Chapter 18

998 Words
Warning! Not your ordinary Man x Man story. Sizzling hot! Controversial! Tear jecker! Love-Filled! ALL Emotions in One Gay Love Story Chapter 18: Decisions: The Wedding "Pumayag ka na hindi ba nak? Gusto mo na bang bawiin kasi baka ma- fall ka?" Tanong ng mama ni Stefan kinabukasan habang nagkukwentuhan sila sa hapag habang at saka kumakain ng almusal. Kagagaling lang nilang magsimbang mag- ina. Bonding moment na nila iyon tuwing linggo kung wala siyang ibang gagawin. He looked at her blankly. "Ma naman. Hindi naman 'yon ang dahilan kung bakit gusto kong bawiin. Opo ngayon lang ako nagka- crush ulit pero hindi naman ibig sabihin non na magiging marupok na rin ako. Ang sa akin lang ayokong magpanggap na boyfriend niya when that time comes dahil akala niya straight ako." "Alam mo nak. Yun na nga 'yon eh. Alam mong closet gay ka kaya ayaw mong magpanggap na boyfriend niya. You have the tendency to fall for him. Kung hindi naman ay siguradong papayag ka naman hindi ba?" Ginigisa talaga siya nito. "Ma? Pinipilit talaga? Ang point ko lang ayokong magsinungaling sa kanya about my gender preference. Kasi nga magkaibigan kami di ba?" Paliwanag niya. "Kung alam niya ang totoonv pagkatao mo, itutuloy mo pa rin ba ang deal ninyo?" Tanong nito. Napaisip siya. "O-opo. Oo naman ma. Wala nang problema non." "Telege be? Oh siya nak. Sabihin mo na sa kanya ang totoo. Una dapat matanggap ka pa rin niya at manatili yung friendship ninyo. Ikalawa, tuloy pa rin ang deal pero dapat hindi ka ma- fall. Ngayon nalang ulit kita nakitang nagkagusto nak. Yung lumalabas ka kasama ang isang lalaki. Yung masaya ka. Ayoko lang masaktan ka kaya sobrang kulit ko. Sinisiguro kang hanggang pagkakaibigan lang ang mamagitan sa inyo ng Andrei na yan. Lalo pa't straight siya." Tumayo siya upang hagkan sa noo at yakapin ang ina. "Alam ko naman 'yon ma. Wag ka pong mag- alala hindi po ako marupok. I love you." "Telege be? I love you too nak." Tugon nito saka sila sabay na tumawag. Kinabukasan ay balik trabaho na naman sina Stefan. Agad siyang sinalubong nila Hazel at Chester. Kakaiba ang tingin at ngisi ng mga 'to. "What?" Inunahan na niya ang mga kaibigan. "So how's the date Stef?" Tanong ni Hazel na umakbay pa sa kanya. "Ano ka ba? Ang dapat mong tanong ay kung nakailang rounds sila. Tsaka kung straight ba talaga 'yung weekend love affair niya. Baka napabaluktot nitong si Stef oh." Pagsabat naman ni Chester. "Gago ka talagang unggoy ka. Magtrabaho nga kayo. Lunes na Lunes puro kayo tsismis." Saka siya nagpatuloy sa paglakad papunta sa kanyang workstation. "Huy Stef! Wala talagang kwento? Yung tanong ko nalang ang sagutin mo. Ikaw kasi Chester pasmado na naman yang bibig mo eh!" Natawa nalang siya habang sinusundan ni Hazel. Dedma nalang siya sa mga 'to. Bandang alas kwatro ng hapon nang dali- daling lumapit sa kanyang desk ang dalawa. "Ano na naman?" Tanong niya. "Ikakasal na pala siya?" Pabulong na tanong ni Hazel. "Paano ka na?" Dugtong naman ni Chester. Saka nito inabot ang phone sa kanya. Livestream iyon ng press conference para sa announcement ng kasal nila Andrei at Rhian. Napakabilis ng mga pangyayari. Inanunsyo na agad sa publiko ang kasal ng dalawa, to think na noong weekend lang napagdesisyunang pumayag ni Andrei. Nakaramdam siya ng konting sakit at selos. Pero alam niyang wala siyang karapatang maramdaman 'yon kaya mas nangibabaw pa rin ang kaba dahil makalipas ang ilang buwan ay magpapanggap na sila. Hindi pa niya nasasabi rito ang totoong pagkatao niya. "Magkaibigan lang kami ng tao. Alam kong ikakasal na siya. Wag nga kayo dyan." Tugon niya sa mga 'to matapos mag- isip at damdamin ang mga pangyayari. "Ay iba. So hindi pala talaga date yun? From enemies to friends kayo ah! Baka maungusan pa kami noon bilang kaibigan mo ah" pabirong tugon ni Hazel. "Selos lang? Competitive friend ganon? Kayo pa rin ang OG!" Saka siya niyakap ng dalawa. "Gusto naming makasama yang si Andrei kapag gumimik kayo. Kailangang makilala rin namin siya." Dagdag pa ni Hazel. "Kaya nga!" - Chester. "Naku parang kayo si mama gustong makilala at makasama si Andrei." Saad niya. "Syempre naman no. Bagong friend mo siya. Dapat lang na makilala namin siya. Hot siya infairness eh. Baka matikman ko rin siya. Malay mo naman magpatikim di ba?" Saka niya binatukan si Chester dahil sa sinabi nito. "Unggoy ka talaga! Malibog! Haliparot! p****k!" Pauwi na siya nang mag- text si Andrei. Wala nang urungan to. Ikaw ang inaasahan kong tutulong sa akin Stefan. Thank you. Napabuntong- hininga nalang siya matapos mabasa ang mensahe nito. Sa kabilang banda sa press conference ng wedding announcement nila Andrei at Rhian. "In one month time magaganap na ang Fabregas- Valenzuela nuptial! So I would like to request for a toast!" Saad ng ama ni Andrei matapos makipagbolahan sa ama ni Rhian. Sina Don Antonio at Don Segundo na walang ibang hinangad kundi ang kapangyarihan at kayamanan. Sumunod naman ang lahat. Pati sila ni Rhian na nasa gitna ng mesa sa mamahaling hotel kung saan ginanap ang press con ay nakitaas din ng baso na may lamang champagne. "Akala ko ay hindi ka papayag. Kilala ka bilang sumawil na anak ng mga Fabregas. Anong nangyari't pumayag ka?" Pabulong na tanong ni Rhian sa kanya habang kunyari'y ngumigiti sa lahat. "It's for our families. Ito ang makakabuti para sa ating mga ama hindi ba?" Binalik niya ang tanong dito. "Pero sa atin? Makakabuti ba 'to? I don't think so Andrei. This arranged marriage will just ruin our lives. We don't love each other. We don't even know each other." Tugon nito. "Kung gayon bakit hindi ikaw nag tumanggi? Ikaw ang babae sa atin. Sana sinuway mo ang utos ng ama mo." Saad niya. "I can't. I have my personal reasons kung bakit pumayag ako." Humina ang boses nito. "Ako rin naman. I have my reasons. Whatever our reasons sana makawala tayo ng buhay sa kasal at relasyong ito."  Saka sila nag- cheers na dalawa. Hinagkan niya rin ito kunyari sa pisngi. "Yes. We will go out on this marriage alive." Tugon nito. Tila nagkaroon na ng mutual agreement sa pagitan nilang dalawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD