Warning!
Not your ordinary Man x Man story.
Sizzling hot! Controversial! Tear jecker! Love-Filled!
ALL Emotions in One Gay Love Story
Chapter 31: Paradise: Moving On
Dagling nilayo ni Stefan ang mga labi kay Hanz. "What are you doing?"
"S- sorry Stefan. I'm really sorry. That was so rude of me. Guest ka pa rin namin. That's just my way of saying yes from your question. And my way of telling that I like you. Nagkamali ba ako? Hindi ba kita katulad?" He felt the sincerity from him. Halos lumuhod na ito sa kanyang harapan.
He sighed. "Tama ka naman. I'm gay. I'm closet gay. But..."
"But what? Hindi mo ako type?"
"Not like that. You are someone na madaling magustuhan. It's just that. I'm not yet ready. Galing ako sa heartbreak." Saka niya ibinaling ang mga mata sa araw na unti- unting nawawala ang liwanag. Kulay dugo ang kalangitan. Parang ang kanyang pusong nagdurugo.
"Sorry to hear that. May I ask? Dahil ba sa ex- boyfriend mo? You know what gago yun. Sinayang ka niya you seems to be..."
Hindi na niya ito pinatapos pa. "Hindi naging kami." Agad niyang tugon.
Then it was a moment of silence. Walang nagsalita hanggang sa tuluyang maglaho ang araw at mapalibutan ang paligid ng dilim ng gabi.
"I just wanna say that gago talaga 'yun. Pinaasa ka lang niya." Si Hanz ang muling bumasag ng katahimikan.
"Umaasa naman ako." He blankly replied.
"Walang aasa kung walang magpapaasa." Sasagot na naman sana siya rito ngunit tinakpan nito ang labi niya ng hintuturo nito. "Pssssh... I don't want to totally ruin your first night here in Boracay. I guess alam ko na ang reason kung bakit ka nagbabakasyon ngayon. Nasira ko na ang sunset dinner mo sana with me dahil sa kung anu-anong ginawa at tinanong ko. Ang mabuti pa kumain na tayo. Wala na 'yung araw oh. Promise sobrang sarap ng food dito."
Napangiti nalang siya. Nakaramdam din ang lalaki. "Okay sure. Let's eat. What do you recommend?"
"Masarap yung Mediterranean cuisines dito. Do you eat kebab?"
"Yup! Protein yun! Good for the muscle!"
Infairness, he really enjoyed the food and Hanz' company. Masarap itong kausap. Bangka sa kwentuhan pero in a good way. Tuwang- tuwa siya sa Bora stories nito. There was no dull moment.
"Thank you for tonight. I am full. Not just with the food na masarap talaga but also with your humor and stories." Saad ni Stefan matapos kumain.
"Para namang you are calling it a day na kaagad? Napagod ka ba sa byahe mo? One hour lang naman from Manila to Aklan ah? Nagsisimula palang ang buhay sa Boracay. You need to experience the night life here... with me." Kumindat pa ito.
"Hahaha! Hindi naman sa pagod pero gusto ko ng magpahinga." He replied with a smile on his face.
"You're here for a vacation. Kailangan mong sulitin yan! Come on!" Tumayo ito at inayang umalis.
"Okay fine. Pero magbayad muna tayo ng bill natin." Umiiling niyang tugon. Ang bilis niyang napapayag.
"It's on me. Bayad na yan pumasok palang tayo rito. May complimentary pass ako rito."
"Kaya naman pala rito ang the best view and food for you eh." He smirked.
"Noooo! Haha! Hindi lang dahil doon. We will not be Shangri-la if hindi the best ang nandito sa amin."
"Wow! Sobrang loyal ni manager." Panunukso niya.
Nagtaas- balikat ito. "I know right. Loyal talaga ako." Lumapit pa ito ng bahagya sa kanya. "Lalo na sa pag- ibig."
"Naku tara na nga. Baka kung saan na naman mapunta ang usapang ito." At nauna na siyang lumabas.
"Wait dito tayo!"
Naglakad sila sa dalampasigan ng isla papunta sa maliwanag at maingay na bahagi. Tama nga ito. Nagsisimula palang ang buhay.
"Maraming bars dito sa Bora. Nandyan ang Aplaya, Paraw, Epic, Exit, Prisma at marami pang iba. Pero sikat ang PubCrawl. Iyon ang susubukan natin ngayon. Tapos sa mga susunod na gabi pwede naman tayong mag- yacht party na mas pinipili ng mga alta." Paliwanag nito nang nasa harap na sila ng PubCrawl.
"Eh parang mga kabataan naman ang pumupunta rito eh. At mga pamintang tulad natin." Komento niya habang pinagmamasdan ang mga tao sa paligid.
"Masaya naman ang energy ng place. Hindi mo na kailangang makipag- mingle pa sa kanila dahil kasama mo naman na ako." Saka ito kumindat. Kinuha nito ang kanyang kamay na ikinabigla niya saka sila nagpunta sa dancefloor.
Oh, never mind, we tried
We loved
We conquered, I won't forget
The taste
Oh, no
I'll never say never again
I'll never say never
I'll never say never again
I'll never say never
I'll never say never again
The music brings me right back
And you know that
And you know that
I got the answers in me
Tell me, tell me, tell me
Like a vision of love
You came, you stood
You blew right through me
I have no regrets
The tears, the hopes
I'll never say never again
I'll never say never
I'll never say never again
I'll never say never
I'll never say never again
The music brings me right back
And you know that
And you know that
I got the answers in me
Tell me, tell me, tell me
Oh, sing my love
Oh, sing my love
Oh, sweet my love
Oh, sweet my love
We've all just gotta be
'Cause answers rarely come easily
We've all just gotta be
Then finally, finally we're free
I'll never say never
I'll never say never again
Oh, sing my love
The music brings me right back
And you know that
And you know that
I got the answers in me
Tell me, tell me, tell me
It's like I hear an angel calling
The music
His last experience partying was good but lead to something cruel after a while. It was his memory with Andrei. Kaya naman nag- aalangan siyang gumalaw at sumayaw na kaagad namang napansin ni Hanz.
"Is there any problem?" Pasigaw na tanong nito dahil kung hindi ay hindi sila magkakarinigan.
"Can we just drink? Or maybe drink first?" Tanong niya rito.
He nodded and they left the bar. They hopped on another which was calmer. Yung bar na inuman lang talaga at walang party- party.
"Sorry kung hinatak kita kanina ah. Cheers?" Saka nito tinaas ang hawak na beer.
"Cheers. That's fine. Hindi lang maganda ang ala- ala ko sa party place. Doon kami nagkakilala. Naging mag- kaaway hanggang sa naging magkaibigan. Doon nagsimulang masira ang friendship namin. Doon niya ako sinimulang paasahin." He sighed while drinking his cold beer. Pilit niyang winawaksi ang mukha ni Andrei sa kanyang gunita habang nagsimulang magkwento tungkol dito kay Hanz.
"Kaya pala naging aloof ka habang sumasayaw ako sa harap mo kanina. I'm really sorry I didn't know." Ito naman ang lumagok ng beer. "Sa Manila palang party peeps na ako. I had a friend their na may- ari ng sikat na bar kaya madalas ako noon doon. Actually kadarating niya lang din dito sa Boracay today. Doon din siya nag- stay sa hotel because he has a VIP access too. Ipakilala kita bukas kung okay lang sayo? He's kind of introvert pero mabait naman 'yon. Gwapo rin pero nauna na kita bakuran." Then he winked again.
"Bakuran? Wow ah!" Natatawang tugon ni Stefan.
"Straight 'yon kaya walang chance at may asawa na. But enough of him. Magkwento ka pa Stefan. Ang dami kong nakwento sayo kanina. Nasimulan mo ng mag- open up ngayon about dun sa guy. Pwede mong ituloy o magkwento ng iba if you want. Nandito lang ako makikinig sayo."
Napangiti nalang si Stefan. Kung hindi siguro siya galing sa heartbreak baka na- fall na siya kaagad kay Hanz. Ganito yung lalaki hinahanap niya. Masarap kausap. Handang makinig. Naiintindihan siya. Plus points na ang gwapo at macho ito at may stable at magandang trabaho.
"Ayoko na siyang pag- usapan pa. Gusto ko at the end of my vacation ay handa na akong mag- move on. Please help me with that. Pwede bang about work, family and friends nalang ang i-kwento ko?"
Then it was a long night. Siya naman ang nagkwento rito tungkol sa kanyang personal na buhay while skipping all about Andrei. Mas lumapit at gumaan pa ang loob niya kay Hanz. Nakarami rin sila ng beer. Gumegewang na silang bumalik ng hotel.
"Hahatid mo ba ako sa room ko?" Tanong niya rito.
"Oo naman."
"Wag mo akong hahalikan at pagsasamantalahan ang kahinaan ko ah. Ganoon ako pinaasa ng gagong yun eh." He said in a very drunk tone.
"Sure. I'll never do that to you."
Hinatid nga siya nito sa hanggang sa kanyang silid. Tinulungan siyang magtimpla ng kape at magpalit ng suot na damit. He was really wasted but thanks to Hanz dahil nakauwi siya ng maayos at makakatulog siya ng matiwasay. First day and first night in Boracay was a blast.
"Goodnight Stefan. See you tomorrow." Bulong nito bago lumabas ng kanyang kwarto.
"Goodnight... Andrei..."
Kinabukasan ay mag- isang nag- almusal si Stefan. Naglakad- lakad din siya sa dalampasigan. Sabay sa bawat agos na himahampas sa kanyang mga paa ang pagtapon sa masasayang ala- ala nila ni Andrei.
Nang makalayo ng kaunti ay napagdesisyunan niyang maligo sa malinis na tubig ng dagat upang maalis ang kanyang hangover. Hinubad niya ang suot na damit at shorts. Naka- brief na lamang siya. Walang pakialam kahit sinong makakita, nasa beach naman siya. Isa pa, pinaghirapan niya ang katawang iyon para hindi i- display. Lumangoy siya hanggang sa abot na sa leeg ang tubig. Nang aahon na siya ay may lalaking papalapit sa kanya. Basa rin ang katawan nito at nakasuot din ito ng brief. Infairness, ang ganda rin ng katawan nito.
"Good morning Stefan. Pampawala ng amats swim?" Si Hanz pala.
Napalunok siya bago sumagot. "Good morning Hanz. Yeah. Ikaw din?"
"Yup. Pinuntahan kita sa room mo wala ka na pala. Natanaw kita rito swimming all alone kaya sumunod na ako. Can I join?"
"Sure. No problem."
Saka sila sabay na lumangoy.
"I need to go to work. Magkita nalang tayo mamayang hapon. I- meet mo na yung friend kong sinabi ko sayo." Saad nito matapos silang maligo.
"Okay sige." Matipid niyang tugon.
"By the way, what's your activity for today?" Tanong nito.
"Actually wala. Balak ko lang matulog at mag sun bathing today. Kumain din siguro. Sa mga susunod na araw ako may scheduled activities." He answered.
"Okay lang yan. Chill start of your vacation. Enjoy huh? See you later."
Maghapon nag- "me" time si Stefan. Kumain ng mag- isa. Nag- swimming ng mag- isa. He enjoyed every moment kahit mag- isa lang siya. It's a reminder na kahit mag- isa lang siya ay kaya niyang maging masaya. Hindi niya kailangan ng boyfriend o Andrei sa buhay niya para ma- appreciate ang buhay.
Nang pabalik na siya sa hotel ay bumili siya ng fresh buko juice. "Cheers self. You're doing just fine. No more Andrei." Then he smiled purely with happiness.
But speaking of Andrei, laking gulat niya nang makitang papasok ito sa hotel. Lumingon siya sa iba dahil baka namamalik- mata lang siya.
"I am just imagining things. Wala siya rito." Saka niya binalik ang tingin kinaroroonan nito. Unfortunately, nakatayo talaga ang lalaki sa hagdan papasok sa hotel. May kausap ito sa phone. "s**t! Nandito nga siya. Sa dami ng panahon na pupunta siya rito, ngayon pa talaga? Paano ako makakapag- move on nito? Bwisit ka talaga sa buhay ko Andrei eh!"
Hindi na muna siya tumuloy. Nagtago siya sa grupo ng mga tao malapit sa dalampasigan. Nang pumasok ito nang tuluyan sa loob ay nagpalipas muna siya ng ilang minuto. Baka magkita kasi sila lobby o kaya sa hallway ng hotel. Naisipan niyang tawagan muna ang ina.
"Hello ma."
"Hello nak! Kumusta na ang Boracay? Nakapag- jerjeran na ba kayo nung Hanz? Naku nak ah proteksyon bago umaksyon!" Bungad ng ina. Naikwento na kasi niya ang lalaki sa ina nang tumawag siya noong umaga.
"Ma naman. May problema ko." Saka siya napakamot ng ulo.
"Anong problema nak? Kulang ba ang napadala kong brief sayo? Two days ka palang naman dyan ah? May sumugod bang pating? May nakaaway kang foreigner?" Sunud- sunod na ang tanong nito.
"Ma naman eh. Hindi ganon. Si Andrei nandito sa hotel. Nandito rin siya sa Boracay." Pagtatapat niya.
"Ano?! Anak ng tokwa naman oh! Anong nangyari? Nag- usap ba kayo?"
"Syempre hindi. Umiwas ako." Napabuntong- hininga siya.
"Nak hindi mo siya kailangang iwasan. Hindi kailangang masira ang bakasyon mo dahil nandyan siya. Hindi mo na dapat hayaang ma- ruined niya ang buhay mo. Not this time. Not anymore. Confront him kung kinakailangan. Ilabas mo lahat. Maybe that's the sign kung bakit hinayaan ng destiny na magkasama kayo ulit dyan. Kailangan ng closure. Kailangang ma- vent out mo sa kanya lahat. Para pagbalik mo rito mas okay ka na. Okay ba yun nak? Are you listening to me?"
Napatulala nalang siya. Then he realized na baka tama nga ang kanyang ina. Kailangang mag- usap na sila ni Andrei. Hindi niya ito kailangang iwasan. Wala siyang kasalanan dito. He's here for a well- deserved vacation and to forget him.
"Yes ma. Thank you po. Ingat ka lagi dyan. I love you."
Pagpasok niya ng hotel ay hindi naman na sila nagkita. Nagbihis siya dahil magkikita na sila ni Hanz at ng kaibigan nito. Pagbaba sa lobby ay halos hindi humakbang ang kanyang mga paa. Pero tinatagan niya ang kanyang loob. Kasama ni Hanz si Andrei.