Warning!
Not your ordinary Man x Man story.
Sizzling hot! Controversial! Tear jecker! Love-Filled!
ALL Emotions in One Gay Love Story
Chapter 15
"Shet sorry. Sorry talaga Stefan." Makalipas ang ilang minuto ay tila nahimasmasan din si Andrei. Kusa itong umalis sa pagkakayakap kay Stefan. Nagpunas ng luha ang lalaki. Naging awkward tuloy ang mga sumunod na tagpo.
Nagpatuloy na sila sa paglalakad. Nakasunod lang si Stefan kay Andrei. Walang umiimik.
"Wait!" Bigla itong humarap sa kanya. Halos maghalikan na sila. Paano'y wala itong pasabi. Mabilis na kumabog ang dibdib niya. Kanina lang ay magkayakap sila nito ngayon nama'y halos maghalikan na sila. Halos makita na niya ang kaluluwa nito dahil sa kanilang pagtitigan.
"Sorry." Nauna itong umiwas ng tingin at saka dumistansya.
"Bakit ka ba sorry ng sorry? Ayos lang yun no. May pinagdadaanan ka. Hindi masamang maiyak kahit lalaki ka pa." Saad niya.
"I know. That's what I'm about to tell you. Baka kasi kung ano ang isipin mo. Straight ako. Sobra lang talaga... sobra lang talaga ang pinagdadaanan ko ngayon." Biglang humina ang boses nito.
"Naiintindihan kita. Ano ka ba? Babae at tagilid lang ba ang may karapatang umiyak? Even straight people are allowed to cry." Tugon niya rito. "Pwede ka nang magkwento. Ano ba talagang nangyari? Makikinig ako."
"Okay. Pero lumakad na tayo. Maraming kumakain doon sa pupuntahan natin kapag ganitong araw. Baka tira-tira nalang ang makain natin." Anyaya nito.
Bumalik sila sa paglalakad. Side by side. Maraming buntong-hininga ang binuga ni Andrei bago ito nagsimulang magsalita.
"Si dad, nag-set na siya ng date ng kasal. Next week ay magpapap-press con pa sila to announce it on public." Panimula nito.
"Hindi mo ba talaga kayang kontrahin ang dad mo? Hindi pwedeng ganyan. Hindi ka talaga magiging masaya kung pangungunahan niya ang buhay lalo na yang buhay pag-ibig at buhay may asawa mo. Buti nalang wala akong kinagisnang ama. Nakakagigil yang dad mo." Napatingin ito sa kanya. He sounded gay sa mga huli niyang sinabi. Ngunit tila hindi naman ito nakahalata.
"All my life kinokontra ko siya. Ako dapat ang susunod na mamamahala sa kumpanya pero sinuway ko siya. Sinunod ko ang gusto ko. Nagtayo ako ng bar."
"Yun naman pala eh!" Masiglang tugon niya. "Nakaya mo naman palang gawin 'yon! Pwes ipaglaban mo rin yang puso mo ngayon. Lalo na kung may tinitibok na yan."
"Walang tinitibok ang puso ko ngayon." He sighed.
"Eh yung isang babaeng kasama mo nung nakaraan? Si Donna? F*ck buddy mo lang talaga 'yun?" Tahasan niyang tanong dito.
"Hahaha!" Tumawa ito ng malakas pero hindi sinagot ang kanyang tanong.
"Nasan yung sagot mo doon? Ano nga?" Pangungulit niya rito.
"Oo f*ck buddy lang kami. Nasasakyan niya ang trip ko sa kama kaya ayun okay lang sa kanyang ganon ang relationship namin." Tugon nito. Hindi man lang ito nailang.
"Grabe kayo." Komento niya saka napalunok.
"Gusto mo bang malaman ang trip ko sa kama?" Saka siya nito tinitigan ng nakakaloko at mapanukso.
Naramdaman niya ang pag- init ng kanyang mukha. "Huh? No thanks!" Saka siya umiwas ng tingin. Pa- tease na naman ito. "Bakit nga hindi mo nalang suwayin ang daddy mo ngayon? Ang tapang mo naman na dati pa na kontrahin siya. Ngayon nawala na yung tapang na 'yun?"
Nabalot na naman ng katahimikan sa pagitan nilang dalawa. Pinakinggan nalang niya ang ingay ng mga dumadaang sasakyan. Tila humahanap pa ng bwelo si Andrei para magkwento.
"Ayun na yung kakainan natin! Doon kita kakainin!" Tumuro ito at labis naman niyang ikinabigla ang huli nitong sinabi.
"Huh?"
"Sorry! Hahaha! I mean doon kita pakakainin! Hahaha!" Humagalpak na naman ito sa katatawa. Kanina lang ay umiiyak tapos ngayon ay masaya na.
"Baliw na yata 'to." Bulong niya.
"Narinig ko 'yon! Tara na! Dalian mo! Gutom na ako!" Anyaya nito.
Pagdating sa lugar ng mga nakahilerang street food vendors sa BGC ay parang batang um- order ng kung anu- ano si Andrei. Pinagmamasdan niya lang ito. Noon niya napagtantong simpleng tao pa rin ito at may mababaw na kaligayahan. Sometimes first impression do not lasts.
"Oh why are you looking at me? Pumili ka na ng foods mo. Treat ko 'to dahil inistorbo kita ngayon." Saad nito saka siya inabutan ng paper plate. "Try mo yung mga isaw nila rito. Grabe ang sarap."
"Paano ka nagkaroon ng magandang physique eh grabe ka palang kumain ng unhealthy foods?" Tanong niya rito. Bahagya siyang napakagat ng labi. Baka mahalata nitong naalala niya ang magandang pangangatawan ng lalaki.
"Workout. Adik ako sa pagkain pero adik din ako sa workout. Tuwing umaga ay nasa gym ako. Tumatakbo rin ako kapag mas maluwag ang schedule ko." Tugon nito. Tila hindi naman ito nakahalata. "Ikaw? Ayos din ang katawan mo ah. Strict ka ba sa diet mo?"
"Ako balance meal lang talaga. Not necessary on diet. Pero more on healthy meals. Tapos exercise din tuwing umaga. Dati naggi- gym ako. Pero noong makuha ko ang desired body ko ay bumili nalang ako ng equipments tapos sa bahay nalang ako nage- exercise."
"Oh I see. May mga salad dun sa kabilang sise. If gusto mo ng mga ganon. Pero I'm telling you masarap itong mga putok batok foods dito." Pangungumbinse nito.
"Obvious naman eh. Andami na kayang laman ng plato mo. Di na muna ako magsasalad. Dadamayan kita ngayong gabi." Saas niya rito.
"Yun oh! Thanks Stefan." Saka siya nito nginitian.
May kung ano siyang naramdaman sa matamis nitong ngiti. Bagay nito ang nakangiti at masaya. Ang puso ni Stefan nakadikit lang iyon ng masking tape.
Matapos nitong bayaran ang lahat ng kanilang in- order ay saka sila pumwesto sa isang lamesa at saka nagsimulang kumain. Sobra siyang natuwa sa lakas nitong kumain. Hindi niya iyon napansin noong una silang magsabay ss pagkain sa condo nito. Marahil dahil inis pa siya rito noon.
Walang anu- ano ay muli na itong nagkwento. Sinagot na nito ang nabitin niyang tanong kung bakit hindi na nito makontra ang ama sa pagkakataong iyon.
"My mom was diagnosed with colon cancer. Stage Four na. She's just wearing a wig kaya at pala- make up siya talaga kaya hindi nahahalatang maysakit siya. Months o weeks nalang ang itatagal ni mom. Siya ang humiling sa akin na pumayag na sa arrange marrige na inayos ni dad. Gusto niya raw kasing makita ang apo niya sa akin. O kahit makitang buntis man lang ang in law niya. Or kahit makitang naikasal man lang ako. Mahal ko si mom. Mahal na mahal. I can't lose her. She's my savior ever since. Kay dad at doon sa isa kong uncle noong kabataan ko. Gusto kong tuparin kahit papano ang huling kahilingan niya sa akin." Bigla na namang tumulo ang luha sa mga mata nito.
"Sorry to hear that Andrei." Bigla siyang naawa at naantig sa kwento nito. Saka niya napagtantong napakarami talaga nitong pinagdadaanan. Kung minsan nga'y mas maraming problema ang mga mayayaman.
"Please help me Stefan. I need a plan. Gusto kong matupad ang wish ni mom pero ayoko namang makasal sa taong hindi ko na kilala, hindi ko pa mahal." Nabigla siya ng hawakan nito ang kanyang kanang kamay. Ang puso na naman ni Stefan. Bibitaw na talaga ang tape.
Pero hindi siya nagpadala sa kanyang nararamdaman. Dagli siyang nag- isip ng ipapayo rito. Hanggang sa...
"Alam ko na!"