Warning!
Not your ordinary Man x Man story.
Sizzling hot! Controversial! Tear jecker! Love-Filled!
ALL Emotions in One Gay Love Story
Chapter 13: Hoping: Waiting Game
This ain't a song for the broken-hearted
No silent prayer for the faith-departed
I ain't gonna be just a face in the crowd
You're gonna hear my voice
When I shout it out loud
It's my life
It's now or never
I ain't gonna live forever
I just want to live while I'm alive
(It's my life)
My heart is like an open highway
Like Frankie said
I did it my way
I just want to live while I'm alive
It's my life
Gabi na pero wala pa ring tigil sa pagpapatugtog si Stefan sa kanilang sala. Naupo na sa tabi niya ang kanyang ina.
"Ehem! Ehem!" Pagpaparamdam nito.
"Oh Ma? Tara Ma! It's my life! Party! Party!" Pag-aya niya rito. Hinawakan pa niya ang dalawang kamay nito at saka iyon itinaas at winagayway.
Bumitaw naman ito. "Stefan. Patayin mo na yang music mo. Manunuod na ako ng KMJS. Kanina ka pa nagpapatugtog dyan." Nakabusangot na tugon nito.
"Aww! KMJS na ba? Sorry naman ma." Dali-dali niyang pinatay ang bluetooth speaker at spotify niya. "Sorry ma!" Saka niya niyakap ang ina.
"Ano bang meron sa tatlong kantang 'yon huh? Paulit-ulit lang 'yun eh. "It's My Life', 'Bad Guy' at 'Pare Mahal Mo Raw Ako'." Tanong nito.
Pilit na ngiti ang naitugon niya rito. "Alam mo yung mga title ma? At napansin mong tatlo?"
"Malamang tatlo lang eh. Sinong di makakapansin non? Baka pati mga butiki sa kisame alam na eh. At may internet tayo Stefan. Na-search ko na yung titles nung dalawang kanta na hindi ko alam." Kinuha nito ang kanyang mga kamay. "Umamin ka nga sa akin. Dahil yan dun sa Andrei no? In just two days from hate to love na agad kayo?"
"Ma!" Kunyari'y nagtaas siya ng boses. "Ano ba yan ma? Okay na po kami. Pero hindi ibig sabihin non may love nang involve. Love agad?" Tumayo siya upang buksan ang tv. "Isa pa ma ikakasal na yung tao. Mayaman kaya may arrange marriage thing na involve." Dugtong niya.
"Ngayon ka nalang kasi nagkaganyan. Yung non-stop playlist, hindi maalis yung ngiti. Nanghihinayang ka no kasi ikakasal na?" Binalik niya ang tingin sa ina. Inalis. Saka binalik ulit.
Napaisip siya. Saglit na katahimikan. "Kahit naman siguro hindi siya ikakasal wala akong pag-asa ma eh. Straight siya. Mukhang babaero nga eh. Masaya lang po siguro ako dahil napasaya niya ako. Masaya lang ako na kahit papano ay magkaibigan na kami." He honestly replied to his mother bilang ginigisa na siya nito.
"Okay na yun huh nak? Okay na yang ganyan na napapasaya ka niya. Okay na yang ganyan na magkaibigan kayo. Ilang taon mong ginwardyahan yang puso mo. Kapag alam mong mali sa simula wag nang simulan. Hindi naman masamang masaktan sa pag-ibig. Once in a while kailangan nating ma-broken hearted. Pero dapat sa mga relasyon na sa simula ay akala natin tama. Hindi sa mga bagay na mali sa simula." Payo nito.
"Ang lalim ma. Hindi ko na-gets. Hahaha!" Sabay silang nagtawanan saka niyakap ang isa't-isa.
"Manuod na nga tayo. Diumano maganda ang episode ngayon ng KMJS. Diumano."
Nang mga sumunod na araw habang nasa trabaho ay laging nag-aabang si Stefan ng mga post ni Andrei sa social media account nito. Inaantabayanan niya rin kung magcha-chat ito at magpaparamdam. Ngunit kahit isang 'hi' ay wala siyang natanggap sa lalaki. Hindi rin ito nagpo-post o kahit share man lang ng kahit ano.
"Ano Stef? Nganga? Walang paramdam si bebe loves mo?" Pangangantyaw ni Hazel. Naikwento na rin niya sa kaibigang sina Hazel at Chester ang mga bagong developments. Naisauli na rin niya sa babae ang purse nito.
"Wow ah! Pwede ba Haze may bago akong update sa system i-test mo nalang don!" Naiinis na tugon niya rito.
"Nice ah. Work ang reply sa akin!"
"Ipaalala mo ba naman ang weekend love affair niya!" Pagsabat ni Chester sa kanila. Malakas ang boses nito kaya naagaw ang atensyon ng iba pang nasa loob ng area nila sa opisina.
"Wow si Sir Stefan luma-lovelife na po?!" Tanong ng isa sa mga tao niya.
Tiningnan niya ng masama si Chester.
"Balik na ko sa desk ko. Ite-test ko pa yung updates mo." Mabilis pa sa alas-kwatrong umalis si Hazel. Umiba naman ng tingin si Chester at umaktong parang walang nangyari.
"Sir Stefan! Share niyo naman po sa amin kung sino ang mapalad na babae! Sige na Sir!" Paggatong naman ng isa pa niyang tao.
"Workloads ang ishe-share ko. Check your emails. May bago kayong tasks!" Tugon niya sa mga ito.
Napasandal nalang siya sa kanyang swivel chair. He realized na baka hanggang doon nalang talaga sila ni Andrei. Bakit nga ba siya umaasang magparamdam ito sa kanya? Sino ba siya? He's just a new friend. Hindi pa nga malalim ang kanilang pagkakaibigan kung tutuusin. Nang mapansin niyang masyado na siyang nilalamon nang pag-iisip dito ay saka niya kinuha ang kanyang phone. One last look saka siya babalik sa trabaho. Laking gulat niya nang nag-story sa i********: ang lalaki. Text lang ito na nagsasabing - "what to do?".
Napangiti siya. "Ano kayang inisip niya ngayon? Reply-an ko kaya? Hmmmm..." napadukdok siya sa kanyang mesa.
Ilang saglit pa ay may nag-notify sa kanyang text message.
"Can we meet? Gusto ko ng kausap." Saad sa text ng walang iba kundi si Andrei. Malawak na ngiti ang biglang puminta sa kanyang mga labi.
"Guys! Umuwi kayo agad today ah! Walang mag-OT! Matagal pa naman ang deadline ng mga bagong task na binigay ko!" Dahil bigla siyang naging in good mood kaya nabubulas niya iyon sa team. Dali-dali naman siyang nag-reply dito kung saan at kung anong oras sila magkikita.
"Uy mukhang nagparamdam na ng weekday ang weekend love affair!" Biglang sigaw naman ni Chester.
"F*ck you!" Mahinang tugon niya rito.
"Love you!"
On time na lumabas ng opisina si Stefan nang gabing iyon. Biyernes na iyon ng gabi. One week mula nang una silang magkakilala ni Andrei. Pagbaba niya ng kanilang building ay hindi siya makapaniwala sa mga sumunod na nangyari.