TMT - 7 : Auction's Information

2263 Words
MATAPOS ang huli kong klase ay hindi na ako nagdalawang isip pang kaagad na lumabas ng room. Bitbit ang bag ko ay naglakad ako sa hallway nang nakasuot ang magkabilang palad sa bulsa ng slacks ko. Hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin ang sinabi ni Stravens kanina, maging ako man ay hindi inakalang may ganoong tinatago ang painting na iyon. There is a hidden treasure on the back of the painting but, no one hasn't find where and what is it. Habang nasa klase ay binasa ko ang iniabot na mga papel ni Stravens. Isang kakaibang mapa ang nasa likod ng painting at ilang mga solving riddles. Habang nag-iisip ay hindi ko namalayang may nakabangga na akong babae. Napaupo siya sa sahig habang ako naman ay bahagyang napausog. Tumilapon ang mga hawak niyang libro sa sahig maging ang makapal niyang salamin sa mata. “I'm sorry!” Kaagad ko siyang tinulungang tumayo at isa-isang pinulot ang mga libro niyang nagkalat sa sahig, maging ang eye glass niya. Nang mapulot kong lahat ay dumiretso ako ng tayo at iniabot sa kaniya ang mga ito. Isinuot niya ang salamin sa mata na may makapal na grado, nakalugay ang mahaba at straight niyang buhok. Hindi siya katangkaran ngunit tila tuod na hindi marunong magsalita. Hindi siya sumagot, kaagad na lamang siyang tumalikod at naglakad nang mabagal. Kumunot ang noo ko habang pinapanood siya sa paglalakad. She didn't say ‘thank you’ but, anyway it's okay. It doesn't matter. “Ang weird talaga ng mga babae,” I mouthed. Tumingin ako sa suot kong relo, maaga pa naman kaya naisipan kong magtungo sa court 1 ng school, doon ay paniguradong naglalaro ng basketball si Sere upang mag-ensayo. Ang grupo niya ang inilalaban ng university namin sa iba't ibang schools basketball tournament. Kabilang sa Falcon basketball team si Stravens. Nang makarating ako doon ay hindi nga ako nagkamali, magkasama si Sere at Stravens na naglalaro sa court kasama ang ilan pa nilang kasamahan sa varsity. They were practicing and yet a tons of girls are patiently watching them under the sunlight from the uncovered sides of the court. Nakasara ang gate ng court kaya naman walang kung sino ang nakapapasok sa loob kundi ang ilang professors lamang maging ang grupo ni Sere na naglalaro. Napakamot ako sa batok ko at tumayo sa isang gilid upang manood. Napatingin ako sa katabi kong babae na diretsong nakatayo habang walang dalang payong at titig na titig sa loob ng court. Kung hindi ako nagkakamali ay sa kapatid ko siya nakatingin. May hawak siyang isang pulang paper bag at isang puting hand towel habang sinusundan ng mga mata niya si Sere na paikot-ikot sa loob ng court. “Do you want me to give it to my brother?” I asked looking at her worried. Well, I'm trying to help. Sandali siyang tumingin sa akin bago patakbong umalis. Dahil sa ginawa niya ay natawa na lamang ako. Lagpas na ang valentines pero may iilang babae pa rin ang gustong magbigay ng kung ano-ano sa kapatid ko. Nag-vibrate ang cellphone ko na nasa loob ng kanan kong bulsa kaya naman agad ko itong kinuha. I received a text from my mom. Mom: We might go home late tonight. Be safe home Seki, take care of your brother. Naalala kong inaya ni Dad si Mommy ngayon, at alam kong ang late night na sinasabi nila ay paniguradong super late na nang gabi. Kaya naman may naisip akong kung ano. Bumalik ako sa panonood, mukhang sakto naman ang pagrating ko dito dahil kaagad ding natapos ang paglalaro nila Sere. Maluwag na binuksan ang gate ng court kaya naman nagmamadali akong pumasok. Ang ilang manonood kanina ay nagsialisan na, ngunit may ilan naman na nagsilapit sa ilang myembro ng team ni Sere. “Sere, wala kana bang klase?” tanong ko sa kaniya. Isang babae ang lumapit sa kaniya at nag-abot ng tubig, hindi naman na tumanggi si Sere at kinuha ito. Matapos uminom ay tumayo siya mula sa pagkakaupo sa makinis na sahig ng covered court. “Wala na,” maiksi nitong tugon, “Why?” “Let's go to Stravens’ house.” “Why? Dad won't allow us. I don't like.” Nagsimulang maglakad si Sere papasok sa locker room sa likod ng court upang magpalit ng damit. Ngunit hindi pa man kami nakapapasok sa loob nang harangin kami ng apat na lalaking hindi nalalayo ang taas sa amin ni Sere. “Don't block my way,” Sere told them with his cold tone. “What do you want?” I asked, kilala ko ang isa sa lalaking nakatayo sa harapan namin. Miyembro siya ng Martial Art Club. Apat na lalaking nagsisiga-sigaan sa aming university, matagal ko nang naririnig ang grupo nila, they are from senior students of Class A, but I don't care about them. “Seki!” Lumapit si Stout sa amin habang nakatingin sa apat na lalaking nakatayo sa harap namin ni Sere. “Fvck!” mura nito nang makita ang ginawa ni Sere sa hawak na bote ng tubig. Natawa ako sa ginawang pagtapon ni Sere ng tubig sa sapatos ng lalaking nasa harapan namin. I didn't expect him to do that action but it makes me laugh. “Sorry,” maiksing sagot ni Sere at tinabig ang balikat ng isang lalaki matapos ay dire-diretsong pumasok sa locker room nito. Taas noo akong humarap sa apat na lalaking nasa harapan ko at ngumisi. Ang nasa unahan lalaki na kaharap ko ay iritableng ngumisi at tumingin kay Stout. Ikinuyom nito ang kamao at tumingin sa akin nang seryoso. “Seki, I have to tell you something. Nakita mo ba si Stravens?” tanong ni Stout at hinatak ako papasok sa locker room kung saan pumasok si Sere. Alam kong ginawa lang ‘yon ni Stout para ilayo ako sa mainit na tingin ng apat na lalaking iyon. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Stout nang tuluyang makapasok kami sa locker room, lumapit pa siya sa may pintuan at isinara ito. Nang tuluyang maisara ay nagulat siya sa sunod na nakita nang humarap siya sa loob ng silid. Ganoon na lamang din ang gulat ko nang makitang puro lalaki ang nasa loob nito kasama si Stravens na nakahubo at tanging ang puting tuwalya lamang ang nakatakip sa pang-ibaba nito. Dali-dali kong hinatak si Stout na mabilis na nagtakip ng mga mata. Nang makarating kaming muli sa labas ay wala na ang apat na lalaking humarang sa amin ni Sere kanina. “s**t!” mariing mura ni Stout at yumuko sa sahig habang nakatakip ng mga palad ang kaniyang mukha. “It's kinda embarrassing! Argh!” dugtong nito. Humarap siya sa akin nang nakapangalumbaba, tumayo siya at tumalikod. “Nakakahiya, nakakahiya!” “Thank God hindi si Sere ang nakakita sa‘yo sa loob. Paniguradong magagalit ‘yon.” Pinigilan kong matawa nang maalala ang nangyari. “Alam ko, pero mas nakakahiya kay Stravens.” Humarap siya sa akin. “Samahan mo na nga lang akong kumain. I haven't eat a lunch yet." *** “I THOUGHT you will be home late, Mom?” Malalim akong bumuntong hininga at pabagsak na naupo sa couch. Paalis na sana kami ni Sere papunta sa bahay nila Stravens nang dumating ang parents namin. Hindi ko akalaing ganito kaaga ang sinabi nilang ‘late’ na uwi. Halos ala siete pa lamang ng gabi. Aish! “Are you disappointed we went home early? Do you want us to go out again?” sarkastikong tanong ni Daddy na nakapagpakamot na lamang sa batok ko. Kinuha ni Mommy ang suot nitong coat at naunang maglakad paupo sa single couch na nasa harapan ko. “Hindi po, wala pa kasing hapunan. I thought you will go home late, that's why Sere didn't cook our dinner.” “Yeah, we planned to buy our foods only,” dugtong ni Sere sa sinabi ko. Lumapit sa kaniya si Mom at yumakap, isa-isa niya kaming hinalikan sa pisngi. Gumanti kami ng halik maging kay Dad. “Kumain na kami ng Daddy niyo, sandali at ako na ang magluluto ng hapunan niyo,” wika ni Mom bago inaya si Daddy na umakyat upang magpalit ng damit. Naiwan kami ni Sere sa living are na tanging buntong hininga ang ginawa. “Sa susunod na nga lang, wala pa rin namang balita sila Zeus sa Cebu.” Sumandal ako sa backrest ng couch. Nahagip ng mga mata ko ang papasok na si Daphnise sa loob ng bahay. Mukhang lumabas ito ng bahay upang mag-shopping dahil sa dami ng mga paper bag na dala nito ngayon habang malapad ang mga ngiti sa labi. “Good evening,” bati nito at inilapag sa center table ang mga paper bag nang pinamili. “Marami akong binili para sa inyo si Sere, tignan niyo.” Umupo siya sa tabi ko at kinalikot ang cellphone. Sinimulang tignan ni Sere ang lahat ng mga paper bag. “Oh I like it, this is limited edition. I never been to the mall this past few week since i'm too busy at school. Thank you Daph.” “Welcome,” maiksing sagot ni Daph habang abala pa rin sa ginagawa sa cellphone. “Kamusta raw si Zeus—I mean sila Dwight, Coco at si Zeus. What I mean is ‘sila’.” Mapait na ngumiti si Daph nang tumingin kami ni Sere sa kaniya dahil sa mahaba niyang eksplenasyon. Sandali siyang huminto sa pagta-type sa cellphone para magpaliwanag, nang matapos ang sinabi ay namula ang kaniyang pisngi matapos ay bumalik ulit sa ginagawa sa cellphone niya. Girls are confusing, completely confusing... Yeah! “I don't want to pressure Zeus, hihintayin ko nalang sigurong siya mismo ang magsabi sa akin kung mayroon man silang malaman.” Sinabayan ko na si Sere sa paghahalungkat sa mga paper bag na dala ni Daphnise. Puro panlalaking T-shirt at boy's stuff ang mga pinamili niya, napahinto ako nang makuha ang isang babasaging tumbler. Mukhang customized ang print nito dahil sa isang letter na nakaguhit doon. Letter Z ito't kulay asul, may ilang kidlat pang-design at isang stick man na nakaupo sa letter Z. “Ano ‘to? Customized tumblr? Para sa akin ba ‘to—” Naputol ako sa sasabihin ko nang hatakin ni Daphnise ang tumbler mula sa mga kamay ko. “H-hindi iyan sa‘yo!” malakas na boses niyang sambit at pinanliitan ako ng nga mata. “Your initial is S, insane.” Mahina akong tumawa. “Baka lang naman nagkamali ka from S to Z.” Itinupi ko ang mga damit na nakuha ko sa mga ipinamili niya. “You bought so many stuffs, anong meron?” “I'm bored, pumasok kayo ni Sere. Umalis sila Tito, so what do you expect me to do bein home alone?” Marahan niyang ibinalik sa paper bag ang tumbler na kinuha sa akin. I'm curious about that tumbler but, ayokong maging mausisa at pakialamero. Maybe to her someone’s special. “What's the plan?” tanong niya nang maibalik sa paper bag ang tumbler at niyakap na ito. Luminga-linga muna ako sa paligid, upang tignan kung may makaririnig man ng mga sasabihin ko sa kanila. I have to make sure that no one will know Zeus' problem. “Wala pa so far, aantayin namin sila Zeus na makauwi dito sa Manila bago bumuo ng plano.” “Bakit hindi natin sila sundan?” mahinang boses na tanong ni Daph at luminga-linga sa amin ni Sere. “What do you think guys?” “Impossible, our parents won't allow us,” Sere replied her. “Would not be impossible if I will ask Uncle Servi. Hmp?” Nagtatanong ang mga mata siyang tumingin sa akin. Napaisip ako dahil sa sinabi niya, hindi ako suwail o sinungaling but... I think, we can use Daphnise closeness to my parents. “Possible, b-but how?” “Let me handle it.” Ngumisi si Daph at kumindat sa akin. “Akyat na ako, kung may balak ka mang planuhin gagawa ako ng group message online. Doon na lamang tayo mag-usap-usap.” Tumayo siya at naglakad paalis. “Pero para kanino nga iyang tumbler na ‘yan?” pangungulit ko sa kaniya. “Whatever!” Iritable siyang nag-irap sa akin ng tingin matapos ay tuluyan kaming iniwan ni Sere. “We only have one friend that name starts with letter Z,” wika ni Sere nang makaakyat si Daph. I know who is he talking about. “Do you want me to drop his name?” I laughed. “Everyone knows him of course!” Tumayo ako bibit ang mga gamit na binili sa amin ni Daphnise, mukhang kami lang ni Sere at ni Mr. Z ang binilhan niya ng kung ano-ano pero wala ang para sa kaniyang sarili. Well I understand, Daphnise is not the type of girl who go for a shopping to kill boredness. Nang makarating ako sa kwarto ay inilapag ko sa kama ang mga dala kong gamit. Pabagsak akong humiga habang sapo ng dalawa kong braso ang aking uluhan. Ano kaya ang susunod na mangyayari? Hanggang ngayon ay wala pa rin kaming nakukuhang impormasyon sa auction. I wonder if we can find the painting only in one month. But, we have to. Napaupo ako sa kama nang marinig kong tumunong ang cellphone ko, kasabay ng pag-vibrate nito. Marahan ko itong kinuha sa bulsa at kaagad na sinagot nang makitang si Zeus ang tumatawag. “Zeus? How is it?” Lumapit ako sa pintuan at siniguradong naka-lock ang pintuan. “Seki, I got the answer!” he said that made me smile. “The first auction here in Cebu will not going to held next week.” “Then when?” “On Wednesday.” Napahinto ako at sandaling nag-isip, today is Monday. Fvck! We only have one day preparation. “Anong oras at saan?” I asked. “Wedneaday, Lacquita Hotel, at one o' clock in the morning.” “Zeus! You’re kidding?” tanong ko, ‘wag niya sabihing seryoso siya sa bagay na iyan? Kung ala una ng madaling araw kinakailangan na naming mag-usap ngayon at magtungo kila Stavens. “I'm serious.” Darn! We only have one day left.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD