Warning!
Not your ordinary Man x Man story.
Sizzling hot! Controversial! Tear jecker! Love-Filled!
ALL Emotions in One Gay Love Story
Chapter 20: Pagbawi: The Client
"Stefan... ayos ba akong humalik?" Biglang tanong nito. Nanlaki ang mga mata ni Stefan sa tanong na iyon ni Andrei. Paulit- ulit iyong pumasok sa kanyang tainga. Parang echo. Paulit- ulit din sa kanyang gunita ang nangyaring halikan kagabi. Hindi siya kaagad nakasagot. Nakipagtitigan lang siya rito. Habang halos halikan na siya nito sa lapit ng kanilang mga mukha.
"Huy Stefan!" Pagkuha nito sa kanyang atensyon.
"Huh? A- ano bang pinagsasabi mo?" Kunyari'y tanong niua rito. Ayaw niya munang umamin na may naganap na laplapan bago ito matulog. Baka nangba- bluff na naman kasi ito.
"Hinalikan kita kagabi hindi ba?" Dugtong nito.
"Huh?" Kailangan niyang mag- isip ng mabilis. Hindi dapat siya magpaapekto kahit na ang totoo'y halos bumigay siya sa nangyari. Halos mawala ang depensa ng kanyang puso. "Hahaha! Yun ba? Ano ka ba naman? Lasing ka lang di ba? Nagulat nga ako sa ginawa mo eh! Akala ko nga nabading ka na sa akin! Hahaha!" Pagpapanggap niya.
"Hahaha!" Dali- dali ring tumawa si Andrei. "Oo nga eh! Grabeng lasing ko! Hinalikan kita! Kung anu- ano na yata ang naiisip ko! Tsaka malay mo kapag nagpanggap tayong mag- boyfriend kailanganin nating maghalikan! Hahaha!"
"Hahaha!" Kunyari'y nakitawa siya rito. Ang totoo'y masaya lang siyang tama ang kanyang naging sagot. He's just proud to himself. Naitago niya ang tunay niyang naramdaman sa halik na iyon sa kaibigan.
"Oh siya. Kain na tayo!" Anyaya nito.
Hindi na nga siya nakapasok pa ng araw na iyon. Labis na panghuhusga ang kinaharap niya sa group chat nila ni Hazel at Chester.
"Uuwi na ako ah." Pagpapaalam niya rito nang tapos na silang kumain at makapagligpit.
"What? Di ba sabi ko babawi ako sayo." Para itong batang nagpa- cute sa kanya.
"Paano ka naman babawi? Bakit inuman na naman yan? Edi lalo akong na- extend dito at hindi na nakauwi at nakapasok. Isa pa kailangan ko na ring magpalit ng damit." Tugon ni Stefan.
"Ayaw mo na ba akong makasama? Papahiramin naman kitang damit eh." Ngumuso ito at nagpapungay ng mata. Ang puso niyang nakasabit nalang sa kanyang dibdib ay halos malaglag na sa ginagawa't sinasabi nito.
"Hindi naman sa ganon. P- pero sabi ko nga..."
"It's job related. Makakatulong sa company ninyo. New client for your company na kukuha ng IT services niyo." Hindi na siya pinatapos pa nito. Nanlaki ang kanyang mga tainga sa narinig. Team Lead palang siya pero malaking tulong sa kanyang promotion kapag nakapagpasok siya ng client.
"B- bakit hindi mo naman kaagad sinabi? Makikiligo lang ako ah. Tapos dapat formal ang ipahiram mo sa aking attire para naman presentable ako dun sa ipapakilala mong client. Mukhang magkakatawan naman tayo kaya walang problema sa akin ang fit ng damit mo. Pahiram na rin ng brief ah. Hehe!" Pabulong ang huling pangungusap na sinabi niya.
"See? Bawing- bawi ang hindi mo pagpasok ngayon. Kahit sabayan pa kitang maligo at yung mamahalin ko pang brief ang gamitin mo. Kahit nga wag mo nang isaoli eh." Saka siya nito kinindatan.
"Alam mo kadiri ka! Baka nababading ka na talaga sa akin ah!" Biro niya rito. How he wished!
"Hahaha!" Sabay silang natawa.
Matapos liwas na naligo ay saka sila sabay na nagbihis sa walk- in closet ni Andrei. Noon lang siya nagkaroon ng malapitang encounter sa mga s*x toy nito. He can't help but look at them. Pero nawala siya sa focus sa mga 'yon nang biglang mahubad sa kanyang harapan ang lalaki. Tumambad sa kanya ang matumbok nitong pwet. Napaiwas tuloy siya ng tingin.
"Hindi ka ba marunong humanap ng private space mo? Kahit saan talaga naghuhubad?" Iritableng saad niya rito.
"Wow naman sa private space." Saka ito humarap sa kanya. Tuluyan siyang umiwas ng tingin dahil ang ari nito ang tatambad sa kanya. Nakita na niya iyon pero nasa katinuan siya sa mga sandaling iyon. Bading pa rin siya. Hindi siya dapat nakakakita ng mga ganon lalo pa sa lalaking may lihim siyang pagkagusto. "Walk in closet ko kaya 'to! Isa pa pareho naman tayong lalaki. Wala namang malisya 'to."
Akala mo lang wala! Pero meron! Meron! Meron! "Ewan ko sayo! Sa lahat ng mayaman ikaw yung makapaghubad kahit saan akala mo taga- kalye ka." Tugon niya.
Ikinabigla naman niya ang sumunod nitong ginawa. Hinila nito ang tuwalyang nakabalot sa kanyang pang- ibaba. Naka- topless din kasi siya sa mga sandaling iyon. Napakatagal mag- blower ng buhok ni Andrei kaya inabutan niya pa itong naka- half baked dito kahit nauna na itong matapos maligo.
"Huy ano ba Andrei!" Saka niya tinakpan ang kanyang ari na medyo naga- arouse. Matinding pagpigil ang kanyang ginawa upang hindi iyon tuluyang tumayo.
"Ano namang masama di ba? Binibiro lang kita eh! Hahaha!" Biro nito. Halatang wala lang dito ang mga ganong bagay bilang straight nga ito. He should act like one too. Lalo't hindi pa niya alam kung paano siya bubwelong magtapat dito. Alam niyang hindi pa iyon ang tamang panahon. He don't want to ruin the moment lalo pa't may ipapakilala itong kliyente sa kanya. Baka kung magtapat siya ay ma- awkard- an na ito at hindi pa matuloy ang kanilang lakad. Mapupurnada pa ang kanyang promotion.
"Oh ayan! Masaya ka na?" Saka niya inalis ang mga kamay na nakatakip sa kanyang ari. Tila nabigla ito sa kanyang ginawa. Hindi niya maintindihan ang kakaibang reaksyon nito na tila nabigla sa kanyang ginawa. Hindi nalang niya ito pinansin pa. Dagli nitong inabot ang brief na ipapahiram sa kanya. Agad naman niya iyong isinuot. Nagsuot na rin ito ng saplot. Saka inabot sa kanya ang isang pantalon, sinturon at polo. Lahat ay branded.
"You can use all these. Sayo nalang. Tapos yung isang shoes ko sa labas ang gamitin mo. Okay?" Sambit nito.
"No! Isasaoli ko ang mga 'to sayo! Ipapa- laundry ko lang tapos ibabalik ko rin sayo." Pagtangg niya.
"Ataw mo bang amoy- amoyin pa? Hahaha!" Biro na naman nito.
"Gago." Naibulong niya pero sa loob- loob niya ay kinilig naman siya.
Matapos nilang makapagbihis ay kaagad silang umalis. Hindi sila magkasama sa sasakyan dahil dala niya ang sa kanya. Naka- convoy lang siya rito upang sundan ito. Nagtaka siya nang pumunta ito sa A- List bar at doon nag- park. Wala naman siyang nagawa kundi sumunod.
"Bakit dito? Sabi na pinagloloko mo na naman ako eh. Ano inuman na naman?" Sarkastikong tugon niya rito nang makababa sila sa kanilang mga sasakyan.
"Nandito 'yung client mo. Yung isa nasa loob na ng bar. Yung isa naman kaharap at kausap mo na." Tugon ni Andrei.
"A- ano? Anong ibig mong sabihin?" Nauutal niyang tugon dito.