Chapter 5

1432 Words
"Renzo Albano..." Nakipagkamay at nagyakapan kaagad sila Tommy na isa sa mga kaibigan niya noong college. Nasa Real Estate ang negosyo ng pamilya nito na hindi rin biro ang yaman. "Tommy Padua. It's nice to see you again, brother." "Ikaw ang ngayon lang ulit napadpad dito. Ang balita ko subsob na subsob ka sa pagiging abogado. Hindi ka pa nagsasawang mag-aral?" nakatawa nitong wika. Nasa Zenclub siya ulit na mas madalas niyang gawin ngayon dahil sa yaya nila Drake. "Ilang linggo na rin akong pabalik-balik dito. I need to unwind once in a while. Mahirap naman na puro libro na lang ang kasama ko. What's up? Still single?" "Yep. Mahirap pang mag-commit kung hindi ko maiwan ang Zenclub." Nagtawanan sila sabay yaya niya dito sa isang cocktail table. "May ka-date ka?" tanong niya. "Rosette Delos Reyes. I don't know if you know her, but she's the Mayor's daughter in Pasig." "Uhm. Sounds familiar. I think I know her." "Ikaw? Sino ang ka-date mo?" "Drake. My cousin." "Drake? Bakit naman?" Parang gusto pa siyang tawanan ni Tommy dahil pinsan niya ang kasama niya ngayon dito. Nawalan na siya ng gana kay Vina matapos malaman na nakipag-date din ito sa ibang lalaki. Although he has no right to demand because they were not even exclusively dating, he hated the idea that a woman can date more than one man at the same time. Hindi lang naman kasi simpleng date ang nangyayari kapag sila ang magkasama. The thought that Vina also allows other man to touch and kiss her the way he used to, it was a big turn off. Masyado yata siyang nadala sa pakikipagrelasyon niya kay Hazel. Even small things becomes a big deal to him. "I'm not into a serious relationship for now. Masyadong okupado ang oras ko dahil pumapasok din ako sa Albano Hotel at nagpupunta rin ako sa Bacolod para bisitahin ang farm namin doon." Malago na ang pineapple farm ng kapatid niyang si Elize na ngayon ay masaya na sa piling ng asawang si Jackson. Sa kanilang magpipinsan ay silang dalawa na lang ni Drake ang wala pang asawa. Drake is older by two years. Pero wala pa rin sa isip nito ang paglagay sa tahimik na buhay. Hindi naman nila kailangang magmadali dahil malayo pa sila sa trenta anyos. "Kunsabagay... At napakaraming kadalagahan dito na puwede mong i-date. Look around us. Ilang babae ang kanina pa nakatingin sa 'yo na umaasang mapansin mo." Isang mahinang tawa ang pinakawalan niya. Totoo naman 'yun. Kanina pa lang pagpasok niya'y naglingunan na ang mga kababaihan, kahit pa iyong may mga ka-date na. Napailing na lang siya saka dinala labi ang mamahaling beer na inilapag ng waiter sa mesa nila. Iyon ang bagay na biniyayaan talaga sila ng Diyos. Bukod sa magandang negosyo na nag-aakyat sa kanila ng milyon araw-araw, hindi rin matatawaran ang gandang lahi na mayroon sila. Mula sa Uncle Zane niya, Uncle Zandro, ang Papa niya; hanggang ngayon ay kinakikiligan pa rin ng mga babae. May mangilan-ngilan pa ngang endorsements ang mga uncle at pinsan niya kahit pa mahal ang presyo. Siya ay tangging-tanggi na maging modelo pero kailan lang ay naisama pa talaga sa Top 100 Most Handsome Faces ng isang sikat na magazine. "Bakit wala pa si Rosette?" tanong niya na iniwasang tingnan ang ilang grupo ng kababaihan na nagpapapansin sa kanya. "She's here." Nakatingin si Tommy sa pinto at kaagad nang tumayo. Tumayo rin siya nang magpaalam ang kaibigan at napatingin rin sa pinto. Sa halip na kay Rosette ang tingin niya ay sa babaeng sa likod nito na halos kasabay lang nitong pumasok. That young woman at Mr. Nakamura's wedding. Sa iba ito nakatingin kaya't nagawa pa niya suriin ang kabuuan nito. She was smiling at the woman beside her. Hindi nga ito mapagkakamalan na hindi mayaman dahil kutis pa lang ay makinis rin ang dalaga. Maayos din itong manamit, may alahas na hindi rin naman biro ang halaga. At dahil umiikot ang mata nito na tila sadyang may hinahanap, mabilis ang mata niyang umiwas kaagad bago pa magtama ang paningin nila. "Hindi ko na ipakikilala sa 'yo si Rosette, baka makuha pa ang atensyon mo." Isang mahinang tawa ang pinakawalan niya. "Let's accept tha fact that no man can compete with an Albano when it comes to women. Baka imbes na sagutin ako maunsyami pa." "You've got an excellent sense of humor, Tom. That alone can attract hundreds of women. Boring akong kausap madalas kaya wala silang mapapala sa 'kin. Go ahead and enjoy your date. Kapag hindi dumating si Drake ng ilang minuto baka umalis na rin ako." Muli siyang bumalik sa pagkakaupo. Sa sulok ng mata niya ay nakita niyang umupo ang isang lalaking kasama nito sa tabi ng dalaga bago tinawag ang waiter. May isa pang babae na kasama ng mga ito pero wala itong kasamang ka-date. It seems that the man beside that young woman was trying to please her. Namukha pa ngang third-wheel ang isa pang babae. The man was constantly talking to her, giving her drinks, and holding her waist. Hindi niya alam kung bakit siya naiinis. Kung susuriin ang lalaki ay hindi naman gano'n ka-g'wapo. Pero baka mayaman. Inubos niya ang beer na hawak dahil balak niya nang umuwi. Pero bago pa siya tumayo ay dumating naman si Drake. "Kanina ka pa?" "Uhm. What's up? Tuloy ba kayo sa Batangas sa Linggo?" Madalas umuuwi sa Batangas ngayon ang mag-anak ng Uncle Zandro niya dahil may beach resort at farm na ang mga ito doon. "Yep. You want to go? Iwanan mo muna ang city life." "Kung magsalita ka parang hindi ako umuuwi sa Bacolod. I'm spending farm life once in a while." "Ayaw mong sumama?" "I need to report to Dad first. Napapabayaan ko na ang trabaho ko sa opisina. Sesermunan na rin ako ni Kuya Ethan," nakatawa niyang sabi. Wala siya sa mood gumala ngayon. Nawalan yata siya ng gana sa maraming bagay mula nang magkaroon sila ng gulo ng mga Tan. "Hindi ka pa rin ba nakakabalik sa dating sigla? Do you still love Hazel? Mukhang hindi naman ah." Mabilis din siyang tumanggi. Wala naman na siyang nararamdamang pagmamahal sa dating kasintahan. Kahit anong damdamin, wala na talaga. Maliban sa inis. Hindi niya mapaniwalaan na gustong pabagsakin ng mga Alonte-Tan ang Albano Air. At sumakay si Hazel sa gusto ng pamilya nito. She used her body and charm to try her luck. Kaya siya naiinis sa babaeng nasa balintataw niya ngayon dahil isa rin yata itong manggagamit. Sandali siyang sumulyap sa kinaroroonan nito. "That girl is beautiful. Nakikita mo ba?" "Where?" patay-malisya niyang tanong kay Drake na inalis ang tingin sa babae. "Yung naka-halter top dress. Kaya lang may kasama." "Nandito ka ba para maka-hook ng babae?" Idinaan niya sa tawa ang tanong. "Hindi ka pa rin ba nagsasawa sa ganyan? How many one-night stand have you had?" Tumawa rin si Drake na hindi sinagot ang tanong niya. Kinakabahan siya dahil nakatuon ang tingin nito sa babaeng sinusuri din niya nang palihim. Tinawag nito ang waiter saka nag-request ng ladies' drink. Nagulat siya nang sinabi nitong ipapadala nito sa babaeng naka-halter top dress. "Are you out of your mind? She has a date, bro." Sigurado siyang kapag lumingon ang babae sa kinaroroonan nila ay magtatama ang paningin nila. Hindi niya gustong makita siya ulit nito. "I don't think he is her date. Yung isang babae ang dinala nung lalaki sa dancefloor." Kaagad siyang napalingon sa babae. Tamang-tama naman na dinala ng waiter ang inuming order ni Drake at tinuro ang kinaroroonan nila. Sa halip na kay Drake ito kumaway ay sa kanya na hindi niya nagawang ngitian. Hindi niya gustong isipin nito na siya ang interesado. "Kumaway sa 'yo. Ikaw pala ang type," tudyo ni Drake. "No, she misunderstood it. She thought I was the one who gave her the drink. Bakit mo pa kasi binigyan?" Wala pa ring ngiti sa labi niya nang harapin ang pinsan. "What's wrong with that? Hindi mo type? Ang bitter mo yata ngayon sa mga babae? What happened to Vina?" "Gone. She's dating someone else." Um-order tuloy siya ulit ng isa pang beer sa waiter para doon ituon ang inis niya. "Tamang-tama, ayan oh. She's beautiful and has a charming smile. Ikaw naman ang type e, why don't we ask her name?" "I don't like her," kaagad niyang depensa. Pero mukhang pinagkatuwaan siya ni Drake ngayong gabi dahil tumayo ito at lumapit pa sa babae. Bago pa niya maintindihan kung ano ang sinabi ng pinsan ay tumayo na ang babae at sumama kay Drake pabalik sa mesa nila. Shit
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD