"We also have our own driver, Mr. Albano, hindi mo ako kailangang sunduin dito sa bahay ng asawa ko," wika niya nang paandarin nito ang sasakyan. "May mga mahalagang bagay kaming pinag-usapan ni Theo bago ako magsimula sa Metro Pacific. "After all, we're not strangers. Why shouldn't I take you out?" "Ano nga pala ang agreement ninyo ni Theo? Hanggang kailan ka papasok sa Metro Pacific? May sarili kang kompanya para abalahin pa ang sarili mo sa kompanya ng iba." Sa bintana siya nakatingin para ipakita na hindi siya interesadong tingnan ito. Gumagawa lang siya ng pag-uusap nila nang hindi naman siya mabingi sa katahimikan. "Let's not talk about business yet. How are you?" pag-iiba nito ng usapan. Isang tipid na ngiti ang pinakawalan niya. "I'm fine. Pero hindi ko rin gustong pag-usa

