Warning!
Not your ordinary Man x Man story.
Sizzling hot! Controversial! Tear jecker! Love-Filled!
ALL Emotions in One Gay Love Story
Chapter 21: Partners: Enemies to Friends
"Anong ngang ibig sabihin nito Andrei?" Muling tanong ni Stefan sa kaibigan. May ideya na siya ngunit ayaw niyang pangunahan ang mga pangyayari. Nais niya makasigurado. Halong excitement at saya ang kanyang nadarama. He might get emotional too.
"Let's go inside! Doon na natin pag- usapan." Saka siya nito inakbayan. Napatingin nalang siya sa kamay nitong mahigpit na nakahawak sa kanyang balikat.
Pagpasok sa loob ng bar ay dumiretso sila sa opisina nito. Doon nila dinatnan si Monique. Agad itong bumeso sa kanilamg dalawa. Pero hindi na ito umalis sa paglingkis sa kanyang braso.
"Kumusta ka na Stefan! Looking good as ever ah! Ang ganda ng fit sayo niyang polo at pants. Mukhang may bumabakat! Hahaha! Oops! Sorry! Speaking of sorry. Ako na ang humihingi ng patawad sa pang- iistorbo sayo kagabi nitong si Andrei. Hindi kasi ako pwede kahapon eh kaya ayun nagpadala nalang ako ng food." Saad ni Monique na halos ingudngod na ang mukha at dibdib sa kanya. Tila bet talaga siyang landiin nito. Kung alam lang nito ang kanyang pagkatao. Hindi sila talo.
"Ah okay lang naman. Wala namang problema doon. Ikaw kumusta?" He replied awkwardly.
"Ako hindi mo man lang kukumustahin? Ako yung ikakasal dito oh sa taong hindi ko mahal. Ako yung may pinagdadaanan." Pagsabat sa kanilang usapan ni Andrei.
"Malaki ka na Andrei. You are old enough. Isa pa pinahirapan mo na kagabi sa pagsama at pagbabantay sayo 'tong si Stefan. Don't act like a jealous kid. Magkaibigan na kayo ni Stefan kami hindi pa ganon ka- close. Kailangan din naming maging magkaibigan o higit pa." Saka siya nito kinindatan.
Napalunok nalang siya sa nakita saka umiwas ng tingin. Bumabaligtad ang kanyang sikmura sa babaeng ito. Gusto niyang maduwal.
"Let's talk about business. Umalis ka na sa paglingkis kay Stefan. Masyado na kayong close sa ginagawa mo. You are making him uncomfortable." Si Andrei ang tumugon in a serious tone. But sounded more jealous boyfriend than a concerned friend. Pero ano bang alam niya sa iniisip nito, puro ito kalokohan at mahirap basahin. Mysterious yet straight forward. Kaya nga't hindi niya ito nakasundo noong una tapos ay magiging kaibigan niya rin pala.
"Is that true Stefan? Am I making you feel incomfortable?" Saka ngumuso ang babae sa kanya. Pilit na ngiti lang ang isinagot niya rito saka siya nito inanyayahang umupo sa mahabang mesa. Sa harapan niya nakaupo ang dalawa. Para siyang nasa interview. May nakalapag na folders sa mesa, tig-iisa sila.
"Business muna ang ating pag- usapan. I told you earlier Stefan na may ibibigay ako sayong client na naghahanap ng software services of an IT company. Ang client na 'yon ay walang iba kundi ang A-List Bar." Seryosong pagsisimula ni Andrei sa kanilang meeting. Kumabog na naman ang dibdib niya while looking at him. Very professional ito pagdating sa trabaho at negosyo.
"It'll be an honor to work with A- List bar. Ano bang klaseng services ang gusto ninyo? This is a bar. Food, drinks, party related and leisure business. How are you going to incorporate IT software in your business?" Of course he should also be professional. Hindi siya dapat magpadala sa saya at kilig na dinudulot sa kanya ng lalaki.
"We wanted an app and website for A- List Bar. Doon sila makakapag- book ng events in advance. Makakapagbayad. Makakakuha ng discounts and all. Mas okay din kung mapo- promote sa social media. Alam mo naman ang mga parokyano namin dito millenials and gen - z. They are inclined with technology." Si Monique naman ang sumagot. Kaya rin pala nitong magseryoso at maging professional. Napabilib siya nito. Marahil kaya marami itong negosyo. Hindi halata sa dalawa sa kanilang mga personalidad ang passion and professionalism ng mga ito.
"If that's what you want our company is very much capable in providing those IT services. We can help you. That's for sure." Paniniguro niya sa mga 'to.
"Umaasa kami dyan Stefan. So here's our proposal. Nakapirma na kami dyan ni Monique, aprubado na namin. You can bring it to your bosses and create the draft the contract. It's nice working with you." Saka nito inabot ang kamay sa kanya. Napatingin muna siya roon bago niya inabot ang sa kanya. Mahigpit nilang hinawakan ang isa't- isa. Halos makuryente siya sa kakaibang enerhiyang nagmumula sa palad nito.
"Uy! Join ako dyan!" Saka nakihawak ng kamay si Monique. "Ang laki ng kamay mo Stefan! Naku mukhang may malaki itong hinahawakan ah! Hahaha!"
"Nakita mo na di ba? Noong hinubaran mo kami." Pabulong na komento ni Andrei. Saka ito pinalo sa balikat ng babae.
"Shut up! Pinapahiya mo ako kay Stefan! Sa ating friend s***h business partner!" Saka siya nito seryosong pinagmasdan. "But honestly masaya kaming makakatrabaho ka. Alam mo may ganitong pakulo na ang ibang businesses ko. Noong pinag- usapan namin ni Andrei na mag- implement na rin ng software services dito sa bar dapat ang kukunin namin ay yung dating company na gumawa ng apps sa mga business ko. Pero dumating ka sa buhay namin. Ayun ikaw agad ang naisip ni Andrei. Idea niya 'to actually. Masaya akong makitang magkaibigan na kayo."
"Ikaw naman ang mag- shut up Monique. Baka kung anong isipin ni Stefan." Saad ng lalaki.
"Ano namang iisipin niya?" Tanong ni Monique.
"Wala." Matipid nitong tugon.
"Oh siya. Tuesday palang hindi bukas 'tong bar. Itong si Andrei na talaga ang manager nito eh kaya padalaw- dalaw nalang ako kapag gumagawa siya ng problema. Hahaha! Kailangan ko na munang tumakbo sa isa kong resto ah. Bye guys!" Saka ito bumeso kay Andrei muna. "Whatever your decisions please make sure na magiging masaya ka sa huli." And one last friendly gesture from Monique to Andrei.
"Bye Stefan! Sana marriage contract naman ang sunod nating maging kasunduan." At saka sa kanya bumeso at nagpaalam si Monique. Nakuha pa rin nitong magbiro.
"Marriage contract talaga agad? Ako ang ikakasal di ba?" Nagkomento na naman si Andrei.
"Tse!" Then she left the room.
Nang silang dalawa nalang ng lalaki ang nasa loob ng opisina ay saka siya lumapit dito. "You are really full of surprises Andrei. Thank you for this. Hindi ko alam na natandaan mo pa ang work ko."
"You are very much welcome. Syempre gusto kong ipagkatiwala ang business ko sa isa ring kaibigan. Siguro maliit na bagay lang ang work related topic sa iba pero natandaan ko ang work mo. Isa pa nag- advance research din ako sayo. Nakita ko noong nagpa- book ang company niyo noong nag- party kayo rito. Remember that night? Noong muntik na tayong magsintukan." He smirked.
"Sino namang makakalimot noon? Who would have thought na sa sandaling panahon from enemies to friends to business partners."
Ikinabigla niya nang bigla siyang yakapin nito. He's really unpredictable. Minsan ay nagiging emosyonal din nang pabigla- bigla. His heart pulpitated a lot. Hindi niya kinakaya ang init ng katawan nito.