"Nandito ka na naman?" inis na wika ni Einna nang wala pang kalahating oras ay nasa opisina na naman niya si Renzo. Kaya niyang sungitan ito nang sungitan dahil tila wala namang epekto dito ang inis niya. Pero kung palagi silang magkakasama ay mahihirapan na naman siyang itanggi ang damdamin niya. Sa dami ng g'wapong lalaki na nakadaupang palad niya pati sa Amerika, iba talag ang epekto ni Renzo sa sistema niya. "Kailangang kasama kita sa lahat ng lakad ko." Umirap siya sa sinabi nito dahil wala siyang balak magdididikit sa binata. "Ano ka, bata?" "Paano kang matututo kung nandito ka lang sa loob ng silid ng tatay mo?" "Theo is my husband! Wala ka ba talagang respeto sa asawa ko?!" "Malaki ang problema ng kompanya, simula sa sales, marketing, at lalong-lalo na sa finance," patuloy nit

