Where do you think you're going?" "Leave me alone!" Lumakad siya palabas para bumalik sa opisina niya. Mainit din ang ulo niya kay Theo kaya hindi niya ito gustong kausapin. Bago naman niya ma-lock ang pinto ng silid niya ay nakasunod na si Renzo na kaagad iniharang ang katawan. Sa loob ng silid ay hindi muna ito nagsalita. Kung ano ang iniisip nito ay hindi niya tiyak. "You hid our child from me all this time..." wika nito matapos ang mahabang patlang. "Anak ko, Renzo. Huwag mong kalimutan na itinaboy mo 'ko sa buhay mo noong mga panahon na wala akong makapitan!" "Alam ko kung anong pagkakamaling nagawa ko sa 'yo. And I'm begging for forgiveness for all the mistakes I've done." "Forgiveness..." Pinahid niya ang luha sa mata saka sinalubong ang mga mata nito. "Mabubura ba ng pagh

