Chapter 19: Kiss: Unang Halik
Pagsapit ng gabi ay tinawagan si Stefan ni Andrei. Nakahiga na siya sa kama. Nagmumuni- muni. Saktong ang lalaki ang kanyang nasa isip ng mga sandaling iyon. Kagyat siyang napaupo nang mabasa ang pangalan nito. Hindi niya kaagad sinagot para kunyari'y hindi siya nakaabang dito.
"Can we meet? Gusto kong uminom. Kahit samahan mo nalang ako." Bungad nito. "Hindi pwede si Monique eh. Busy 'yon sa iba pa niyang negosyo. Though pinadalhan niya ako ng maraming pagkain dito sa unit ko. Alam niyang kapag may problema ako ay pagkain ang pinagbubuntunan ko. I appreciate her effort. Ramdam ko na sa foods na 'to na nakikisimpatya siya sa nangyayari ngayon sa buhay ko." Dinig niya sa tinig nito ang lungkot.
"How about Donna?" He awkwardly asked.
"Baliw. Wala ako sa mood makipag- s*x ngayon. Gusto ko lang ng kasamang uminom. Though hindi ka talaga iinom." Tugon nito.
Nagpapabebe pa siya ngunit ang totoo'y naghahanap na siya ng isusuot na damit. "Ah eh. Busy kami this week eh. May hinahabol kasi kaming project release this week. Pwede bang sa weekend nalang?" Tanong niya rito pero nakapili na siya ng isusuot na damit.
"Please Stefan. Please. Ngayong gabi lang. Tapos sa weekend na ulit." Pakiusap nito in his loneliest voice.
"Pwedeng dyan nalang sa unit mo? Marami ka namang food dyan di ba? Para kahit malasing ka nandyan na tayo sa unit mo." Tanong niya rito. Naka- loud speaker na siya. Nagsusuot na kasi siya ng damit para makaalis agad.
"Okay sige. Dito nalang tayo. May Black Label naman ako rito. See you?" - Andrei.
"Okay. See you." Pagkababang- pagkababa niya ng phone ay agad siyang lumabas ng silid at nagpaalam sa kanyang ina.
"Nak! Yang puso mo. Isang tawag lang pupunta ka na agad. Pagtibayan mo yang puso mo." Bilin ng kanyang mama.
"Noted ma! Nag- aalala lang ako sa kaibigan ko. For sure malungkot siya ngayon. Magsarado ka nalang ng pinto at gate ah ma? Baka bukas na ako umuwi bago pumasok. Samahan ko muna si Andrei tonight." Saka niya ito hinagkan.
Pagdating sa unit nito ay nakahanda na ang mga pagkain sa mesa. Sa totoo lang ay naghapunan na siya. He's still actually full. Naka- topless ito ng siya ay pagbuksan. Boxer shorts lang ang pang- ibaba nito. Napalunok siya sa nakita. Thirst trap alert na naman.
"Inom na ako ah. Kain ka lang dyan. Maraming pulutan oh. Nagpadala ng calderetang baka, papaitang kambing puro Pinoy foods si Monique. Yun kasi ang specialty ng isa sa mga resto niya." Saka ito umupo. Sumunod naman siya. Kumuha siya ng konting servings ng mga pagkain.
"Wag kang magpakalasing ah. Lunes na Lunes lasing ka." Bilin niya rito. Pinagmasdan niya ang mukha nito. Andrei looked sad. Wala ang regular na energy nito.
"Martes na, ilang oras nalang oh. Thursday pa naman bukas ang bar. Pwede akong maglasing." Saka ito tumungga ng isang basong Black Label. Agad- agad.
"Pero ako may pasok pa bukas. Paano kung malasing ka?" Tanong niya rito.
Inabot nito ang kanyang balikat at saka iyon tinapik. "Dito ka nalang matulog. Tapos umuwi ka agad bukas. Tutal naman nandito na tayo sa unit ko. Wag ka nang masyadong mag- alala."
Iyon naman talaga ang una niyang plano. Ngayon ay paninindigan na niya talaga dahil may basbas na nito. Pinagmasdan lang ni Stefan buong gabi si Andrei habang walang tigil sa pag- rant at pagkwento ng paulit- ulit tungkol sa mga kasawian nito. Hanggang sa tuluyan itong nalasing. Nagsuka ito at inalalayan niya sa banyo. Pinahiga niya ito sa kama. Wala siyang choice kundi hubaran ito ng damit upang linisan ito at upang umayos ang pakiramdam nito.
"Haaay nako ka Andrei!" Pinagmasdan niya ang suot nitong shorts. Pinag- isipan niya kung huhubarin niya rin iyon. "Wag na. Okay na yang topless ka." Iyon ang desisyon niya.
Saka niya pinagmasdan ang hubad nitong katawan paakyat sa maamo nitong mukha. "Ang bait mong tingnan kapag tulog. Haha!" Ilang sandali pa ay lumapit na siya rito upang pumasan ang mukha nito ng bimpo na binasa ng maligamgam na tubig.
"Stefan..." pangalan niya ang sunod nitong tinuran.
"A- andrei? Hala siya..." gulat niyang reaksyon.
Walang anu- ano ay hinalikan siya nito sa kanyang mga labi. Labis niya iyong ikinabigla. Matagal na nakalapat sa kanyang mga labi ang mga labi nito. Amoy alak iyon pero ramdam niya ang lambot nito. Nanlaki nalang ang kanyang mga mata habang pinapakinggan ang bilis ng kabog ng kanyang dibdib. Ilang sandali pa'y naging mapusok pa ang mga labi nito. He was kissing him torridly. Hindi niya alam kung gaganti ba siya sa mga halik na iyon. Ang mga kamay nito'y naging mapusok din. Humagod ang mga iyon sa kanyang batok. Papunta sa kanyang leeg at pababa sa kanyang katawan. Hanggang sa bigla niya itong tinulak pabalik sa pagkakahiga. Nakapikit na ito kaagad.
"Matulog ka na Andrei. Goodnight." Saad niya rito. Pinagmasdan nalang niya itong muli hanggang sa masiguro niyang tulog na nga ito.
Napahawak siya sa kanyang mga labi. Napangiti. Hindi pa rin makapaniwala sa nangyari. Ayaw niyang bigyan ng kahulugan ang halik na iyon. Alam niyang dahil lang iyon sa pagkalasing nito. Ngunit hindi niya mapigilan ang paglukso ng kanyang puso. Sunod niyang hinawakan ang kanyang dibdib. "Pasaway ka Andrei. Ang sarap mong humalik. Sh*t!"
Naglatag siya ng higaan sa ibaba ng kama nito. Ayaw niya itong tabihan. Masaya na siya sa kanyang pwesto. Labis ang ngiti sa kanyang mga labi bago tuluyang nakatulog. Kinabukasan ay hindi na niya namalayan ang oras. Sa labis na saya ay nakalimutan na niyang i- set ang alarm clock sa kanyang phone. Tinanghali na siya ng gising.
"Oh my God! 10:30 na! Late na ako!" Saka siya dali- daling tumayo. Nagligpit at akmang lalabas sa kwarto ni Andrei. Ngunit bigla siya nitong hinarang mula sa labas. Naka- topless pa rin ito. "Paraan! Papasok pa ako!"
"Late ka na. Wala ka nang magagawa. Mag- absent ka nalang. Mag brunch na tayo rito together. Babawi ako sa pag- aalaga mo sa akin kagabi." Saka siya nito kinindatan.
"Makakahabol pa ako. Pwede akong mag- half day. Tsaka sabi ko sayo di ba may urgent release kami this week. Ikaw kasi hindi mo ako ginising nauna kang magising sa akin." Iritableng tugon niya rito.
"Kagigising ko lang din ten minuted ago. Ang sarap kaya ng tulog mo. Ang cute mong pagmasdan habang natutulog. Dapat tumabi ka nalang sa akin. Magkaibigan naman na tayo." Saka siya nito tinalikuran. "Init ko lang yung ibang foods ah. Kain na tayo."
"Aalis na nga ako." Pagpupumilit niya.
"Wag na. Porket ba mataas na ang posisyon mo wala ka nang karapatang mag- leave? Promise babawi ako sayo today." Tugon nito.
"Papasok pa nga ako!"
"Wag na, please...." saka ito muling humarap sa kanyan. Hinawakan ang kanyang mga balikat at idinikit ang kanyang mukha sa kanya. Halos halikan na siya nito. "Stefan... ayos ba akong humalik?" Biglang tanong nito. Nanlaki ang kanyang mga mata. Naaalala nito ang nangyari.