Chapter 12

839 Words
Warning! Not your ordinary Man x Man story. Sizzling hot! Controversial! Tear jecker! Love-Filled! ALL Emotions in One Gay Love Story   Chapter 12: Car: Unexpected Bonding   "Thank you sa breakfast ah. Una na ako." Nagpaalam na si Stefan kay Andrei. Hindi na siya makatingin ng diretso rito. Sa loob ng dalawang araw ay hindi na siya sanay na in good terms sila all of a sudden.   "Wait hatid na kita sa bar. Iniwan mo sa parking ang sasakyan mo di ba?" Pagpigil nito.   "Ah oo eh. Pero mag-grab nalang ako. Ako na ang bahala." Pagtanggi naman niya. Nasosobrahan na ang pagsasama nila kaya tumanggi siya. Isa pa ay baka nakakaabala na siya rito.   "No. I insist. Walang bar mamayang gabi kaya free ako. Hatid na kita. Lulubusin ko na ang pasasalamat at pagbawi sayo. I want to know you more Stefan. Gusto kitang maging kaibigan. Gusto kong makipagkaibigan sa mga taong alam kong ka-wavelength ko." He sounded sincere.   Hindi napigilan ni Stefan na mapangiti. Malawak na ngiti. May kung anong saya siyang naramdaman sa sinambit nito. Tila unti-unti na talagang nagbabago ang pananaw niya ukol sa lalaki. Gusto na rin niya itong makilala at maging kaibigan.   "Okay fine. Mapilit ka eh. Control freak ka rin pala. Kanina mo pa ako pinipilit sa mga gusto mo." Sa huli'y pumayag na rin siya.   Pagsakay sa sasakyan nito ay agad na nagpatugtog ng mahinang FM radio ang lalaki. Nakaupo siya sa tabi nito.   Pare mahal mo raw ako Yan ang sabi mo raw Nang minsan ay malasing tayo Hindi kita sinisisi galit ay wala ako Pare pag-usapan natin to   Napalunok siya sa tugtog at saka napatingin sa malayo.   "Ano ba yang mga kanta ngayon?! PamBAKLA!" komento ni Andrei saka nilipat ang istasyon ng radyo.   Mas iginilid niya pa ang ulo sa bintana para hindi ipakita ang pagpipigil niya ng tawa. Kung alam mo lang! Bakla ako!   "Bakit? Galit ka ba sa bakla?" Tanong niya rito.   "Hindi naman. I have nothing against them. Though wala akong gay friend. Ang awkward lang na kalalaki nating tao at dadalawa lang tayo rito sa sasakyan yun ang music na tumutugtog." Paliwanag nito. "Ikaw ba galit ka sa bakla?" Saka nito binalik sa kanya ang tanong.   "Ako?" Napatingin na siya rito pero agad niya rin iyong binawi. "Hindi rin. They are good individuals. They have different stories. Most of them are victims of judgments and discrimination." Pang-beau-con ang naging tugon niya. Dapat niyang buhatin ang bangko ng sang-kabaklaan.   "Sometimes sila rin kasi ang gumagawa ng ikaka-judge at discriminate sa kanila eh." Bigla na naman itong nagkomento habang naka-focus sa pagmamaneho.   "Huh? What do you mean?" He curiously asked him.   "Wala lang. Yung iba masyadong pakawala. Yung iba parang di na nirerespeto ang mga sarili nila. I don't know. Kung minsan kasi kung paano mo gustong ma-treat ka yun ang dapat na ipakita mo di ba? Golden rule."   Na-gets naman niya ang gustong sabihin nito. Mukhang mag-agree na rin talaga siya na magka-wavelength sila. Hindi ito mababaw kausap. That gay-themed conversation can go a long way.   "I get your point. Pero tulad ng sinabi ko kanina may kanya-kanya pa rin silang kwento kung bakit nila ginagawa ang mga ginagawa nila. Gusto nilang makapagpasaya ng ibang tao. O pwede ring dumaan sila sa malupit na nakaraan. There are a lot of reasons." Dinugtungan pa rin niya ang paksa.   "I understand you. Pero di kasi talaga ako exposed sa gay community eh. LGBT community right? Let's stop this conversation about gays! Favorite song ko ang tumutugtog!" Saka ito naki-sing along sa kanta kahit sobrang sintunado nito.   This ain't a song for the broken-hearted No silent prayer for the faith-departed I ain't gonna be just a face in the crowd You're gonna hear my voice When I shout it out loud   It's my life It's now or never I ain't gonna live forever I just want to live while I'm alive (It's my life) My heart is like an open highway Like Frankie said I did it my way I just want to live while I'm alive It's my life   Natatawa siya habang pinagmamasdan ito. Ang lakas nitong makahawa ng energy. Parang hindi ito nalasing at nagkasakit. Nakisabay na rin tuloy siya sa pagkanta. Sintunado rin siya pero wala na silang pakialam. They really enjoyed singing that song at the top of their lungs.   "It's my life!" Saka sila sabay na natawa.   "Favorite na kanta o favorite isigaw?" Pabirong tanong niya rito.   "Wow harsh! Hahaha! Ang ganda kaya ng boses ko!"   "Kapag nagsasalita. Hahaha!"   "Bago mo pa ako tuluyang laiitin heto nandito na tayo." Saad ni Andrei saka hininto ang sasakyan at siya'y sinulyapan. Halos tunawin siya ng tingin nito.   "Ah eh sige. Salamat ah." Tila hindi niya kinaya ang mga titig na iyon. Akmang lalabas na siya nang pigilan siya nito.   "Wait! Kunin ko muna ang social media accounts mo. Pati na rin ang phone number mo." Saad nito.   "Huh?" Tanong niya habang nag-iinit ang kanyang mukha.   "Syempre to keep in touch with my new found friend!"   "Ah oo nga naman." Saka sila nagpalitan ng number, f*******: at i********: accounts bago siya tuluyang nagbumaba at nagpaalam rito.   Hinintay pa ni Stefan na makaalis sa parking area ang sasakyan ni Andrei. Nang wala na ito ay saka siya napahawak sa kanyang puso. "Hindi maganda 'to."    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD