Chapter 38

957 Words
Warning! Not your ordinary Man x Man story. Sizzling hot! Controversial! Tear jecker! Love-Filled! ALL Emotions in One Gay Love Story! Chapter 38: Internet Sensation: Happenings in Manila Habang nasa Boracay at nasa simula palang sina Stefan at Andrei ng kanilang "date". Hindi nila alam na marami na ang nagaganap sa Manila at sa social media. 2014 palang naman. f*******: at Youtube ang maingay sa mga social media sites and apps. Habang binubuo nila ang kanilang pag- iibigan ay nabubuo na rin ang mas marami pang pagsubok na kahaharapin nila pagbalik sa realidad. Said all I want from you Is to see you tomorrow And every tomorrow Maybe you'll let me borrow, your heart And is it too much to ask for every Sunday? An while we're at it throw in every other day to start I know people make promises all the time Then they turn right around and break them When someone cuts your heart open with a knife and you're bleeding But I could be that guy to heal it over time And I won't stop until you believe it 'Cause baby you're worth it So don't act like it's a bad thing to fall in love with me "Oh my God." Napatakip nalang ng bibig si Aleya nang makita ang viral video ng kuya niyang si Andrei sa internet. Agad siyang humangos patungo sa kwarto ng ina. "Mom! Look!" "Ano 'to?" Tanong nito nang iabot niya ang phone dito. "Si kuya mom. Panuorin mo." Pinanuod nga nito ang video ni Andrei na inaawitan ang kapwa lalaki at tila sinusuyo ito. Isa sa mga tao sa isla ang nag- post ng video na kaagad namang nag- viral. "A- anong ibig sabihin nito?" Naguguluhang tanong ng ina. "Parang may something kay kuya at dun sa guy." Tugon niya. "Something? What do you mean?" "Mom naman. He seems to be apologizing to the guy and he seems to be..." napahinto siya. "He seems to like or love him. Parang magtatapat siya ng pag- ibig." "Oo alam ko Aleya. Pero bakit? Hindi naman bakla ang kuya mo. May mga napapansin ako sa kanya lalo na noong bata pa siya. May similarities sila ng Tito Amadeo mo pero I never confirmed it. Hindi naman siya nagtapat sa akin. Never siyang nagsabi na may karelasyon siyang lalaki o nagkagusto man lang siya sa lalaki. Ako 'yung mother ninyo. Kailangang kilala ko kayo. Though..." hindi nito natapos ang sasabihin. "Though ano mom?" "Though yun nga parang may mali sa kuya mo noong lumalaki siya. I confronted him pero hindi naman siya umaamin. At ayun na nga hindi naman siya gumawa ng kalokohan na nakipagrelasyon sa kapwa niya lalaki noon." "Baka tama yung hinala mo mom. Baka nga gay si kuya. He just hide it all this years to us, to dad and even you." Kahit siya'y naguguluhan na rin. Kilala naman niya ang kuya Andrei niya. Sa katunayan ay close sila. Pero kahit minsan ay wala itong nabanggit sa kanya about his sexuality and gender preference. Walang anu- ano ay bigla bumukas ang pinto. Iniluwa noon ang kanyang amang si Antonio. "Someone texted me to check on the internet! Bakit nasa Boracay si Andrei? At anong ibig sabihin ng video na 'yon?!" Galit na tanong nito. "We don't know dad. Maybe it's just a skit or something. Anything can be posted in the internet." Siya na ang sumagot. "Tama si Aleya. Kumalma ka nga Antonio!" Dugtong naman ng ina. "Siguraduhin niyo lang yan Amanda! Ikaw ang ina ni Andrei! Dapat alam mo kung bakla ang anak mo! Para noon pa sana natuwid ko na siya! Ito ang tandaan ninyo! Sa oras na bigyan na naman niya ng kahihiyan ang pamilya Fabregas sa pamilya Valenzuela at sa buong Pilipinas, sisiguraduhin kong sa kangkungan siya pupulutin! Itatakwil ko na siya ng tuluyan. Walang matitira sa kanya. Maghihirap siya hanggang sa kanyang huling hininga!" .......... Sa kabilang banda ay ikinabigla naman ni Stella, ang ina ni Stefan ang pagbisita nila Hazel at Chester. "Oh mga anak. Anong ginagawa niyo rito? Hindi man lang kayo nagsabi na bibisita kayo edi sana ay nakapagluto ako. Tsaka wala rito si Stefan. Nasa Boracay pa siya." Saad niyang nang papasukin ang dalawa sa bahay. "Naku tita ayun na nga po ang tatanungin namin kung nasa Boracay pa nga ba si Stef. Pero nasagot niyo naman na po. Ang susunod po naming tanong ay kung napanuod niyo ba po ba?" Paliwanag at tanong ni Hazel. "Napanuod?" Nagtataka niyang tanong. "Mukhang hindi pa alam ni tita." Bulong ni Chester. "Ano yung dapat kong malaman?" Saka iniabot ni Hazel ang phone nito. "Panuorin niyo po tita." Pinanuod nga niya ang viral video ni Stefan at Andrei. Halos maiyak siya habang nanunuod. "Aaaaaah!" Sabay- sabay silang napatili matapos ang video. "So may chance na maging sila Stefan at Andrei na?" Halos mapalundag siya habang nagtatanong. "Opo tita. Baka magpabalik nga ng mga yun ay okay na sila at mag- jowa na sila." Tugon ni Hazel. "Aaaaaah!" Saka biglang may kumatok sa pinto. "Badtrip naman yung kumakatok. Wait lang mga anak huh?" Binuksan niya muna ang pinto. Laging gulat niya sa nakita. "Rodrigo?" Mabilis na kumabog ang kanyang dibdib. Kumulo rin ang kanyang dugo. Si Rodrigo ang ama ni Stefan na nang- iwan sa kanila noong bata palang ito. "Ako nga Stella." Tugon nito. "Umalis ka na. Hindi ka welcome dito." Saka niya akmang isasara ang pinto ngunit pinigilan nito. "Gusto ko lang namang makilala ang anak ko." "Pwede ba Rodrigo. Hindi ka na niya gustong makilala pa. Masaya na kami. Hindi ko nga pinagamit ang apelyido mo sa kanya eh. Hindi ka na niya kailangang makilala pa." "Parang awa mo na Stella. May sakit. I have AIDS. Malapit na akong mamatay."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD