"How is Theo, Richard? Maayos ba kayong nakarating sa New York?" tanong niya kay Richard nang tumawag ito. Isang oras na ang lumipas mula nang mag-usap sila ni Renzo. Gusto niyang umuwi na lang dahil wala naman siyang alam gawin sa Metro Pacific ngayong wala si Theo sa tabi niya. "Tumuloy kami kaagad sa ospital dahil nanghihina daw siya. Kaagad siyang kinuhanan ng dugo at mamaya naman ay pupuntahan siya ng doktor." "Do you need my help? Puwede kaming magpunta sa New York ni Zac kung kailangan niyo kami." "Si Rayver ang kailangan ni Theo. Hindi mo pa rin ba makumbinsi ang anak niya na magpakita man lang?" "I will try again----" "Wait, Renzo is calling Theo. Theo cannot attend any phone calls right now. Kasama mo ba si Renzo ngayon?" "No. Pero nandito siya kanina sa opisina." "I'll ta

