"Sigurado ka ba talagang pagkakatiwalaan mo si Renzo Albano, Theo? Kalaban pa rin siya ng kompanya mo. May hidden agenda siya kaya niya binili ang twenty percent shares ng Metro Pacific," bungad niya kay Theo na kasalukuyang nanonood lang ng evenign news. Kalmadong-kalmado ito na tila ipinapaubaya na lang lahat sa kanila ni Renzo ang anumang problema sa kompanya. Matapos nilang mag-usap kanina ng dating kasintahan ay hindi na ito bumalik. Nagsabi ito sa sekretaryang si Susan na sabihing may meeting ito sa labas. Ipinagpasalamat naman niya na hindi sila nagkita maghapon. Hindi niya alam kung paano haharap dito matapos angkinin ang mga labi niya at napaluha siya sa samu't saring damdaming hatid ng halik nito. Na-realize ni Renzo na mali ang lahat ng ibinibintang sa kanya noon. Pero sa dam

