Pumasok ang sasakyang kinalululanan ni Einna sa isang magarang bahay na may malawak na bakuran. Malaki din naman ang bahay ni Theo, pero di hamak na maganda at makabagong disenyo ang bahay ng mga Albano. Bumaba siya mula sa sasakyan at iginiya siya ng isang katulong papasok sa loob ng kabahayan. Doon ay nakatayo at tila naghihintay sa kanya ang mag-asawang Ezekiel at Hannah. "Zac!" Patakbo siyang lumapit sa ginang at mabilis na kinuha ang anak. "Bakit niyo ho siya kinuha? Ligtas naman siya sa bahay ni Theo, hindi niyo na siya dapat dinala dito." "Wala siyang kasama doon kung hindi mga katulong," sagot ng ama ni Renzo. "Dumito muna kayo habang isinasagawa ang imbestigasyon sa nangyari kanina. It wasn't clear if Hazel had something to do with it." "Ang anak ko, Zek... Kumusta si Renzo sa

