Warning!
Not your ordinary Man x Man story.
Sizzling hot! Controversial! Tear jecker! Love-Filled!
ALL Emotions in One Gay Love Story
Chapter 30: New Place: New Man
Matapos mag- isip ng mabuti ay napagdesisyunan ni Stefan na magbakasyon na nga. One week leave ang kanyang f-in-ile. For the very first time ay magbabakasyon siya ng matagal sa trabaho. Grabeng panunukso pa ang pinagdaanan niya mula sa kaibigang sina Hazel at Chester. Palibhasa raw sugatan ang kanyang puso. Eh totoo naman kaya wala rin siyang palag. Todo suporta naman ang kanyang ina. Ito nga ang naghanda ng kanyang mga pang- OOTD. Alam na nito ang pormahan niya.
"Oh nak, yung pang beach na polo at shorts ang mga nilagay ko sa maleta mo ah. Tapos kapag maliligo ka na mag-brief ka nalang tapis hubad- hubad na ng damit. Topless dapat. Sayang naman ang gym body mo. Sayang yang abs mo kung hindi mo idi- display don aa Bora. Kung makakakuha ka ng foreigner na daks pak na yun nak." Natatawang bilin ng ina.
Pinagtaasan niya ito ng kilay. "Maaaaa! Bunganga mo! My virgin ears!"
"Okay lang yun nak. Wag kang pa- virgin dyan. Pero dapat may proteksyon bago umaksyon." Saka ito lumapit at inayos ang kwelyo ng suot niyang polo. "Kalimutan mo na lahat doon ah. Clean your heart and mind. Enjoy nak. Ilang buwan na ang lumipas. Hindi naman ibig sabihin na dapat agad kang makapag- move on eh. But you should give yourself a chance. To take a break. To think. To recharge. Part talaga ng love ang pain. Part ng love that sometimes it wasn't returned. Pero kailangang magpatuloy para sa susunod tayong magmahal ay mabibigay ulit natin ng buong- buo ang puso't sarili natin."
Dagli niyang niyakap ang ina. "Kagigil ka ma. Pang Mel Tiangco s***h Charo Santos ang linyahang yun ah. Thanks ma. I love you."
"Kakanuod ko yan ng MMK at Magpakailanman nak. I love you too." Saka ito umalis sa pagkakayakap sa kanya. "Oh siya, dalian mo't baka ma- traffic ka pa. You need to be in the airport one hour before the flight."
Habang nasa eroplano't pinagmamasdan ang mga ulap ay isang ngiti ang ipininta ni Stefan sa kanyang mga labi. "Mage- enjoy ka sa bakasyon mong ito. After nito version 2.0 ka na. Kakalimutan mo na si Andrei. He's just an old friend na pinaasa't sinaktan ka. Hindi pa kayo mag- jowa pero na- ghost ka na." Saka siya huminga ng malalim.
Pagbaba ng Caticlan Airport ay pumunta sa pier si Stefan. Doon siya sinundo ng isang speed boat. Solo niya ang speed boat. Habang nasa malinis at magandang karagatan ng Boracay ay natanaw na niya ang private hotel ng Shangri- La Boracay. Tama! Shangri- La Boracay lang naman ang five star VIP accomodation niya care of Andrei. Keber na kahit sa lalaki pa galing. Ang mahalaga ay ang quality time niya sa bongga at magandang lugar na iyon.
Nasa tabing dagat ang hotel. Overlooking ang whitesand beach. Langhap sa sariwang hangin ang alat ng dagat. Dinig sa dalampasigan ang bawat paghampas ng alon. Kaunti lang ang mga tao pero halos foreigner at mga alta. Kagyat siyang sinalubong ng hotel staffs. Binigyan ng complimentary drinks. Isang tropical juice na ubod ng sarap. Sa juice palang tila makakalimot na siya.
"Welcome sir Stefan." Bati sa kanya ng gwapong hotelier.
"Thank you." Tugon niya.
"English or Filipino?" Tanong nito.
"Oh well, Filipino nalang. Pinoy naman tayo pareho."
"Sige po sir. Mag- fill up muna po kayo ng forms sa reception sir then hatid ko po kayo sa VIP room ninyo."
"Okay." Nahagip ng paningin niya ang isang Lowchen breed ng aso. Mamahaling breed actually. Nagtatago ito sa isang malaking paso. Napangiti siya.
Sa reception counter nagsulat siya at nagpaliwanag ng hotel rules and amenities ang isa namang babaeng receptionist. Habang nagpapaliwanag ito sa kanya ay isang matangkad, matipuno at gwapong lalaki ang lumapit sa kanila. Tila manager ito ng hotel base sa suot nito.
"Excuse Celine. Excuse me Sir. I know that you are our guest and a VIP one but I really need to talk to Celine, our receptionist. It's an emergency." Saad ng lalaki.
"Sure no problem." He replied.
"Si Sir Hanz po yan Sir. Manager namin dito. Nawawala po kasi ang aso ng isang guest. Marami na ang naghahanap. Pati ang CCTV pinapa- check na. Nagagalit na po yung guest eh. Foreigner pa man din." Bulong sa kanya ng lalaking hotel staff na may dala ng kanyang mga gamit.
"Ah ganon ba." Saka niya binalik ang pansin sa gwapong hotel manager. "Excuse me. Are you looking for the Lowchen dog?" He asked.
"Y-yes. How did you know?" Tanong ni manager.
"It was there." Saka niya tinuro ang malaking paso. "It's hiding behind the big vase."
Agad na lumapit ang manager. Sumunod dito ang isang babaeng British na tila may- ari ng aso. Tila nahimasmasan na ang babae nang makita ang alaga.
"Kaloka. Bakit kasi nagdadala ng aso sa beach? Anong ine- expect niya sa aso niya ma- enjoy ang dagat? Weirdo." Naibulong niya sa sarili.
"May sinasabi po kayo sir?" Tanong sa kanya ng staff.
"Huh? Wala. Ikaw medyo tsismoso ka no?" Biro niya rito saka sila sabay na natawa.
"Excuse me sir." Napalingon siya sa nagsalita. Ito na naman ang manager. "I'm Hanz, the hotel's manager. Thank you very much talaga sir. Si Ms. Walter ay VIP guest din po kaya we can't afford na uminit ng tuluyan ang ulo niya. Thank you for the help talaga sir?"
"Stefan." Saka siya nito kinamayan. Madiin ang ginawang pagtangan nito sa kanyang kamay. Tila nakahanap na siya ng possible prospect habang nasa bakasyon.
"Sir Stefan. Let me be the one to assist you personally. Celine and Bert. Ako na ang bahala kay Sir Stefan. Ako na ang mag- explain sa policies dito sa hotel at ako na rin ang maghahatid sa kanyang room." Saad nito.
"O- okay." Nauutal niyang tugon.
Well- explained naman ang lahat. Pang- VIP talaga ang treatment. Hanggang sa paghahatid sa kanya sa kanyang silid na matatanaw ang ganda ng Boracay.
"By the way Sir Stefan. I'm free tonight. Kung gusto mong may makasamang mag- tour sayo rito sa place here' my calling card." Inabot nga nito ang card sa kanya. "Free of charge po yan. Don't worry kapag gabi simpleng mamamayan lang din ako rito sa Boracay. May kapalitan akong manager. So friendly tour ang kaya kong ibigay sa iyo. Yan ay kung gusto mo lang naman."
Saglit siyang napaisip. "Okay. See you sa lobby at 5pm?"
He smiled at him. Yung parang may kilig. "See you!"
Pagpasok niya sa kwarto. "Kinilig ba siya? Mukhang di ako mahihirapang makahanap ng hot guy dito sa Bora ah." He smirked.
4pm na nang mga oras na iyon. Nag- ayos lang siya ng gamit. Nagpahinga ng saglit. Binuksan ang kanyang phone at saka nagpatugtog. Sumilip sa bintana. He took a deep breath while looking the whitesand beach and the blue water. It was indeed a paradise.
'Cause you're a sky, 'cause you're a sky full of stars
I'm gonna give you my heart
'Cause you're a sky, 'cause you're a sky full of stars
'Cause you light up the path
I don't care, go on and tear me apart
I don't care if you do, ooh
'Cause in a sky, 'cause in a sky full of stars
I think I saw you
'Cause you're a sky, 'cause you're a sky full of stars
I want to die in your arms, oh
'Cause you get lighter the more it gets dark
I'm gonna give you my heart, oh
I don't care, go on and tear me apart
I don't care if you do, oh
'Cause in a sky, 'cause in sky full of stars
I think I see you
I think I see you
'Cause you're a sky, you're a sky full of stars
Such a heavenly view
You're such a heavenly view, yeah, yeah, yeah, yeah
Ngunit may kakaiba sa view na kanyang nakita. Tila si Andrei ang natanaw niyang naglalakad sa buhanginan. Gayunpaman ay parang namalik- mata lamang siya.
"You're here to forget him. Tapos siya pa ang nakikita mo. Kaloka ka. Enjoy this beautiful place Stefan. Enjoy the company of that Hanz na mukhang bet ka. Landi sa Bora! Haha!" He talked to himself.
Bago pa man mag- alas singko ay bumaba na siya sa lobby. The best ang sunset sa Boracay and he shouldn't miss it. Agad naman siyang sinalubong ni Hanz. Naka- polo nalang ito na nakalitaw ang dibdib at isang fitted shorts. Tila babad din sa gym ang lalaki.
"What do you want to do?" Tanong nito.
"Gusto ko na sanang mag- dinner habang pinapanuod ang world famous sunset ng Boracay." He replied.
"Perfect! Meron akong magandang ideya para dyan." Saka siya nito inakbayan. Napatingin nalang siya sa malaking kamay na nakasabit sa kanyang balikat. "Let's go!"
Nang makarating sila sa isang cozy restaurant na bahagi lang din ng hotel ay kaagad siyang nagkomento. "Hindi naman tayo lumayo ah?"
"Sino bang maysabing lalayo tayo? Gusto mo naman akong agad na masolo eh. Dito muna tayo sa hotel. Kailangan mo munang ma- experience ang world class service namin. Isa pa. The best ang food dito at ang view ng sunset. Look!" Saka nito tinuro ang haring araw na papalubog na sa karagatan.
"Wow!" Bulalas niya sa nakita. Totoo nga. Napakaganda ng sunset lalo na sa anggulong kinaroroonan nila.
"Mga VIP na katulad mo lang ang nakakakita niyan. Mamaya pwede mo na akong masolo." Bulong nito saka muling umakbay sa kanya.
May kuryenteng dumaloy sa kanyang katawan. He looked so manly. Hindi niya alam kung binobola't niloloko lang siya nito. Pero infairness, nadadala siya. Kaya naman hindi na niya napigilan pang magtanong.
"Sorry. Paminta ka ba? Are you gay?"
Isang nakaw na halik ang naging tugon nito sa kanya. Nakaw na halik sa papalubog na araw.