TMT - 6 : Strict Parents

1194 Words
“WHAT’S the plan? Hindi tayo pinayagan nila Mommy at Daddy na magkaroon ng vacation. Argh!” Sinabunutan ko ang sarili ko at naupo sa isang bench sa loob ng unibersidad namin. Malapit ito sa mismong bukana ng school kung saan pailan-ilang estudyante na ang pumapasok. Maaga kaming umalis ni Sere ng bahay, gusto sana naming makausap ang ilan sa aming kaibigan bago pumasok sa klase namin. “Sere, hindi ba't mamaya pang eleven thirty ang unang klase mo?” I asked him. Naupo siya sa tabi ko habang magkaekis ang braso sa dibdib at nasa magkabilang tenga ang bluetooth headphone nito. Mukhang hindi niya ako narinig kaya naman tinapik ko siya sa balikat. “What is that?” iritable nitong tanong. Inalis niya sa pagkakasuot ang headphone niya at ikinawit sa leeg. “What?” He took a deep sigh and looked straight to the entrance of our university. “Why did you come with me this early morning? You don't have any class schedule this hour.” “I just want to check Stout,” he replied me. Matagal nang may gusto si Sere kay Stout pero alam naman naming lahat na walang gusto si Stout sa kapatid ko. Kaibigan lang ang turing nito sa kaniya. Sere keeps on showing Stout his consistency of courting her. Kahit na ang sundan ito sa modeling career ay ginawa na ni Sere. I can't believe it, nakuha niyang magising nang maaga para lang makitang papasok si Stout. “What will you get of what you're doing? It won't benefits you.” Seryoso siyang tumingin sa akin at tumikhim. “You don't know, you never been in love.” Pimikit siya bago muling ibinalik sa tenga ang headphone at sumandal sa backrest ng bench kung saan kami nakaupo. Hindi ko na siya kinulit pa at tumingin na lamang sa entrance. “Hi Seki, Hi Sere,” bati ng isang babaeng hindi ko maalala kung kilala ko ba o hindi, ngunit ganoon pa man hindi na bago sa akin. Myembro kami ni Sere ng magkaibang varsity club ng school namin, Sere was a basketball varsity member and I am with swimmimg varsity club, kaya naman hindi na bago kung may makakilala man sa amin o bumati. “Um, can I take a picture with the both of you?” tanong pa nito matapos na hindi umalis sa harapan namin ni Sere. Nakapikit si Sere at hindi kumikibo kaya naman ako na lamang ang tumango at tumayo upang pagbigyan ang babae. “I don't think my brother can do you a favor," I said. Tumango na lamang ito at kumuha ng larawan kasama ako. Nang matapos ay nagpasalamat ito at umalis. “Ayan na si Stout.” Tumayo ako upang salubungin si Stout sa paglalakad kasama si Stravens. “Good morning,” bati ko sa kanilang dalawa. Tumingin ako kay Stravens. He is Stravens Gustamante, anak ni Tito Jerand at Tita Fayn, parehong partners ni Daddy sa underground world. Pinsan namin si Stravens sa side ni Mommy, dahil magpinsan sila ni Tito Jerand. “Good morning,” ganting bati ni Stout at ngumiti. “I heard what happened, nakaalis na pala si Zeus. Anong plano natin? We need to talk about it together with The Mafia Teens,” wika ni Stravens. Madalas itong kasabay ni Stout, dahil iisang course lang naman ang pinapasukan nila at sa pagkakaalam ko ay magkaklase sila ngayong taon. Mukhang nasabi na rin ni Stout kay Stravens ang naging pag-uusap namin kahapon sa bahay nila Dwight. “Yeah, but not here.” Tumingin ako kay Sere na nagsalita mula sa likuran namin. “Yeah, tama siya. I'm still working about the plan, this case is not a joke. We only have one month.” Nagsimula kaming maglakad upang magtungo sa garden ng school namin. Binansagan ang lugar na iyon bilang Green Labyrinth, dahil sa isang maze na nasa gitnang bahagi nito. The walls are made up of vertical hedges and everything what you can see inside were green. Sa labas ng labyrinth na iyon ay may nakapaikot na mga mesa at upuan, kung saan madalas na pinagtatambayan ng mga estudyante katulad namin. Ang dulong bahagi no'n ay ang siyang pinakalugar at tambayan naming magkakaibigan. “Kasama ni Zeus si Coco at Dwight?” Tanong ni Stravens. Magkakasabay kaming naupo sa batong upuan na nakapalibot sa isang bilog na konkretong lamesa. Sa gitna ng lamesa ay nakatayo ang isang payong na gawa rin sa simento. Inilapag ni Stout ang dalang bag sa mesa, kinuha nito ang cellphone doon at nagsimulang kalikutin ito. “Magkakasama nga sila, hindi kami nakasama ni Sere. Malabong payagan kami ni Dad, maging sa pagpunta sa auction kung talagang gaganapin ito next week,” I told them and sighed. Tila wala namang problema si Sere dahil simula nang maupo kami dito ay pumikit lang siya ulit at nakinig sa sounds ng kaniyang headphone. “Gagawan natin ng paraan iyan.” Sandaling mag-isip si Stravens. “I'll tell Mom and Dad, we will have an overnight hang out—” “No, don't tell hang out. Dad is so strict,” I said that cut him off talking. “We will have thesis?” “Seriously?” Natawa si Stout. “I don't get why our parents were too strict. We are not a high school students anymore,” dugtong niya. The way she speaks makes me believe we are living with the same situations. “Magagawan din natin ng paraan iyan, tulad ng mga ginagawa nating hang outs underground without our parents consents before, right?” wika ni Stravens na nakapagpangiti sa amin ni Stout. Naalala namin ang mga kalokohang ginagawa namin noon, simula mabuo ang Mafia Teens. Binuo ko ang grupo last two years ago, kung saan magkakasama kaming nag-aaral sa isang school noong high school at nagsimulang gumawa ng mga kalokohan nang hindi nalalaman ng mga magulang namin, we are joining underground bidding, small transactions and etc, ngunit simula nang pumasok kami sa kolehiyo ay hindi na naulit pa ang mga ito dahil ang ilan sa kaibigan namin ay nagsimulang pumasok sa ibang school, katulad na lamang ni Coco na siyang naiwan sa high school dahil bata nasa labing anim na taong gulang pa lamang ito. Isa pa, si Daphnise na nagsimulang mag-aral sa ibang bansa ng magkolehiyo. “Aright this is the plan, pagkauwing-pagkauwi ni Zeus ay mag-o-overnight tayo kila Stravens para mapag-usapan ang magiging plano. I'm sure the auction will held at night as usual underground auction, if that's the case pwede kaming makatakas ni Sere sa bahay.” Natawa ako sa naisip. This is what we are usually doing before. “Anyway,” wika ni Stravens, hinubad nito ang suot na bag at may kung anong kinuha mula roon. “I made a research last night about the missing painting. Actually, kagabi pa nasabi ni Stout sa akin ang tungkol sa nangyari.” Inilapag ni Stravens ang ilang bond paper sa lamesa. “Hindi siguro alam ni Zeus ang totoong dahilan king bakit mahalaga ang paintings na ito bukod sa mahal at sa materyales na ginamit dito.” “Then what?” I asked. Kinuha ko ang mga bond paper sa dami nang nakasulat ay tinamad akong basahin kaha naman ibinalik ko sa lamesa. “Sabihin mo nalang.” Mahina akong tumawa. “It's because this paintings has a deepest secret on it's back.” Kunot-noo kaming nakatingin ni Stout sa kaniya. “What is the hidden secret?” “The painting has the treasure.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD