Chapter 22

2014 Words
Warning! Not your ordinary Man x Man story. Sizzling hot! Controversial! Tear jecker! Love-Filled! ALL Emotions in One Gay Love Story Chapter 22: Celebrations: Deeper Connection Gumanti naman si Stefan sa pagkakayapos sa kanya ni Andrei. The heat and electricity that were flowing from their bodies was intense. At least sa part ni Stefan bilang closet gay siya at may sikretong pagkagusto siya sa lalaki. Mas lalo pa nga yatang lumalala ang pagkagusto niya rito lalo na ngayong magkaibigan at close na talaga sila. "This partnership is my way of saying thank you for your help and for our friendship. Salamat talaga Stefan sa walang sawang pagsuporta." saad nito. Dinig na dinig niya iyon sa kanyang tainga. Ramdam niya rin ang hangin na nagmumula sa bibig at ilong nito. "Ano ka ba? Parang wala pa naman akong sobrang ginagawang tulong sayo? Nandito lang ako for you bilang isang kaibigan." Tugon niya rito. "Iyon na nga eh. Lagi kang nariyan upang pakinggan ako. Suportahan at tulungan ako. Ganoon din naman si Monique pero sobrang busy na talaga niya ngayon sa dami ng negosyo niya. Very right timing ang pagdating mo. Dumating ka sa panahong sobrang kailangan ko ng kaibigan." Saad nito. Tumaba ang kanyang puso sa mga narinig. Tumaba at halos mahulog na naman. Baka ito na ang tamang panahon upang sabihin ko sa kanya ang totoo kong pagkatao? Tinipon ni Stefan ang lahat ng kanyang lakas ng loob upang magtapat dito. "Salamat bro. Salamat pareng Stefan. Ninong ka ng magiging anak ko. After mong magpanggap na boyfriend ko in few months time. Ninong ng magiging anak ko ang next role mo sa buhay ko." Dugtong nito. "Ninong..." naibulong niya saka siya umalis sa pagkakayakap nito. Nawalan na naman tuloy siya ng ganang magtapat. Naalala niyang labis ang paniniwala nitong straight siya. "Oo naman bro. Pareng Andrei." "Hahaha!" Saka sila sabay na tumawa. Kinabukasan ay usap- usapan sa opisina ang napasok na kliyente ni Stefan. Matunog na rin ang balitang mapo- promote na siya from Team Lead to Assistant Manager. "Congratulations Stefan sa ating new client." Kinamayan siya ng kanyang boss na si Randy. "Invite them on Friday. Hinahanda lang namin ang contract. Kaya naman nating gawin lahat ng proposal and request nila." "Thank you Sir Randy. Ako na po ang bahala mag- inform sa kanila." Tugon niya rito. "Guys! Let's give a round of applause kay Stefan. Your soon to be Assistant Manager." Kinuha ng kanilang boss ang atensyon ng lahat sa IT Department upang siya'y saluduhan at bigyan ng pagkilala sa kanyang latest achievement. "Yahooo! Congrats Sir Stefan!" Nagsigawan at nagpalakpakan naman ang lahat. "Thank you. Thank you guys." Napakamot siya ng ulo. "Nagkataon lang na kaibigan ko yung bagong client." "No Stefan. You are one of my best asset in the IT Department. You're the best in your job. Pasasaan pa't mapo- promote ka rin talaga. Baka sa susunod ikaw na ang Senior Manager. But before that wait until Friday for that big annoucement also. Maraming malaking mangyayari sa Biyernes." Tugon ng kanyang boss sa kanyang tinuran bago tuluyang umalis. He was so humbled on what he heard. Mukhang magbubunga na ang kanyang mga pagsisikap to climb up the corporate ladder. Syempre pa kaagad na lumapit sa kanya sina Hazel at Chester. "Congrats Stef!" Masayang pagbati ng kanyang mga kaibigan saka siya niyakap ng mahigpit ng dalawa. "Thanks Haze and Ches." Tugon niya habang halos hindi na makahinga sa higpit ng yakap ng mga 'to. "Nangangamoy promotion na talaga ah? This is it na! Sobrang saya namin for you. Alam mong kahit pare- pareho na tayong Team Leads dito ikaw talaga yung pinaka deserving. Sobrang hardworking mo. Sobrang galing mong leader. Alam mo namang hangang- hanga kami sayo di ba? Haaaay..." napabuntong hininga pa ang maluha- luhang si Hazel. "I'm just a super proud friend here." "Kaya ka nga namin kinaibigan eh Stef. Kasi magaling ka." Dugtong ni Chester saka ito binatukan ni Hazel. "Gago ka talaga. User friendly." - Hazel. "Unggoy yan kahit kailan." Komento niya. "Pero maiba ako huh. Nagkakamabutihan na kayo ni A no? Grabe na 'yung friendship niyo ah? Madalas lumabas. Madalas magkasama. The fact the dati inis kayo sa isa't - isa. Tapos ngayon nakuha mo pa siyang maging client natin." Pabulong na panunukso ni Chester. Saka siya tiningnan ng dalawa with judgments. Kilalang- kilala na niya ang mga ito. "Ako tigilan niyong dalawa huh. Magkaibigan lang kami nung tao. Ikaw unggoy yung bunganga mo. Kapag may nakarinig sayo. Hindi lang ako ang ma- out dito sisiguraduhin kong pati ikaw." Pabiro niyang tugon. "Ay grabe siya oh." Saka nanahimik si Chester. "Pero alam mo Stef. Nakakaselos na." Tinaasan siya ng kilay ni Hazel. "Huh? Nakakaselos?" "Oo. Lagi nalang kayo ni Andrei ang magkasama. Kaming mga OG friends mo hindi mo na masyadong nakakasama sa gimikan." Saka ito umiwas ng tingin sa kanya. Pati si Chester ay nakiiwas ng tingin. Hindi maganda ang kanyang nararamdaman. Kapag nagdadrama ang mga 'to ay may iniisip na kalokohan. "Edi gumimik tayo." Nag- aalangan niyang tugon. "Sige sa Friday huh? Kasama si Andrei. Back to work na tayo." Mabilis na saad ni Hazel. At ganoon din siya kabilis na tinalikuran ng dalawa. Napailing nalang siya. Hindi nga siya nagkamali nang makaramdam siya ng kakaiba. But he's not against the idea. It's about time na rin siguro talaga para makilala ng kanyang mga kaibigan ang kanyang bagong mga kaibigan na sina Andrei at si Monique na rin. Hindi rin naman maganda ang first encounter ng mga ito sa isa't - isa. Agad siyang nag- message kay Andrei na sa Biyernes na ang contract signing at gusto silang makilala ng kanyang mga kaibigan. Nag- reply naman ito kaagad upang um- oo. Sa simpleng reply ay kinilig na naman siya. Kinabukasan, Huwebes palang pero lumabas na ang kanyang promotion. Everyone in the office celebrated his achievement. Nanlibre siya ng tanghalian at merienda sa buong IT Department. "Ma. May good news ako sayo." He hurriedly called his mother. "Ano 'yon anak? Na- promote ka na ba as Assistant Manager?" Tanong nito sa kabilang linya. "Hindi man lang nagpa- suspense ma?" "Sabi ko naman kasi sayo di ba? Doon din talaga ang punta niyan. Pero nak I'm very proud of you. I've seen you grown into a fine adult gentleman. Kahit na gentleman din ang gusto mo. I love you nak." Nakuha pang magbiro nito. Gayunpaman ramdam niya sa boses nito how proud she was for him. Lahat naman ng pagsusumikap niya sa buhay ay para sa kanyang ina. "I love you too ma. This is all for you." He replied. "Alam mo nak. Kailangan na nating i- celebrate yan mamaya pag- uwi mo. Fiesta rito sa barangay natin ngayon hindi ba? Bukas 'yung chapel. Magsimba tayo mamayang gabi. Magpasalamat tayo sa Diyos sa bagong blessing na ito." His mother suggested. Mapangiti naman siya. "Sure ma." "At one more thing nak." Doon na siya kinabahan. Iba ang pakiramdam niya sa "one more thing" nito. "Ano 'yun ma?" "Kailangan ko na talagang makilala yang si Andrei. Alam ko namang sobranh deserving mo nang ma- promote pero ang laking tulong para mas mapabilis 'yon ng dahil sa kanya. Marapat lamang na makilala ko na yang friend mo na nagpapatibok ng puso mo." Request nito na may kasama pang panunukso. "Ma..." "Nak... walang masama kung ma- meet ko ang friend mo." Pamimilit nito. "Okay fine ma." Napilitan na siya sa hiling nito. "Thank you nak! Bye! I love you!" "Bye ma. I love you too." Napailing nalang siya habang nakangiti. Saka niya naisip si Andrei. He contacted him to tell him the good news. Pero via messenger nalang. Nag- chat nalang siya rito saka sinabi ang magandang balita. Pabalik na sana siya sa kanyang work station nang tumawag ito. Mabilis na kumabog ang kanyang dibdib. Nag- aalangan siyang sagutin ang tawag nito dahil sa kaba at excitement. Nagtataka na rin siya sa kanyang sarili. Kakausapin lang si Andrei at sa phone pa pero kinakabahan at nae- excite siya? Nang maisip iyon ay agad niyang pinindot ang answer button sa screen. "Hello Andrei. Napatawag ka?" Bunad niya rito. "Na- promote ka tapos icha- chat mo lang ako? Syempre tatawagan kita para mabati ka. Congratulations Stefan!" Dinig niya sa boses nito ang kasiyahang nadarama para sa kanya. "Thank you." Matipid pero mula sa kaibuturan ng puso niyang tugon. "Celebrate tayo mamaya!" Anyaya nito. "Huh? Mamaya kaagad? Baka mapainom tayo. Hindi pwede. May contract signing bukas hindi ba? Tsaka lalabas na tayo bukas with my friends. Bukas nalang. Magce- celebrate na rin kasi kami ni mama mamayang gabi." Pagtanggi at paliwanag niya. "Iba naman yung bukas eh. Promise hindi tayo iinom." Isa na si Andrei sa makukulit na tao sa kanyang buhay. "Hindi talaga pwede. May lakad na nga kami ni mama." Muli niyang pagtanggi rito. May nauna na siyang commitment sa ina. Kahit gusto niya ang kaibigan ay may nabitawan na siyang salita sa ina. "Edi isama niyo ako sa lakad niyo ni tita? Para ma- meet ko na rin siya. I really want to celebrate this momentous event with you. It'll be extra special dahil makikilala ko na ang mama mo na alam kong mahal na mahal mo at pinagmanahan mong mabuting tao." Isang magandang ideya ang nakuha niya rito. Gusto rin namang makilala ng mama niya si Andrei. Ito na nga siguro ang tamang pagkakataon. Isa pa, sa simbahan sila pupuntang mag- ina. Nabanggit noon ng lalaki na hindi na ito nagsisimba. Destiny? Coincidence lang. He didn't want to make it a big deal. "Okay fine. Pero wag kang magrereklamo sa pupuntahan natin huh?" Pagpayag at panghahamon niya rito. "Yup. Basta kasama kita. Hindi ako magrereklamo." Parang tumigil ang mundo niya sa sinabi nito. "See you later. Message mo nalang sa akin ang pin ng bahay niyo. Sabay- sabay na tayong pumunta doon sa place kung saan tayo mag- celebrate. Bye!" "Okay. Bye." Pagkababa niya ng phone ay napahawak nalang siya sa kanyang dibdib. "I hate that I like you Andrei. I hate it!" On the dot siyang nag- out nang araw ding 'yon. Hazel and Chester noticed that... of course. "Mr. Assistant Manager. Uuwi agad? Kaka- promote lang uuwi na agad?" Puna ni Hazel. "Na- move na next week ang deadline nung latest release natin dahil sa daming ganap this week. Isa pa time na oh!" Pinakita niya pa ang kanyang relo. "Alam naman namin 'yon. Pero hindi ka ganyan Stef! Anong meron?" Halatang tsismosa si Hazel kung makapagtanong. "Magsisimba kami ni mama to celebrate. Okay na?" Tugon niya. "Aaaah! Si tita naman pala ang kasama Haze! Akala kasi natin si A eh. Alelele!" Panunukso ni Chester. "Kasama siya actually." Saka niya tinalikuran ang mga kaibigan habang natatawa. "Oh my God! Oh my God! Stefan! Bumalik ka rito! Marami tayong pag- uusapan! May meet the mother na? Sa simbahan pa huh? Like! Oh my God!" Pigil pero emosyonal na reaksyon ni Hazel. No comment si Chester pero malamang ay gulat na gulat din ito. Ayaw nalang niyang lingunin ang mga kaibigan. Pagdating sa kanilang bahay ay naunahan pa siya ni Andrei. Laking gulat niya nang makitang nagkukwentuhan na sa sala ang lalaki at ang kanyang ina. "H- hi ma. Hi A- andrei." Nakaramdam siya ng init sa kanyang mga pisngi. Magkasama na ang kanyang ina at kaibigan. "Hello nak!" Tumayo ang kanyang ina upang hagkan siya sa pisngi. "Hindi mo man lang ako sinabihang kasama pala natin itong napakagwapo mong kaibigan na si Andrei. Mabuti nalang at fiesta. Nakapagluto ako kahit papano bilang may mga kaanak tayong bumisita kanina. Ang mabuti pa tara na. Magsimba na muna tayo. Kanina pa excited itong si Andrei na muling makapagsimba eh. Napakarami na naming napag- usapan. Ang tagal mo kasi nak. Tapos after nating magsimba dito na tayo mag- dinner para matikman nitong si Andrei ang luto ko." "Excited na rin po akong matikman ang luto ninyo tita. For sure masarap po." Tugon ni Andrei. "Naku wala pa man nambobola ka na. Gwapong bolero pero sana hindi nananakit ng puso! Hahaha!" "Maaaa..." Napatingin nalang siya sa lalaki. Napangiti. Naunang lumabas ang kanyang ina. Nagpatihuli na silang dalawa. "Excited talagang magsimba huh?" Tanong niya rito. "Oo naman. Hindi porket na kwento ko sayo na hindi na ako nagsisimba eh hindi na ako pwedeng ma- excite na pumasok sa simbahan. And I remember na balak mo talaga akong isama sa pagsisimba. Very right timing kaya 'to." Saka nito inabot ang kamay sa kanya. Kinuha niya naman 'yon. "Congratulations to your promotion." "Thank you."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD