Chapter 23

2504 Words
Warning! Not your ordinary Man x Man story. Sizzling hot! Controversial! Tear jecker! Love-Filled! ALL Emotions in One Gay Love Story Chapter 23: Meet the Mother: Simbahan at Hapunan "Kayong dalawa! Ano maghahawakan nalang ng kamay? Tara na! Male- late na tayo sa misa." Sigaw ng kanyang ina sa kanila ni Andrei. Pagharap niya sa ina ay pabirong pinanlakihan niya ito ng mga mata. "Heto na ma." "Maglalakad lang tayo huh Andrei? Sa kabilang kanto lang kasi ang chapel dito sa amin." Paglabas ng bahay ay sina Andrei na at ang kanyang mama ang magkasabay na naglalakad. Pinapakinggan niya lang ang dalawa. Nagmamasid. Baka kung anong masabi ng ina sa lalaki. "Wala pong problema tita. Exercise po yan." Tugon ni Andrei. "Naku mukha ka nga ring pala- exercise na lalaki. Ang ganda ng katawan mo. Pareho kayo nitong anak ko." Kitang- kita niya kung paano pisilin ng ina ang biceps nito. "Opo tita. Maganda nga po ang katawan nitong si Stefan." Andrei's replied while giving a glimpse to him. He was teasing him or whatever. "Ay talaga ba? Nagkakitaan na kayo?" Iba na naman ang tanungan ng kanyang ina. "Maaaa....." "Opo tita. Nagkakitaan na kami. Wala namang problema di ba? Pareho naman kaming lalaki eh. Though 'yun nga po magpapanggap naman din kaming mag- boyfriend soon. Para mas maging comfortable na rin po siguro kami sa gagawin naming kalokohan. Hahaha!" Hindi na nakasagot pa ang kanyang ina sa pagsaway niya rito dahil kaagad na sumagot si Andrei. Napuno nang katanungan ang kanyang isipan. "Teka nga! Gaano na karami ang napagkwentuhan niyo? Anu- ano na?" Tanong niya sa dalawa. "Marami na nak! Hahaha!" Tugon ng ina. "Mamaya ka na magtanong dyan nak. Nandito na tayo sa simbahan. Mukhang sakto lang tayo." Pagpasok sa loob ay nakagitna siya sa dalawa sa mahabang upuan ng simbahan. "Nak. Di pa pala kita nababati ng personal. Natuwa kasi akong masyado rito kay Andrei. Congratulations nak." Bulong sa kanya ng ina. "Thank you ma." "Uy Stefan. Salamat sa pagdala sa akin sa simbahan ah. Iba yung feels na makapasok ulit dito. And congrats ulit." Bulong naman ni Andrei sa kabilang side niya. "You're welcome and thank you." Pag- awit ng Ama Namin ay naghawak- hawak sila ng kamay. "Pakahawak mo nak ah." Bulong na naman ng ina. Napatingin nalang siya rito nang may kasamang pagkunot ng noo. "Wag kang pa- obvious nak. Sumasalangit ka.... sambahin ang ngalan mo..." tila ang sarili pa niyang mama ang maglalantad sa kanya. Ngunit hindi na niya kailangan pang higpitan ang pagkakahawak sa kamay ng lalaki sapagkat ito na ang gumawa non. Nagkakasala tuloy siya sa harap ng Diyos. Lord sorry po. Bet ko talaga ang lalaking 'to. Sorry po kung siya lang ang nasa isip ko habang nasa loob ng tahanan Ninyo. Sana po ilayo Niyo ako sa tuluyang pagkahulog sa kanya. Panalangin ni Stefan. "Peace be with you!" Hinagkan niya ang kanyang ina sa pisngi. Humalik din si Andrei sa ina. Akmang hahalik din ito sa kanya pero umiwas siya. Hindi niya alam ang trip nito ngunit nasa loob sila ng simbahan. Maraming tao at baka kung ano pa ang isipin ng mga 'to. Matapos ang misa, nang palabas na sila ng simbahan ay bumulong na naman ang kanyang ina. "Kilig ka nak?" "Maaaa... kanina mo pa ako ginigigil ah." Pinisil niya ang tagiliran nito. "Eh crush mo yan. Normal lang naman na kiligin." Saka ito nagmadali upang makasabay kay Andrei. "Pasaway ka ma." Saka siya napangiti. Pagbalik sa kanilang bahay ay agad na naghain ang kanyang mama. Lahat yata ng putahe ay inilabas nito para sa kanilang tatlo. Naroon ang caldereta, menudo, lechong paksiw, leche plan at marami pang ibang lutong Pinoy. "Ma tatlo lang tayo. Hindi naman natin kakayaning ubusin yan." Komento niya nang makita ang nakahain. "Masasayang lang ang mga yan nak. Ang mahalaga matikman lahat ni Andrei. Para bumalik siya rito." Tugon nito habang may kakaibang pagtitig sa kanya. "Naku tita titikman ko po talaga lahat yan. Alam niyo po bang favorite ko ang Pinoy foods. Yung kaibigan at business partner ko pong si Monique may Pinoy restaurant 'yon." Pagsingit naman sa kanilang usapan ni Andrei. Saka sila naupo sa hapag at nagsimulang kumain. Nakamasid na naman siya sa dalawa. "Wow tita! Ang sarap ng mga luto niyo! Kasing lasa nung sa resto ni Monique. Actually yung iba mas masarap pa nga eh! Promise the best po!" Andrei's reaction while he still had food on hi mouth. "Naku baka nambobola ka lang bata ka huh?" Pabebeng reaksyon ng kanyang ina. "Hindi po. I'm serious and that's my honest opinion. Ang sarap po talaga tita. Mukhang mapapadalas po talaga ako rito sa inyo." Nasamid siya sa sinabing iyon ng lalaki. Napainom tuloy siya ng tubig. "Thank you nak! Gwapo na ang pangalan mong Andrei pero pwede bang tawagin din kitang anak? Syempre nag- iisa lang ang anak kong si Stefan pero kayong mga kaibigan niya tulad nila Hazel at Chester ay anak din ang tawag ko." Nagulat siya sa sinabing iyon ng kanyang ina. Ngunit tila seryoso ito at tila nag- eenjoy nga itong kausap si Andrei. "Talaga ba ma? Alam ko ang turing mo kina Hazel at Chester ay anak na rin. Pero hindi mo naman sila tinawag na anak." Pagkontra niya sa sariling ina. "Alam mo kailangan ko nang makasanayang tawaging anak itong si Andrei. Kasi kapag nagpanggap kayong mag- boyfriend dapat itodo na natin yung acting. Dapat kasama ako di ba? Kunyari alam kong kayo. Kunyari alam kong nagmamahalan kayo. Ganern!" Saka pa nag- apir ang dalawa. "Wow tita you're so cool! Napaka supportive niyo po! Thank you ah!" Saad ni Andrei. Napanganga nalang siya. "As in ganoon na karami ang napagkwentuhan niyo no?" "Oo nak! 3 PM palang nandito na 'tong anak kong si Andrei. Excited daw siyang makilala ako kaya nagpunta siya kaagad." Kwento ng ina. Napatango nalang siya. "You know what tita. Kasing bait niyo si mommy though she's not cool. Masyadong sunud- sunuran kay daddy 'yon. Ewan ko ba sa mga mayayamang yan. Tsaka hindi siya marunong magluto. She was trying but... wala talaga eh." Inabot at hinawakan ng ina ang kamay ni Andrei. "Ang mahalaga mahal ka ng mommy mo at mahal mo rin siya. Kaya ka nga naging sunud- sunuran na rin sa pagkakataong ito sa daddy mo hindi ba? Doon sa arranged marriage. Kasi gusto mong matupad ang huling hiling ng mommy mo kahit na mabigat sa loob mo ang gagawin mo. Gusto mo lang siyang mapasaya kahit na sa huling pagkakataon. You are such a great son Andrei." Naging emosyonal ang mga ito. Hindi siya makapaniwala sa kanyang nakikita't naririnig. Pumatak pa ang luha sa dalawa. Pati siya ay hindi nakapagpigil. Agad naman niya iyong pinunasan. "Thank you tita. I'm so happy to meet you. Pero alam niyo po advice sa akin 'yon ni Stefan." Saka tumingin sa kanya si Andrei. He was looking at him with gratitude sa kabila ng mga luha sa mata nito. "He always listen to me. He gave me the best advices. Sabi ko nga po sa kanya dumating siya sa buhay ko kung kailan kailangan ko talaga ng kaibigan. Before mag- isa lang ako. Si Monique lang 'yung tunay kong kaibigan. Si mommy at ang kapatid ko takot at nako- control ni daddy. Ako lang mag- isa ang lumalaban noon. Ngayon nandito na si Stefan at kayo na rin tita. You are supporting me." They just stared at each other. For the nth time muling tinunaw ni Andrei ang kanyang puso, sa harap pa ng kanyang mama. He saw his sincerity for their friendship. "Kaya wag mong sasaktan ang anak ko Andrei huh? Kung may malaman ka mang sikreto niya wag mo sana siyang husgahan." Tugon naman ng kanyang ina. "Ma." Pagpigil niya rito. Ngunit nagpatuloy lang ito. "Sana maging bukas ang puso't isipan mo sa kung anuman 'yon. Ang mahalaga ay ang pagkakaibigan ninyo. Sana pakinggan mo siya kahit na anong mangyari." "Opo naman tita. Opo naman." Tugon ni Andrei. "Salamat anak." Tila nakahinga siya ng maluwag sa narinig. Ayaw niyang sirain ang tagpong iyon. Darating din ang araw kung kailan maipagtatapat niya ang totoong pagkatao sa kaibigan. "Oh siya masyado na tayong nagdadramahan dito. Masaya akong nakatagpo ng isang bago at totoong kaibigan ang anak ko." Pinunasan ng ina ang mga luha sa mata ni Andrei. Para na ring mag- ina ang dalawa. Labis na kasiyahan ang kanyang nadama. "Opo nga tita hahaha! By the way ang sarap niyo po talagang magluto. Chef po ba kayo?" Pag- iiba ni Andrei sa usapan. "Ah oo." Matipid na tugon ng ina. "Chef si mama sa isang resto sa Dubai noong kabataan niya. Actually corporate worker muna siya. Doon niya nakilala ang father ko na manager naman doon sa resto. Natikman si mamang magluto kaya tinulungan si mama na maging chef. Pero noong ipanganak ako iniwan na siya upang ipagpalit kami sa ibang babae. Pagbalik ni mama rito sa Pinas nagpatayo nalang siya ng apartment upang maging negosyo. Yung mga apartment sa labas pag- aari namin. Hindi na ulit nagluto si mama kapag ganito nalang na may okasyon. Kasi pinapaalala ng pagluluto ang walang kwenta kong ama." Si Stefan na ang sumagot. "Sorry for that. May mga walang kwentang lalaki talaga. Hindi na ba niya kayo kinausap?" Tanong nito. "Hindi na. Wala na rin kaming pakialam sa kanya. Masaya na kami ni mama. Wala na kaming pakialam sa kanya." Mariing tugon niya. Kumukulo ang kanyang dugo kapag napag- uusapan ang ama. "Pero alam mo ba anak Andrei, natuwa ako't nagustuhan mo ang mga niluto ko. Kahit yung iba mga taong nakakatikim ng luto ko kapag nasasarapan sila ay natutuwa ako." Isang matipid ngunit masayang ngiti ang binigay ng ina sa kaibigan. "Grabe pong talent niyo po sa pagluluto tita. Hindi niyo ito dapat itigil na ibahagi sa iba. Naging instrumento lang po ang walang kwenta niyong kasintahan pero talent niyo po ito." Komento ni Andrei. "Oh! Baka maging emosyonal na naman kayo! Tama na yan! Tapusin na natin ang pagkain." Siya naman ang nag- iba sa topic ng usapan. Matapos kumain habang nagliligpit ang kanyang ina ay nakakuha sila ng pagkakataong makapag- usap ng sarilinan ni Andrei sa sala. Nagpapahinga pa ito bago umalis. "Thank you for celebrating with us. I'm really happy tonight." Saad niya. "Me too. I'm super happy. Hindi nalang tayo magkaibigan at magiging magkatrababo, pamilya na rin tayo. Nagkaroon ka pa ng poging kapatid." Saka siya nito kinindatan. "Ayaw kong magkaroon ng kapatid na unpredictable no." Pabiro niyang tugon. "Unpredictable and full of surprises. Gwapo. Macho. Matalino. Wala ka nang hahanapin pa." Tila lumakas ang hangin. Nanlaki ang ilong niya sa pagmamayabang nito kahit na alam niyang nagbibiro lang ito. "Those are my characteristics too. Kaya wag ako Andrei." Saka sila nagtinginan sabay tumawa ng malakas. "Thanks talaga ah." "You're welcome. Thank you din." Saka ito may nilabas sa bulsa na isang maliit na card. "Regalo ko nga pala sayo." "Huh? Hindi na kailangan." Pagtanggi niya. "Regalo tinatanggihan? Ano ba yun Stefan?" Napailing ito. "Hindi mo na kasi ako kailangan pang regaluhan. Kasama ka na nga sa celebration namin di ba? Tsaka malaki na yung naging tulong mo sa promotion ko. Ayos na ako doon. Ano ka ba?" Paliwanag niya. Ngunit nagpumilit pa rin ito. Sapilitan nitong nilagay sa kanyang kamay ang regalo nito. "Regalo yan. Regalo ko yan sayo." Wala na siyang nagawa pa. "Ano ba 'to?" "Buksan mo!" Nakangiting tugon nito. Pagbukas niya ay isang kahon ng condom ang laman ng regalo nito. "What the heck?! Ano 'to Andrei?! Luku- luko ka talaga!" "Additional gift lang yan! Hahaha! Tingnan mo pa kasi yung loob. Meron pa yan! Hahaha!" Wala na naman itong tigil sa pagtawa. Sinunod naman niya ito. May card pa ngang laman ang wrapper. "VIP accomodation sa isang hotel sa Boracay?" "Yup! Kapag sobrang busy mo na as Assistant Manager tapos gusto mong magbakasyon ng kahit sandali. Ayan may VIP accomodation ka na sa isang hotel sa Bora." Kinindatan na naman siya nito. "Alam mo kayong mayayaman talaga kung makapag- aksaya ng pera wagas. Hindi ka na sana nag- abala pa." Kunyari'y pag- ayaw niya pero ang kilig sa kanyang loob ay todo- todo naman. "Maliit na bagay yan. Para sa kaibigan ko naman eh. Isa pa kapag pinaghihirapan mo ang isang bagay dapat lang na i- reward mo rin ang sarili mo paminsan- minsan." Saad nito. "Haaay nako. Pero thank you ah. Sana ay magamit ko 'to someday..." he paused. "Sana makasama kita." Nahihiyang dugtong niya. "Oo naman!" Mabilis nitong tugon. Matapos magligpit ng kanyang ina at makapagpahinga ni Andrei ay nagpaalam na ito. "Tita thank you po talaga ngayong gabi ah. Lalo na po sa masarap niyong mga niluto. Ulitin po natin ito." Saad nito sa ina. "Oo naman nak Andrei. See you again ah. Welcome na welcome ka rito sa amin. Magsabi ka lang anytime." His mother replied. "Paano Stefan una na ako. See you tomorrow. Congrats ulit." Saka ito nagpaalam sa kanya. "See you tomorrow. Thank you. Bye." Hinintay nilang makaalis ang sasakyan nito. Nakahanda na siya sa umaatikabong panunukso mula sa kanyang ina. "Oh ma. Wala na si Andrei. Game na ako." Pinangunahan na niya ito. "Alam mo nak. Mabuting tao yung si Andrei. Marami lang talaga siyang pinagdadaanan sa buhay. Masaya akong magkaibigan na kayo. Super friends nga eh. Kung magkakatuluyan kayo sobrang bet ko kayo." Seryosong saad nito. "Maaaaa..." "Ayun na nga nak pero straight si Andrei kaya sayang. Kaya nak ikaw ang may chance na fall. Pero nak walang sasalo sayo huh. Sana makuntento ka nalang na meron ka ng bagong kaibigan ngayon. Maging masaya ka na magkaibigan kayo. Guard your heart. Hindi mahirap ma- fall doon kay Andrei pero hangga't kaya mo pigilan mo ang puso mo. Alam mong sa huli ay walang patutunguhan 'yon. Okay lang yang crush- crush na yan kahit na matanda ka na para doon. Ayokong sa huli makita kang nasasaktan dahil nawalan ka ng kaibigan at ng taong minamahal." Mahabang litanya nito. Gayunpaman gets naman niya ang punto nito. Concern lang ito sa kanya. "Opo naman ma. Sabi ko naman sayo di ba. My heart is guarded." Ngunit alam niyang hindi na siya sigurado doon ngayon. He just said that to satisfy his mother. "Mabuti naman nak. Masaya akong kaibigan mo si Andrei. Mukha lang siya mababaw na tao dahil mayaman pero may lalim siya. Plus gwapo pa at nakakatuwang kausap. Pak na pak!" "Hahaha! Pak na pak talaga ma?" Natatawa niyang tugon dito. "Sa tingin mo wala talagang chance na maging tagilid si Andrei? Malay mo nak di ba? Ikaw nga oh! Ang gwapo! Macho! Pero tingnan mo oh lalaki rin ang hanap mo!" Hinawakan pa siya nito sa baba. "Ay wow ma ah? Walang chance 'yun. May mga moment na napapaisip ako kasi parang may kakaiba." Inalala niya ang mga tagpo kung kailan parang may kakaibang kinikilos si Andrei kapag sila ay magkasama. Yung pagiging extra sweet at clingy nito kahit na pareho silang lalaki. Sa huli'y nabura ang lahat ng iyon. "Pero may kajerjeran yun ma na babae. Wild pa nga sa jerjer yun eh." "Ay talaga ba nak? Paanong wild?" Tsismosang tanong ng ina. "Heto na nga ma. Ganito kasi 'yon..." Ngayong nakilala na ng mama ni Stefan si Andrei lalo pang lumalim ang kanilang pagkakaibigan. Simula palang ito ng mas lumalalim pa nilang samahan. Samahan na mauuwi rin ba sa pag- iibigan? Pag- iibigang maaring humarap sa mas marami pang pagsubok sa buhay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD