Maagang gumising si Einna kinabukasan dahil kailangan niyang makalaro muna ang anak niya bago pumasok. Maaga silang natulog kagabi kaya sigurado siyang magigising rin ng maaga si Zac. Alas diyes naman ang schedule ng pagpasok niya sa opisina kaya't marami pa siyang oras para alagaan ang anak. "How is Theo, Richard? Nasa ospital pa rin ba kayo?" "No, we're home already. He is doing fine now after his treatment yesterday. I have a good news for you." "Uuwi na kayo?" Kunyari ay excited na siya sa pag-uwi ng dalawa. Pero hindi niya maintindihan kung bakit may parte sa puso niya na sana ay magtagal pa ang dalawa sa Amerika. Ipinilig niya ang ulo para alisin ang anumang sumasagi sa isip niya. Dapat ay siya ang mang-aakit at magpapaikot sa mga palad niya kay Renzo. "Rayver will be comi

