Chapter 17

1208 Words
Warning! Not your ordinary Man x Man story. Sizzling hot! Controversial! Tear jecker! Love-Filled! ALL Emotions in One Gay Love Story Chapter 17: Favor: A Deal Napatitig nalang si Stefan kay Andrei matapos marinig ang tanong nito. He didn't know how and what to react. Ramdam niya ang pamumula ng kanyang mukha. Paano? Kailan? Saan? Nito nalaman ang katotohanan. Wala naman siyang planong ilihim din dito ang katotohanan. Bilang bagong magkaibigan ay alam niyang kailangan niyang maging tapat dito. Pero kumukuha lang siya ng tyempo at ng pagkakataon upang sabihin dito ang totoo ukol sa kanyang gender preference. "Ah eh..." nauutal siya. "Hahaha! I'm just kidding! Ano ka ba naman?! Narinig ko lang yung sinabi nung babae. Ano ba kasing nangyari?" Saka na naman ito tumawa. It was a bluff. Labis siyang kinabahan noon pala ay joke lang ang lahat. Kahit papano'y nakahinga siya ng maluwag at nawala ang sikip ng kanyang dibdib. "Nakabungguan ko kasi yung babae. Nag- sorry naman ako pero ayun nahusgahan na ako." Paliwanag niya. "Oh I see. Tara na dun sa resto." Ito na rin ang nag- iba ng usapan. The restaurant was a sossy and classy Mediterranean hub para sa mga nakaka - LL o luwag luwag. Kahit naman malaki na ang sweldo niya ay hindi pa rin siya kakain sa ganoong klase ng restaurant lalo na for a regular basis. Baka kung may date o special ocassion lang talaga. "Treat ko ulit 'to ah. Order- in mo na lahat ng gusto mo." Saad ni Andrei pagkaupong- pagkaupo nila. Magkaharap sila sa mesa. Silay na silay na naman siya rito. Andrei was wearing a black polo na nakalitaw ang dibdib. May pa- thirst trap si kuya. Siya naman ay nakasuot ng kulay asul na body fit na polo. "No! No need! I can pay for my dinner. Hindi mo naman ako kailangang ilibre palagi." Tugon niya rito nang siya'y mahimasmasan sa pagpapantasya rito. "I insist. Ako ang nag- aya kaya ako ang manlilibre." Pagpupumilit nito. "Jowa lang?" He can't help but react. Pabading na reaksyon pa yata ang kanyang nagawa. "Jowa? Hahaha! Gawain lang ba 'yun ng magjo- jowa? Hindi pwede ng magkakaibigan din?" Komento nito. "Ayain mo lang ako kung kailan mo gusto. Saka mo ako ilibre." Saka siya nito kinindatan. Yung kindat na mapang- akit. Ayun halos malaglag na naman ang kanyang puso mula sa kanyang dibdib. "Okay." Nakangiting tugon ni Stefan saka um- order ng kebab at watermelon shake. Ginaya naman siya ni Andrei sa kanyang in- order. "Bakit ka nga pala nag- aya ng dinner? Anong sasabihin mo?" Tanong niya rito bago isubo ang lamb meat. "Can we first enjoy our meal? Baka hindi mo kayanin ang sasabihin ko. Hahaha!" Bigla na naman itong tumawa. "Wow ah. Big reveal yata yan huh?" Naisip niyang magtapat na rin sa gabing iyon kay Andrei ukol sa kanyang gender preference. Hindi na niya kailangan pang patagalin ang kanyang open secret dito tutal naman ay magkaibigan na sila. Sana lang ay tulad nila Hazel at Chester ay matanggap din siya nito. Nagpatuloy lang sila sa pagkain. Pa- fall talaga ng walang kamalay- malay ang lalaki. Pinagmamasdan niya ito habang kumakain. Kahit sa pagkain ay mapang- akit ito. Kung paano nito dilaan ang labi upang simutin ang mantika ng karne ay talaga namang mapang- akit. Saka pa ito ngingiti sa kanya ng ubod ng tamis. Be strong Stefan. Be strong. Lihim na utos niya sa kanyang sarili. Nang umiinom nalang sila ng watermelon shake ay muli niya itong tinanong. "So ano na nga?" "Excited ka naman masyado. Okay fine. Please don't laugh okay?" Pakiusap nito. "Parang linyahan ko yan kagabi ah? Okay sige hindi ako tatawa. Ano ba 'yon?" Tugon niya rito. Huminga ito ng malalim. "Payag na ako sa suggestion mo. Aanakan ko lang si Rhian tapos ay hihiwalayan ko siya. Ang excuse ko ay dahil gay ako." Pinilit niyang pigilin ang kanyang tawa pero sa huli'y napahagalpak din siya. "Hahaha! Seriously? You considered my advice?" "Bakit ka natawa? Sabi mo hindi ka tatawa?" Para itong batang nagmaktol. He found him cute. "Sorry. Sorry. Tinawanan mo rin kaya ako kagabi nung i- suggest ko yan. Hindi lang ako makapaniwalang papayag ka." Paliwanag niya. "May point ka kasi eh. Mabibigyan ko ng apo si mom. Hindi lang basta apo. Sa asawa ko pa. Si dad matutuwa rin don tama ka don. Tapos makikipaghiwalay nalang ako sa kanya dahil kunyari gay ako. Sounds complicated and rude but it's a good idea. Win win situation lalo na sa akin. Kung tutuusin kay Rhian din. Hindi kami magsasama ng matagal tapos magkakaanak din siya. Jackpot kaya siya sa akin. For sure gwapo o maganda ang anak namin." - Andrei. "Parang lumakas ang hangin dito no?" Biro niya rito saka sila sabay na tumawa. "Hindi maganda yung gagawin mo. Mali. Pero maganda naman yung purpose mo. Magsimba ka nalang din at pagsisihan mo yan." "I don't go to church. Not anymore. Noong nasa bahay pa ako sinasamahan namin si mom ng kapatid ko sa pagsisimba. Ngayon hindi na. Nakuha ko siguro kay dad na hindi pala- simba. Ewan for us lahat ng success ng tao ay nasa kamay niya. Hindi 'yon nakukuha sa dasal lang." "Alam mo nasa Diyos ang awa. Nasa tao ang gawa. Dapat may kasamang dasal pa rin." Payo niya rito. "Try harder Stefan to convince me. Pero may sasabihin pa ako sayo." Napatingin siya rito. "Ano 'yon?" "Kapag sinabi kong gay ako. Kailangan ko ng magpapanggap na boyfriend ko." Sambit nito. "O- okay?" Saka siya humigop ng shake. "Gusto ko sanang ikaw ang magpanggap na boyfriend ko." Pagtutuloy nito. Halos mabuga niya ang shake sa labis na pagkabigla sa tinuran nito. "A- ano kamo?" "Pwede bang ikaw ang magpanggap na boyfriend ko Stefan? For a short time lang siguro. Depende sa itatakbo ng mga pangyayari. Komportable ako sayo eh. Isa pa suggestion mo naman 'to. Parang nakakailang kasi kapag sa ibang lalaki. Isa pa straight ka rin. Alam natin ang totoo. Magpapanggap lang naman tayo." Pag- uulit at paliwanag nito. Patay na. Itong mga lalaking 'to talaga. Hindi marunong umamoy ng bilasang isda. Magtatapat pa man din ako sayo ngayon na bading ako. Tapos sasabihin mo straight ako? F*ck this sh*t naman oo. Pilit na ngiti ang naiganti niya rito. "Sure ka na dyan? May bar ka di ba? Ang daming lalaki roon na pwede mong kausapin at pakiusapan. Yung mas hot pa sa akin at siguradong convincing. Bagsak ako sa ating class noon sa school eh kaya nga ako napunta sa IT industry." "Mas mabilis na kakalat ang tsismis kapag nagkataon kapag sa bar ako kumuha ng lalaki. I want you. I feel safe and comfortable kapag ikaw. Isa pa, mas hot ka naman sa mga 'yon." Binola pa siya nito pero kinilig naman siya ng matindi sa kanyang loob. "Haaay naku. Pwede ba akong tumanggi?" "Hindi na pwede. Buo na ang loob ko. Please Stefan. Kahit anong kapalit. Sabihin mo lang gagawin ko." Saka nito kinuha ang kanyang mga kamay at mahigpit iyong tinanganan. Wala na nakipagkarera na naman sa kung saang track and field ang kanyang puso. "Saka na yung kapalit. Pag- iisipan ko muna. Pero sige payag na ako." Pagtanggap niya sa pakiusap nito. Dagli naman itong tumayo saka siya niyakap mula sa kanyang likuran. You're really dead Stefan. Lalo mong nilalapit ang sarili mo sa pagkahulog sa kaibigan mo. Hindi mo pa nagawang magtapat. Patay ka na. Saad niya sa sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD