Warning!
Not your ordinary Man x Man story.
Sizzling hot! Controversial! Tear jecker! Love-Filled!
ALL Emotions in One Gay Love Story
Chapter 14: Shoulder: Let Him Cry
Agad na nagpunta si Stefan sa The A-List Bar, ang bar na pagmamay-ari ni Andrei at Monique. Doon kasi ang meeting place nila ni Andrei. Papasok palang siya sa parking space ng lugar ngunit sinalubong na siya kaagad ng lalaki. Binaba niya ang bintana sa tabi ng driver's seat upang mabati ito.
"Oh bakit hindi mo ako hinintay sa bar?" Tanong niya rito.
"Alam kong hindi ka bar and drinking person kaya inabangan na kita noong sinabi mong five minutes nandito ka na. Dalian mong mag-park. Sa iba tayo pupunta." Tugon naman nito.
Muli niyang binaba ang bintana ng kanyang sasakyan. Napangiti nalang siya at tila may kakaibang naramdaman sa kanyang dibdib. Alam na nitong hindi siya mahilig uminom at mag-party. Nabasa na siya nito sa saglit na panahon. Mabilis pero swabe naman niyang p-in-ark ang sasakyan sa sobrang excitement niya. He felt very excited. Gusto niyang pigilan ang nararamdamang pananabik pero gusto niya ring sumabay nalang doon.
"Saan tayo pupunta?" Tanong niya rito habang sila'y magkasalubong.
"Dinner tayo sa mga street food vendor dito sa BGC. Lakarin nalang natin para exercise." Saka siya niyo inakbayan. Naamoy na naman niya ang pabango nito. Nagdikit na naman ang kanilang mga katawan. Lalo pang nabulabog ang puso ni Stefan. Syempre pa ay hindi niya iyon pinahalata sa lalaki. He just played it cool.
"Dito sa BGC? Street food? Meron?" Kunyari'y tanong niya.
"Oo meron dito. Every weekend nights may mga stall na nagtatayo sa High Street ng street foods at iba pang pagkain. Hanggang madaling araw yata sila nakabukas. Hindi ko pa na-try. Nakikita ko lang along my way. Sakto nandito ka na. May naaya na akong kumain doon." Tugon naman nito. Pabalik-balik sa kanyang tainga ang "nandito ka na". His vulnerable heart, kailangang kumapit at magpakatatag.
Nakakalayo na sila. Tanging ingay ng mga dumadaang sasakyan ang naririnig sa paligid. Liwanag ng mga street lights ang gumagabay sa kanila. Matataas na mga gusali ang matatanaw. Nakaakbay pa rin sa kanyang balikat si Andrei. Kapag nga masikip ang gilid ng daan ay pinagsisiksikan nila ang kanilang mga sarili. Mahigpit ang pagkakakapit nito sa kanya.
Hanggang sa mapatapat sila sa isang open bar at dinig na dinig ang tugtog mula roon.
Ain't never felt this way
Can't get enough so stay with me
It's not like we got big plans
Let's drive around town holding hands
And you need to know
You're the only one, alright alright
And you need to know
That you keep me up all night, all night
Oh, my heart hurts so good
I love you, babe, so bad, so bad
Oh, oh my heart hurts so good
I love you, babe, so bad, so bad
Sabay silang napasabay sa kanta. May bago na naman siyang idadagdag na kanta sa kanyang playlist.
"Ang sarap sigurong maramdaman yung ganyan sa kanyang yan no? Yung you love that person so bad." Biglang komento ni Andrei.
"Ano ba yung post mo? Nakita ko yung story mo ah. Bakit kailangan mo ng kausap ngayon?" Kinuha na niya ang pagkakataong iyon upang magtanong kung ano ba talagang meron.
"Wow! Story viewer pala kita ah!" Panunukso nito.
"Viewer? First story mo kaya yon!" Depensa niya.
"See? Alam mo pang first story ko yon after nating maging friends sa social media." Lalo pa siya nitong pinuna.
Saka na niya ito tinulak palayo sa kanya. Masyado nang matagal ang pagdidikit nila. Hindi na mabuti para sa kanyang puso. "Parang ewan 'to!"
"Oh joke lang!" Pero binalik lang nito ang mga bisig sa kanyang balikat at mas madiin pa sa pagkakataong iyon. Then he hugged him. Sa gilid ng daan. Sa ilalim ng puting ilaw. Oo. Niyakap siya nito.
Mad cool in all my clothes
Mad warm when you get close to me
Slow dance these summer nights
Our disco ball's my kitchen light
And you need to know
That nobody could take your place, your place
And you need to know
That I'm hella obsessed with your face, your face
Oh, my heart hurts so good
I love you, babe, so bad, so bad
Oh, oh my heart hurts so good
I love you, babe, so bad, so bad
Oh, oh my heart…
Dinig pa rin sa lugar na iyon ang tugtog mula sa bar.
Habang yakap siya nito ay narinig niya ang pagtangis ng lalaki. Umiiyak si Andrei. Umiiyak ito sa kanya. Hindi pa niya alam ang dahilan ngunit ginantihan na niya ang yakap nito. Mahigpit na yakap.
"Sige lang Andrei. Ilabas mo lang yan. Ilabas mo lang. Nandito lang ako." Sambit niya rito.
Dumaan ang marami pang mga sasakyan. Nagpalit-palit na ang tugtog pero nananatili pa rin sila sa kanilang pwesto. Hinayaan lang nila ang bisig ng bawat isa na magyapos. Kung iyon ang makakagaan sa pakiramdam nito ay bakit naman hindi.
"Tahan na Andrei. Tahan na."