan mo 'to." Anyaya nito while looking straight in her eyes.   Okay na sana pero may kayabangan pa rin. "O-okay." Nag-aalangan siyang lumapit sa maliit na mesa nito. Dalawa lang ang upuan doon. Sakto lang para sa kanila.   "Heto! Try this tocino may in-order-an pa ako nyan kaya talagang masarap. Yung sinangag medyo mabawang ah. Feeling ko kasi mas masarap kapag mabawang. Tapos yung egg well done. Hindi ko naman kasi alam ang preference mo. Yang corn soup yung instant lang yan na nabibili sa groceries." Pinaliwanag nito ang lahat ng niluto habang nilalagyan siya sa kanyang plato at mangkok.   "Kaya ko na 'to. You don't need to serve for me." Nahihiyang tugon niya. Naninibago na naman siya sa lalaki. Hindi siya sanay na mabait ito. Mas okay nga yata sa kanyang nagyayabang ito.   "Wala yan. Inalagaan mo ako eh." He replied while continuously eating.   Parang sira naman 'to. Pa-fall din eh. Oh wag kang marupok Stefan! Ilang taon ka nang matatag sa mga ganyang lalaki. Hindi yang mayabang na yan ang magpapabigay sayo. Sumubo na siya. Inuna niya yung tocino at sinamahan niya ng sinangag. Gusto niya rin ang mabawang sa sinangag. At totoo nga, masarap talaga ang tocino   "I like the tocino. Hindi masyadong matamis. I also like the fried rice. Ganito yung gusto kong luto." He honestly gave his comment on the food.   "Thanks! Buti naman nagustuhan mo. Pareho pala tayo ng taste." Nakangiting tugon nito.   Bagay niya rin talaga ang nakangiti. Nagpatuloy nalang siya sa pagkain. Pilit niyang hindi pinansin ang awkward feeling sa pagitan nilang dalawa. Dahil pa rin iyon sa hindi magagandang pangyayari na namagitan sa kanila.   "Siya nga pala Stefan." Binitawan nito ang hawak na kutsara't tinidor. "Sorry for what happened the other night. Hindi naging maganda ang first meeting natin. Sorry rin kagabi kung nasukahan kita. And thank you dahil kahit na naging rude ako sayo eh tinulungan mo pa rin ako for two consecutive daya. Thank you." Saka nito muling hinawakan ang mga kubyertos.   "Ikaw ba talaga yan Andrei? Sorry! Sorry! Hindi lang ako sanay. Hindi ko in-expect na may ganyang side ka pala."   "Mayabang talaga ako totoo 'yon. Kind of narcissist. Pero may pinagdadaanan lang talaga ako the other night kaya naging ganon ako sayo. Sorry kung sayo ko naibunton. I didn't mean that. Medyo malakas din kasi ang personality mo. Ayokong nasasapawan ako." Hindi siya makapaniwala sa pagiging tapat nito. Siguro nga'y hindi talaga sapat ang una at ikalawang pagkikita para makilala ang isang tao.   "Ang dami mo nang sorry. Okay na 'yun. Apology accepted. Umamin ka na rin naman na mayabang ka, narcissist at ayaw malamangan, well tama lang naman na yung ang pagkakabasa ko sayo. At isa pa, you're welcome."   Sabay silang natawa at muling bumalik sa pagkain. Hindi alam ni Stefan ang mga susunod na mangyayari. Kung saan mapupunta ang pagiging magkakilala nila ni Andrei. Ang alam niya lang biglang sumaya ang kanyang puso.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD