Warning!
Not your ordinary Man x Man story.
Sizzling hot! Controversial! Tear jecker! Love-Filled!
ALL Emotions in One Gay Love Story
Chapter 16: Advices: Pusong Marupok
Kunyari'y binawi ni Stefan ang kamay mula kay Andrei nang makaisip siya ng ipapayo rito. It was a ridiculous advice actually.
"Ano yung naisip mong plano Stefan? Tell me!" He asked with full of excitement. Malawak ang ngiti nito. Ngiting nakakatunaw ng marupok niyang puso.
Napakamot siya ng ulo. "Wag kang tatawa ah?"
"Just tell me. What is it?" Pangungulit nito.
"Bakit hindi mo buntisin yung babae tapos makipaghiwalay ka. Sabihin mo you're gay." He said. Then it was a complete silence. Hinintay lang niya ang magiging reaction ni Andrei. Until he bursted into laughters.
"Hahaha!"
"Sabi ko di ba wag kang tatawa? That would be a good excuse. At least nagkaanak ka na. Nabigay mo na ang gusto ng mother mo. Tapos hindi ka pa matatali doon sa relationship. Ang mahalaga yung bata at yung mother mo. Kahit yung father mo for sure mababawasan yung lupit sayo dahil may apo na siya na pwede niyang maging tagapagmana after you." Paliwanag niya rito habang patuloy pa rin ito sa pagtawa. Pinagtitinginan na sila.
"Ako gay? Yun ang pinakanakakatawa roon! Sa tingin mo ba may maniniwala sa excuse na 'yon? Kung may maniwala man lagot ang image ko sa mga babae. Baka wala nang pumatol sa akin?" Tugon nito habang halos hindi na makahinga sa pagtawa.
"May f*ck buddy ka naman. Hindi mo na problema kung walang papatol sayo no." Iritable niyang tugon.
"Alam mo pinangarap ko rin namang magkaroon ng pamilya at babaeng makakasama habang buhay. Ayoko namang buntisin lang ang kahit na sino." Saad na naman nito.
"Pero ang problema mo nga naghahabol ka na ng oras upang magkaanak hindi ba? Sorry to say this. Sa tingin mo ba bago mawala ang mother mo ay nahanap mo na ang babaeng magugustuhan mo? Buong buhay mo nga wala pa hindi ba? Ngayon pang may hinahabol kang panahon." Na- realtalk na naman niya ito. Bigla tuloy itong natahimik at naging seryoso real quick.
Andrei sighed. "Shet tama ka. Mabuti nalang talaga ikaw ang kinausap ko Stefan. Thank you ah. I'm really happy na magkaibigan na tayo. Hindi ka mababaw na tao." Halos tumalon na ang kanyang puso nang marinig ang mga sinabi nito ngunit mas lalo iyong nawindang nang hawakan na naman nito ang kanyang mga kamay.
"Y- you're welcome." Nauutal niyang tugon saka binawi ang kanyang mga kamay.
Matapos nilang kumain ay lumakad sila pabalik. Inakbayan siya nito.
Lord may You bless my heart with strength. Marupok po ito. Bakit ba kasi bet ko ang hinayupak na 'to. Parang ilang araw palang nung kinamumuhian ko siya.
"Thanks for tonight Stefan. Expect mong mangungulit ako sa mga darating na araw to create a perfect plan. Baka pwedeng i- tweak yung advice mo kanina. Hahaha!"
"Y- you're welcome." Nauutal na naman siya.
Pagkauwi nang bahay ay agad na kinompronta ng kanyang mama si Stefan. Napaamin naman siya nitong may gusto siya kay Andrei.
"Santisima nak! Bet mo nga yung Andrei? Naku dalhin mo yan dito! I want to meet him!" Reaksyon ng kanyang ina.
"Maaaaa... crush lang naman. Paghanga lang. May kilig syempre. May rupok akong nadarama pero hanggang friendship lang 'yun ma. Straight yung tao. Wala akong chance don." He responded.
"Malay mo naman mabali mo yung pagka- straight niya. Ang hot mo kaya nak." Isang malawak na ngiti ang puminta sa mga labi nito.
"In my dreams ma. Okay na talaga akong magkaibigan kami. At least from enemies naging friends kami. Okay na ako sa kilig na dulot ng friendship namin."
"Sabi mo yan ah nak. Ngayon ka nalang ulit nagka- crush at naging friend mo pa. Wag mong hayaang ma- fall ka dyan. Pagtibayan mo yang puso mo." Payo ng ina.
"Oo naman ma. I know my limitations."
Kinabukasan. Sabado. Tanghali kung magising si Stefan ngunit ginising siya ng isang tawag. Laking gulat niya nang makita kung sino ang tumatawag. Agad niya itong sinagot.
"Yes Andrei?" Bigla siyang nagkaroon ng instant energy kahit bagong gising.
"Good morning Stefan." Malambing na bungad nito.
"G- good morning."
"Can we meet later sa bar?" Tanong nito.
"Huh? A- ayoko na munang uminom eh. Ayokong sanayin ang liver ko sa alak." Pagtanggi niya but he was secretly hoping na sana'y sa iba nalang siya nito ayaing pumunta.
"Ganon ba? Hmmm... how about dinner nalang sa isang resto sa BGC? Merong masarap na Mediterranean resto rito sa may Uptown eh. Protein 'to for sure magugustuhan mo." Saad nito. At siya ang nagwagi. Inaya pa rin siya nito ngunit sa ibang lugar na nga lang. He smiled from ear to ear. Kung nakikita lang siya nito.
"Aaaahhhmmmm." Kunyari'y nag- isip siya.
"Please! I really need to talk to you." Pakiusap nito. Syempre pa hindi na siya nagpabebe pa.
"Okay sige na nga." Kunyari'y napilitan lang siya pero ang totoo'y nakatayo na siya upang mamili ng susuoting damit kahit gabi pa 'yon.
Paglabas niya sa kanyang silid ay agad na pinuna ng ina ang maaga niyang paggising. "May date kayo mamaya ni Andrei?"
"Ma? Dinner lang po. Date kaagad?" Nagpipigil siya ng ngiti ang kilig sa harap nito.
"Ayuuuuun! Iba rin ang anak ko. May dinner with crush pero ang agang bumangon. Alas diyes palang Stefan huh? Dinner 'yon." Panunukso nito.
"I know ma. Nagising lang ako sa tawag niya. Hindi na ako makatulog ulit."
"Excited ka kasi! Yung puso mo ah! Wag hayaang ma- fall baka ma- friend zone." Saka siya nito tinalikuran. Napailang nalang siya at bahagyang natawa sa kanyang ina.
Bago mag- alas sais ng gabi ay nagpunta na siya sa kanilang meeting place sa Uptown Mall. Laking gulat niya nang makitang naroon na ang lalaki. Hindi pa siya nakita nito. Pinagmasdan niya muna ang side view ni Andrei. Halos tunawin na niya ito sa kanyang pagkakatitig. Hanggang sa...
"Ano ba yan! Tumingin ka naman sa dinadaanan mo! Nakakabunggo ka na oh! Makatitig ka dun sa lalaki wagas! Baklang 'to!" Saad ng isang babae na nakabunggo niya dahil sa pagmamasid sa lalaki.
"Sorry. Sorry." Saka siya dali- daling humingi ng tawad sa babae. Gusto na niyang busalan ang bibig nito dahil baka marinig pa ito ni Andrei at mabisto pa siya. Nang ibalik niya naman ang tingin sa lalaki ay nakatingin na rin ito sa kanya at naglalakad na papunta sa kanyang direksyon.
"Hey Stefan!" Bati nito while smiling. Laking gulat niya nang kindatan din siya nito.
"Uy Andrei." Naiilang niyang tugon dito.
Nang makalapit ito sa kanya ay saka siya nito inakbayan. Naamoy na naman niya ang pabango ito. He has a very musculine smell.
"Stefan. I have a question."
"Sure ano 'yon?"
"Are you gay?"